You are on page 1of 40

U.P.

Intergrated School
Diliman Lungsod Quezon

Ang ‘Terorismo’ laban sa mga


Makapangyarihan

Ipinasa ni Nathalie Dagmang ng 9-Silver

Ipinasa kay Ana-Liza Ani

Bilang pagtugon sa kahingian ng Araling Panlipunan 9

Abril 7, 2009

1
Sinopsis

Ang salitang terorismo ay binibigyang kahulugan ng iba’t ibang

indibidwal na nagmumula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ngunit sa

kasalukyan ay namamayani parin ang depinisyon ng mga nakatataas sa

salitang terorismo.

Ang depinisyong ito ay nagbunga ng “Global War on Terror” na

pinamunuan ng Estados Unidos at naglalayon na puksain ang mga terorista

sa buong mundo. Sa paglulunsad nito ay nabuo ang “Coalition of the Willing”

na binubuo ng mga bansang may kaparehong layunin sa Estados Unidos.

Idinikta rin ng E.U. kung sinu-sino ang bumubuo sa “Axis of Evil” na

sinasabing maaaring maging banta sa seguridad ng daigdig.

Dahil sa pagbibigay ng depinisyon ng terorismo, kumalat ang takot sa

buong mundo sa mga posibleng terorista na tumutumpak sa depinisyong ito.

Nagdulot rin ang Global War on Terror ng kaguluhan hindi lamang sa

mga mamamayan ng Iraq kundi pati na rin sa mga bansa na nasangkot sa

giyera ng US laban sa mga “terorista”. Pati ang mga Muslim ay nakaranas ng

diskriminasyon mula sa iba’t ibang bansa sa daigdig. Habang sa iba ay

problema ang naidudulot ng digmaan, sa mga imperyalistang bansa,

partikular na sa US, naman ay malaki ang pakinabang rito dahil sa

magagandang epekto nito sa kanilang negosyo.

2
Maging ang Pilipinas ay nagulo rin ng digmaang ito. Ang ating bansa

kasi ay napilitang sumali sa giyera dahil sa magiging pakinabang nito sa

reconstruction ng Iraq matapos ang digmaan. Kumalat rin ang takot sa

terorismo sa ating bansa.

Isinabatas ang Human Security Act na marami ang pagkakapareho sa

batas na kontra-terorismo ng US na PATRIOT Act. Kapwa nilabag ng

dalawang batas na ito ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan ng

kanilang bansa.

Ang hindi makatarungan at mapagtanging (discriminating) depinisyon

ng terorismo ang mismong nagdudulot ng takot at kaguluhan sa ating

daigdig. Dapat na isaayos muna natin ito upang tuluyan nang magkaroon ng

kapayapaan sa mundo.

Pagkalikha ng Terorismo

Ano ang Terorismo?

Mula sa salitang Terror o takot, ang terorismo ay nangangahulugang

mga aksyon na may intensyong gumawa ng takot gamit ang dahas kung

saan isinasantabi ang seguridad ng mga mamamayan.

Ang nagbibigay ng depenisyon ng terorismo ay ang gobyerno o ang

mga nakatataas. Kung gayon, ang mga tinatawag na terorista ay iyong mga
3
gumagawa ng takot laban sa kanila at kasama sa mga takot na ito ay ang

paghadlang sa kanilang mga interes at pagtutuligsa sa kanilang mga

paniniwala. Makikita ito sa depenisyon ng gobyerno natin sa terorismo sa

ilalim ng Human Security Act kung saan kasama sa criteria ang pagkakaroon

ng political goal.

Binigyan din nila ng depenisyon ang terorismo bilang isang

ideolohiyang layunin o materyalistikong mithiin o pagsalakay at may mga

kilos na laban sa mga batas—mga batas na ang mga superior din ang

gumagawa o nagkokontrol. Ibig sabihin, maaari nilang baguhin ang batas

upang magamit ito laban sa mga kalaban nila.

Ang terorismo at extremism ay madalas na nabibigyan ng maling

depenisyon at gamit. Ang terorismo ay gumagamit ng dahas habang ang

extremism naman ay hindi.

Kung susundin natin ang naunang nasabing depenisyon ng terorismo,

maaaring tawagin na terorista ang mga gang, magnanakaw, mga rapist at

maging ang gobyerno natin na may mga aksyon na hindi dapat ginagawa ng

gobyerno sa kanyang mga nasasakupan.

Ngunit ayon kay Derrik Jensen, “civilization is based on a clearly

defined and widely accepted yet often unarticulated hierarchy. Violence

done by those on higher hierarchy to those lower is nearly always invisible,

that is unnoticed. When it is noticed, it is fully rationalized. Violence done by

those lower on the hierarchy to those higher is unthinkable, and when it does
4
occur is regarded with shock, horror and the fetishization of the victims”.

Sinasabi dito na ang karahasan na pinaparusahan ay iyong mga laban sa

nakatataas lamang. Ibig sabihin, ang lahat ng ginagawa ng mga nakatataas

sa lipunan, gaano man kasama ng epekto nito , ay hindi kailanman magiging

“mali” dahil nga sila naman ang nagsasabi kung ano ang “tama” batay sa

kanilang mga interes.

Ang Konsepto ng Extremism

Noong Hulyo, 2005, sinabi ng gobyerno na ang bansag na “global war

on terror” ay papalitan na ng “struggle against violent extremism” na

binigyan ng acronym na SAVE bilang pagpapakita ng layunin nito na

“mailigtas” ang mga mamamayan mula sa karahasan ng mga terorista o

extremists.

Ayon sa mga diksyunaryo, ang ibig sabihin ng extremism ay

“exceeding the ordinary, usual or expected” at “situated at the farthest

possible point from the center”.

Ngunit ano ba (o sino) ang “ordinary, usual or expected” at matatawag

na “center”? Syempre, kailangan natin muna ng basehan para malaman

natin kung ano ang mga hindi ordinary o normal. At dahil sa kapangyarihan

ng mga nakatataas, at dahil na rin sa pagtitingala sakanila ng mga

nakabababa sa lipunan, sila ang bumubuo ng “norms” sa kasalukuyan.

5
Para sakanila, hindi normal ang mga bagay na hindi pangkaraniwan o

hindi maganda o sibilisado sa kanilang paningin. Kaya naman walang grupo

o indibidwal ang tumatawag sa kanyang sarili na extremist. Ang extremist ay

ginagamit lamang ng mga isang grupo/indibidwal sa isa pang

grupo/indibidwal na sa tingin niya ay may mga paniniwala o kilos na salungat

sa mga kanya. Isang halimbawa ay ang pagbabansag na extremist ng

gobyerno sa mga radikal na grupo na nagrereklamo sa mga batas na

ipinapatupad nito dahil sa pagtutuligsa nila sa mga interes ng gobyerno.

Kung susundin natin ang depenisyon na ito, maaari na rin nating

tawagin na extremists ang mga Muslim at ang iba pang mga kasapi ng

relihiyong hindi kapareho sa mga kanluranin (ang kadalasang nagsasabi

kung ano ang norm/standard). Maging ang mga katutubo ay maaaring

masakop rin sa depenisyong ito dahil sa kanilang mga “kakaibang” pagkain,

tradisyon at kultura.

Ang Paglunsad ng Global War on Terror

Pagkatapos ng ilang pagatake sa US sa pamumuna ni Osama Bin

Laden sa teroristang grupo na Al Qaeda, nagkaroon ng paglusob sa

Afghanistan kung saan nakabase ang grupo at pinaalis sila rito. Pagkatapos

rin nito ay ipinagbawal ng United Nations Security Council ang pagtulong sa

mga terorista at ang pagpapatira sa mga ito.

