You are on page 1of 2

Panuto: Guhitan ang mga KALAGAYAN o SITWASYON ng mga manggagawa sa bawat sektor.

Kalagayan ng mga Manggagawa sa iba’t ibang Sektor

Matutunghayan sa Talahanayan 2.2 ang distribusyon ng paggawa sa bawat sektor na kung saan ay nagpapakita
na papaliit ang industriyal at agrikultural na kumakatawan sa produktibong sektor habang papalaki ang nasa sektor ng
serbisyo. Sa pangkalahatan, mas mura ang mga dayuhan produkto na makikita sa mga lokal na pamilihan kumpara sa
mga lokal na produkto ng bansa dahil sa mas mura at mababa ang cost ng produksiyon sa mga pinanggalingang bansa ng
mga naturang dayuhang produkto.

Talahanayan 2.2 Percentage Distribution of Employed Persons by Industry, Occupation, Class of Worker and Hours
Worked in a Week, Philippines 2016

A. Sektor ng Agrikultura

Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na
iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal. Lubusang naaapektuhan ang
mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa. Mas maraming
insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang kompanya na nagluluwas ng kanilang parehong produkto sa bansa. Sa
kabilang banda, may mga lokal na high class product na saging, mangga at iba pa na itinatanim sa atin na nakalaan
lamang para sa ibang bansa. Ang pagpasok ng bansa at ng mga nakalipas na administrasyon sa mga usapin at kasunduan
sa GATT, WTO, IMF-WB, at iba pang pandaigdigang institusyong pinansyal ay lalong nagpalumpo sa mga lokal na
magsasaka bunsod ng pagpasok ng mga lokal na produkto na naibebenta sa lokal na pamilihan ng mas mura kumpara sa
mga lokal na produktong agricultural. Batay sa ulat ng DOLE (2016), mahigit 60% ng mga dayuhang produktong
agrikultural sa loob ng sampung taon (2006- 2016) ay malayang nagiging bahagi sa mga lokal na pamilihan.
Isa sa mga suliranin na kinakaharap ng mga lokal na magsasaka ay ang kakulangan para sa mga patubig, suporta
ng pamahalaan sa pagbibigay na ayuda lalo na kapag may mga nananalasang sakuna sa bansa tulad ng pagbagyo,
tagtuyot, at iba pa. Bunsod ng globalisasyon ang pamahalaan ay nagbigay pahintulot sa pagkonbert ng mga lupang
sakahan upang patayuan ng mga subdibisyon, malls, at iba pang gusaling pangkomersiyo para sa mga pabrika, pagawaan,
at bagsakan ng mga produkto mula sa TNCs. Ang paglaganap ng patakarang neo-liberal sa bansa simula dekada 80’s at sa
pagpapalit-palit ng administrasyon hanggang kasalukuyan, nagpatuloy rin ang paglaganap ng iba’t ibang industriya sa
bansa. Kasabay nito ang patuloy na pagliit ng lupaing agrikultural at pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan.
Nagbunga ang mga pangyayaring ito ang pagkasira ng mga biodiversity, pagkawasak ng mga kagubatan, kakulangan sa
mga sakahan, dumagsa ang mga nawalan ng hanapbuhay sa mga pook rural, nawasak ang mga mabubuting lupa na
mainam sa taniman.

