Professional Documents
Culture Documents
Kung mayroon mang positibong ibinunga ang K to 12, ito ay ang pagkakaroon ng isang bagong
asignatura ang Kontemporaryong Isyu- sa Baitang 10. Ayon mismo sa K to12 Gabay sa Kurikulum para
sa Araling Panlipunan (Baitang 1-10) na inilabas ng Departamento ng Edukasyon noong Disyembre 13, 2013,
pangunahing layunin ng asignaturang ito na linangin “ang maialim na pag-unawa“ ng mga mag-aaral..." sa
mga isyu at hamong pangkapaligiran, pang-ekonomiya, pampulitika, karapatang pantao, pang-edukasyon, at
pananagutang pansibiko na kinahaharap ng mga bansa sa kasalukuyan, gamit ang mga kasanayan sa
pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pananaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang
komunikasyon, pagiging makatarungan, at matalinong pagpapasya.”
Kaakibat ng modernisasyon ang pagsulpot ng maraming suliranin tulad ng pagkawasak ng kalikasan, paglobo
ng populasyon, pagtindi ng kahirapan, paglawak ng agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, paglala ng
kriminalidad, at iba pa.
Lalong tumitindi ang pangangailangan na maisabalikat ang ganitong misyon pagkatapos na sumambulat ang
pan-daigdigang krisis sa ekonorniya noong 2008, at habang lalong narararndaman ang mga epekto ng
pagbabago sa klima na hatid ng pagkawasak ng kalikasan na bunsod naman ng walang rendang
modernisasyon.
Mula noong 2008, lalong naging lantad ang mga isyung gaya ng kahirapan, migrasyon, at kawalan ng
trababo. Parami nang parami ang mahihirap hindi lamang sa mahihirap na bansa kundi maging sa mga
itinuturing na mauunlad na bansang industriyalisado, habang papalaki naman nang papalaki ang bahagi sa kita
ng mga pinakamalalaking korporasyon at ng mga pinakamayayamang indibiduwal at pamilya.
Dahil. ang unemployment rate sa mauunlad na bansa ay mataas na o kaya'y tumataas pa, nagiging limitado
ang oportunidad para sa mga gustong magtrabaho sa ibang bansa.
Isa sa mga suliraning global na nangangailangan ng pagtugon ang pagbabago ng klima. Idinulot ito ng daan
taong industriyalisasyon sa mauunlad at mga umuunlad na bansa na nagbuga ng napakalaking quantity ng
carbon dioxide at iba pang greenhouse gas na naglimita sa kakayahan ng atmospera na pasingawin ang init sa
daigdig.
Sa Asignaturang Kontemporaryong Isyu, hindi man maibigay ang lahat ng sagot at solusyon ay tiyak na
mabubuksan ang iyong mga isipan upang malinang ang iyong interes sa patuloy na paghahanap ng mas
magandang kinabukasan para sa bansa at para sa daigdig ng iyong henerasyon at mga susunod pang
henerasyon.
Isa sa mga pinakamalubhang suliranin ng mga Pilipino ang mga usaping pang-ekonomiya. Saklaw nito ang
mga suliraning gaya ng kahirapan, agwat ng mayaman at mahirap, migrasyon, at disempleyo. Ang maraming
suliranin ng ating lipunan sa kasalukuyan ay pawang mauugat sa anyo ng ating sistemang ekonomiko.
KAHIRAPAN SA PILIPINAS
Batay mismo sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang poverty incidence sa mga pamilyang
Pilipino noong 2006, 2009, 2012 at 2015 ay 23.4%, 22.9%, 22.3% at 21.6%.
Mas mataas sa aktuwal ang bilang ng mahihirap sa bansa dahil ang opisyal na buwanang poverty threshold na
itinakda ng gobyerno ay napakaliit.
Ang ganitong sukatan ng kahirapan ah hindi gaanong komprehensibo dahil hindi nito isinasaalang-alang ang
iba pang mahahalagang pangangailangan ng mga mamamayan.
Kung ihahambing naman ang pag-unlad ng Pilipinas sa pag-unlad ng ibang bansa, lalong makikita ang
underdevelopment ng bansa.
