You are on page 1of 26

KALAGAYAN NG MGA

MANGGAGAWA SA IBA’T IBANG


SECTOR
Ulat nina Alghec Deon Aque Real, Vinz Marco Vallejos Jaralve,
at Fritz Dumasapal Espinas
Matutunghayan sa Talahanayan 2.2 ang distribusyon
ng paggawa sa bawat sektor na kung saan ay
nagpapakita na papaliit ang industriyal at
agrikultural na kumakatawan sa produktibong
sektor habang papalaki ang nasa sektor ng
serbisyo. Sa pangkalahatan, mas mura ang mga
dayuhan produkto na makikita sa mga lokal na
pamilihan kumpara sa mga lokal na produkto ng
bansa dahil sa mas mura at mababa ang cost ng
produksiyon sa mga pinanggalingang bansa ng mga
naturang dayuhang produkto.
A.Sektor ng Agrikultura
Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy
na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang
bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa
pamilihang lokal.

Lubusang naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa


mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa.
Mas maraming insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang
kompanya na nagluluwas ng kanilang parehong produkto sa
bansa. Sa kabilang banda, may mga lokal na high class product
na saging, mangga at iba pa na itinatanim sa atin na nakalaan
lamang para sa ibang bansa.
Ang pagpasok ng bansa at ng mga nakalipas na
administrasyon sa mga usapin at kasunduan sa GATT,
WTO, IMF-WB, at iba pang pandaigdigang institusyong
pinansyal ay lalong nagpalumpo sa mga lokal na
magsasaka bunsod ng pagpasok ng mga lokal na
produkto na naibebenta sa lokal na pamilihan ng mas
mura kumpara sa mga lokal na produktong agricultural.
Batay sa ulat ng DOLE (2016), mahigit 60% ng mga
dayuhang produktong agrikultural sa loob ng sampung
taon (2006-2016) ay malayang nagiging bahagi sa mga
lokal na pamilihan.
Ang World Trade Organization ay
pandaigdigang grupo ng pagiging
miyembro na nagtataguyod at
namamahala ng malayang kalakalan.
Ang General Agreement on Tariffs
and Trade ay isang kasunduang
multilateral na nagreregula ng
pandaidigang kalakalan.
Nagbibigay ang World Bank ng pinansiyal na tulong sa
mga umuunlad na bansa sa buong mundo habang ang
International Monetary Fund (IMF) ay binabawasan ang
kahirapan, pinasisigla ang mataas na antas ng trabaho,
nagtataguyod ng katatagan sa pananalapi at
nagtataguyod din ng internasyonal na kalakalan.
Isa sa mga suliranin na kinakaharap ng mga lokal
na magsasaka ay ang kakulangan para sa mga
patubig, suporta ng pamahalaan sa pagbibigay na
ayuda lalo na kapag may mga nananalasang
sakuna sa bansa tulad ng pagbagyo, tagtuyot, at
iba pa. Bunsod ng globalisasyon ang pamahalaan
ay nagbigay pahintulot sa pagkonbert ng mga
lupang sakahan upang patayuan ng mga
subdibisyon, malls, at iba pang gusaling
pangkomersiyo para sa mga pabrika, pagawaan,
at bagsakan ng mga produkto mula sa TNCS.
Ang paglaganap ng patakarang neo-liberal sa bansa
simula dekada 80's at sa pagpapalit-palit ng
administrasyon hanggang kasalukuyan, nagpatuloy
rin ang paglaganap ng iba't ibang industriya sa bansa.
Kasabay nito ang patuloy na pagliit ng lupaing
agrikultural at pagkawasak ng mga kabundukan at
kagubatan.
Nagbunga ang mga pangyayaring ito ang pagkasira ng
mga biodiversity, pagkawasak ng mga kagubatan,
kakulangan sa mga sakahan, dumagsa ang mga
nawalan ng hanapbuhay sa mga pook rural, nawasak
ang mga mabubuting lupa na mainam sa taniman.
B. Sektor ng Industriya