B. Sektor ng Industriya

Lubusan ding naaapektuhan ng pagpasok ng mga TNCs at iba pang dayuhang kompanya ay setor ng industriya
bunsod din ng mga naging kasunduan ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang institusyong pinansyal. Katulad ng mga
imposisyon ng IMF-WB bilang isa sa mga kondisyon ng pagpapautang nila sa bansa. Pagbubukas ng pamilihan ng bansa,
import liberalizations, tax incentives sa mga TNCs, deregularisasyon sa mga polisiya ng estado, at pagsasapribado ng mga
pampublikong serbisyo. Isa sa mga halimbawa ng industriya na naapektuhan ng globalisasyon ay ang malayang
pagpapasok ng mga kompanya at mamumuhunan sa industriya ng konstruksiyon, telecommunikasyon, beverages,
mining, at enerhiya na kung saan karamihan sa mga kaugnay na industriya ay pagmamay-ari ng ibang bansa. Bunsod nito
ang mga pamantayang pangkasanayan at kakayahan, pagpili, pagtanggap, at pasahod sa mga manggagawa ay naayon sa
kanilang mga pamantayan at polisiya. Kaakibat nito ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa karapatan ng mga
manggagawa tulad ng mahabang oras ng pagpasok sa trabaho, mababang pasahod, hindi pantay na oportunidad sa
pagpili ng mga empleyado, kawalan ng sapat na seguridad para sa mga manggagawa tulad sa mga minahan,
konstruksiyon, at planta na nagpoprodyus ng lakas elekrisidad na kung saan may mga manggagawa na naaaksidente o
nasasawi.

C. Sektor ng Serbisyo

Matutunghayan sa Talahanayan 2.2 na ang sektor ng serbisyo ay masasabing may pinakamalaking bahagdan na
maraming naempleyong manggagawa sa loob ng nakalipas na sampung taon (DOLE, 2006- 2016). Ang paglaki ng
porsyento o bilang ng mga manggagawa sa sektor na ito ay malaking tulong sa mga manggagawang Pilpino. Saklaw ng
sektor na ito ang sektor ng pananalapi, komersiyo, insurance, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-
iimbak, komunikasyon, libangan, medikal, turismo, business processing outsourcing (BPO), at edukasyon. Mahalaga ang
sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak nito na makakarating sa mga mamimili ang mga produkto
sa bansa. Kaalinsabay nito ang iba’t ibang suliranin, bunsod ng globalisasyon sa pamamagitan ng patakarang
liberalisasyon ng pamahalaan o ang pagpasok ng bansa sa mga dayuhan kasunduan na kung binubuksan ng malaya ang
kalakalan ng bansa sa mga dayuhang kompanya o TNCs kaya’t sa pagpasok ng mga produkto at serbisyo muli sa TNCs
nalilimitahan ang bilang na kalakal at serbisyo na gawa ng mga Pilipino sa pandaigdigan kalakalan. Ayon sa datos ng
National Economic Development Authority (NEDA) sa taong 2016 mahigit 56.3 bahagdan ng bilang ng mga manggagawa
sa bansa ay kabilang sa sektor ng serbisyo, kaya’t iminumungkahi ng kagawarang ito ang paglalaan ng pamahalaan ng
higit na prioridad sa pagpapalago ng sektor sa pamamagitan ng patuloy na pag-eenganyo sa mga dayuhang kompanya na
magpasok ng mga negosyo sa bansa dahil ayon na rin sa pagtataya sa 2016 Asia-Pacific Economic Cooperation Summit na
naganap sa bansa na ang mga manggagawang Pilipino sa sektor ng serbisyo ang patuloy na tumutulong sa pag-angat ng
ekonomiya ng bansa. Bunga ng isinagawang patataya ng APEC (2016) ay kinikilala ang Pilipinas bilang isa sa “emerging
and developing countries” sa Asya dahil sa pagyabong ng sektor ng serbisyo. Isa sa kinikilalang sanhi nito ay ang
mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino, malayang patakaran ng mga mamumuhunan, tax incentives. Ngunit
kaakibat nito ang samu’t saring suliranin tulad ng over-worked, mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay
ng mga mga manggagawa sa BPO dahil na rin sa hindi normal na oras ng pagtatrabaho. Patuloy na pagbaba ng bahagdan
ng bilang ng Small-Medium Enterpirses (SMEs) sa bansa dahil pinasok na rin ng mga malalaking kompanya o supermalls
ang maliliit o mikro-kompanyang ito sa kompetisyon na kung saan sila ay may kalamangan sa logistics, puhunan, at
resources (NEDA report, 2016).

You might also like