Ang isa sa pinaka malaking problema at walang lunas na solusyon sa ating
bansa at ng buong mundo ay ang diskriminasyon sa aspekto ng pagiging asyano, sa kulay at balat at ang marami pang iba. Ano nga ba ang Diskriminasyon? Ito ang pagtrato ng masama at hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao sa pagtingin. Lalong lalo na kapag ikaw ay bahagi sa LGBT community dahil madaming tao ang hindi tanggap na nasa modernong panahon na tayo at naniniwala parin silang ang kasarian na dapat mayroon tayo sa ating mundo ay pagiging lalaki at babae lamang. Sila ang nakakaranas ng matinding diskriminasyon dahil sila ay naiiba at hindi pinapanigan ng mga grupo ng relihiyon dahil sinasabi daw sa kanilang bibliya na ang ginawa lamang ng ama ay ang babae at lalaki at wala nang iba pang kasarian ang tao kundi yun lamang. Isa sa halimbawa nito ay ang pagtrato ng parang salot sa lipunan ang mga “bakla” sa parlor na binibigyan tayo ng serbisyo na katulad din ng mga pagkaraniwang tao. Dahil nga ay sila ay naiiba, minsan ay kapag nagtratrabaho sila ay minsan ay hindi sila binibigyan ng pantay at sapat na opportunidad sa mga kompanya dahil iba ang kanilang tingin nito at sinasabi nilang malas at walang kwenta lamang ito.
Napansin ko na may bagong diskriminasyon ngayong nabubuo o nabuo na sa
lipunan at ito’y hindi patungkol sa kulay kung itim, puti o kayumangi ka, hindi rin ito patungkol sa estado ng buhay kung mayaman, katamtaman o mahirap ka kundi ang aking sinasabi ay patungkol sa “laki o hugis ng tao” Kapag ikaw ay mataba ay lagi kang inaasar na dapat ay magpapayat para hindi maging lobo tingnan o di kaya ay hindi sila lumalapit sa matabang tao dahil sinasabi nilang lahat ng mataba ay mababaho at umiitim sa mga bahagi sa katawan. Nahihirapan din silang kumilos sapagkat sa lahat ng kilos mo ay madaming mata ang tumitingin sayo at binibigyan ka ng “backhanded compliment” o di kaya ay ginagamit ang salitang mataba sa mga taong hindi naman katabaan para lamang mapahiya ang kasama nilang mataba. Ang pinaka malalang epekto nito ay nawawalan sila ng pagmamahal sa sarili at pagbaba ng tiwala sa kanilang sarili. Sa estado ng buhay ng tao, mayroon tayong tinatawag na mayaman at mahirap. Ano nga ba ang pinagkaiba sa mga ito? Kung iisipin nating mabuti, ito ay dalawang uri ng pamumuhay ng tao. Karamihan sa mga tao ang tingin nila sa kanilang sarili ay mayaman dahil sila ay may matataas na buhay at ang tingin naman nila sa mahihirap ay ay mga walang pinag-aralan, mga mababang uri ng tao. Kung mapapansin niyo, walang pinagkaiba ang mahirap at mayaman dahil lahat tayo ay parehas lang tumitira sa mundo. Karamihan sa mga nagiging matagumpay na mga tao ay galing sa estado ng buhay ng mahihirap. Sa simpleng paraan, wala sa estado sa buhay ang pagiging matagumpay sa buhay kundi ang pagiging masipag at tyaga mo sa iyong buhay. Ang buhay natin ay pantay pantay lang at ang buhay na meron tayo sa mata ng Diyos.
Sa ating lipunan, karamihan sa mga tao ngayon ay hindi marunong magpakita
ng paggalang at pagpapahalaga sa kanilang kapwa. Mababa ang tingin nila sa mga taong iba sa kanila o mababa ang katayuan sa lipunan. Ang diskriminasyon sa kababaihan ay isa sa mga bagay kung saan hindi nila nakikita ang mga kababaihan dahil mahina sila laban sa kababaihan. Pero paano mo masasabing mahina ang mga babae kung kaya nilang mabuhay sa kabila ng lahat ng pang-aabuso at patunayan na malayo pa ang kanilang mararating? Hindi mo dapat husgahan ang itsura ng isang tao. Masusukat din ang lakas ng isang tao kung siya ay malakas ang pag-iisip at hindi madaling mabali sa kabila ng maraming masasakit at mapait na karanasan. Walang karapatan ang mga matatanda at mahihirap na maliitin sila. Nagsumikap din sila para mabigyan ng sapat na pagkain at pangangailangan ang kanilang pamilya. Sa nakikitang karamihan sa kanila ay nagtatrabaho para sa ating lipunan, paano natin sila tinatrato? Bigyan natin sila ng pagkakataong maglingkod at magpakita ng paggalang sa ating lipunan. Dahil sa kabila ng kanilang kalagayan, handa silang magsakripisyo para sa kanilang kinabukasan at sa kanilang pamilya.