You are on page 1of 3

PAGBABAGONG PANG-EKONOMIYA SA SOUTH AT WESTERN ASIA

Rehiyon ng South Asia


- isa sa mga mabilis na lumalagong ekonomiya sa mundo.
- ang inaasahang paglago ng GDP ay 8% sa taong 2020.

Dayuhang kapitalista
- nagbukas ng ekonomiya ng India simula pa noong 1980s

Naglayong mapabilis ang pagsulong ng ekonomiya


- ang liberalisasyon ng ekonomiya kabilang ang deregulasyon, pagsasapribado ng mga korporasyon ng estado at
malayang pamumuhunan ng mga dayunan

Ang mababang pasahod sa mga manggagawa at mga propesyonal na marunong magsalita ng wikang Ingles ay ang ilan
lamang na dahilan para mahikayat ang malalaking multinational corporations (MNCS) na mamuhunan sa India lalo na sa
larangan ng manufacturing at sa business process outsourcing (BPOs) at pagluluwas ng mga information technology at
software services.

Ang matagumpay na hi-tech na industriya ay naging dahilan para maraming mga Indian ang bumalik sa kanilang bansa
para makapagbigay ng kanilang kontribusyon sa pag-unlad.

Mababa rin ang per capita income ng mga Indian kung ikukompara sa ibang bansa. Sa susunod na mga taon,
inaasahang patuloy na aangat ang ekonomiya dahil sa mas batang populasyon, malaking bahagdan ng pag-iimpok, at
malayang pakikipagkalakalan sa ibang bansa. Samantala, patuloy pa rin ang suliranin sa mabagal na proseso ng
pamahalaan at pagkakaroon ng hindi maayos at mabisang impraestruktura.

Ang patuloy na diskriminasyon sa mga babae, hindi sapat na access sa kalidad na edukasyon, at migrasyon mula rural
patungong urban ay ilan lamang sa mga pagsubok na kinakaharap ng India. Kahit patuloy na umaangat ang kalagayan ng
ekonomiya ng India, ang agwat ng mayayaman at mahihirap ay malaki pa rin. Tinatayang 30% ng mga Hindu ay
nabubuhay sa US$1.90 bawat araw. Mas higit na nararanasan ang kahirapan sa mga rural na komunidad kung saan may
mataas din na antas ng illiteracy at mahinang kalusugan.

Bangladesh
- Itinuturing na nangungunang tagapagluwas ng garment o produktong yari sa tela na siyang nagtutulak sa malaking pag-
angat ng bansa.
- Umabot sa 6.9% ang GDP noong 2018 dahil na rin sa mga remittance.

Bhutan
- Lider sa paggamit ng malinis na enerhiya na galing sa mga hydropower reserve.
- Noong 2018, nagtala ng 9.9% na GDP ang Bhutan.

Nepal
- Sa gitna ng malulubhang kalamidad na naranasan tulad ng lindol, ay umaangat na rin
- Inaasahang magkakamit ng 5.4% na paglago ng ekonomiya. Ang salik na magpapalago ng ekonomiya ay ang sektor ng
agrikultura at malawakang rekonstruksiyon.

Pakistan
- Patuloy na umaangat dahil sa mga repormang pang- ekonomiya na ipinatutupad ng pamahalaan kaakibat ang mahigpit
na pagsusulong ng seguridad para sa pag-unlad ng ekonomiya.
- Inaasahan ang 5.5% na pag-unlad ng ekonomiya.
Sri Lanka
- Mayroong magandang ekonomiya sa rehiyon.
- Ang mga salik sa pag-unlad ng Sri Lanka ay ang pagrestruktura ng kanilang labor market at paglalaan ng malaking
halaga sa paghahandang teknolohikal.
- Medyo mataas din ang budget deficit ng pamahalaan at may malaking utang panlabas Matatag ang Sri Lanka sa
larangan ng edukasyon.

EKONOMIYA SA WESTERN ASIA

Saudi Arabia
- Napakahalaga ng pandaigdigang pakikipagkalakalan para sa Saudi Arabia sapagkat dito nakasalalay ang kanilang
ekonomiya.
- Umaabot sa 61% ng GDP ang mga inaangkat at iniluluwas ng Saudi Arabia.
- Ang pangunahing mga bansa kung saan nagluluwas ang Saudi ay China, Japan, US, India, at South Korea.
- Ang taripa ay mababa sa 3.5% subalit nagpapatupad sila ng mga nontariff barrier sa mga inaangkat na produkto.
- Hinihikayat ng pamahalaang Saudi Arabia ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan. Ang pagluluwas ng langis ng
bumubuo ng 85% na kita ng pamahalaan
- Ang Saudi ang pinakamalaking tagaluwas ng petrolyo sa buong mundo at namumuno sa Organization of the
Petroleum Exporting Countries (OPEC). May 2% na paglago ang ekonomiya ng Saudi sa taong 2018 dahil sa
katamtamang pagbawi sa produksiyon ng langis at sa mataas na gastos ng pamahalaan. Sa larangan ng paggawa,
mahigpit na regulasyon ang ipinatutupad sa mga dayuhang manggagawa. Ang mabagal o mababang paglago ng
ekonomiya ay dahil sa mababang antas ng edukasyon, kakulangan ng oportunidad sa mga babae, at mga bias o
pagkiling sa pagpili ng mga manggagawa. Sa paglaki ng populasyon, magiging kulang ang mga oportunidad sa kanilang
mamamayan. Dahil na rin sa lumalaking budget deficit ng pamahalaan na 7.6% sa taong 2019, maaaring malimitahan
ang mga subsidiya o tulong ng gobyerno sa mga pangunahing serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at kalusugan.
Kaakibat nito ay ang pagpapatupad ng mga repormang pang-ekonomiya. Isa sa mga nakikitang pagkakataon ay ang
pagpapalakas ng turismo. Sa kasalukuyan, maraming itinatayong mga makabagong gusali, makabagong siyudad, at
industriya bilang pagresponde sa tinatawag na "post-oil economy."