Inihayag ng United Nations sa 2017 Human Development Report na nasa ika-116 na puwesto ang
Republika ng Pilipinas sa talaan ng 188 na bansa sa buong daigdig na iniranggo ng pandaigdigang institusyon
sa pamamagitan ng HDI.
Sinusukat ng HDI ang pangkalahatang kaunlaran o holistic development batay sa antas ng edukasyon,
kalusugan, at kita ng mga mamamayan sa bawat bansa.
Sa isang pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) noong 2017, 26% ng mga batang
Pilipino ang malnourished.
Sa pagtataya naman ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahirap (KADAMAY), may 30,000,000
Pilipino ang maituturing na maralitang tagalunsod o urban poor.
Ayon sa PSA noong Enero 2018, 5.3% o 2.33 miyong Pilipino ang walang trabaho at 18% naman o halos 8
milyon ang underemployed. Hindi kataka-takang sa kawalan ng sapat na oportunidad na makapaghanapbuhay
sa sariling bansa, halos 6,000 Pilipino ang umaalis sa lupang tinubuan araw-araw para magtrabaho sa ibang
bansa ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), batay sa deployment ng OFWs
noong 2016.
Kung pagtatagni-tagniin ang mga kalat-kalat na estadistikang ito, mahihinuhang habang mabilis na umuunlad
ang ibang bansa sa iba’t ibang aspekto, nananatiling mabagal kundi man hindi umuusad ang pag-unlad ng
Pilipinas.
Mailalantad ang mga sanhi ng kahirapan sa Pilipinas kung muling babalikan ang pagsusuri sa sistemang
ekonomiko ng bansa.
Gaya ng ulat ng Bertelsmann Foundation (2014), isang institusyong nakabase sa Germany, ang
control ng mga iilang pamilyang elite sa politika at ekonomiya ng bansa ang pangunahing hadlang sa pag-
unlad nito at sa paglutas sa kahirapan ng mga mamamayan nito.
Kontrolado ng mga pamilyang ito, na tinatawag ding mga dinastiyang political, ang mga local at
pambansang mga posisyon sa sangay ng ehekutibo at lehislatibo.
Sa kasalukuyan, konsentrado pa rin sa kamay ng iilang pamilya ang malaking porsiyento ng mga lupain sa
Pilipinas. Nananatiling walang sariling lupa ang mayorya ng mga magsasaka.
Ang ganitong kawalan ng matagumpay na reporma sa lupa sa Pilipinas, kumpara sa matatagumpay na
reporma sa lupa sa Sounth Korea, Vietnam, at iba pang mga bansa sa Asya ay isa rin sa mga sanhi ng
kahirapan sa Pilipinas.
Isa pang sanhi ng kahirapan sa bansa ang mataas na antas ng disempleyo o unemployment at mataas na
antas ng kakulangan sa trabaho o underemployment.
Direktang sanhi ng kahirapan ang disempleyo at underemployment dahil hinahadlangan ng mga ito ang
pagkakaroon ng mga mamamayan ng sapat na kita upang sila’y mabuhay at lagpas pa rito ay magtamasa
ng mga oportunidad sa pag-unlad.
Sa nakalipas na mga taon, mula 2009-2012, halos hindi nagbago ang antas ng disempleyo sa bansa, gaya
ng ipinakikita ng datos mula sa World Bank Database: 7.5% (2009); 7.3% (2010); 7.0% (2011); 7.0%
(2012).
Noong 2018, bagama’t bumaba na sa 5.3% ang antas ng disempleyo, tumaas naman at umabot na sa 18%
ang underemployed.
Sa ngayon ay isa pa rin sa may pinakamalalang antas ng disempleyo sa Timog-Silangang Asya ang
Pilipinas.
Ayon sa datos ng PSA (2017), halos apat na milyon out-of-school children and youth. Sakop nito ang mga
nasa edad 6-24 na hindi nag-aaral – mga Pilipinong dapat nag-aaral ngunit hindi nag-aaral.
Bagama’t mula 2018 ay libre na ang matrikula maging sa mga publikong unibersidad, nangangamba ang
ilang grupo ng mga kabataan na hindi pa rin makakapag-aral ang lahat ng dapat mag-aaral dahil sa
kakulangan ng gastos para sa baon at ipang pangangailang kaugnay ng edukasyon tersyarya.