6
Noong ika-20 ng Setyembre, 2001, sinabi ni George Bush, "Our war on

terror begins with al Qaeda, but it does not end there. It will not end until

every terrorist group of global reach has been found, stopped and defeated."

Narito ang ilan sa mga pangunahing layunin ng Global War on Terror:

1. Talunin ang mga teroristang gaya nina Osama Bin Laden, Eeman, Abu

Musab al-Zarqawi at buwagin ang kanilang mga grupo

2. Tukuyin at hanapin ang mga terorista sa buong mundo

3. Hindi pagbigay ng tulong, suporta at titirhan sa mga terorista (Sa ilalim

nito ang pagtanggal ng state sponsorship sa mga terorista at ang

pakikipagtulungan sa iba pang bansa at )

4. Pagpigil sa pageexploit ng mga terorista sa mga mamamayan ng US

5. Pagtanggol sa mga mamamayan ng US sa loob at labas ng bansa

Noong ika-16 naman ng Setyembre ay sinabi ni George W. Bush na

ang Amerika ay naglulunsad ng isang “crusade”—kung saan makikita natin

kung sino talaga ang totoong target ng digmaang inilunsad niya. Itinuturing

rin niya ang US bilang security service provider sa mga “kaibigan” nitong

bansa sa buong daigdig.

Ang “Coalition of the Willing”


49 na bansa ang kasapi sa Coalition of the Willing: ang Afghanistan,

Albania, Angola, Australia, Azerbaijan, Bulgaria, Colombia, Costa Rica, Czech

7
Republic, Denmark, Dominican Republic, El Salvador, Eritrea, Estonia,

Ethiopia, Georgia, Honduras, Hungary, Iceland, Italy, Japan, Kuwait, Latvia,

Lithuania, Republic of Macedonia, Marshall Islands, Micronesia, Mongolia,

Netherlands, Nicaragua, Palau, Panama, Philippines, Poland, Portugal,

Romania, Rwanda, Singapore, Slovakia, Solomon Islands, South Korea, Spain,

Tonga, Turkey, Uganda, Ukraine, United Kingdom, United States, at

Uzbekistan. Ilan rito ay nagpahayag ng suporta sa giyera, ang Australia,

Bulgaria, Czech Republic, Denmark, Hungary, Italy, Japan, Latvia, Lithuania,

Netherlands, Philippines, Poland, Portugal, Romania, Slovakia, Spain, Turkey,

Ukraine at United Kingdom. Apat naman dito ay may mga sundalong kasali

sa giyera: United States, United Kingdom, Australia, at Poland.

Labinlimang bansang kasapi ang ayaw na pangalanan sila at marahil

ay sikreto rin ang kanilang pagsali maging sa sarili nilang mga mamamayan.

Pero bakit nila kailangan pang isikreto ito kung tingin naman nila ay tama

ang kanilang ginagawa? Talaga bang “willing” sila na sumali sa Coalition of

the “Willing”?

Ang karamihan sa pwersa ng Coalition ay nanggagaling sa US at UK.

Bagamat hindi sang-ayon ang mga British sa pagsali ng bansa sa Coalition,

nagpadala parin si Prime Minister Tony Blair ng mga British troops.

Pinahayag niya na mayroon siyang dalawang dahilan sa pagpapadala niya

ng troops: una, dahil ang Middle East ay isang potensyal na market para sa

British arm suppliers at pangalawa, ang pagkakaroon ng bagong rehimen sa

8
Iraq ay magbibigay ng market para naman sa mga weapons of mass

destruction na gawa sa UK. Dagdag pa rito, ang mga British petroleum firms

ay sasali rin sa mga US oil companies gaya ng Halliburton (kung saan

nakaupo bilang chairman ang Vice President na si Dick Cheney) pagkatapos

magkaroon ngkontrol ang US sa mga pagkukunan ng langis sa Iraq.

Marami pa sa mga kasapi ng Coalition ang nagsasabing sumali lamang

sila dito para makinabang sa magiging reconstruction ng Iraq pagkatapos ng

digmaan. Ayon naman sa Institute of Policy Studies (IPS), karamihan sa mga

miyembro ng Coalition ay napilitan lamang sumali dahil sa pagsusuhol o

pagbabanta sakanila ng US. Maging ang United Nations ay ginagamitan rin

ng US ng mga banta at suhol upang masunod ang kanilang mga gusto.

Sa Pilipinas, ipinangako ng US ang mga bagong export quotas, free

trade deals, at mga tulong na pangekonomikal at pangmilitar kapalit ang

suportang ibibigay ng bansa sa digmaan.

Dahil sa pagsuporta ng US sa North Atlantic Treaty Organization ay

naging mas malaki at mas malakas ang Coalition dahil sa kapalit na

suportang ibinigay ng mga Soviet Allies.

Noong 1990 pa lamang ay iminungkahi na ng US ang isang digmaan

laban sa Iraq. At nang hindi sumangayon ang Yemen sa proposisyon, sinabi

ng American delegation sa delegate ng Yemen, “That would be the most

expensive vote you’d cast” at pagkatapos ng tatlong araw ay pinutol na ng

9
US ang mga pinapadalang tulong nito sa Yemen at pagkatapos naman ng

ilang taon ay nagpasabog ng mga missile dito.

Ang mga maliliit na bansa naman gaya ng Iraq at Turkey ay naging

target din ng American Espionage upang magbigay ito ng suporta sa global

war on terror.

Makikitang hindi lahat ng kasapi ng Coalition ay Willing. Karamihan ay

napilitan lamang dala ng takot at mga hangarin para sa kapakanan ng sarili

nilang bansa.

Sinabing ang pagsali ng Pilipinas sa Coalition of the Willing ay

magkakaroon ng magandang epekto sa ekonomiya ng bansa. Hindi lamang

dahil sa papadamihin ng US ang investments nito sa bansa kundi pati na rin

dahil makakapagbukas ang giyera ng madaming trabaho pagkatapos ng

giyera. Pagkatapos kasi ng giyera ay kakailanganin ng Iraq ng mga engineer,

construction workers at iba pa upang maisagawa ang reconstuction dito.

Sinabi ni GMA ay mahalaga ang pagsali nating ito lalo na sa ekonomiya natin

na nakadepende sa mga dollar remittance ng ating Overseas Filipino

Workers.

Kaya naman dalawang araw pagkatapos na pagkatapos ng 9/11

attacks ay inalok agad ni PGMA sa US ang mga dating base militar ng mga

Amerikanong sundalo sa Subic Naval Base sa Olongapo City at Clark Air Base

sa San Fernando, Pampanga. Noong ika-18 naman ng Setyembre,

nakipagusap ang presidente kay Admiral Thomas Fargo, ang commander-in-


10
chief ng Asia Pacific Fllet upang ipakita sakaniya ang mga plano ng US sa

mga dating base militar, airspace ng Pilipinas at deployment ng mga military

assets sa bansa. Hindi nagdalawang isip si GMA na magpadala ng mga

sundalo sa giyera. Bunga nito ay nagkulang ang mga militar sa Pilipinas.

Ipinagmalaki pa ng presidente ang pagsali ng bansa ng coalition sa

kanyang speech sa Philippine Military Academy kung saan sinabi niya na

pinaalam na sakanya ang mga pagpapasabog sa Iraq bago pa man ito

maganap. Sinabi niya na ang digmaan ay isang labanan sa pagitan ng

mabubuti at masasama at ang layunin nito ay ang palayain ang mga Iraqi

mula sa kapangyarihan ni Saddam Hussein. Dagdag pa rito ay nagpahayag

siya ng suporta sa war of aggression na inilulunsad ng US sa Iraq.