Lubusan ding naaapektuhan ng pagpasok ng mga TNCs at iba
pang dayuhang kompanya ay setor ng industriya bunsod din ng
mga naging kasunduan ng Pilipinas sa iba't ibang
pandaigdigang institusyong pinansyal. Katulad ng mga
imposisyon ng IMF-WB bilang isa sa mga kondisyon ng
pagpapautang nila sa bansa. Pagbubukas ng pamilihan ng
bansa, import liberalizations, tax incentives mga TNCs,
deregularisasyon sa mga polisiya ng estado, at pagsasapribado
ng mga pampublikong serbisyo.
Isa sa mga halimbawa ng
industriya na naapektuhan
ng globalisasyon ay ang
malayang pagpapasok ng
mga kompanya at
mamumuhunan sa
industriya ng
konstruksiyon,
telecommunikasyon,
beverages, mining, at enerhiya na kung saan karamihan sa mga
kaugnay na industriya ay pagmamay-ari ng ibang bansa.
Bunsod nito ang mga pamantayang pangkasanayan at
kakayahan, pagpili, pagtanggap, at pasahod sa mga
manggagawa ay naayon sa kanilang mga pamantayan at
polisiya. Kaakibat nito ang iba't ibang anyo ng pang-aabuso sa
karapatan ng mga manggagawa tulad ng mahabang oras ng
pagpasok sa trabaho, mababang pasahod, hindi pantay na
oportunidad sa pagpili ng mga empleyado, kawalan ng sapat na
seguridad para sa mga manggagawa tulad sa mga minahan,
konstruksiyon, at planta na nagpoprodyus ng lakas elekrisidad
na kung saan may mga manggagawa na naaaksidente o
nasasawi.
C. Sektor ng Serbisyo
Matutunghayan sa Talahanayan 2.2 na ang sektor ng
serbisyo ay masasabing may pinakamalaking bahagdan
na maraming naempleyong manggagawa sa loob ng
nakalipas na sampung taon (DOLE, 2006- 2016). Ang
paglaki ng porsyento o bilang ng mga manggagawa sa
sektor na ito ay malaking tulong sa mga manggagawang
Pilipino. Saklaw ng sektor na ito ang sektor ng pananalapi,
komersiyo, insurance, kalakalang pakyawan at pagtitingi,
transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, libangan,
medikal, turismo, business processing outsourcing (BPO),
at edukasyon.
Mahalaga ang sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan
ng bansa dahil tinitiyak nito na makakarating sa mga
mamimili ang mga produkto sa bansa. Kaalinsabay nito
ang iba't ibang suliranin, bunsod ng globalisasyon sa
pamamagitan ng patakarang liberalisasyon ng
pamahalaan o ang pagpasok ng bansa sa mga dayuhan
kasunduan na kung binubuksan ng malaya ang
kalakalan ng bansa sa mga dayuhang kompanya o TNCs
kaya't sa pagpasok ng mga produkto at serbisyo mula sa
TNCs nalilimitahan ang bilang na kalakal at serbisyo na
gawa ng mga Pilipino sa pandaigdigan kalakalan.
TNCs (Transnational Corporation)
Ayon sa datos ng National Economic Development
Authority (NEDA) sa taong 2016 mahigit 56.3 bahagdan
ng bilang ng mga manggagawa sa bansa ay kabilang sa
sektor ng serbisyo, kaya't iminumungkahi ng
kagawarang ito ang paglalaan ng pamahalaan ng higit
na prioridad sa pagpapalago ng sektor sa pamamagitan
ng patuloy na pag-eenganyo sa mga dayuhang
kompanya na magpasok ng mga negosyo sa bansa
dahil ayon na rin sa pagtataya sa 2016 Asia-Pacific
Economic Cooperation Summit na naganap sa bansa na
ang mga manggagawang Pilipino sa sektor ng serbisyo
ang patuloy na tumutulong sa pag-angat ng ekonomiya
ng bansa.
Bunga ng isinagawang patataya ng APEC (2016) ay kinikilala ang
Pilipinas bilang isa sa "emerging and developing countries" sa Asya
dahil sa pagyabong ng sektor ng serbisyo. Isa sa kinikilalang sanhi
nito ay ang mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino,