Ang kawalan ng sapat na access sa edukasyon ay kapuwa sanhi at bunga ng edukasyon. Ito ay sanhi ng
kahirapan sapagkat ang kawalan ng edukasyon o sapat na edukasyon ay isang hadlang sa pagkakamit ng
mataas na antas ng kita.
Sa PHILIPPINE QUARTERLY UPDATE ng World Bank na pinamagatang “Investing in Inclusive
Growth Amid Global Uncertainty” (Hulyo 2012), pinatutunayan na mas Malaki ang average na kita ng
ga graduate ng kolehiyo kaysa sa mga graduate ng hayskul.
Nagkakaroon ng malawakang protesta ang iba’t ibang non-government organization (NGO) laban sa mga
umiiral na kalakaran sa lipunan sapagkat ang mga ito ang sinisisi nila s apag-iral ng kahirapan sa bansa.
Bunsod ng kahirapana, lumalaki rin ang pagkakataon ng mga rebeldeng grupo na mahikayat ang ilang
desperadong mamamayan na sumama sa kanilang grupo.
Ang mga rebelyon ay karaniwang mauugat sa pag-iral ng matinding kahirapan ng maraming mamamayan
kasabay ng paglago ng ekonomiya na pinakikinabangan ng iilang pamilya lamang.
Dahil sa matinding kahirapan at mataas na antas ng umemployment sa Pilipinas, marami ang napipilitang
mangibang-bansa.
Dalawang pangunahing reporma ang maaaring maging gulugod o backbone ng paglutas sa unemployment
at sa pag-unlad ng bansa: ang tunay na reporma sa lupa at modernisasyon ng agrikultura, at makabansa at
pambansang industriyalisasyon.
Tinatayang 60% ng mga lupang agricultural sa bansa ay kontrolado ng mayayamang pamilya na bumubuo
sa 13% lamang ng populasyon ng bansa, at pito sa sampo magsasaka ang walang sariling lupa.
Ang ganitong konsentrasiyon ng lupa sa iilang pamilya ang dahilan ng kawalan ng sapat na pagkain ng
bansa at ng sapat na trabaho para sa mayorya ng mga mamamayan (75% ng mga Pilipino ay magsasaka
ayun sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, 2008).
Ayon sa World Factbook ng Central Intelligence Agency (CIA), 26.9% ng labor force ng bansa ay nasa
agrikultura, 17.5% ang nasa industriya at 55.6% naman ang nasa serbisyon (call centers, fastfood chains,
banks, malls at iba pa).
Malaking bahagi ng mga rebeldeng komunista sa ilalim ng Communist Party of the Philippines-New
People’s Army (CPP-NPA) ay mga magsasakang naaakit sa programa ng nasabing grupo na libreng lupa
para sa mga magsasaka.
Ayon sa (NDFP), bukas ito sa pagpirma ng mga kasunduang nakatuon sa mga repormang sosyo-
ekonomiko, kabilang na ang reporma sa lupa, gaya ng isinasaad sa panukala nitong Concise Agreement
for an Immediate Just Peace (CAIJP) noong 2005.
Ang modernisasyon ng agrikultura ang magtitiyak sa food self-sufficiency ng bansa. Ang kasapatan sa
pagkain ay isa ring porma ng pagtitipid sapagkat ang importasyon ng pagkain ay ginugugulan ng dolyar.
Ang pagsigla ng agrikultura na dulot ng reporma sa lupa at modernisasyon ng sector na ito ay
magpapalapad sa pamilihan at magreresulta sa pagsigla ng ekonomiyang agricultural na magluluwal ng
karagdagang capital para sa pagtatayo ng mga industriya.
Sa mga unang dekada ng industriyalisasuon sa Europea, tubo at paglago lamang ng ekonomiya ang
sinusukat ng mga ekonomista at tagabalangkas ng patakaran.
Sa ganitong Sistema, Gross Domestic Product ng bansa at average na kita lamang ng mga mamamayan
ang sinusukat, sa halip na sipatin din ang impact ng mga industriya ng kalikasan.