Turkey

- Mabilis na umuusbong at lumalagong ekonomiya.


- May malakas na pakikipagkalakalan ang Turkey sa iba't ibang bansa at bukas din ito sa dayuhang kapital. Noong 2017,
lumago ang ekonomiya ng 3.5% samantalang sa taong kasalukuyan ay inaasahang magkakaroon ng Turkey ng 4.1% na
paglago ng GDP. Ang sektor ng serbisyo ang may pinakamalaking kontribusyon sa ekonomiya (64.2%), sumunod ang
sektor ng industriya, at ang panghuli ay sektor ng agrikultura. Tinatayang 16.9% ng populasyon ay nabubuhay below
poverty line.
- Ang mga produktong kastanyas, pakwan, tsaa, kamatis, tabako, mansanas, trigo, at rye ay halimbawa ng mga produkto
mula sa sektor ng agrikultura. Ang sektor ng industriya ay nakatuon sa textiles, food processing, electronics,
pagmimina, petroleum, at konstruksyon. Umiiral ang malayang kalakalan bilang patakarang pang-ekonomiya sa Turkey
subalit may mga hamon tulad ng malaking paggastos ng gobyerno, isyu tungkol sa seguridad, at ang mapanghimasok na
pamahalaan sa iba't ibang larangan.
- Dahil sa kaguluhan sa Syria, maraming refugees ang pumunta sa Turkey noong 2017 na maaaring magdulot ng mga
suliraning pang-ekonomiya at panlipunan lalo na sa mga pangunahing lungsod. Kinakailangan din ng Turkey na
mapalakas ang pamumuhunan, pataasin ang kalidad ng edukasyon, palakasin ang kapasidad ng paglikha (productivity),
at maging aktibong bahagi ng Europe.

Iran
- Ang ekonomiya ng bansang Iran ay nakasalalay sa malaking yamang likas, ang produksiyon at pagluluwas ng mga
produktong petrolyo.
- Tinatayang mayroong 10% na reserba ng langis ang matatagpuan sa Iran.
- Ang ekonomiya ng Iran ay nasa pamamahala ng estado kung kaya at malaki ang pampublikong sektor nito.
Ginagampanan ng pamahalaan ang pagkontrol ng mga presyo at pagbibigay ng subsidiya sa mga pangunahing serbisyo.
Dahil dito, malaki rin ang gastos ng gobyerno na nagdudulot ng budget deficit. Sa taong 2017, mayroong GDP na
US$439.5 bilyon ang Iran at mayroong populasyon na 80 milyon. Naglalayon ang estado na sa susunod na mga taon,
lalago ang GDP ng 8%. Ang mga pangunahing bansa kung saan nagluluwas ang Iran ay China, India, Turkey, at Japan.
Ang sektor na non-oil ay maliit lamang ang kontribusyon sa ekonomiya. Ang mga Iranian na walang trabaho ay nasa
11.9%. Mayroong gender gap sa larangan ng paggawa sapagkat ang labor participation (2018) ng babae ay 16.17%
lamang samantalang ang mga lalaki ay 17.23%.
- Ang mga pinuno ng Iran ay unti-unti na ring nagpapatupad ng mga reporma at patakarang nakabatay sa free-market o
malayang kalakalan. Pinalalakas nila ang agham at teknolohiya, kultura, pananalapi at pagbabangko, reporma sa mga
pampublikong korporasyon, at wastong paggamit ng kanilang kita mula sa krudo. Ang mga hamon sa Iran ay ang
pagkontrol sa implasyon, korupsiyon,

Kuwait

- May maliit na teritoryo subalit ito ay mayamang eknonomiya dahil mas malaking reserba ng crude oil na tinatayang 6%
sa buong mundo.
- Mahigit sa kalahati ng GDP at kita ng bansa ay nagmumula sa pagluluwas ng produktong petrolyo.
- Noong 2016, nakaranas ng budget deficit ang Kuwait na umabot ng 16.5% ng GDP. Nagpatupad ang pamahalaan ng
pagbabawas ng mga subsidiya sa langis para sa kaniyang mamamayan na naging dahilan para magalit ang publiko at
ang kanilang National Assembly. Pinaghahandaan ng estado ang maaaring paghina ng kita mula sa pagluluwas ng langis
kung kaya at nagtatag ang pamahalaan ng Fund for Future Generations kung saan ilalagak ang malaking bahagi ng kita
para sa pag-iimpok.
- Pinilit ng pamahalaan na mag-iba-iba ng ekonomiya subalit hindi ito naging matagumpay sapagkat hindi maganda ang
business climate sa bansa, hindi maganda ang ugnayan ng National Assembly at ng sangay na ehekutibo, at malaking
bahagi ng pampublikong sektor ang nagbibigay ng trabaho sa kaniyang mamamayan. Hinihikayat din ng Kuwait ang mga
dayuhang mamumuhunan sa bansa para mas lumaki ang partisipasyon ng pribadong sektor sa ekonomiya.

You might also like