Kasabay nito, daan-daang mga aktibistang hindi sang-ayon sa pagsali

ng Pilipinas sa Coalition ang binubuwag at nilalabanan ng mga pulis na

armado ng mga M-16 at machine gun sa tapat ng US Embassy sa Manila.

Bumaba ang poll rating ni GMA at bumulusok ito sa negative 14.

Sinabi ng gobyerno na bilang miyembro ng Coalition, nagbibigay ng

suportang pulitikal at moral lamang ang bansa. Pero sa katunayan ay

“ipinahiram” na ng presidente ang teritoryong panghimpapawid ng bansa

upang magamit ito ng US sa digmaan. Bagamat wala pang utos na ibinibigay

ang UN tungkol sa pagsali sa digmaan, sinabi parin ng gobyerno na lahat ng

desisyon ng presidente ay ayon sa mga aksyon ng United Nations.

11
Inaamin naman ng presidente na ang karamihan sa mga kasapi ng

National Security Council at marami sa mga Pilipino ang hindi sang-ayon sa

desisyon niyang ito. Gayunpaman, sinabi niya na sinisiguro naman ni Bush

na ang Pilipinas ang pinakaunang makakaramdam ng magagandang epekto

ng digmaan.

Axis of Evil

Noong ika-29 ng Enero, 2002, binansagan ni G.W. Bush ang Iran, Iraq

at North Korea na “Axis of Evil”. Ang Axis ay ang mga itinuturing na kalaban

ng mga bansang nais puksain ang “terorismo” sa buong daigdig.

Mula sa tawag sa alliance ng Germany, Italy, Japan, Hungary, Romania

at Bulgaria noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang salitang Axis. Marahil

ay ginamit ang pangalang ito ng US dahil sa ang mga kasapi rin ng Axis ang

naging kalaban nila sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at dahil sa ito ang

nagkaroon ng masamang reputasyon bunga ng digmaan.

Tinawag naman sila na “evil” dahil sa mga hawak ng mga bansa na

weapons of mass destruction na posibleng maipagamit sa mga terorista at

magdulot ng panganib sa mundo. Kung gayon, hindi ba dapat kasama rin

ang iba pang bansa, partikular na ang US na may napakarami nito, sa

kategoryang ito dahil sa mga hawak nilang weapons of mass destruction?

12
Pagkalat ng Terorismo sa Buong Daigdig

Pagkalat ng takot sa “terorismong” binigyang depenisyon ng US

Ang pangunahing islamikong militanteng grupo na sinasabing

nagasagawa ng mga teroristang pagatake sa US ay ang Al Qaeda. Ang 1993

World Trade Center attack ay isa sa mga pinakaunang pagatake na

isinagawa ng grupo sa bansa. Nagkaroon din ng 1996 Khobar Towers

bombing sa Saudi Arabia at ang 1998 United States Embassy Bombings sa

Tanzania at Kenya. Noong ika-23 ng Pebrero, 1998 ay nagdeklara ang mga

Muslim ng World Islamic Front na tinawag na “Jihad Against Jews and

Crusaders” bilang tugon sa mga aksyon ng US na taliwas sa mga turo ni

Allah.

Pagkatapos ng mga pagbobomba ay inilunsad ni Bill Clinton ang

Operation Infinite Reach, isang bombing campaign sa Sudan at Afghanistan

na laban sa mga target ng US na may kinalaman sa Al-Qaeda. Sinira nito ang

ilang civilian pharmaceutical plant sa Sudan kasama ang mahigit 50

porsyento ng mga pangangailangang parmasyutikal ng bansa.

Pagkatapos nito ay nagkaroon na ng sunod-sunod na pagatake,

kasama na rito ang USS Cole bombing noong 2000 at ang 9/11 attacks

noong 2001.

13
Kasunod ng 9/11 attacks ay agad na inumpisahan ang pagsalakay sa

Afghanistan (tinawag na Operation Enduring Freedom) upang maialis ang

kapangyarihan ng mga Taliban sa bansa.

Noong 2001 ay inobliga ng UN Security Council ang lahat ng bansa na

gawing krimen ang pagtulong at pagbibigay ng tirahan sa mga terorista.

Iniutos rin nito na i-freeze ang lahat ng assets ng mga terorista at

kumpiskahin ang lahat ng kanilang mga armas.

Dahil sa mga pangyayaring ito, sa ilalim ng Federal Criminal Code, ay

binigyan ng depenisyon ng US ang terorismo bilang "...activities that involve

violent... <or life-threatening acts>... that are a violation of the criminal laws

of the United States or of any State and... appear to be intended (i) to

intimidate or coerce a civilian population; (ii) to influence the policy of a

government by intimidation or coercion; or (iii) to affect the conduct of a

government by mass destruction, assassination, or kidnapping; and ...<if

domestic>...(C) occur primarily within the territorial jurisdiction of the United

States...<if international>...(C) occur primarily outside the territorial

jurisdiction of the United States..." (…paggamit ng karahasan o mga gawing

maaaring kumitil sa buhay ng tao, paglabag sa batas ng US o ng kahit na

anong estado, may intensiyong takutin ang mga mamamayan at gobyerno,

paggamit ng mga paraang tulad ng mass destruction, assassination o

kidnapping, gawin man ito sa loob o sa labas ng Estados Unidos.)

14
Sinabi rin ni Bush na ang digmaan laban sa mga terorista ay isang

idelohikal na digmaan na ang layunin ay ang matukoy, mahanap at

maparusahan ang mga terorista at maipakalat ang kalayaan sa buong

mundo. ("...today's war on terror is like the Cold War. It is an ideological

struggle with an enemy that despises freedom and pursues totalitarian

aims....I vowed then that I would use all assets of our power of Shock and

Awe to win the war on terror. And so I said we were going to stay on the

offense two ways: one, hunt down the enemy and bring them to justice, and

take threats seriously; and two, spread freedom.” )

Dahil sa mga pahayag ng US tungkol sa lumalalang “terorismo” ay

kumalat na sa buong daigdig ang takot na baka kumalat rin pati sa ibang

bansa ito. Inakala ng ibang bansa na kinailangan rin nilang gumawa ng mga

aksyon upang hindi sakanila mangyari ang mga nangyari sa US. Dahil rin sa

ibinigay na depenisyon ng US sa salitang terorismo ay natukoy nila ang mga

“teroristang grupo” na makikita sakanilang bansa.

Pagkalat ng takot sa tunay na terorismo sa buong daigdig

Sa pagitan ng dekada 60 at dekada 70, nagkaroon ng malaking bilang

ng mga teroristang pagatake tulad ng hijacking, pagbobomba at panununog

ng mga embahada at kidnapping.

Pagkatapos ng yugtong ito ay naitalang 50 % ng napabalitang

teroristang atake ay naganap sa Europa, 21% sa Latin America, 14% sa

North America, 11% sa Middle East at 11% din sa North Africa


15
Ayon sa 25 taon(1951-1976) na pag-aaral ng US News and World

Report hinggil sa terorismo sa buong daigdig, humigit-kumulang 900

teroristang atake laban sa mga indbidwal, gobyerno at mamamayan na

laban sa mga interes ng Estados Unidos ang nailunsad ng Central

Intelligence Agency o CIA.

