You are on page 1of 5

GRADES 1 School Caracaran Elem.

Grade Level GRADE 2


to 12 School
DAILY Teacher LEA B. MARMOL Learning Area FILIPINO 2
LESSON Teaching Date and JULY 5, 2021 Quarter 4TH QUARTER
PLAN Time

I. LAYUNIN Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita ng sariling ideya,


A. Pamantayang kaisipan, karanasan at damdamin
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Naipapahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon ng may wastong
Pagganap tono, diin, bilis, antala at intonasyon.
C. Mga Kasanayan sa Nagagamit nang wasto ang mga pang-ukol na ni/nina, kay/nina, ayon sa,
Pagkatuto ukol sa, para sa
D. LC Code F2WG-IIIhi-7
II. NILALAMAN Paggamit nang wasto ng mga pang-ukol na ni/nina
III.MGA KAGAMITANG K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum Mayo 2016
PANTURO p. 31, 33-34
Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga Pahina sa Ang Bagong Batang Pinoy p. 399-401
Kagamitang PangMag-
aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan Mula sa LR
Portal
5. Iba Pang Kagamitang Larawan, projector, loptop
Panturo
IV.PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Pagbuo ng larawan
nakaraang aralin at/ o Tingnan at kunin ang nakadikit na pira-pirasong larawan sa ilalim ng upuan
pagsisimula ng bagong at paunahang makabuo nito. Idikit sa pisara ang nabuo. Ang unang mag-
aralin aaral na makabuo ng larawan ang siyang panalo.
 Larawan ng Regalo
Itanong:
Ano ang nabuo ninyong larawan?
Kailan tayo nakakatanggap ng ganito?
Anong pinakamahalagang regalo ang natanggap mo?
Sino ang nagbigay sayo nito?
Paano mo ito pinahahalagahan?

B. Paghahabi sa layunin Paghahawan ng balakid.


ng aralin LARO: Iguguhit ko, Huhulaan mo.
Hatiin sa dalawang grupo ang mga bata.
Pumili ng isang lider sa kada grupo at papuntahin sa unahan.
Bigyan sila ng isang salita na kanilang iguguhit.
Ang kanilang kagrupo ay paunahang makahula ng iginuguhit ng kanilang
lider.
Kapag nahulaan ng kagrupo ang sagot itataas ng lider ang kanyang kamay.
At ang unang grupo na makahula ang syang panalo.
 Bisikleta
 Lungsod
 Regalo
PAGGANYAK NA TANONG
Ano ang napakahalagang bagay ang natanggap ng magkakaibigan?
C. Pag-uugnay ng mga Basahin ng lahat ang maikling usapan.
halimbawa sa bagong Tatawag ng mga bata na magbabasa ng usapan.
aralin
ANG MAGKAKAIBIGAN SA CARACARAN

Jomar: May bago akong bisikleta. Binili ito sa lungsod ng legazpi ni


Tatay.

Peter: Talaga? Ako rin. Binigay ito sa akin nina Tito Romy at Tita Amor.
Ginamit na raw ito ng mga pinsan ko, pero maayos pa naman.

Emman: Regalo rin sa akin ni Ninong Marlo itong bisikleta ko. Binigay niya
ito noong kaarawan ko.

Jomar: Tayo na.

Peter at Emman: Saan tayo pupunta?

Jomar: Pupunta tayo sa plasa. Magbibisikleta tayo.

Peter: Gusto ko iyan.

Jomar: Sige, ngunit mag-iingat tayo at uuwi tayo nang maaga. Ayokong
mag-alala sina Tatay at Nanay.

Peter: Oo naman. Iingatan din natin itong mga regalo sa atin.

Tanong:

Anong napakahalagang bagay ang natanggap ng magkakaibigan?


Sino-sino ang magkakaibigan?
Sino-sino ang nagbigay sa kanila ng bisikleta?
Saan sila nagbisikleta?

D. Pagtatalakay ng Ipabasa sa mga bata


bagong konsepto at
paglalahad ng bagong Binili ito sa bayan ni Tatay.
kasanayan #1 Binigay ito sa akin nina Tito Romy at Tita Amor.
Regalo rin sa akin ni Ninong Marlo itong bisikleta ko.

Talakayin.

Ano-anong mga salita ang may salungguhit?


