You are on page 1of 7

Banghay-Aralin sa Filipino

Baitang 6

Markahan: Ikatlo Linggo 10 Araw 3

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasang:
a. Nakakabuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang ugat

II. PAKSANG-ARALIN
Paksang Aralin: Pagbuo Ng Mga Bagong Salita Gamit Ang Panlapi At Salitang Ugat

Kagamitan: Maikling Kwento: Espesyal Na Araw ni: Lyra M. Jesalva

Tsart, Ball pen papel, manila paper,laptop, activity card


Sanggunian: MELC - F6PT-IIIj-15

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN

 Panalangin
Bago natin simulan ang araw na ito,
magsitayo tayong lahat para
manalangin. Yes, sir.
Jovy, maari mo bang pangunahan? Sa ngalan ng ama, ng anak, at nang ispirito
santo… Amen.

 Pagbati
Magandng hapon mga bata! Magandang hapon din po.

 Pagtala ng liban
Mga bata, mayroon bang lumiban sa
klase natin ngayon? Wala po.

B. PAGGANYAK
Lahat ng estudiyante ay bibigyan ng salita at
Sila ay kukuha ng salita sa unahan upang
Makabuo ng salita na may pagbabago sa (kumuha ng salita sa unahan ang mga bata)
Kahulugan.

1. Paglalahad
Ngayon nmga bata may ipapabasa ako
sainyong maikling pinamagatang “Espesyal
Na Araw” ni Lyra M. Jesalya.
Mga bata ako muna magbabasa at Yes, sir.
pagkatapos ko ay kayon naman.

Espesyal Na Araw
ni: Lyra M. Jesalva

Sumikat ang araw sa may bintana ng kanyang silid,


agad na gumising si Edna Ngayon ay kaarawan niya
kaya agad siyang bumangon sa higaan at niligpit ito,
pagkatapos ay naglinis na siya nang kanyang sarili at
nagpalit ng bagong damit. Paglabas pa lamang niya sa
kanyang silid ay nakita na niya ang kanyang ina na
abalang abala sa paghahanda ng mga kinakailangan
para sa gaganaping pagtitipon sa araw na
iyon.Tumulong din siya sa paglilinis sa kanilang bahay,
darating kasi ang kanyang mga pinsan at kaibigan na
kanyang inimbitahan upang dumalo sa kanyang
kaarawan. Bago magsimula ang pagdiriwang ay
kinantahan siya ng kanyang mga panauhin ng
maligayang kaarawan. Mayroong iba't ibang mga
palaro para sa mga bata, tulad ng may sumasayaw at
kumakanta sabay sa indak ng tugtugin, may nag
uunahan umaakyat sa posting kawayan at may
payaso na nagpakitang gilas at maraming masasarap
na nakahain ang kinain ng mga bisita. for to
Napakasaya ni Edna sa buong maghapon na iyon sa
kanyang napakahalagang araw.

2. Paghawan ng mga Blakid o Sagabal


Ngunit bago tayo tumungo sa kuwento, alamin
muna natin ang salitang mahihirap na makikita o
mababasa sa kuwento.

Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may


salungguhit ayon sa context clue.

1. Ang payaso ay masayang nagpakitang gilas sa


harap ng maraming bisita. Nagbibigay kasiyahan

Base sa pagkakagamit ng salitang payaso sa


pangungusap ano kaya ang kahulugan nito?

Ang payaso ay isang taong nagbibigay kasiyahan


sa mga okasyon tulad ng kaarawan.

2. Marami ang dumalo sa pagtitipon ng mga


magsasaka. Pagpupulong

Ano naman ang kahulugan ng salitang


pagtitipon?

Pagpupulong or pagsasama sama ng mga tao sa


iisang lugar.

3. Kaarawan na niya bukas,

Ano naman ang salitang kaarawan?


Isang selebrasyon kung saan ipinagdiriwang ang
ito ang araw ng kapanganakan. araw ng kapanganakan

3. Pagganyak na tanong

Sino ang magdiriwang ng kaarawan?

4. Pagtalakay sa binasa
Naintindihan ba ang binasang kuwento?

At dahil oo meron akong katanungan tungkol sa


binasang kuwento.

1. ano ang pamagat ng kuwento?


2. Sino ang magdiriwang ng kaarawan? Espesyal na kaarawan
3. Ano ang mga palaro na ginawa sa araw ng Si edna
kaarawan ni Edna?
may sumasayaw at kumakanta sabay sa indak ng
tugtugin, may nag uunahan umaakyat sa posting
4. bakit kaya kailangan natin ipagdiriwang ang ating kawayan
kaarawan?
kasi isang beses sa isang taon lamang ito
naipagdiriwang

5. Paglinang ng kasanayan
Batay sa ating binasang kuwentong Espesyal na
Araw, isulat sa pisara ang mga ginawa ni Edna sa (Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata)
kanyang kaarawan. Nagpalit Nag-ayos
Gumising Naglinis
Bumangon Tumulong
 Ano bahagi ng pananalita ang mga salitang
ito? Salitang kilos
 Ano ang salitang ugat sa bawat salita?
Nagpalit – palit
Gumising – Gising
Bumangon – Bangon
Nag-ayos – Ayos
Naglinis – Linis
 Ano ang tawag sa mga letra o pantig na Tumulong – Tulong
idinagdag sa bawat salitang-ugat?
 Kung maapnsin Ninyo, ano ang nangyayari Panlapi
kapag nilalagyan ng panlapi ang salitang
ugat? Nababgo ang kahulugan

TALAKAY NG GURO

Panlapi- ito ay mga letra o pantig na idinadagdag


sa mga salitang salitang-ugat Ang pagdaragdag ng
panlapi ay nagdudulot nang pagbabago sa
kahulugan ng salitang-ugat. Nalalaman din kung
ang salitang kilos ay ginawa na, ginagawa o
gagawin pa lamang kapag dinaragdagan ng
panlapi ang pandiwa.

