You are on page 1of 7

Learning Area- ARALING PANLIPUNAN 5

Learning Delivery Modality- Face to face

LESSON Paaralan Rosario Complex E/S Baitang/Antas 5


EXEMPLAR Guro Jenalen O. Mia Asignatura AP
WEEK 1 Petsa Pebrero 13-17, 2023 Markahan Ikatlo

Oras 11:20-12:00 Bilang ng Araw 5

I. LAYUNIN Natatalakay ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa


kolonyalismong Espanyol.

A. Pamantayang Pangnilalaman Nasusuri ang epekto ng kolonyalismong Espanyol sa pagkabansa at


pagkakakilanlan ng mga Pilipino

B. Pamantayan sa Pagganap Natatalakay ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa


kolonyalismong Espanyol.

C. Pinakamahalagang Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa


Kasanayan sa Pagkatuto kolonyalismong Espanyol (Hal. Pag-aalsa, pagtanggap sa kapangyarihang
(MELC) kolonyal/ kooperasyon)
BOW ph.283, MELC ph.41.AP5 Pilipinas Bilang Isang Bansang Malaya.ph
178-181
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Tugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong
Espanyol Unang Edisyon, 2020.

D. Pampaganang Kasanayan

II.NILALAMAN Paraan ng Pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol

III.KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian Learner’s Packet

a. Mga Pahina sa Gabay ng


Guro
PIVOT BOW p.151
MELCs p.42

b. Mga Pahina sa Araling Panlipunan 5 ph.


Kagamitang Pangmag-
aaral

c. Mga Pahina sa Teksbuk

d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng
Learning Resources

B. Listahan ng mga Kagamitang


Panturo para sa mga Gawain
Learning Area- ARALING PANLIPUNAN 5
Learning Delivery Modality- Face to face
sa Pagpapaunlad at Activity Sheets
Pakikipagpalihan

IV.PAMAMARAAN

A. Panimula Sa Araling ito ay dadalhin sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. Dito


matutuhan mo ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismong Espanyol.

Bilang isang mag -aaral ikaw ay inaasahang;


1. Naipapaliliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagtugon ng mga
Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol..
2. Natalakay ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismong Espanyol
3. Napapahalagan ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismong Espanyol

Ngayon muli mong balikan ang mga patakarang Espanyol na


nagpabago sa tahimik na pamumuhay ng mga Pilipino at nagdulot ng hirap
at pasakit sa kanila.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Ayusin mo ang mga letra upang mabuo ang tamang salita. Isulat
ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Lahat ng kalalakihang edad 16-60 taong gulang ay nagtrabaho ng
malayo sa kanilang pamilya at walang bayad na tinanggap. YOIC
POSROLV E ______________________
2. Kinolekta ito sa mga katutubong Pilipino nang sapilitan.
BITUROT ______________________
3. Tanging sa pamahalaan lamang magbebenta ng produkto na may
takdang dami ang mga Pilipino.
LADANAB ______________________
4. Paglilipat sa mga Pilipino sa bagong panirahan na tinawag na
pueblo
CIONECDUR ______________________
5. Sa mga piling lalawigan sa Luzon ay isang uri ng pananim lamang
ang ipinatanim ng pamahalaang kolonyal sa mga magsasaka at tanging sa
pamahalaan lamang ito ibebenta.
YOLPONOMO AS BOKATA _______

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Lagyan ng Tsek(/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol. Isulat sa
sagutang papel ang tamang sagot.
_____1. Lumaban at nag-alsa
_____2. Nanahimik at nagtiis
_____3. Tinanggap ang mga patakaran ng mga Espannyol _____4.
Tumakas at nanirahan sa kabundukan _____5. Ginamit ang lakas ng
panulat.
Learning Area- ARALING PANLIPUNAN 5
Learning Delivery Modality- Face to face

