You are on page 1of 4

College of Teacher Education

Prepared by: Almondia, Jesa O., BEED GENERALIST

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino V

Pabuod na Pamamaran (Inductive Method)

I. LAYUNIN

Sa loob ng 45 minutos, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakatutukoy ng mga pang-uri sa mga pangungusap,

b. napapahalagahan ang tamang paggamit ng mga uri at antas ng pang-uri sa


pangungusap, at

c. nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga pang-uri.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: PANG-URI

Konsepto: Malalaman ng mga mag-aaral kung ano ang gamit ng pang-uri, uri at mga
antas nito.

Kagamitan: mga larawan, biswal eyds

Sanggunian: Hiyas ng Lahi (panitikan, gramatika at retorika) 8, 184-185

III. PAMAMARAN (PABOUD)

A. Paghahanda
Mga Gawain:

1. Pagpapalinis ng silid-aralan
2. Panalangin at Pagbati
3. Pagtatala ng lumiban
4. Balik-aral (tungkol sa Pandiwa)
5. Pagganyak
Tatawag ng tatlong mag-aaral at papupuntahin sa harap. Ipalarawan
sa mga kaklase ang mga ito.

B. Paglalahad
Magbigay ng mga halimbawa ng mga pangungusap na may mga pang-uri.

1. Si Amara ay magandang bata.

2. Tatlo silang bumagsak kahapon.

3. Si Eddie ay tamad mag-aral.

4. Mas mabango ang sampaguita kaysa sa rosas.

5. Ubod ng sama ang ugali ni Gerry.

Tatawag ng mga mag-aaral at tatanungin kung saan sa pangungusap ang mga


salitang naglalarawan at salungguhitan ito.

Tatanungin din kung ano ang inilalarawan ng mga salita, bilugan naman ang mga
ito.

Ipaliwanag na ang mga salitang naglalarawan ay tinatawag na pang-uri at ito ay


bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o
panghalip.

C. Paghahambing at Paghahalaw

Ipaliwanag na may mga uri at antas ang pang-uri.

Ipaliwanag ang kaibahan ng mga ito.

D. Paglalahat
Ibuod ang paksang tinalakay at ipaliwanag ang kahalagahan ng mga pang-uri, uri
at mga antas nito sa pangungusap at kung kalian ginagamit ang mga ito.

E. Paggamit

Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Bigyan ng mga larawan ang bawat
pangkat.

Gamit ang mga pang-uri, bubuo sila ng tatlong pangungusap tungkol sa


mga larawang ibinigay.

IV. PAGTATAYA (EBALWASYON)

I. Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang antas ng pang-
uri, kung ito’y lantay, pahambing o pasukdol.

____________________1. Hari ng kakisigan si Sherwin.

____________________2. Mas makulit si Missy kumpara kay Liza.

____________________3. Si Jean-An ay mahinhin na bata.

____________________4. Si April ay mas matangkad kay Angela.

____________________5. Si Jecky ang pinakamahusay pagdating sa


kalokohan.

II. Identipikasyon: Tukuyin ang mga sumusunod. Isulat sa hdulo ng pangungusap ang
sagot.

1. Ito ay nagpapakilala ng bilang, halaga o dami ng pangngalan.

2. Naghahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.

3. Ang tawag sa mga salitang naglalarawan ng katangian, kulay, lasa, anyo, hugis
at laki ng pangngalan o panghalip.

4. Antas ng pang-uri na naglalarawan sa katangian ng pangngalan o panghalip.

5. Ito ay katangiang nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.


Mga sagot:

I II

1. Pasukdol 1. Pamilang

2. Pahambing 2. Pahambing

3. Lantay 3. Panglarawan

4. Pahambing 4. Lantay

5. Pasukdol 5. Pasukdol

IV. TAKDANG ARALIN

Pumili ng isang paksa, sumulat nang isang talata na hindi bababa sa limang
pangungusap, gamit ang mga pang-uri.

You might also like