You are on page 1of 5

DEMONSTRATION LESSON

THIRD QUARTER LAC SESSION

(LEARNING STYLESS IN TEACHING LOWER SECTIONS IN


PREPARATION FOR THE THIRD QUARTER CLASSROOM
OBSERVATION)

SAN FELIPE ELEMENTARY


Paaralan Baitang/Antas 5
Grade 5 SCHOOL
Daily Lesson Guro DAISY PADUA DELFIN Asignatura FILIPINO
Plan (Pang-araw-araw
NOVEMBER 15, 2019
naPagtuturo) Petsa/Oras Markahan Ika-Tatlo
9:00 – 10:00
IKA-APAT NA LINGGO MIYERKULES

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa


pagpapahayag ng sariling idea, kaisipian, karanasan, at damdamin.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng isang ulat o panayam.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nagagamit ang Pang-abay at Pang-uri sa paglalarawan (F5WG-


IIId-e-9)

II. NILALAMAN “Pang-abay at Pang-uri”

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Alab Fil. Manwal ng Guro ph 126-127

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- Alab Fil. Batayang Aklat ph.130-131 Yunit III Aralin 4
Mag-aaral Pagmamalasakit sa Kapuwa, Gawaing Pinagpapala ph 136-137

3. Mga pahina sa Teksbuk Alab Fil. Batayang Aklat ph.130-131 Yunit III Aralin 4
Pagmamalasakit sa Kapuwa, Gawaing Pinagpapala ph 136-137

4. Karagdagang Kagamitan mula sa


portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Powerpoint/tarpapel/MELC, mga larawan


Vlog: https://www.facebook.com/Sangguniang-Kabataan-Brgy-
San-Felipe-105589624670286

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o Basahin ang mga alituntunin sa silid aralan. (play video)
pagsisimula ng aralin
Balik-aral
(Passing the Bouquet/Ball)
Ilarawan ang bagay na mahawakan.
Habang nagpapatugtog ng isang awitin ang guro, ipapasa ng mga
mag – aaral ang bola. Kung huminto ang tugtog, ang batang may
hawak ng bola ay bubunot ng bagay sa kahon at ilarawan ito sa
gusto niyang paraan gaya ng hashtag hugot o pick up lines.
Halimbawa:
Ang chocolate sobrang tamis pero sa huli, nakakasawa na. Parang
ikaw!
Ang love parang chocolate, sweet nga, my expiration date naman.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Ipakita ang mga larawan ng magagandang lugar na maaaring
pasyalan sa ating barangay.

Ilarawan ang mga ito.


Magkaroon ng maikling talakayan tungkol dito.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Panoorin ang vlog ng mga Sangguniang Kabataan ng ating
bagong aralin barangay na nanalo ng pangalawang pwesto sa ginawang Youth
Contest ng ating bayan noong ika-25 ng Marso, 2021.

Vlog: https://www.facebook.com/Sangguniang-Kabataan-Brgy-San-
Felipe-105589624670286

Basahin at ipaliwanag ang pamantayan sa panonood.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Mga Tanong:


paglalahad ng bagong kasanayan #1 1. Nakapunta na rin ba kayo sa mga lugar na pinakita sa vlog?
2. Bakit maraming tao ang gustong mamasyal sa ating barangay?
3. Anong mga magagandang bagay ang nagbibigay ganda sa
lugar?
4. Ano ang maiiambag mo para mapanatili itong maayos at
maganda?
5. Paano mo ipagmamalaki ang ating barangay?
6. Pwede na bang mamasyal ngayon ang mga kabataang tulad
ninyo?
7. Anu-ano ang mga dapat tandaan kapag namamasyal?
> Talakayin ang mga Health Protocols na ipinapatupad ng Covid-
19 IATF (Inter-agency Task Force) at ng DOH (Depatment of
Health)

Suriin ang mga pangungusap na naglalarawan sa mga lugar na


pinakita sa vlog. Tukuyin ang gamit ng mga salitang naglalarawan.
1. Malinis ang Barangay San Felipe.
2. Sadyang magaganda ang mga binibentang paso sa
Barangay San Felipe.
3. Masarap ang mga pagkain sa Route 88 at sa Alanes
Kakanin Cravings.
4. Mabilis gumawa ng malalaking paso ang mga
manggagawa.
5. Talagang mabilis umunlad ang ating barangay.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Talakayin kung ang gamit ng mga salitang naglalarawan ay Pang-
paglalahad ng bagong kasanayan #2 abay o Pang-uri.

F. Paglinang sa Kabihasaan Isahang Gawain:


Itaas ang Pang-abay kung ang gamit ng salitang may salungguhit
sa pangungusap ay pang-abay at Itaas ang pang-uri kung ang
gamit nito sa pangungusap ay pang-uri.
________1. Maganda si Bb. Flores.
________2. Mabagal magbasa ang bata.
________3. Sariwa ang mga gulay at bungangkahoy na tinda
ninyo.
________4. Ang nayon ay matiwasay noon pa man.
________5. Bihasang magtrabaho ang mga manggagawa.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw- Pangkatang Gawain (Dalawang Pangkat)


araw na buhay.
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mamasyal sa Barangay
San Felipe, pumili ng lugar na gusto mong puntahan. Ilarawan ito
sa pamamagitan ng paggawa ng sariling Vlog o Rap na 30s-
1minuto. Gamitin ang pang-uri at pang-abay sa paglalarawan dito.

Basahin ang mga pamantayan sa pangkatang gawain at ang


rubrics sa paggawa.
H. Paglalahat ng Aralin Tandaan:
Ang Pang-uri at Pang-abay ay parehong mga salitang
naglalarawan.

May mga salitang kapwa ginagamit bilang pang - uri at bilang pang-
abay rin. Nakaayon ito sa kung ano ang inilalarawan nito at kung
paano ito ginagamit sa pangungusap.

Ang pang-uri ay naglalarawan sa pangngalan at panghalip.


Halimbawa: Mahusay ang bata sa asignaturang Filipino.
Ang pang-abay ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at isa pang
pang-abay.
Halimbawa: Mahusay sumagot ang bata sa kanilang klase.

I.Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit bilang
pang-uri o pang-abay. Isulat sa patlang ang sagot

__________ 1. Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay


mapayapa.
__________ 2. Ang mga hayop ay mapayapang naninirahan sa
kagubatan.
__________ 3. Minahal niya nang wagas ang kanyang
inangbayan.
__________ 4. Ang pagmamahal niya sa kanyang inang-bayan ay
wagas.
__________ 5. Siya ay magalang habang nakikipag-usap sa mga
nakatatanda sa kanya.
__________6. Siya ay magalang na nakikipag-usap sa mga
nakatatanda sa kanya.

J. Karagdagang gawain para sa Gamitin sa pangungusap bilang pang-abay at pang-uri ang


takdang-aralin at remediation. sumusunod na salita:
Halimbawa:
Mabagal lumakad ang pagong. - Pang-abay
Mabagal pa sa pagong si lolo. - Pang-uri
1. Maayos – pang-abay
2. Matamis – pang-uri
3. Masaya – pang-abay
4. Malinaw – pang-uri
5. Mabilis – pang-abay
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

Inihanda ni:

DAISY P. DELFIN
GURO II

Binigyang Pansin:

GILBERT O. YANSON MARIA LEAH V. CEA LEAH F. FONTANILLA


Punong Guro I Punong Guro I/Assistant Principal Master Teacher II

You might also like