Salitang-ugat-ito ay salita na wala pang panlaping


idinaragdag. Ito ay nagtataglay na ng kahulugan
ngunit nagbabago kapag may panlaping
idinaragdag.

Ang panlapi ay mayroong tatlong uri:

Para malaman ang tatlong uri, igrugrupo ko kayo sa


tatlo.

PANUTO: Ang gagawin niyo ay ipaliwanag ang uri ng


panlapi base sa halimbawang nasa loob ng envelope.

Unang grupo
UNLAPI – Mahusay, Palabiro, Makatao, Malaki

Pangalawang grupo Unlapi nasa unahan makikita ang panlapi


GITLAPI – Lumakad, Pumunta, Binasa, Tinalon

Pangatlong grupo Gitlapi nasa gitna ang panlapi


HULAPI – Talaan, Batuhan, Sulatan, Aralin

Hulapi ay nasa huli ang panlapi


UNLAPI – matatagpuan sa unahan ng salitang ugat.

Magbigay ng salita na may unlapi?

Tama bigyan ng limang palakpak


Masarap po
GITLAPI – ay matatgpuan sa gitna ng salitang ugat.
Ang karaniwang gitlapi sa Filipino ay – in at – um
Magbigay ng salita na may gitlapi?

HULAPI – matatgpuan sa hulihan ng salitang ugat. Sinagot


Ang mga karaniwang hulapi ay – an, - han, - in, at –
hin.

Magbigay ng salita na may hulapi?

Naintindihan po bam ga bata? Habulin

PANGKATANG GAWAIN Opo

Ngayon magkakaroon ulit tayo ng pangkatang


Gawain, yung dating kagrupo niyo ay yun na rin ang
grupo niyo.

Bago ko ibigay ang Gawain, an oba ang dapat


isaalang- alang habang ginagawa ang pangkatang
Gawain?

Wag maingay.
Makibahagi.
Aasahan ko yan na magagwa niyo yan mga bata. Irespeto ang bawat isa

PANGKAT 1
Ipagisa ang salitang ugat at panlapi para makabuo ng
panibagong salita PANGKAT 1

Salitang-ugat Panlapi Bagomg salita


Takbo Han
Hawak An Salitang-ugat Panlapi Bagomg salita
Pulot Um Takbo Han TAKBUHAN
Takbo Um Hawak An HAWAKAN
Layo ma Pulot Um PUMULOT
Takbo Um Tumakbo
PANGKAT 2 Layo Ma malayo
Alamin kung ano ang salitang-ugat at panlaping
ginamit PANGKAT 2

Bagong salita Salitang-ugat Panlapi


Husgahan
Sunduin Bagong salita Salitang-ugat Panlapi
Kindatan Husgahan Husga Han
Sumulat Sunduin Sundo In
Biruin Kindatan Kindat an
PANGKAT 3 Sumulat Sulat Um
Biruin Biro in
Lagyan ng unlapi, gitlapi, at hulapi ang mga salitang PANGKAT 3
ugat na nasa loob ng envelope; BANGO at BASA BANGO BASA
UNLAPI Mabango Mabasa
GTLAPI Bumango Bumasa
HULAPI Banguhan basahin
Magagaling kayo mga bata at dahil diyan
Bigyan ng limang palakpak ang bawat grupo (palpakpakan)

6. Paglinang Sa Kabihasaan ( Tungo Sa


Formative Assessment )

A. Magpapakita ang guro ng mga panlapi,


pagkatapos mag-iisip ang mga bata ng
salitang- ugat para makabuo ng bagong
salita. Tatagwag ng 5 bata para magbahagi ng
nabuong salita.

um (panlapi) Umahon
Umakyat
Umiwas
Umilag
uminom

B. Magpapakita ang guro ng mga salitang-


ugat, pagkatapos mag-iisip ang mga bata ng
panlapi upang makabuo ng bagong salita.
Tatagwag ng 5 bata para magbahagi ng
nabuong salita.

sipa (salitang-ugat) Sipain


Sisipain
Pinagsisipa

(Malayang magbigay ang guro ng mga panlapi


at salitang-ugat)
7. Paglalahat ng Aralin
Ano nga ulit ang panlapi? Mga letrang idinadagdag upang makabuo ng
panibagong salita

Ano ang tatlong uri ng panlapi at ipaliwanag Unlapi – sa unahan


Gitlapi – sa gitna
Hulapi – sa hulihan

IV. Pagtaya ng Aralin


PANUTO: Buohin ang mga salita sa pamamagitan
ng paglalagay ng unlapi, gitlapi, at hulapi:
AMOY
UNLAPI Tinayo
GTLAPI Tumayo
HULAPI Tayuin
1) Tayo

2) Ligo INOM
LIGO
UNLAPI Maligo
Sasayaw
GTLAPI Liligo
Sumayaw
HULAPI Liguan
sayawan

3) sayaw

V. TAKDANG ARALIN
Gumawa ng graphic organizer tungkol sa mga salitang may panlaping- mag, han, um, in, at an.
Ang bawat panlapi ay mayroong limang 5 salita.

You might also like