You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Filipino 5

l. Layunin

a. Natutukoy ang mga pangangalan


b. Nasasagot ang mga katanungan
c. Nakapagbibigay ng halimbwa ng pangngalan.

ll. Paksa
Mag-ingat sa Pakikipag-usap/ Gamit ng Pangngalan

Kagamitan:
Manila paper, pentel pen, larawan at worksheet

Sanggunian:
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon (Batayang Aklat Baitang 5)

lll. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Tanong Pagganyak

(Mayroon ako sa inyong ipapakitang Mga inaasahang sagot:


limang larawan, at tutukuyin nyo kung ano
ang mga nasa larawan). 1. Hayop
2. Bagay
3. Tao
4. Lugar
5. Pangyayari

1.
Ano ang nakikita nyo dito sa unang
larawan?

2.
Ano naman ang nakikita nyo
dito?
3.
Anu-ano ang mga nakikita nyo?

4.
Sa ika apat na larawan, ano naman
ang nakikita nyo?

5.
At dito sa huling larawan, ano ang Pangngalan
tawag dito?

Magaling mga bata!

B. Tanong Pagganyak

Anong tawag ng mga ipinakita ko sa


inyo kaninang mga larawan?
(Babasahin ng mga maag-aaral ang
C. Paghahawan ng Balakid mga pangungusap at ibibigay ang
kahulugan ng may salungguhit).
Bago tayo magbasa ng kwento, alamin
muna natin ang dalawang kahulugan ng 1.tumambad
may salungguhit.

(Tatawag ang guro ng mga mag-aaral


na magbabasa ng panungusap). 2.seryoso/buong isip

1. Bumungad sa harapan ni Mike


ang kanyang mabait na guro.
Opo!

2. Gusto ni Riza na makausap si CJ


ng masinsinan.
D. Pagbabasa ng Aralin
Opo!
Handa na ba kyo?

Ang pamagat ng kuwento na babasahin


natin ngayong hapon ay tungkol sa “Mag-
ingat sa Pakikipag-usap”.

(Bibigyan ng guro ng mga kopya ang


mag-aaral).

Ako muna ang magbabasa at kapag


tumigil ako, isa sa inyo ang magpapatuloy.

Nauunawaan po ba?

MAG-INGAT SA PAKIKIPAG-USAP

“Yong telepono, Victor! Ikaw na ang


sumagot,” ang sabi ni Ate Becky. “Hello? “Ano daw iyon?” ang tanong ni Ate
Opo, dito nga po. Bakit po?” ang tanong ni Becky nang ibinaba na ni Victor
Victor sa kausap. May ilang saglit na ‘yong telepono. “Sabi ng kausap ko,
lumipas. “Po? Naaksidente at kailangang naaksidente daw sina Mommy
dalhin agad sa ospital? Nagkakamali po kanina. Kailangan daw puntahan
yata kayo. Kani-kanina lang po ay agad sa ospital at tuturuan niya ako
tumawag dito sina Mommy at sabi ay ng dapat gawin.”
pauwi na sila.”

Sino ang gustong magpatuloy?

“Ha? Paanong mangyayari iyon?”


ang tanong ng kaniyang Ate Becky.
“Hindi nga ako naniwala at naisip
Tigil, sino ang gustong magpatuloy? kong manloloko iyon kaya agad-
agad kong ibinaba ang telepono,”
ang pahayag ni Victor.

Tigil….
Maya-maya ay may kumatok sa pinto.
Nang buksan nila ito, bumungad ang
kanilang Mommy at Daddy na maraming
dalang pinamili sa palengke. “Mukhang
masinsinan yata ang pinag-uusapan
ninyong magkapatid?” ang bungad ng
mag-asawa.
Ikinuwento ni Victor ang tungkol
Sino ang gustong magpatuloy? sa tawag sa telepono. “Naku,
mabuti na lang, Anak, at hindi ka
naniwala. Marami talagang
manloloko sa panahon ngayon. Ang
galing talaga ng anak ko!” ang sabi
ng Mommy niya sabay halik sa
kaniya.