Isa dito ang pamamaslang kay Iranian premier Mossadegh at sa

pagbabagsak ng kanyang rehimen noong 1953. Kabilang din dito ang

pagpapatalsik sa gobyerno ng Guatemala noong 1954, ng Dominican

Republic noong 1965, ng Ghana noong 1966 at ng Chile noong 1973.

Ilang mga kilalang lider rin gaya nina Prime Minister Patrice Lumumba

ng Congo, Ernesto Che Guevarra, President Salvador Allende ng Chile, dating

Bolivian president Juan Torres, Amilcar Cabral, secretary general of the

African Party for Independence in Guinea and Cape Verde Islands, Eduardo

Mondlane, lider ng isang kilusan sa Mozambique at Prime Minister Solomon

Bandaranaike ng Sri Lanka ang pinaslang ng CIA para sa sarili nitong

interes.---------

Makikita rito na malaki ang naging papel ng CIA at ng US sa

paglaganap ng terorismo at mga pasistang atake mula dekada 50 hangang

huling dekada 70.

Ayon nga kay Admiral Stansfield, direktor ng CIA sa ilalim ng dating

administrasyon ni Jimmy Carter, isang epektibong paraan upang maisulong

16
ang mga interes ng US ay ang paggamit ng terorismo sa pamamagitan ng

pagpasok mismo sa hanay ng mga terorista.

Sa Pilipinas, isang halimbawa ng operasyon ng CIA ay ang pagkakabuo

ng Abu Sayyaf noong dekada 90. Ang CIA, Armed Forces of the Philippines at

iba pang opisyal na gobyerno mismo ang bumuo sa Abu Sayyaf upang

pwersahin ang Moro National Liberation Front ni Nur Misuari na sumangayon

sa usaping pangkapayapaan na pinatupad ng gobyernong Ramos.

Naging matagumpay ang plano ng rehimeng Ramos at

pansamantalang napasuko si Nur Misuari. Ngunit nawalan na ng control ang

gobyerno sa grupong Abu Sayyaf at sa kasalukuyan ay gumagawa na ito ng

mga teroristang pagatake sa Basilan at iba pang bahagi ng Mindanao.

Taong 1981 ay nagsagawa si dating US president Ronald Reagan ng

isang kampanya laban sa terorismo sa buong mundo. Pero sa katunayan ay

inilunsad lamang niya ito upang pagtakpan ang mga krimeng gunawa ng CIA

at maibintang ito sa Soviet Union at iba pang mga kilusan.

Ang US ay nakarekluta ng iba pang mga bansa upang sumama sa

inilunsad nitong giyera para diumano labanan ang terorismo sa buong

mundo. Hindi lamang Afghanistan ang target ng US kundi pati na rin ang iba

pang mga bansa na laban sa mga interes ng US.

Dahil dito, hindi lamang sa mga “terorista” takot ang mga

mamamayan sa buong daigdig. Takot rin sila sa maaaring gawin sakanila ng

17
US kung sakaling kalabanin nila ito. Alam nilang maimpluwensiya,

makapangyarihan at malakas (maraming weapons) ang US at kaya nilang

gamitin ito laban sakanila.

Makikita ang takot nila sa US nang napilitan ang mga “unwilling” na

estado na sumali sa “Coalition of the Willing” dahil sa malakas na control ng

US sa ekonomiya at pulitika ng mga mahihinang bansa. Marami rin sakanila

ang pinagbantaan at sinuhulan upang sumali sa Coalition. Pinapakita ng US

na kung ang isang bansa maaari lamang maging kasapi ng Coalition o hindi

kaya ay kalaban nito.

Ginamit ng US ang pagpapasabog noong September 11 bilang dahilan

sa pagsalakay at pananakop nito sa mga bansa tulad ng Afghanistan na

mapapakinabangan nito.

Maging ang administrasyong Arroyo rin ay ginamit itong dahilan upang

mailusot ang ilang panukala na makakatulong upang makuha ang mga

interes nito kahit na nilalabag nito ang karapatan ng mga mamamayan. Ilan

sa mga panukalang ito ay ang anti-terrorism bill, National ID system,

warrantless arrest, deployment ng secret marshal, gyera at militarisasyon sa

kanayunan at iba pa.

Ginamit rin ito upang matawag na mga criminal (“terorista”) ang mga

kilusang kumakalaban sa kanyang administrasyon. Sa pamamagitan nito ay

mabubuwag niya ang mga kilusang ito at mapoprotektahan ang interes ng

gobyerno.
18
Bunga nito ay dumami ang bilang ng political killings kung saan

mapapansin ang isang pattern. Una, ang mga target ng mga pag-atake ay

mga aktibista at mga pinuno ng mga radikal na grupo. Pangalawa, ang mga

paglusob ay isinasagawa ng sandatahang lakas ng gobyerno at pagkatapos

ay ibibintang nila ang pagpatay sa mga NPA. Makikita rin na ang mga lugar

na my malaki na presensya ng military ay ang kadalasang may mataas na

bilang ng political killings. Minsan pa ay gumagamit ang gobyerno ng mga

fall guy upang maipakita ito sa media at magamit sa kampanya nito laban sa

“terorismo”. At huli, ang kakulangan ng aksyon ng gobyerno upang

maresolba ang pagpatay. Sa katunayan nga ay tinataasan pa ni Arroyo ang

ranggo ng mga tauhan niyang may human rights record. Hinaharang naman

niya ang mga opisyal ng gobyerno sa pagtetestigo sa korte nang walang

permiso mula sa president ( Ito ay nagresulta sa pagtaas ng paglabag sa

mga karapatang pantao.).

Kitang-kita sa pattern na ito na ang gobyerno ang tunay na mga

terorista ngunit inilalagay nila sa isipan ng mga mamamayan na ang mga

“terorista” ang tunay na may kasalanan kung bakit mayroong kaguluhan sa

bansa at gumagawa na sila ng paraan upang mapuksa ang mga teroristang

ito. Totoo nga namang pinupuksa nila ang mga “terorista” dahil kitang-kita

naman na marami na silang napatay na mga grupo na tumutumpak sa sarili

nilang depenisyon ng isang “terorista”. At totoo rin na nagdudulot ng

kaguluhan ang mga “teroristang” ito, gayon nga lang ay hindi ito nakagugulo

sa nakararaming Pilipino kundi sa mga nakatataas lamang.


19
~

Si Osama Bin Laden ng Saudi ang pangunahing suspek sa mga

pagatake noong September 11. Siya ay dating protégé o alaga ng CIA at ng

Estados Unidos. Sumailalim siya sa pagsasanay ng mga Amerikanong

sundalo laban sa Soviet Union na pinagtangkaang sakupin ang Afghanistan

noong panahon ng Cold War.

Nakilala si Bin Laden bilang pinuno ng Taliban, ang gobyernong

namamayani sa Afghanistan. Binigyan ng suporta ng US at CIA ang

pakikipaglaban ng mga Taliban sa mga Ruso noong panahon na iyon.

Ang Taliban ay binuo ng CIA at mperyalismong Estados Unidos laban

sa Soviet Union na noon ay isa ring imperyalistang bansa.

Taong 1979 nang nilusob ng Soviet Union ang Afghanistan at sila ang

naghari dito. Nagkaroon ng mga pag-aalsa at rebelyon na pinamunuan ni Bin

Laden at ng mga Taliban. Dahil sa kaguluhang ito ay mahigit tatlong milyon

sa kanilang populasyon ang nagmigrate sa Pakistan, habang isa’t kalahating

milyon naman ang nagmigrate papuntang Iran. Sa labas ng bansang

Afghanistan ay nabuo ang ilang mga kilusan na laban sa mga Ruso na

sumakop sa Afghanistan.