Binibigyang-diin ng konseptong ito na ang magandang kinabukasan ng sangkatauhan ay nakasalalay sa
pagpapanatili ng isang sustentableng ekonomiya na hindi nakakasira o kaya’y limitado lamang ang impact
sa kalikasan.
Ang ganitong pananaw ay ginagait na rin ng United Nations sa Human Development Index: sinusukat na
rin ang pagiging sustentableng uri ng pamumuhay ng mga tao sa bawat bansa, ang epekto ng mga
ekonomikong aktibidad ng tao sa kalikasan, lagpas pa sa pagsusuri sa makroekonomikong daos na may
kaugnayan sa simpleng paglago ng GDP at iba pang estadistika na tao lamang ang makakaramdam.
Ang kapakanan ng sangkatauhan at kapakanan ng kalikasan ay magkarugtong at hindi mapaghihiwalay.
Ang tunay na kaunlaran ay kinakailangan hindi lamang makatao kundi makakalikasan din.
Ginamit ng UN sa Human Development Index kung saan sinusuri ang pagiging sustentableng uri ng
pamumuhay ng mga tao sa bawat bansa, ang epekto ng mga ekonomikong aktibidad ng tao sa kalikasan,
lagpas pa sa pagsusuri sa makroekonomiko na datos na may kaugnayan sa simpleng paglago ng GDP.
Paglobo ng Populasyon sa Daigdig -Lalong lumalaki ang pangangailangan para sa mas maraming
mapagkukunan, bagay na maaaring lalong magpabilis sa pagkawasak ng kalikasan o kaya’y di
sustentableng paggamit sa mapagkukunan.
FOOD and AGRICULTURAL ORGANIZATION (FAO) -Sa kasalukuyan ay laganap ang kagutuman
sa maraming bahagi ng daigdig dahil na rin sa hindi makasunod sa bilis ng paglaki ng populasyon ang
bilis ng paglawak ng ani ng mga magsasaka sa buong mundo.
Ang KAHIRAPAN ay nagiging suliranin sa pagkamit ng sustentableng kaunlaran sapagkat para malutas
ito, kinakailangang gamitin ng mga mamamayan ng daigdig ang likas na yaman sa kani-kanilang mga
bansa.
Ang PAGMIMINA AT IBA PANG INDUSTRIYA na nakakapinsala sa kalikasan ay nakapagbibigay
naman ng trabaho sa mga mamamayan at nakatutupad din sa mga pangangailangan ng sangkatauhan.
Dapat bigyang diin na hindi lamang ang paglaki ng populasyon ang problema, kundi lalo nang mas
malaking suliranin ang hindi maaayos na alokasyon o distribusyon ng mapagkukunan.
Sa mauunlad at umuunlad na bansa, isa sa mga pangunahing hamon sa sustentableng kaunlaran ang
konsumerismo. Tumutukoy ito sa labis na pagkonsumo sa iba’t ibang produkto lagpas sa kinakailangan, at
lagpas sa antas na sustentable para sa kalikasan.
Dapat bigyang diin na hindi lamang ang paglaki ng populasyon ang problema, kundi lalo nang mas
malaking suliranin ang hindi maaayos na alokasyon o distribusyon ng mapagkukunan.
Sa mauunlad at umuunlad na bansa, isa sa mga pangunahing hamon sa sustentableng kaunlaran ang
konsumerismo. Tumutukoy ito sa labis na pagkonsumo sa iba’t ibang produkto lagpas sa kinakailangan, at
lagpas sa antas na sustentable para sa kalikasan.
Ang pag-iral ng inequality sa kalusugan ay isa ring uliranin para sa pagkamit ng sustentableng kaunlarin.
Batay sa mga estadistika, relatibong mas malulusog at mas mahahaba ang buhay ng mga nasa mauunlad
na bansa kaysa mga nasa mahihirap na bansa.
Sa konteksto naman ng mga indibibwal na mamamayan, hindi nila nagagawang mag-ambag nang Malaki
sa pagkakaroon ng sustentableng ekonomiya dahil wala sila sa wastong pangangatawan at hindi maayos
ang kanilang kalusugan.
CLIMATE CHANGE
Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases na nagpapainit
sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng
pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue,
diarrhea, malnutrisyon at iba pa.