Anong tanging ngalan ang nasusundan ng salitang ni?
(Tatay, Ninong Marlo)
Ilang tiyak na tao ang tinutukoy ng salitang ni?
Ano-anong tanging ngalan naman ang nasusundan ng salitang nina? (Tito
Romy at Tita Amor)
Ilang tiyak na tao ang tinutukoy na salitang nina?
Ano ang tawag sa mga salitang ni at nina?
(pang-ukol)
Pang-ukol ang tawag sa mga salitang ni at nina.
Ginagamit ang ni kung tumutukoy ito sa isang tiyak na tao.
Ginagamit ang nina kung ang isang bagay o kilos ay ginawa o para sa
dalawa o higit pang tiyak na tao.

E. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng bagong
kasanayan #2

F. Paglinang sa Pangkatang Gawain


Kabihasaan (Tungo sa  Pagbibigay pamantayan sa pakakaroon ng Gawain
Formative Assessment)  Hatiin ang mag-aaral sa tatlong grupo.
 Hahatiin sila ayon sa kanilang kakayahan
 Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng tagapag-ulat
PANGKAT 1 (MANGGA)
Isulat sa patlang ang tamang pang-ukol na bubuo sa pangungusap. Gamitin
ang mga pang-ukol na NI at NINA.

1. Kinain _______ Paul at Francis ang inihaw na isda.


2. Ang kwarto _______ Anton at Basti ay puno ng mga laruan.
3. Kinakausap _______ Christine ang Ama sa telepono.
4. Nililinis _______ Cardo ang kanyang kwarto.
5. Malayo ang bahay ________ Rafa at Zara mula sa amin.

PANGKAT 2 (MAKOPA)
Buuin ang kwento. Punan ng angkop na pang-ukol na ni o nina ang bawat
patlang upang mabuo ang diwa ng bawat talata. Basahin ang talata
pagkatapos.

Maagang gumising ang mag-anak ________ Mang Oscar at Aling


Lerma. Agad-agad na tinungo _______ Mang Oscar ang kusina at
ipinagluto ng agahan ang kanyang pamilya. Samantala, si Aling Lerma at
ang tatlo nilang anak na sina Roy, Phoebe, at Ivy ay nag-ayos ng kanilang
mga pinaghigaan. Pagkatapos, kinuha _______ Ivy at Phoebe ang walis at
bunot at agad na nagsimulang maglinis ng bahay, Pinuno naman _______
Roy ng tubig ang mga balde. Ikinatuwa _______ Mang Oscar at Aling
Lerma ang kasipagan ng mga anak.

PANGKAT 3 (MANSANAS)

Gumawa ng limang pangungusap gamit ang pang-ukol na NI at NINA.

1. ___________________________________________________
2. ___________________________________________________
3. ___________________________________________________
4. ___________________________________________________
5. ___________________________________________________

G. Paglalapat ng aralin Balikan ang usapan ng magkakaibigan sa Caracaran.


sa pang-araw-araw na
buhay Maingat ba sila sa kanilang gamit?
Maingat ka rin ba sa mga gamit mo?
Sa paanong paraan mo ito ginagawa?
Anong ugali mayroon ang magkakaibigan na dapat mong tularan?

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang tawag sa mga salitang ni at nina?


Kailan ginagamit ang pang-ukol na ni?
Kalian ginagamit ang pang-ukol na nina?
I. Pagtataya ng Aralin Gamitin angkop na pang-ukol na ni o nina ang bawat pangungusap.

1. Dinampot _______ Abet ang mga tuyong dahon upang gawing pataba sa
mga halaman.
2. Malaki ang pag-asa _______ Matilde, Lumeng at Tomas na muli nilang
makikita ang kanilang nawawalang kapatid.
3. Iniabot _______ Mayor Panganiban ang kanyang tulong sa mga
mahihirap na kababayan.
4. Ikinagulat _______ Ed, Flora, Resty at Amelia ang pagiging bagong
pinuno ni Koko.
5. Ipinahayag _______ Noel, Nikki at Janet ang kanilang mga damdamin.
J. Takdang-aralin/ Sumulat ng dalawang pangungusap gamit ang ni at dalawang pangungusap
Karagdagang Gawain din gamit ang nina.
V.MGA TALA

VI.PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral
na nakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga
magaaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F.Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punungguro at
superbisor?
G.Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

You might also like