Sa tulong ng US ay nanalo ang Afghanistan laban sa mga Ruso noong

1986. Malaking halaga ang ginugol ng US sa pagtulong sa pagpapatalsik ng

20
mga Ruso mula sa Afghanistan. Ang US ang tuluyang nagpalakas sa mga

Taliban.

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan, mahigit 11 milyong ang

namatay sa iba’t-ibang gyerang isinagawa ng Estados Unidos mula noong

1800. Sa pakikidigma nito sa Iraq ay umabot sa 1.5 milyong katao ang

napatay ng US troops, kabilang na dito ang daan-daang libong minor de

edad.

Naging madugo rin ang malawakang pagpatay ng mga Amerikano sa

Korea, Vietnam, Indonesia, Indochina at iba pang bansa sa panahon ng Cold

War. Mahigit 200,000 mamamayang Hapones sa Nagasaki at Hiroshima

naman ang namatay dahil sa atomic bomb na pinasabog ng US sa bansa.

Daan-daang libong Pilipino ang pinatay ng US sa digmaang inilunsad nito sa

Pilipinas 1900s. Makikita ito sa mga masaker na isinagawa ng US sa Samar

kung saan pinagutos ni General Jacob Smith ang pagsunog sa lahat ng tao

rito at sa mga kalapit na bayan na may mga mamamayan na may edad 10

pataas.

Ang Paglulunsad ng digmaan sa ibang bansa

Kahit na sinasabi ng US na ang dahilan nila sa pakikipagdigma ay ang

layunin nila na mapuksa ang terorismo sa buong daigdig, hindi parin nila

21
masasabing ito lamang ang kanilang dahilan (at hindi rin ito ang kanilang

pangunahing dahilan).

Sa katunyan, ang habol lamang nila sa Iraq ay ang mga malaking

deposito nito na langis.

Madami ang namatay na sundalong Iraqi, Amerikano at iba pa sa

digmaang ito. Dahil sa pagonti ng mga sundalong Amerikano ay napilitan

ang US na magrekluta ng mga kabataan upang maging kapalit nila. Ang mga

nangangailangan naman ng trabaho ay maluwag na tinanggap ang mga alok

habang ang mga mismong nakaupo sa pamahalaan ay hindi kailanman

hahayaan ang kanilang mga anak na sumali sa giyerang alam nila ay hindi

“worth” na maging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Sa gitna ng digmaang ito, ang Iraq ang nakaramdam ng

pinakamalaking pinsala. Madami ang nawasak na mga pasilidad at

maraming sundalo at mga sibilyan ang namatay. Naging masama na rin ang

reputasyon ng bansa dahil sa pagsali ng US dito sa “Axis of Evil” na

pinagbibintangan na nagpapalaganap ng terorismo.

Maging ang mga Muslim rin ay tinawag na mga terorista at nabigyan

ng hindi magandang reputasyon ng US. Ngunit dapat muna natin tingnan

ang mga dahilan ng mga Muslim kung bakit sila nagsasagawa ng mga

atakeng sa pananaw ng US ay terorista: ang hindi pagtupad ng pamahalaan

sa kanilang mga pangangailangang ekonomikal at pulitikal, paglaban sa mga

22
imperyalistang bansa, at ang mga isyu tungkol sa pagtuligsa sa kanilang

relihiyon at mga paniniwala.

Bakit sila tinatawag na mga terorista kung ang mga layunin lang

naman nila ay ang mapabuti ang pamumuhay ng mga kasapi ng kanilang

pamayanan? Ito ba ay dahil lamang kaiba ang relihiyon nila sa US? Isa

nanaman ba itong maling paggamit sa mga salitang Terorismo at

Extremism?

Siguro nga ay tamang ang tanging habol lamang ng US (at ng mga

“allies” nito na kapwa imperyalista) sa paglulunsad nito ng digmaan ay

upang makakalap ng mas malaki pang kayamanan at mapaunlad nito ang

sariling bansa. Marahil ay layunin rin nito na makasakop pa ng maraming

bansa sa tulong ng mga bansang “nasakop”/kinokontrol na niya (sa tulong

ng Coalition of the Willing). Ang mga makakalap na langis at natural

resources ay magiging malaking tulong upang mapaunlad ang negosyo ng

mga imperyalistang bansa. Ang mga nasakop naman na bansa ay maaaring

gawing tambakan ng mga basura, sarplas at maimpluwensyahan ng kanilang

kultura upang maging dependent ang mga ekonomiya nito sakanila. Bunga

nito ay mas magiging malawak ang control ng mga Kanluranin sa ibang mga

bansa at sila na ang maghahari sa buong daigdig.

23
Pagsasabatas sa Terorismo

Ang Human Security Act

Sa ilalim ng Human Security Act (R.A. 9372) na ipinatupad noong ika-8

ng Pebrero, 2007, ay binigyang depenisyon ang salitang terorismo bilang

isang planado at mapanganib na paggamit ng dahas at lakas laban sa mga

tao, ari-arian at kapaligiran na may intensyong magsimula at magpakalat ng

kaguluhan, takot at pangamba sa publiko o kaya naman ay pagbabanta sa

gobyerno upang piliting aprubahan o tanggihan ang isang batas. Ang batas

na ito ay bilang tugon ng pamahalaan sa banta ng “terorismo” ng bansa

kasabay ng pagtupad nito ng Anti-Terror Bill, All-out War at

pakikipagtulungan sa US. Dito ay natukoy ang apat na aktibong teroristang

grupo sa bansa: Ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National

Liberation Front (MNLF), Abu Sayyaf Group (ASG) at ang New People’s Army

(NPA).

Sinasabing pinapakita ito sa pamamagitan ng pagbabanta sa

seguridad at kalusugan o paglalagay sa kapahamakan sa publiko,

paghahadlang sa mahahalagang proseso, pagha-hijack, pandudukot ng isang

tao, pagpatay (o pagbabanta ng pagpatay) sa pangulo at pangalawang

pangulo o ng isang internationally protected person at ng illegal na

pagmamayari o pagbebenta ng mga armas (nukleyar, radyolohikal,

biyolohikal) na maaaring maging banta sa kaligtasan ng mga mamamayan.

24
Sakop rin ng depenisyong ito ang mga rally na hindi alinsunod sa mga

kagustuhan ng gobyerno. Kung gayon, ano pa ang iyong magiging dahilan sa

iyong pag-rarally kung wala ka naman nang ipaglalaban pa?

Dagdag pa rito ay pinalitan na rin ang batas sa “maximum tolerance”

at ginawa itong “calibrated preemptive response” kung saan

pinapahintulutan ang militar na gumamit ng dahas upang itigil ang rally.

Makikita sa mga batas na ito ang pagkawala ng karapatan ng mga

Pilipino sa pamamahayag. Nawalan na sila ng karapatan na magsabi ng

kanilang mga hinaing sa gobyerno at dahil dito ay maaaring tuluyan nang

mawala ang demokrasya at maisantabi ang kapakanan at mga karapatan ng

mamamayan.

Maging ang simpleng conspiracy ay itinuturing na rin na terrorism act

ng batas at ang pinaghihinalaang terorista ay napapatawan ng mga

parusang kapareho ng sa mga gumagawa mismo ng terrorist acts. Maaari

ding idikta ng gobyerno kung sinu-sino ang kabilang sa mga teroristang

grupo.