KASUNDUANG PANGDAIGDIG
- Nangangailangan ng $44 trilyon upang makagamit ng energy source na mababa sa carbon sa halip ng fossil
fuels sa taong 2014 hanggang 2050.
PILIPINAS
Cordillera
MALDIVES
Sa mauunlad na bansa ay nililimitahan ang pagkonsumo o pagbili ng mga produktong nalilikha sa pamamagitan ng
proseso na nagdudulot ng mataas na greenhouse gas emission. (karne ng baka, soya bean atbp.)
SA TULONG NG: DENR, DA, DOE, DTI, DPWH, DILG, MWSS, LWUA, NIA, NFA, BFAR, ATBP.
Ang polusyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mga contaminant tulad ng mga nakakalasong kemikal o ano mang
bagay na bumabago sa kalagayan ng natural na kapaligiran, at nagbubunga ng negatibong epekto.
Karaniwang dulot ito ng mga industriyal na aktibidad ang polusyon sa tubig sa bansa.
Ang sitwasyon sa Ilog Pasig ay isa sa mga nagpapatunay sa koneksyon sa industrial na aktibidad at polusyon
sa tubig.
Noong 90’s ang kahabaan ng baybayin ng Ilog Pasig ay napupuno ng mga pabrikang naglalabas ng
nakakalasong likido na hindi dumadan sa liquid waste treatment facilities na nagdudulot ng masamang epekto
hindi lamang sa ilog kundi sa mga naninirahan sa tabi nito.
Sa ibang lugar sa Marinduque, pagmimina ay isa sa mga sanhi ng polusyon sa tubig.
Nagkaroon ng isang aksidente sa pagmimina ng kompanyang Marcopper noong 1996.
Marcopper Mining Disaster- the biggest and worst mining disaster in Philippine History that happened in
24th of March 1996.
Ang polusyon sa hangin ay inaakalang karaniwang dulot din ng mga industriyal na aktibidad.
Ayon sa DENR, 65.65% sa sasakyan, 21.21% sa stationary sources, at 14.14% sa iba pa.
Ayon naman sa datos ng World Bank may 29 at 30 na sasakyan sa bawat 1000 na tao sa bansa noong 1999-
2003 at 2004-2008.
Patuloy ang pagtaas ng kabuuang benta ng mga kotse sa Pilipinas sa mga nakalipas na taon ito ay ayon naman
sa ulat ng Chamber of automotive Manufacturers of the Philippines Inc. at Truck Manufacturers Asssociation.
Ayon sa datos na nakalap ng Enviromental Management Bureau ang pinakamalalang naitalang polusyon sa
hangin sa mga urban tulad ng Maynila ay umbot sa 171 micrograms per normal cubic meter noong 2004.
Ang polusyon sa lupa ay tumutukoy sa kontaminasyon ng lupa dulot ng mga delikadong kemikal o likido na
tumatagas galing sa mga basurang nakatambak na sanhi ng pagbaba ng produktibidad ng lupa para sa agrikultura.
Bunga ng Pagmimina
Maraming suliraning panlipunan at pangkalikasan ang dulot ng pagmimina,isa na ditto ang dislokasyon ng
mga katutubong mamamayan sa karaniwang pinalalayas sa kanilang lupang ninuno o kaya naman dahil ng
mga aksidenteng dulot ng minahan.
Ayon sa Philippine Rural Recontruction Movement, ang pagmimina at nagdudulot ng pagkawsak ng
natural na habitat o tirahan ng mga hayop, pagkalason ng mga ilog at kontaminsayon ng lupa na dulot ng mga
tumagatagas na kemikal sa minahan. Nagdudulot din daw ito ng polusyon sa hangin tulad ng alikabok,
methane at iba pa.
Noong 2005 tumagas sa karatig katubigan ang mine tailings mula sa Rapu-rapu Pollymetallic Project.
Noong 2012 naman ay inatasan ng pamahalan na magbayad ng 1.034 bilyon ang Philex sapagakat humigit
kumulang na 20 milyong metrikong tonelada ng duming nagmula sa minahan ang tumagas at nakapinsala sa
katubigan na nakapalibot sa Philex mining site.
