You are on page 1of 6

Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Unang Markahan
Ikalawang Linggo

Aralin 2: Pag-aaral ko, Pagbubutihin ko

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman
Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring
pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan CG pahina 67

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali sa pagpapahayag at
pagganap ng anumang gawain CG pahina 68

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral, pakikinig,
pakikilahok sa pangkatang Gawain, pakikipagtalakayan, pagtatanong, paggawa ng
proyekto (gamit ang anumang technology tools), paggawa ng takdang-aralin at
pagtuturo sa iba EsP5PKP-Ic-d-29

II. NILALAMAN

Aralin 2: Pag-aaral ko, Pagbubutihin ko

Batayang Pagpapahalaga:

KAGAMITANG PANTURO:

B. Iba Pang Kagamitang Panturo

III. PAMAMARAAN

UNANG ARAW

Alamin Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin


Balikan ang nagdaang aralin
Paano ninyo sinusuri ang inyong napapanood at nasasaksihan sa mga balita?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad ang layunin sa araw na ito

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Ano ang iyong pangarap paglaki mo?


Ano ang dapat mong gawin para matupad ito?
D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan

Ipabasa ang kuwento.Tingnan ang lakip 1

F. Paglinang sa kabihasaan

Itanong ng guro:

a. Tungkol saan ang iyong napakinggang kuwento?

b. Sino ang may kagustuhan na maging sundalo katulad ng kanyang tiyo?

c. Ano-anong katangian meron si Cardo?

d. Paano matutpad ni Cardo ang kanyang pangarap?

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Itanong ng guro:

Kung ikaw si Cardo, nanaisin mo bang maging katulad niya? Bakit?

H. Paglalahat ng Aralin

Ano-ano ang mga dapat mong gawin upang matupad ang iyong mga pangarap?

I. Pagtataya ng Aralin

Ipaliwanag:

“Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pag-abot ng tagumpay”

IKALAWANG ARAW

Isagawa Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Ano-ano ang katangian ni Cardo sa kuwento?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Paano maipapakita ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Indibidwal na Gawain:

Magpakita ng larawan ng isang batang nagprepresenta sa kaniya

Itanong:

1.Ano ang pangarap mo sa buhay o anong gusto mong maging paglaki mo?
2. Bakit mo ito napili?

3. Bilang mag-aaral, ano ang gagawin mo para makamit mo ang iyong pangarap?

E. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Pangkatang Gawain: Bumuo ng tatlong pangkat.Bawat pangkat ay may nakalaang


Gawaintungkol sa pagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral

Pangkat I-Pagsulat ng mga pamantayan sa pakikinig sa loob ng klase kung may programa
sa paaralan

Pangkat II-Pagpapakita ng tamang gawi sa pakikilahok sa pangkatang gawain sa


pamamagitan ng dula-dulaan.

Pangkat III-Magpakita ng tamang pakikipagtalakayan at pagtatanong sa pamamagitan ng


Interview/Panayam o Talk Show

F. Paglinang sa kabihasaan

Itanong ng guro:

1. Paao naipakita ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa pakikilahok sa


pangkatang gawain?Pakikipagtalakayan?Pagtatanong?

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Bilang isang mag-aaral,paano mo maipapakita ang kawilihan at positibong saloobin


sa pag-aaral sa pakikinig,pakikilahok sa pangkatang gawain,pagtatanong,at
paggawa ng proyekto o takdang-aralin.

H. Paglalahat ng aralin

Maipapakita ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral kung naipapakita ito nang
tama sa klase at gumagawang bukal sa loob

I. Pagtataya ng aralin

Sumulat ng isang talata kung paano maipapakita ang kawilihan sa paggawa ng proyekto sa
isang asignatura.

IKATLONG ARAW

Isapuso Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Paano maipapakita ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad ang mga layunin sa araw na ito


F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Upang higit na matiim sa damdamin ng mga mag-aaral ang tinalakay, itaas sa larawang
puso kung tamang saloobin sa pag-aaral ang pinapahiwatig ng mga pangungusap:

1. Aktibong makilahok sa talakayan sa klase o pangkatang Gawain.

2. Makipagsabayan sa guro kung nagsasalita sa unahan.

3. Ipakitang alam mo ang lahat sa iyong kagrupo at huwag silang pakinggan sa kanilang
opinyon.

4. Makinig na mabuti kung may pinapaliwana ang guro sa klase

5. Gumamit ng magagalang na salita kapag nagtatanong.

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Ano ang pwedeng mangyari kapag negatibong saloobin sa pag-aaral ang ipinakita mo
sa klase?

H. Paglalahat ng Aralin
Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalalay ang
kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan dito sa mundo. At
ito ang sandata para magkaroon ng magandang buhay. Maraming paraan upang
makamit natin ang isang mabuting hinaharap.Ngunit may mga hadlang din na
maaaring pumigil sa ating pagtatagumpay, kaya marapat lang na magsumikap tayo
at magkaroon ng positibong saloobin sa pag-aaral upang maging matagumpay Sabi
nga” ANG KAHIRAPAN AY DI HADLANG SA KINABUKASAN” Lagi nating tandaan
na tayo angngumagawa n gating sariling kapalaran kaya kung anuman an gating
tatahakin ay nakasalalay sa ating mga kamay at lagi tayong sasandal sa ating
Panginoon sa lahat n gating mga ginagawa dahil walang imposible sa Kanya kung
tama at nararapat ang iyong ginagawa.

I. Pagtataya ng aralin

Nakita mo ang iyong kaklase na nagdadabog habang gumagawa ng gawain sa


silid-aralan , ano ang ipapayo mo sa kanya?

IKAAPAT NA ARAW

Isabuhay Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Naipapakita ba ninyo sa loob ng silid-aralan ang kawilihan sa pag-aaral?


Paano?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ano ang kahalagahan ng edukasyon?

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay

Pangkatang Gawain:

Isadula ang mga sumusunod na sitwasyon:


a. Kung ikaw ay batang nagmula sa mahirap na pamilya, paano mo maipapakita ang
kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa kabila ng kahirapan sa buhay?

b.Bilang mag-aaral, ano ang kahalagahan at mabuting epekto ng edukasyon sa tao?

I. Pagtataya ng aralin

Gumawa ng tula tungkol sa kahalagahan ng edukasyon.

IKALIMANG ARAW

Subukin Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Paano mo mapahahalagahan ang edukasyon?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad ng guro ang gagawin sa araw na ito.

Ipaalala ng guro

ANG PAGIGING MATAPAT AY PINAKAMABUTING PANUNTUNAN

G. Paglalapat ng Aralin

Ano ang iyong magagawa bilang mag-aaral upang maipakita ang disiplina sa
sarili?

I. Pagtataya ng Aralin
Lagyan ng masayang mukha ang bilang kung nagpapakita ng kawilihan at positibong
saloobin sa pag-aaral at malungkot na mukha kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

____1. Inirerespeto ko ang saloobin o pananaw ng aking mga kaklase kapag sila’y
nakikibahagi sa talakayan.

____2. Nakikipag-usap ako sa aking katabi habang ang guro ay nagsasalita sa unahan.

_____3. Gumagawa ako ng aking proyekto at naipapasa koi to sa tamang oras ng


pagsusulit.

_____4. Nagtatanong ako sa aking guro nang buong husay at walang pag-aalinlangan.

_____5. Naglalaan ako ng oras at panahon sa mga kaklase ko para maturuan sila sa
mahirap na aralin.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation

Gumawa ng isang Akrostika gamit ang salitang PANGARAP tungkol sa kawilihan at


positibong saloobin sa pag-aaral
IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga estratihiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito

You might also like