Dahil sa napakalawak na depenisyon ng terorismo ay naaakusahan na

rin ng terorismo pati ang mga media, human rights advocates, mambabatas

mula sa oposisyon, at mga religious leaders. Mayroon ding ilang

mamamahayag ang nakatanggap ng death treats mula sa gobyerno

pagkatapos nila punahin ang mga aksyon ng gobyerno. Ginamit naman ng

25
administrasyon ang Hello Garci Scandal upang makapangharas sa mga

kasapi ng oposisyon.

Isinasantabi rin ng batas ang mga due process at kahit na walang

sapat na ebidensya ay maaari nang hulihin ang suspek. Pinapahintulutan

nito ang awtoridad na umaresto ng mga pinagsususpetsahang terorista nang

walang warrant of arrest at ikulong nang walang court order.

Pinagbabawalan na ang komunikasyon ng nakahousearrest sa mga taong

nasa labas ng kanyang tirahan, pinapayagan na ang pagpapataw ng

indefinite detention at pinapawalang bisa ang bail at ang writ of habeas

corpus. Maaari ding i-freeze ang assets ng naakusahan at maging ng

kanyang mga kamag-anak at kaibigan. Nawawala rin ang pribasya ng mga

nagiging suspek dahil sa paghahalughog sa kanyang mga pribadong

dokumento at pagaaresto nang walang court order.

Isa pang probisyon nito ay ang pagbabawal sa pagsasagawa ng peace

talks sa mga rebeldeng grupo tulad ng NPA at MILF at ang magsasagawa nito

ay may karampatang parusa.

Makikita rito na ang HSA ay isang “virtually martial rule” dahil sa

pagsususpinde nito sa ilang due process at paglabag sa mga karapatang

pantao gaya ng Right to Bail, Right to Due Process, Right Against

Incommunicado Detention at Presumption of Innocence. Dahil sa

obserbasyong ito ay nagkaroon ng panukala na Comprehensive Agreement

26
on Respect for Human Rights at International Humanitarian Law (CARHRIHL)

na hanggang ngayon ay hindi parin naipapatupad.

Sa halip ay nagkaroon ng ibang tugon ang gobyerno ukol sa mga

political killings na ito. Nagkaroon ng Department of National Defense (DND)

at Armed Forces of the Philippines( AFP), Department of Justice na

nagsasagawa ng Joint FaCT-Finding tungkol sa mga kasanngkot at sa

paghatol sa mga may sala at nagpapalabas ng Witness Protection Program,

ang Chief Justice at Supreme Court, ang Department of Foreign Affairs (DFA)

na humihingi ng pondo sa European Union at iba pa, at ang CHR na

pinagkalooban ng 25 milyong piso ng US.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Philip Aston tungkol sa mga political

killings sa bansa ay nagkaroon siya ng ilang rekomendasyon upang

mapigilan na ito. Sa kanyang palaga ay dapat na pigilan ng gobyerno na

magsalita sa publiko ang mga military tungkol sa mga grupong radikal at

civil society groups. Kailangan rin na gamitin ng korte ang kapangyarihan

nito sa pagpapatupad ng hustisya at sa pagiimplementa ng mga batas na

naipatupad na nito. Makabubuti rin kung ang Ombudsman ay kikilos nang

mag-isa tungkol sa mga extrajudicial killings at ang gobyerno naman ay

magbibigay ng Special Rapporteur.

27
USA PATRIOT Act

Ang USA PATRIOT Act (Uniting and Strengthening America by Providing

Appropriate Tools Required to Intercept and Obstruct Terrorism Act of 2001

[Public Law 107-56]) ay isinabatas ng administrasyon ni George W. Bush

noong ika-26 ng Oktubre, 2001 pagkatapos ang insidente noong September

11 sa Twin Towers at Pentagon. Naapektuhan nito ang iba pang mga batas

gaya ng Foreign Intelligence Surveillance Act of 1978 (FISA), Electronic

Communication Privacy Act of 1986 (ECPA), Money Laundering Control Act

of, Bank Secrecy Act (BSA) at Immigration and Nationality Act. Pinagsanig rin

ito sa Financial Anti-Terrorism Act.

Pinapalawig nito ang kapangyarihan ng mga law enforcement agencies

na pasukin/halughugin/imbestigahan ang mga naging komunikasyon ng

pinagsususpetsahan na terorista gamit ang telepono, e-mail at cellphone,

mga papeles na medical, pinansyal at maging mga record mula sa library.

Dagdag pa rito ay pinapalawig rin nito ang awtoridad ng Secretary of

Treasury sa pagkontrol sa mga transaksyon, partikular na iyong may mga

kasangkot na dayuhan at pinapadali ang pagpapadeport sa mga imigranteng

suspek ng terorismo.

Sa batas ring ito ay pinalawak ang depenisyon ng terorismo at ng mga

taong matatawag na terorista, na lalong nagpapalawak ng sakop o kontrol

ng batas.

28
Bungan g pagsasabatas nito ay lumaganap ang paggamit ng National

Security Letters, ang mga kasulatan na nagbibigay ng karapatan sa FBI na

magkaroon ng ACCESS sa mga pribadong dokumento ng isang suspek nang

walang court order. Pinapayagan rin nito na ikulong ang suspek kahit na

hindi pa naisisiwalat ang mga ebidensyang laban sakanya o kahit wala pa

mang sapat na ebidensya.

Pag-aabuso sa PATRIOT Act

Si Adam McGaughey, isang webmaster ay inakusahan copyright

infringement at computer fraud at sa pagiimbestiga sa kanyang kaso ay

ginamit ng FBI nag mga probisyon mula sa PATRIOT Act na dahilan upang

makakuha ng mga pribadong dokumento mula sa Internet Service Provider.

Ginamit din ito ng Summit, New Jersey na dahilan sa pagpapatanggal

nila ng mga naninirahang pulubi sa train station nito. Diniin nila na ang

pagpapaalis nilang ito ay konektado sa probisyon ng PATRIOT Act tungkol sa

mga atake o karahasan laban sa mga mass transportation system.

Maging sa pagiimbestiga tungkol sa mga drug traffickers ay ginagamit

rin ang batas na ito.

Marami ang naging puna sa mga probisyon ng Patriot Act. Dahil dito ay

ilang mga panukala na ang ginawa upang magkaroon ng mga pagbabago sa

batas na ito. Kasama rito ang Protecting the Rights of Individuals Act,

29
Benjamin Franklin True Patriot Act at ang Security and Freedom Ensured Act

(SAFE), kapwa mga panukalang hindi nakapasa sa senado.

Noong 2003, naglabas si Charles Lewis ng kopya ng isang panukala ng

gobyerno ng Domestic Security Enhancement Act of 2003 (tinawag na

PATRIOT II) na magpapalawak sa mga sakop ng PATRIOT Act.

Nagkaroon ng dalawang bill upang ma-reauthorize ang PATRIOT Act.

Ang una, ang USA PATRIOT and Terrorism Prevention Reauthorization

Act of 2005, ay nai-reauthorize ang dalawang nasabing batas at nagdadag

ng ilang probisyon sa mga ito. Ilan rito ay ang Death Penalty na ipapataw sa

mga terorista, pagpapahigpit ng seguridad sa mga daungan, paghadlang sa

pananalapi sa mga terorista, pagpapalawig sa kapangyarihan ng Secret

Service, at iba pa. Binago rin nito ang probisyon ng PATRIOT Act kung saan

hindi pinapayagan ang suspek na magkaroon ng komunikasyon sa kanyang

abogado. Pinayagan na ang pakikipagusap ng suspek sa abogado nito pero

kinakailangan naman na ipaalam muna ito sa FBI.