Ngayon ay basahin mo at unawain ang nilalaman ng teksto upang malaman


kung anu ano ang mga naging paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa
pananakop ng mga Espanyol.
Tatlong daan at tatlumpu’t tatlong (333) taong nananatili ang mga
Pilipino sa animo’y hawla ng walang sapat na naaaninag na liwanag ng
pag-asang makawala sa kamay ng mga dayuhang Espanyol. Iba’t iba ang
naging paraan ng pagtugon nila sa sitwasyong mailalarawan sa
pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob... matira ang matibay! Halos
karamihan sa mga katutubo ay nanatiling tahimik at sunud-sunuran sa mga
dayuhan dahil sa takot na naramdaman. Tinanggap nila na ang mga
Espanyol ang nasa kapangyarihan at walang magagawa kundi manahimik
na lamang. Alam nila sa kanilang pananahimik ay katumbas ng kanilang
buhay at ng pamilya. Mayroon din namang mga katutubong nagpumiglas
at umayaw sa mga patakaran na nagpahirap sa kanila. Mas ginusto nilang
tumakas at mamundok kaysa maging bulag na sunud-sunuran sa mga
dayuhan. Sila ay namuhay nang tahimik sa kabundukan. Malayo at
mahihirapang marating ng mga sundalong Espanyol. Tinawag silang
kalaban ng pamahalaang kolonyal at binansagang mga tulisan.
May mga Pilipino na nakipagsabwatan sa mga dayuhan. Pansariling
kapakanan ang pilit na isinalba kahit na ang kapalit nito ay ang kaligtasan
ng kapwa Pilipino. Sila ang binansagang mga mersenaryong katutubo. Mga
taksil sa bayan! Ang iba ay yumakap o nagpasailalim nang tuluyan sa
kapangyarihan ng mga dayuhan dahil sa takot na mapahamak ang
kanilang buhay. Ang mga mayayaman ay Ang kanilang yaman o
kabuhayan ang pinoproteksyonan. Nagsawalang-kibo at nagbingi-bingihan
sa hiling na suportang salapi ng kapwa Pilipino para matustusan ang
pangangailangan ng kanilang samahang nagsasagawa ng pag-aalsa. Si
Lapu-Lapu na hari ng Mactan ay binansagang kauna-unahang bayaning
Pilipino dahil mas pinili niyang talikuran ang mga dayuhan kaysa
tanggapin
ang alok na pakikipag-kaibigan. Mayroon ding sumunod sa kanyang mga
yapak na hindi rin nagsawalang-kibo sa kalupitan ng mga Espanyol. Sila
ang
magigiting na Pilipino na nagmula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. Mga
dating datu na nawalan ng karangalang mamuno at nagnais na maibalik
ang dating posisyon sa lipunan. Kasama na rin ang iba’t-ibang sektor ng
lipunan tulad ng mga kalalakihan at mga kababaihan na walang takot na
sumabak sa digmaan. Mga katutubo na nabibilang sa mga magsasaka na
tinutulan ang mga patakaran sa agrikultura, mangangalakal na inagawan
ng kabuhayan, mga propesyonal, mga babaylan at mga katutubong
nagnais maging pari. Diskriminasyon ang naranasan at tila naging dayuhan
sila sa sariling bayan. Humantong na sa hangganan ang kanilang pagtitiis
kaya bumuo sila ng mga magkakahiwalay na pangkat at nanghikayat ng
mga kasapi na handang lumaban at manindigan laban sa mga dayuhan.
Pag-aalsa ang tanging solusyon para sa kanila. Sa paglipas ng panahon
hindi
rin maikakaila na mayroon ding magandang nangyari sa ating bansa lalo na
sa kabuhayan ng mga iilang mga Pilipino. Nagkaroon ng magandang
pagkakataon at pagnanasang makapag-aral ang mga kabataang
nabibilang sa panggitnang-uri o middle class. Mga kabataang nakapag-aral
sa kolehiyo, sa Pilipinas man o sa Espanya. Sila’y tinawag na mga ilustrado
o
mga naliwanagan ang pag-iisip. Ang taglay na dunong bunga ng
edukasyon ang nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan at nagaganap sa
Learning Area- ARALING PANLIPUNAN 5
Learning Delivery Modality- Face to face
bansa. Hindi nila hinayaan na manatiling sunud-sunuran na lamang ang
mga
Pilipino. Kailangang nang gisingin ang manhid na pakiramdam ng mga
katutubo. Ginamit nila ang karunungang taglay bunga ng edukasyong
mayroon sila. Lakas ng panulat ang tugon ng mga ilustrado.
Nagsilbi silang tanglaw na nagsumikap na mabigyan ng liwanag ang
kapwa at gabayan ang nasa kadiliman. Hindi idinaan sa dahas kundi sa
malumanay na paraan. Sa pagsusulat ng pahayagan at aklat nila idinaan
ang tugon sa mga Espanyol. Ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal

ay isa sa mga ilustrado na sumulat ng Noli Me Tangere at El


Filibusterismo.
Layunin nito na tuligsain ang pamahalaang Espanyol at maging ang mga
palalong prayle. Gisingin ang damdaming manhid upang sumibol ang
diwang makabansa ng mga Pilipino, walang armas na hawak, walang dugo
na pumatak. Kalayaan ang isinisigaw! At sa oras ng pagbangon tanging
sandata ay ang pagmamahal sa bayan na kusang nag-aalab at
umuusbong. Tulad sila ng ibong matagal na panahong nakulong sa hawla
ay uhaw na makawala at makalipad nang ubod ng laya at sa paglaya nila
ay sabay-sabay sa paglipad. Malayang naipapagaspas ang mga pakpak.
Sinasamantala ang sariling lakas at ang liwanag na nagbibigay ng gabay
upang makita ang paroroonan. Hindi alintana ang pagod, sakit ng katawan
maging buhay ay inialay sa pag-asang iyon lamang ang paraan upang
makawala ang bayang sinilangan sa bagsik ng mga dayuhan.
Tanong:
 Anu ano ang naging tugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong
Espanyol?
 Ano ang dahilan ng pag-aalsa ng ibang Pilipino?
 Bakit may mga Pilipinong nakipagsabwatan ns mga Espannyol?
 Bilang isang Pilipino may naisip ka bang paraan para tumugon sa
Kolonyalismong Espanyol.? Bakit?
 Sa palagay mo ba alin ang higit na nakatulong para lumaya ang
bansa sa mga Espanyol?
Ang mga gabay na tanong ay maaring magamit ng mga magulang
upang maproseso at maunawaan ng mag-aaral ang teksto na binasa.

