You are on page 1of 4

Karapatan ng bawat tao ang

magkaroon ng proteksyon laban


sa banta at panganib ng HIV at
AIDS.
May HIV man o wala, dapat irespeto ang karapatan ng isang tao at itaguyod ang
kanyang dignidad:
Dapat magbigay ng pagpapayo bago at pagkatapos sumailalim sa HIV test
Dapat naiintindihan at pumapayag ang isang tao sa proseso ng HIV testing bago siya
isailalim ditto
Hindi dapat gawing patakaran and HIV testing sa pamamasukan sa trabaho,
edukasyon, paglalakbay, pagpili ng tirahan, at pagbibigay ng serbisyong medical,
pangkalusugan, at iba pa
Ang pagiging positibo sa HIV ay hindi dapat maging tanging basehan upang ang isang
tao ay matigil sa pagtatrabaho, pag-aaral, pagbibiyahe at paninirahan sa isang lugar,
o pagkaitan ng serbisyong medical, pangkalusugan, at iba pa
Ang HIV, o Human Immunodeficiency Virus, ay ang mikroorganismong nagsasanhi ng
sakit na AIDS.
Ang AIDS, o Acquired Immune Deficiency Syndrome, ay isang sakit na
wala pang lunas. Hindi ito namimili ng teritoryo o estadong panglipunan,
pulitikal, at pang-ekonomiya ng isang tao.
Ang Republic Act 8504, o AIDS Law, ay kumikilala sa tindi ng banta ng
HIV at AIDS at hinihingi nito ang malakas na aksyon mula sa pamahalaan.
Kabilang sa mga batas ng Pilipinas ukol sa HIV at AIDS ang mga sumusunod:
Pagtatatag ng malawakan at pambansang kampanya upang palawigin ang
kaalaman ng publiko tungkol sa HIV at AIDS
Pagsusulong ng kaligtasan at pangkalahatang pag-iingat sa mga gawaing
may panganib na mahawaan ng HIV

Tugunan ang mga kondisyong nagpapalala sa pagkalat ng HIV infection,


kabilang ang kahirapan, diskriminasyon sa kasarian, prostitusyon,
di-pagkakapantay sa lipunan, paggamit ng bawal na droga, at
kamangmangan
Pagkilala sa kahalagahan ng papel ng mga apektadong indibidwal
at ng kanilang karanasan sa pagsusulong ng kaalaman ng publiko
tungkol sa HIV at AIDS
Pagpapatupad ng ganap na proteksyon ng karapatang pantao at
kalayaan sa lipunan ng isang taong may HIV o pinaniniwalaang may
sakit nito

Pinoprotektahan ng R.A. 8504 ang karapatan ng bawat tao, kaya:


Ang HIV testing ay maaaring gawin, ngunit HINDI ito sapilitan
Ginagarantiya ang privacy ng mga taong may HIV
Sinisigurado ang mga basic medical at social services sa mga may HIV
Itinuturing na makasasama sa personal at pambansang interes ang
diskriminasyon laban sa mga taong may HIV o hinihinalang
may sakit nito

Ang bawat institusyon o


establisimyento ay may
tungkuling tugunan ang HIV at
AIDS
Ang diskriminasyon at pagbahagi
ng impormasyon tungkol sa isang
taong may HIV ay maaaring
parusahan sa ilalim ng Batas:

Ang mga taong may


diskriminasyon laban sa may HIV
ay maaaring makulong at
magbayad ng multa
Ang mga institusyon at
establisimiyentong may
diskriminasyon sa taong positibo sa
HIV ay maaaring tanggalan ng
lisensya
Ang mnga propesyonal na
lumalabag sa pagiging
kompidensyal ng mga kaso ng HIV
ay maaaring makulong at
sampahan ng kasong
administratibo, kabilang na ang
pagbawi ng kanyang lisensya
Maaaring makansela ang
akreditasyon at operasyon ng
establisimiyentong lumalabag sa
pagiging kompidensiyal ng mga
kasong HIV
Ang HIV, o Human Immunodeficiency Virus, ay ang mikroorganismong nagsasanhi ng
sakit
na AIDS.
Ang AIDS, o Acquired Immune Deficiency Syndrome, ay isang sakit na wala pang
lunas. Hindi ito
namimili ng teritoryo o estadong panglipunan, pulitikal, at pang-ekonomiya ng isang
tao.
Ang Republic Act 8504, o AIDS Law, ay kumikilala sa tindi ng banta ng HIV at AIDS
at hinihingi nito ang malakas na aksyon mula sa pamahalaan.
Kabilang sa mga batas ng Pilipinas ukol sa HIV at AIDS ang mga sumusunod:
Pagtatatag ng malawakan at pambansang kampanya upang palawigin ang
kaalaman
ng publiko tungkol sa HIV at AIDS
Pagsusulong ng kaligtasan at pangkalahatang pag-iingat sa mga gawaing may
panganib

na mahawaan ng HIV
Tugunan ang mga kondisyong nagpapalala sa pagkalat ng HIV infection,
kabilang ang
kahirapan, diskriminasyon sa kasarian, prostitusyon, di-pagkakapantay
sa lipunan, paggamit ng bawal na droga, at kamangmangan
Pagkilala sa kahalagahan ng papel ng mga apektadong indibidwal at ng
kanilang karanasan
sa pagsusulong ng kaalaman ng publiko tungkol sa HIV at AIDS
Pagpapatupad ng ganap na proteksyon ng karapatang pantao at kalayaan sa
lipunan
ng isang taong may HIV o pinaniniwalaang may sakit nito
Para sa iba pang impormasyon:
Philippine National AIDS Council: (02) 743.0512, 743.8301 loc 1332, secretariat@pnac.org.ph
Department of Health-NASPCP: (02) 495.1409, 743.85301 loc 1725, naspcp@yahoo.com
United Nations Population Fund: (02) 901.0326 www.unfpa.org.ph
Mga pamamaraan na maaaring makuha ang HIV:
Maraming katalik na walang proteksyon ng condom
Paghihiraman ng mga gamit pang-ineksyon
Kakulangan ng kaalaman sa HIV

You might also like