Ang pangalawang bill naman ay ang USA PATRIOT Act Additional

Reauthorizing Amendments Act of 2006. Dito ay inalis na ang probisyon ng

unang reauthorization act na pagpapaalam sa FBI bago makipagusap ng

suspek sa abogado nito. Inialis na rin ang mga library sa listahan ng mga

maaaring makatanggap ng National Security Letters. Sinasabi rin dito na

dapat na magbigay ng report taun-taon ang Attorney General tungkol sa

mga National Security Letters na inilalabas nito.


30
Pinapayagan ng PATRIOT Act na maaaring imbestigahan ang isang

suspek at ipaalam ito matagal pagkatapos ng imbestigasyon. Sa ikalawang

reauthorization ay binago ito at dapat nang ipaalam ang imbestigasyon sa

loob ng 30 araw. Ngunit pinapayagan parin ang korte na patagalin ang

pagtatago tungkol sa imbestigasyon kung makakatulong ito sa terorista na

mapatupad ang mga plano nito.

Pinatagal rin ang panahon ng pagkakaroon ng surveillance sa mga

pinaghihinalaang terorista nang 120 araw habang ang paghahalughog

naman sa mga dokumento ng suspek ay pinatagal hanggang 90 na araw.

Pinalawak pa ang depenisyon ng terorismo at isinama rito ang

pagtanggap ng mga pagsasanay na pangmilitar galing sa mga grupong

terorista mula sa ibang bansa. Kasama na rin sa mga aksyon ng terorismo

ang pagsira at pagpaplano ng pagsira sa mga tren at iba pang mass

transport system. Kokompiskahin na rin ang mga nuclear, chemical,

biological o radiological weapons at mga materyales na panggawa sa mga

ito. Ang mga nakompiskang assets naman ng terorista ay mapupunta sa

kanyang mga biktima.

Kritisismo

Sinasabi ng mga kritiko ng PATRIOT Act na ang batas na ito ay

minadali lamang at hindi pinagisipang mabuti ng senado.

31
Sa kontrobersyal na pelikula ni Michael Moore na Fahrenheit 9/11,

sinabi ni Jim McDermott, isang Congressman, na walang senador ang

nagbasa ng panukala. Sinabi pa ni John Conyers, Jr. na hindi naman talaga

nila binabasa lahat ng mga batas na ipinapasa nila dahil mapapabagal

lamang nito ang trabaho ng senado.

Ilang kritiko rin ang nagsasabi na payagan man ng batas na pakinggan

ng FBI ang mga voicemails ng suspek, illegal naman na gamitin ito bilang

ebidensya sa korte. Pero sa totoo lang ay maaari paring gamitin ang mga ito

bilang ebidensya dahil sa pinapayagan naman ng PATRIOT Act ang pagkuha

nito kung kaya’t hindi maaaring sabihin na illegal itong ilabas sa korte.

Sinasabi rin nilang ang mga pagbabagong ginawa sa PATRIOT Act ay

nagbibigay lamang ng pagkakataon sa mga ahensya na kumuha lamang ng

mga hukom na papanig sakanila—kahit na hindi pa sapat ang ebidensya

laban sa suspek. Dahil rin sa mga pagbabagong ito kaya hindi na

pinoprotektahan pa ng mga telephone companies ang mga kliente nito.

Hindi na rin makakasali o makapagbibigay ng suporta ang mga

mamamayan ng US sa African National Congress dahil sa napapasailalim ang

organisasyong ito sa depinisyon ng terorista na nakapaloob sa PATRIOT Act.

Hindi na rin maaaring ipagpatuloy ng ilang social worker ang pagsasanay

nila sa ilang mga volunteer sa pagaalaga sa mga batang naabandona ng

gulo sa pagitan ng mga Israeli at Palestinians. Napipigilan din ang ilang

peace workers sa pagbibigay nila ng pagsasanay ukol sa epektibong peace

32
negotiation at pagpepetisyon sa United Nations tungkol sa pagaabuso sa

karapatang pantao. Isa pang grupo, ang Humanitarian Law Project, ay

pinagbawalan na bigyan ng tulong at payo ang mga terorista. Nang

pinaglaban ng grupo ang pagbibigay nila ng tulong sa mga terorista ay

binuwag sila ng gobyerno.

Noong 2005, nagbigay ng report ang Business Week na nagsasaad ng

bilang mga NSL na nailabas ng FBI pagkatapos maipasa ang PATRIOT Act.

Makikita rito na nakapaglabas na ang FBI ng mahigit 10,000 na NSL at

nakakalap ng isang milyong pribadong dokumento mula sa mga negosyong

nakabase sa Las Vegas pa lamang.

Maging ang pagpapaalam ng library sa mga magulang ng mga minor

de edad na kliente nito ay ipinagbabawal ng FBI. Dahil dito ay itinatapon na

lamang ng mga library ang kanilang mga records upang hindi na madawit pa

sa mga sakop ng batas.

Noong 2004, ginamit ng FBI ang mga probisyon ng PATRIOT Act upang

pasikretong halughugin ang tahanan ni Brandon Mayfield na pinagbintangan

sa Madrid train bombings at ipinakulong sa loob ng dalawang linggo. Nang

napatunayan na hindi si Mayfield ang may sala sa pagbobomba ay

nakatanggap ito ng public apology mula sa gobyerno.

Sa parehong taon ay hinalughog rin ang tahanan at ipinakulong ng 22

oras ang isang syentista nang makita ng mga pulis ang mga kagamitan nito

33
sa kanyang eksperimento. Ginamit rin nila ang US Biological Weapons Anti-

Terrorism Act para maisagawa ang interogasyon na ito.

Labintatlong mamamahayag rin ang sinabihan ng FBI na itago ang

mga impormasyon na kanilang nakuha mula sa computer intruder na si

Adrian Lamo.

Paghahambing
Ang Human Security Act ng Pilipinas at ang PATRIOT Act ng Estados

Unidos ay may mga pagkakahawig. At dahil sa pagkakaugnay ng mga batas

na laban sa terorismo sa ating bansa sa mga batas g Estados Unidos,

maaaring sabihin na ang PATRIOT Act ang naging balangkas na

pinagbatayan ng Human Security Act.

Ilan sa mga pagkakapareho ng dalawang batas ay ang mga probisyon

nito tungkol sa pagiimbestiga sa mga suspek ng terorismo. Ang mga paraan

ng pagiimbestiga na ito ay madalas na lumalabag sa karapatang pantao ng

mga suspek. Hindi na kailangan ng warrant of arrest at sapat na ebidensya

upang maaresto ito. Hindi na rin kinakailangan ng court order upang

mahalughog ng mga pulis ang mga pribadong dokumento niya. Ang

pagdedetain rin sa suspek ay isinasagawa sa hindi tiyak na panahon.

Nilalabag rin ng parehong batas ang karapatan sa pamamahayag.

Halos magkapareho rin ang pagbibigay ng dalawang batas ng

depenisyon sa terorismo at ang pagpapalawak ng sakop nito. Sapul sa

depinisyon nito ang mga kilusang lumalaban sa gobyerno, mga Islamikong


34
militanteng grupo, mga mamamahayag na naguulat ukol sa mga aksyon ng

pamahalaan, at mga rebelde. Madalas ay binabansagan rin na terorismo ng

mga batas na ito ang mga Human Rights Advocates, lalo na iyong mga may

report tungkol sa paglabag ng pamahalaan sa karapatan ng mga

mamamayan nito.