malayang patakaran ng mga mamumuhunan, tax incentives. Ngunit
kaakibat nito ang samu't saring suliranin tulad ng over-worked, mga
sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga mga
manggagawa sa BPO dahil na rin sa hindi normal na oras ng
pagtatrabaho. Patuloy na pagbaba ng bahagdan ng bilang ng Small-
Medium Enterpirses (SMEs) sa bansa dahil pinasok na rin ng mga
malalaking kompanya o supermalls ang maliliit o mikro-
kompanyang ito sa kompetisyon na kung saan sila ay may
kalamangan sa logistics, puhunan, at resources (NEDA report,
2016).
ISKEMANG SUBCONTRADICTING
Bunsod din ng globalisasyon mas naging mabilis ang
pagdating ng mga dayuhang namumuhunan na mas
pinatingkad naman ng kumpetisyon sa hanay ng mga
dayuhan at lokal na kompanya at korporasyon sa bansa.
Dahil dito mas nahikayat ang mga namumuhunan na
pumasok sa bansa at hindi na naiwasang mapalaganap
ang iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa na
naging malaking hamon sa pagpapaangat ng antas ng
pamumuhay ng uring manggagawa. Matutunghayan sa
Talahanayan 2.3 ang kabuuan ng mga manggagawa na
nasa kategoryang non-regular o mga manggagawang di-
regular o kontraktuwal. Mapapansin din sa talahanayan
ang patuloy na paglago ng bilang mga uring manggagawa
na di-regular o nasa ilalim ng iskemang ito.
Ang iskemang subcontracting ay
tumutukoy sa kaayusan sa paggawa
kung saan ang kompanya (principal)
ay komukontrata ng isang ahensiya o
indibidwal na subcontractor upang
gawin ang isang trabaho o serbisyo
sa isang takdang panahon. May
dalawang umiiral na anyo ng
subcontracting ito ay ang:
• Ang Labor-only Contracting na kung saan ang
subcontractor ay walang sapat na puhunan upang
gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang
manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga
gawain ng kompanya;
• Ang job-contracting naman ang subcontrator ay may
sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at
mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng
subcontractor. Wala silang direktang kinalaman sa
mga gawain ng kompanya. Hindi pinapayagan sa
batas ang job-contracting dahil naaapektuhan nito
ang seguridad ng mga manggagawa sa trabaho.
PANGKAT 1
1. Ito ang sektor na kung saan lubusang naapektohan ang
mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang naibebenta
ang mga  dayuhang produkto sa bansa.
2. Ibigay ang tatlong pandaigdigang intitusyong pinansyal
na kabilang sa Sektor ng Agrikultura.
PANGKAT 2
1. Ito ang sektor na may pinakamataas na bahagdan ng
mga empleyado.
2. Ibigay ang dalawang institusyon na kabilang sa Sektor
ng Serbisyo.
PANGKAT 3
1. Ito ang sektor na kung saan lubusan ding naaapektuhan ng
pagpasok ng mga TNCs at iba pang dayuhang kompanya ay setor ng
industriya bunsod din ng mga naging kasunduan ng Pilipinas sa iba’t
ibang pandaigdigang institusyong pinansyal.

2. Pagbubukas ng pamilihan ng bansa, import liberalizations, tax


incentives mga _____, deregularisasyon sa mga polisiya ng estado, at
pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo.

PANGKAT 4
1. Ito ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang
kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal
na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang
takdang panahon.

2. May dalawang umiiral na anyo ng subcontracting ito ay ang:


____________ at _______________
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like