You are on page 1of 6

School Camam-onan Elementary School Grade 3

Level
Teacher KRISTAL MAE G. PERRAL Learning FILIPINO
Area
Date & January 16, 2024/ 2:42-3:32 pm Quarter Quarter 2
Time Duration WEEK 7, Day 2

Detalyadong Banghay Aralin sa


Filipino III

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahan na:
 natutukoy ang mga panghalip pananong sa pangungusap;
 nabibigyang-diin ang kahalagahan ng paggamit ng panghalip pananong sa
pangungusap;
 nakasusulat ng sariling pangungusap gamit ang panghalip na pananong.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Angkop na salita sa Pagtatanong o Panghalip Pananong
b. Sanggunian: Filipino – MELC,Modyul, Internet
c. Kagamitan: Mga Larawan ,Powerpoint Presentation
d. Integrasyon: Science, Araling Panlipunan
e. Stratehiya: Differentiated Instruction

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
 Pambungad na Panalangin
Magsitayo tayong lahat para sa pambungad Sa Ngalan ng Ama, anak at Espirito
na panalangin. _________ ikaw ang Santo. Amen!
manguna.

 Pagbati sa mga Mag-aaral


Magandang buhay mga bata! Kumusta ang Magandang buhay po Ma’am Kristal!
gising ninyo? Lahat ba ay nakakain ng Okay lang po kami. Opo kumain po
almusal? kami ng agahan.

Mabuti naman! Kaya bago kayo umupo iayos


niyo muna ang inyong mga upuan at Okay po Ma’am Kristal!
siguraduhing ito ay nasa tamang linya. Okay
ba?
 Pagtsetsek ng Lumiban sa Klase

Sino ba ang lumiban sa klase natin ngayon? Wala pong lumiban sa klase Ma’am
Kristal.

 Balik-aral

Tama ,magaling mga bata.

Alamin mo na natin ang mga layunin sa aralin


ngayon.
-Natutukoy ang mga panghalip
pananong sa pangungusap;
-Nabibigyang-diin ang kahalagahan ng
paggamit ng panghalip pananong sa
pangungusap;
-Nakakasulat ng sariling pangungusap
gamit ang panghalip na pananong

B. Panlinang na Gawain
 Pagganyak

Bago tayo pumunta sa ating aralin,tumayo (Kumakanta ang mga bata)


muna ang lahat at tayo ay kakanta ng ‘’Ang
mga ibon na lumilipad’’

Handa na ba kayo?

Mga tanong:
Ano ang pamagat ng kanta? Ang mga ibon na lumilipad.
Sino ang mga naglalaro? Mga bata.
Ilan ang hayop na nabanggit sa kanta? Dalawa .
Saan lumalangoy ang mga isda? Sa ilog.
 Paglalahad

Mga bata may inihanda akong maikling


kwento. Sabay-sabay nating basahin at pagkatapos
sasagutin Ninyo ang aking mga katanungan.

Handa na ba kayo? Handa na po Ma’am!

Pagtatalakay

(Pagkatapos nilang basahin ipinaintindi ng


guro ang kwento at may tinanong na mga (Sumasagot ang mga bata)
katanungan)

Magaling mga bata!

Ngayon naman gagawa tayo ng mga


katanungan base sa ating binasa gamit ang Opo, Ma’am!
mga panghalip pananong.Kaya niyo bang
gumawa?

Ano nga ulit ang ibig sabihin ng panghalip Ito ay mga salitang nagtatanong.
pananong?
Tama, ano-ano ang mga panghalip pananong Ano, Sino, Saan, Kailan at Ilan
na ating gagamitin sa paggawa ng
katanungan?

Aba! Magaling mga bata!

Sino ang gustong unang gagawa ng tanong Ako po, Ma’am!


base sa kwentong ating binasa?

(Nakikilahok ang mga bata sa paggawa


ngM katanungan)

Tama, magaling mga bata!

Sa larawang ito , sino ang makakagawa ng Ako po Ma’am!


pangungusap?

Magaling mga bata!

Ngayon naman, magbigay kayo ng halimbawa (Sumasagot ang mga bata)


ng pangungusap na gamit ang limang panghalip na
pananong.

• Paglalapat (Differentiated Activities)

Para sa pangkatang gawain, hahatiin ko ang


klase sa Tatlong grupo at may mga Gawain
ang bawat grupo.

Pangkat 1
Bubuoin ng grupo ang mga
pangungusap na gamit ang angkop na
salita sa pagtatanong.

Pangkat 2
Gagawan ng grupo ng pangungusap
ang mga larawan gamit ang mga panghalip
pananong.
Pangkat 3

May babasahin na maikling kwento


ang grupo at pagkatapos nito ay gagawan
nila ng pangungusap na gamit ang mga
panghalip pananong.

Pamantayan sa paggawa ng aktibidad:

1. Magtrabaho ng tahimik
2. Makipagtulungan sa mga ka.grupo
3. Obserbahan ang pamamahala ng oras.

 Paglalahat

Mga bata ano nga ulit ang panghalip


pananong? Ang panghalip pananong ay mga
salitang ginagamit sa pagtatanong.

Ano-ano ang mga angkop na salita sa


pagtatanong? Ano, Sino, Saan, Kailan at Ilan

Anong bantas ang ginagamit kapag tayo ay


nagtatanong? Tandang Pananong po Ma’am.

Ano ang gagamitin mong tanong kapag gusto


mo malaman an pangalan ng tao?
Sino po.
Kapag lugar?

Kapag panahon? Saan po.

Kapag bilang? Kailan po.

Ilan po.
Magaling mga bata!
Bakit kaya kailangan nating malaman ang
tama o angkop na salita sa pagtatanong?
Upang alam natin kung ano ang
nararapat na salita kapag nagtatanong.
Magaling mga bata,bigyang ng nakakabinging
Palakpakan.

IV. Pagtataya
A. Panuto: Bilugan ang tamang salitang bubuo sa pangungusap na patanong.
1. (Sino, Saan, Kailan) kayo pupunta sa Cebu?
2. (Ano, Sino, Kailan) ang nagbigay sayo ng tsokolate?
3. (Saan, Sino, Ano) ka pumunta kanina?
4. (Ano, Sino, Kailan) ang ginawa Ninyo sa paaralan?
5.(Ilan, Sino, Ano) kayong magkakapatid?
.

V. Gawaing Bahay
Gumawa ng tig-limang pangungusap gamit ang mga panghalip pananong.

Inihanda ni:
KRISTAL MAE G. PERRAL
Grade III Teacher

Iwinasto ni:

LESLEE F. CANDA
Principal I

You might also like