Hindi sang-ayon ang nakararami sa mga mamamayan ng Estados

Unidos sa PATRIOT Act gayundin sa Pilipinas kung saan hindi rin sangayon

ang mayoriya na mga Pilipino sa Human Security Act. Bagamat ilang

pagtutuligsa na ang naganap upang hindi maipatupad ang dalawang batas,

hindi parin napigilan ang gobyerno sa pagpapatupad ng mga ito. Mayroon

din namang mga sumangayon sa pagpapatupad ng batas. Gayon nga lang,

ang kanilang dahilan ay hindi ang pagsuporta sa mga kaisipan, layunin at

mga paraan ng batas. Kaya nila ito sinusuportahan dahil sa malaking

pakinabang na makukuha nila kung sakaling mapatupad ang mga ito. Ang

iba naman ay natatakot lamang na bansagan ring mga terorista kapag sila

ay kumalaban sa mga batas na ito.

Ang Diskurso ng Terorismo

Mahihinuha sa papel na ito na ang salitang terorismo at extremism ay

isinabatas at binigyan ng depenisyon na nakabatay sa mga imperyalistang

bansa.

35
Ang tinutukoy na terror o sindak sa salitang terorismo ay iyong mga

nakakatakot para sa kanila. Ang mga bagay naman na tinatawag na extreme

ay iyong mga hindi katulad ng mga bansang ito—sa larangan ng kultura,

relihiyon , mga tradisyon at kaugalian at iba pa. Sinisiguro din ng mga batas

hinggil sa terorismo na mapoprotektahan ang mga interes ng mga ito.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng depenisyon sa terorismo ay

nagtagumpay ang US sa pagdidisenyo ng mundo. Ipinakita nila sa

depenisyon na ito kung ano ang hindi “tama” at hindi katanggap-tanggap sa

lipunan. Dinikta nila ang standard at sinabing ito ang nararapat na gawin ng

ibang bansa. Pinagbintangan nila ang mga sumasalungat sa kanilang mga

paniniwala na “extremists”.

Ngunit kung tutuusin ay walang tao ang matatawag na extreme. Ang

katawagan na “Extremist” ay ginagamit lamang ng isang indibidwal sa iba

na may mga gawing hindi katulad ng sakanya. Kung gayon, maaari rin

siyang tawagin na extremist dahil nga magkaiba sila ng mga gawi. Ang

pagbabansag sa mga extremist ay isang siklo lamang dahil kung susuriin ay

magkakaiba naman tayong lahat. Walang tunay na extremist. Ito ay nasa

pananaw lamang ng isang indibidwal at nakabatay sa kung ano ang kanais-

nais para sa kanya. At sa kasong ito, ang pananaw ng US ang namamayani

sa daigdaig dahil sa kapangyarihan at impluwensya nito sa ibang bansa.

Habang ang mga imperyalistang bansa, partikular na ang US, ay

nakikinabang sa digmaan ang Iraq naman at ang mga bansa na pinilit na

36
sumali sa digmaan ay napipinsala. Sinasabi ng US na sila ang biktima ng

digmaan na ito at kailangan ng buong daigdig na makiisa upang mapuksa

ang mga kalaban. Pero talaga bang dapat tayong makisali sa digmaan nila

laban sa kanilang mga kalaban? Hindi kaya ginagamit lamang nilang dahilan

ang digmaan upang makakuha ng madaming suporta mula sa mga bansang

mahihina at pakinabangan ang mga ito para sa sariling interes?

Reaksyon

Ang US ay walang karapatan na sugurin ang mga bansang

pinaghihinalaang mayroong weapons of mass destruction dahil kung

titingnan ay mas marami pa nga itong weapons of mass destruction kaysa sa

nilulusob nila na Iraq.

Wala rin silang karapatan na idikta kung ano ang depenisyon ng

terorismo dahil sila mismo ay nagdudulot ng takot o terror sa buong daigdig.

Tinatakot nila ang Iraq at sinisiraan ito upang makuha ng US ang mga

pakinabang sa bansa. Maging ang ibang mga bansa rin na walang kinalaman

sa digmaan ay tinatakot rin nila sa pamamagitan ng sapilitang pagrerekluta

sakanila na sumali sa “global” war on terror. Sila ay nakikinabang sa suporta

natin habang tayo naman ay ang nakakaramdam ng masasamang epekto ng

digmaan.

37
Kung susundin naman natin ang depenisyon ng terorismo na

nakapaloob sa mga batas ng US, maaari na rin nating tawagin na extremists

ang mga Muslim at ang iba pang mga kasapi ng relihiyong hindi kapareho sa

mga kanluranin (ang kadalasang nagsasabi kung ano ang norm/standard).

Kung ganon, ibig sabihin ba ay kailangan na nilang baguhin ang kanilang

paraan ng pamumuhay upang hindi mabansagan na mga extremist? Maging

ang mga katutubo ay maaaring masakop rin sa depenisyong ito dahil sa

kanilang mga “kakaibang” pagkain, tradisyon at kultura.

Ang terorismo ay walang iisang unibersal na depenisyon. Dahil ang

depenisyon ng terorismo (pati na rin ng extremism) ay nakabase lamang sa

pananaw ng isang indibidwal. Nakadepende ito sa kung ano ang

kinatatakutan niya, kung anu-ano ang kaniyang mga interes at layunin at

kung sino ang tingin niyang makahahadlang rito. Nakabatay rin ito sa mga

paniniwala niya na kanyang pinoprotektahan at ipinaglalaban.

Hindi dapat natin gawing inubersal na depenisyon ang depenisyon na

ibinibigay ng mga mauunlad na bansa sa mga terorista at extremists. Ito ay

nagpapakita lamang kung gaano tayo napapasailalim sa kanilang kontrol at

sa pamamagitan nito ay mas madali nilang masasakop ang ating mga

kaisipan. Dapat ay maisaisip rin natin na hindi tayo ang standard o sentro ng

daigdig, gaya rin ng US na hindi dapat tingnan bilang standard sa buong

mundo. Huwag natin pairalin ang diskriminasyon at bigyan natin ng respeto

38
ang mga taong kaiba sa atin. Sadyang magkakaiba lamang ang mga tao—sa

mga interes, layunin, kultura at paninawala.

Gawin nating batayan ang mga pangangailangan ng tao at ang mga

bagay na makasasama sa nakararami. Huwag nating bigyang pansin lamang

ang mga kahilingan ng mga maimpluwensiya at makapangyarihan.

Dapat na pairaling muli ang demokrasya kung saan ang mayoriya ang

magdedesisyon para sa ikabubuti ng bansa at ang tutukoy sa kung ano ang

tunay na makapapahamak sa mga mamamayan nito.

Mga Sanggunian

Bulatlat.com

www.pinoyweekly.org/cms/2008/06/karapatang-pantao-ang-‘giyera-

kontraterorismo’-ng-us - 23k -

www.laetusinpraesens.org/musings/extreme.php

Wikipedia.com

http://72.14.235.132/search?q=cache:1R3HP10kdDkJ:www.jhuapl.edu/PO

W/library/Rabassa_4-

13_POW.ppt+effects+of+war+on+Muslims&cd=4&hl=tl&ct=clnk&gl=ph

39
Philippine Daily Inquirer

Seven Years After the Start of the So-Called "War on Terror" by Muqtedar

Khan, Iraq Updates.

www.sawikaan.net/terorista.html - 29k -

http://www.gerryalbertcorpuz.motime.com/post/419772/Lifted+from+Ang+P

amalakaya+mag

40

You might also like