B. Pagpapaunlad Sa pamamagitan ng mga prosesong gabay na tanong ay nagkaroon ka ng


kaunawaan ng mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol. Upang higit mong maunawaan ang aralin
sagutan mo ang mga sumusunod na gawain:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa na nagsasaad ng paraan ng
pagtugon sa kolonyalismo at malungkot na mukha naman kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

____1. Ginamit ng mga ilustrado ang dunong upang gisingin ang diwang
makabansa ng mga katutubo.
____2. Nagtanim ng mga gulay ang mga katutubo sa bakuran nila.
Learning Area- ARALING PANLIPUNAN 5
Learning Delivery Modality- Face to face
____3. Tinanggap ang pamahalaang kolonyal sa pamamagitan ng
pagsasawalang-kibo sa nagaganap na kalupitan ng mga dayuhan.
____4. Nagalit ang mga prayle sa mga Pilipino.
____5. Ninais ng mga datu na maibalik ang dating posisyon at dangal kaya
sila ay bumuo ng pangkat at nag-alsa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Sipiin sa sagutang papel at punan ang graphic organizer ng mga
paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolanyang Espanyol.

Paraan ng
pagtugon ng
mga Pilipino
sa
kolonyalismon
g Espanyol

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Panuto: Sipiin ang tsart sa sagutang papel.Isulat sa kahon ang S kung sanhi
ang isinasaad ng pangungusap at B kung bunga.

1. Nag-alsa ang mga katutubo


2. Niyakap ang kapangyarihan ng mga Espanyol
3. Marami ring mga katutubo na mas piniling takasan ang mga pagpapahirap
ng mga dayuhan. Namuhay sila sa bundok at naging kalaban ng
pamahalaan. Tinawag silang mga tulisan
4. Ginamit ng mga ilustrado ang dunong upang gisingin ang diwang
makabansa ng mga katutubo.

5. Tinanggap ang pamahalaang kolonyal sa pamamagitan ng pagsasawalang-


kibo sa nagaganap na kalupitan ng mga dayuhan.

C. Pakikipagpalihan Pagkatapos mong malaman ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino
sa kolonyalismong Espanyol, linangin mo pa ang iyong kaalaman sa

pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain.

Gawain Bilang 1

Panuto: Gumuhit ka ng isang puso at sa loob ng puso ay ipaliwanang ang


sagot sa tanong na ito. Kung ikaw ay nasa tamang gulang na at maari mo ng
gawin ang mga bagay na nais mong gawin, Alin sa mga tugon o reaksiyon
ng mga Pilipino na iyong napag-aralan ang maaaari mong maging tugon sa
Learning Area- ARALING PANLIPUNAN 5
Learning Delivery Modality- Face to face

kasalukuyang nagaganap sa ating pamahalaan?

Gawain Bilang 3

Panuto: Gumawa ka ng isang poster na nagpapakita ng mga tugon ng mga


Pilipino sa mga Espanyol. Gawin mong gabay sa iyong pagguhit ang rubrik
na nasa ibaba

D. Paglalapat

V. PAGTATAYA Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon upang mabuo mo ang talata.
Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.
Learning Area- ARALING PANLIPUNAN 5
Learning Delivery Modality- Face to face

Nagkaroon ng iba’t ibang _________1________ ang mga Pilipino ukol sa


mga nararanasang pagmamalabis ng mga Espanyol. May mga
_____2___________ at sumunod sa patakarang Espanyol para sa kanilang
kaligtasan. Ang iba ay _____3___________ hindi sila nagpasailalim sa
mga patakarang ipinatupad sa kolonya. Hindi rin mawawala ang mga
_4______________ na naging kasabwat ng mga dayuhan para supilin ang
mga lumalaban sa pamahalaang kolonyal. Maging ang mga katutubo mula
sa iba’t ibang sektor ng lipunan ay naghangad na matuldukan ang
nararanasang kalupitan ng mga Espanyol kaya bumuo sila ng
_____5__________ at nag-alsa

VI.PAGNINILAY Matapos mapagdaanan ang maraming pagsubok na humamon sa kakayanan


upang maging ganap ang pagkatuto at kabatiran tungkol sa tinalakay na
aralin ngayon ay magagawa mo ng ihayag ng buong pagmamalaki :

Ang aking natutunan sa aralin ay__________________________


Ang mga bagay na ayaw kung makalimutan ay__________________
Gusto mong subukan mula sa iyong natutunan ay_______________

Prepared by:
JENALEN O. MIA
Teacher III
Checked by:
DANNY M. FABIA
Master Teacher I

Noted:
EMLYN D. GAZZINGAN
Principal I

You might also like