E. Pagtalakay ng Kuwento
1.Mag-ingat sa Pakikipag-usap
1.Ano ang pamagat ng kuwento?
2.Victor, Ate Becky, Mommy ar
Daddy
2. Sinu-sino ang mga tauhan sa
3. Oo, dahil dapat di tayo naniniwala
kuwento?
basta basta kung hindi natin kilala
sa panahon ngayon maraming
3. Kung mahaharap ka sa
manloloko.
sitwasyong tulad ng kay Victor,
gagawin mo rin ba ang ginawa
niya? Bakit?

F. Pagsasanib ng Wika Ngalan ng tao, bagay at lugar o


pook.
Balikan natin ang kuwento.

Anu-ano ang mga ginamit na


pangngalan sa kuwento?

Tama! Ang pangngalan ay salita o isang


bahagi ng pangungusp na tumutukoy sa
ngalan ng tao, bagay, lugar o pook at
pangyayari.

Magbigay ng mga halimbawa gamit ang (Ang mga mag-aral ay nag bigay ng
pangngalan. mga halimbawa gamit ang
pangngalan).

1.Gumising ng maaga si Amara.


2.Ang manok sa bakuran ay
tumitilaok.

3. Kami ay pumunta sa
Catanduanes noong nakaraang
taon.

G. Paglalapat

Pangkatang Gawain.

Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat,


bawat pangkat ay gagawa ng limang (Gagawin ng mga mag-aaral ang
pangungusap gamit ang pangngalan. pangkatang gawain).

Bibigyan ko kayo ng limang minuto para


gawin ang pangkatang gawain. Opo!

Tapos na ba ang bawat pangkat? (Nakikinig ang mga mag-aaral).

Ang leader ng bawat pangkat ay mag


present ng inyong mga sagot sa unahan.

H. Paglalahat
Ang pangngalan ay salita o bahagi
Paano ginagamit ang mga pangngalan
ng pangungusap na tumutukoy sa
sa pangungusap?
ngalan. Ginagamit din ang pamilang
isang, o sang, sam, at son na mga
hangong salita nito.
Ano ang mga halimbawa ng
Ang mga halimbawa ng
pangngalan?
pangngalan ay

 Ngalan ng tao – tatay, Andres


Bonifacio, Confucius

 Ngalan ng hayop – aso, manok,


agila

 Ngalan ng bagay – libro, lapis,


papel

 Ngalan ng pook/lugar – bansa,


lungsod, Thailand, Makati.
IV.PAGTATAYA

Gawain 1

Panuto: Isulat sa patlang kung ang may


salungguhit ay ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar o pangyayari. 1.Bagay
2.Pangyayari
1. Ang bagong bag na ito ay regalo mula 3.Lugar
sa pinsan ko. 4.Hayop
5.Tao
2. Maghahand tayo para sa nalalapit na
pasko.

3. Pupunta sila Jane sa parke mamayang


hapon kasama ang kaniyang ina.

4. Nakita mo ba ang mga itlog ng manok


sa ilalim ng mesa?
5. Si Regina ay nanalo sa patimpalak na
ginanap noong nakaraan.

Gawain 2

Panuto: Isulat sa patlang kung ito ay T-


Tao, B-Bagay, L-Lugar, H-Hayop.
1. L
_____1. Paaralan 2. B
_____2. Damit 3. H
_____3. Unggoy 4. T
_____4. Pulis 5. L
_____5. Simbahan

V.TAKDANG-ARALIN

Pumili ng dalawang salita kung ito ay TAO, BAGAY, LUGAR, HAYOP O


PANGYAYARI. Gumupit ng larawan batay sa mga salitang inyong napili. Idikit ito
sa long bond paper.

You might also like