You are on page 1of 2

Talumpati Tungkol Sa Bully

Walang magandang naidudulot ang pagiging bully sa kapwa, bagkus ay


kapahamakan lamang ang ating kahihinatnan kapag ganito ang ating asal.
Bullying ang tawag sa hindi magandang asal ng isang tao. Ang pagiging siga,
maton, naghahari-harian at pagpipintas sa kapwa ng harap-harapan at walang
pakundangan ay ilan lang sa mga halimbawa nito.

Ang bullying ay malimit na nangyayari sa mga kabataan, lalo na sa loob ng


paaralan. Mayroong mga uri ng mentalidad na kung saan para sa kanila ang
pagiging bully ay sikat kang maituturing.
Ang mga taong ganito ay mapang-alipusta at labis kung manira, manakot at
manakit sa pisiskal man o emosyonal na aspeto ng indibidwal. Mahilig
silang gumawa ng mga bansag o alyas sa mga taong kanilang kinukutya para
ito ay mapahiya.
Ang mga taong nagiging biktima ng bullying ay bumababa ang mga moral at
tiwala sa kanilang mga sarili. Ang mga iba naman ay humahantong sa
tuluyang depresyon na halos ayaw nang makipagsalamuha sa kapwa.
Mula sa aking personal na karanasan noong aking kabataan, ako rin ay naging
biktima ng bullying, dahil sa aking pagiging patpat at maliit ako ay naging
tampulan ng tukso at bansag na hindi kaaya-aya.

Ang epekto nito sa akin ay naging pala-away ako tuwing ako ay kinukutya, ito
ay hindi dahil sa matapang ako pero nagtatapang-tapangan lang para tigilan
lamang ako.
Sa ating kasalukuyang gobyerno ngayon, maganda at nabigyan na nila ito ng
pansin. Mayroon ng batas na ginawa ang Kongreso at kasalukuyan ng
ipinatutupad. Batas na nagbibigay proteksyon sa mga biktima ng bullying, at
kaparusahan naman sa mga gumagawa nito.
Ang paghusga nang hindi tama at pagsira sa kapurian ng isang tao, kapag ito
ay nasabi mo na at nailathala mo na lalo na sa social media, kailanman ay
magiging peklat na ito sa kanilang pagkatao.
Humingi ka man ng paumanhin, hinding-hindi mo na ito mabubura pa
kailanman lalo na sa mapaghusgang mata ng mga tao sa ating lipunan.
https://takdangaralin.ph/talumpati-tungkol-sa-bully/

You might also like