Noong 2011 naman sinampahan ng kaso ng mga taga-Surigao ang open pit mining na pagaari ng isang tsino,
hiling ng mga taga Surigao na tigilan na ang mining sa kanilang lugar.
Ayon sa datos ng DENR, tatlong- kapat ng archipelago ang kabubatan sa Pilipinas. Noong 1988, isang- kapat
na lamang ng bansa ang kagubatan.
Ayon naman sa Food and Agrriculture Organization, humigit kumulang 7,665,000 ektarya na lamang ng
bansa ang kagubatan. Ayon rin sa FAO, halos 54,750 ektarya ng kagubatan ang nawala sa bansa bawat taon
mula 1990 hanggang 2010.
Sinabi rin ng FAO na ang pagtatanim ng JATROPHA ay nakakasira rin ng likas na yaman, sapagkat ang
pagtatanim ng hindi bahagi sa natural na ekosistema ay nakakawala lamang ng balance sa kapaligiran.
Ang iba’t ibang problema ay malimit na matatagpuan natin sa lugar na urban na dito ay nagmumula ang
maraming bagay tulad ng plastic, basura, dumi, at iba pa na gawa sa materiya na galing sa marami fabrika at
gawan na ito ang nagiging dahil ng kasalukuyang pagbaha sa ating lipunan.
Sa pamagitan ng Waste Management, makakamit natin ang kalinisan at kaausan ng ating paligid at mas
magiging mababa ang posibilidad ng sakit at pagbaha sa iba’t ibang lugar.
Nakapaloob sa programang ito ang mga sumusunod; ang pagtapon ng sarling basura, pagtapon sa tamang
lagayan o segregasyon ng basura, pagbawas ng pagamit ng mga plastic o anomang bagay na nagiging sanhi ng
pagbara sa mga kanal, at pagkolekta at “recycle” ng mga basura maaari png gamitin.
Ang MRF o Materials Recovery Facility ang nagdadala sa lugar na tabakan o “sanitary landfill” na ditto
nagsasagawa ng paghihiwalay ng mga basura ayon sa katangian nito na kng nabubulok at di-nabubulok ang
basura pero ang mga kemikal ay sa “waste treatment facility” na dito pinoproseso ito para hindi makapinsala
sa kalikasan. Ginagawa nilang pataba o fertilizer ang mga basura na nabubulok. Samantalang ang di-
nabubulok ay nirerecycle at ginagawang bagong gamit na mapakikinabangan ng marami. Incenarator ang
makina na nagsusunong ng mga basura.
Ang 3R o mas kilala sa “reduse, reuse, recycle” ay isang paraan upang mabawasan ang pagkalat at pagrami
ng ating basura.
Ayon kay Ma. Teresa Oliva, ang “Principle of 4E” na ito ay ang mga sumusunod;
Education - kaalaman o ipormasyon tungkol sa tamang pagtapon ng basura.
Hindi lamang produkto, kultura at kaalaman ang maaaring ibahagi at ipagpalitan sa ilalim ng globalisasyon.
Inaasahang ang mga tao ay magtatamasa rin ng mobalidad sa panahong ito.
Sa paaralan, globalisasyon ang pangunahing dahilan na nagtutulak sa pagkakaroon ng mga student at faculty
exchange program.
Itinatag ng mga bansa ang UN bilang tanda ng kanilang pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa ng
daigdig, pagkatapos ng mapaminsalang digmaang na kumitil sa milyon-milyong buhay at nagwasak sa bilyon-bilyong
dolyar na halaga ng ari-arian.
Sa pananaliksik ni Tan (2013), pinatutunayan na nakapag-ambag nang malaki ang mga migranteng manggagawa
sa paglago ng ekonomiya ng pinakamayayamang bansa batay sa kanilang real gross domestic product (RGDP).
Sa isang pananaliksik na pinondohan ng Friedrich Ebert Stiftung (FES), inisa-isa ni Alcid (c. 2005) ang
napakaraming panlipunang epekto ng migrasyon tulad ng “exodus ng mga nars, kasama na ang mga dating
doktor, “bagay na inaasahang “hahantong sa malubhang krisis sa sistemang pangkalusugan... “ng bansa, “de-
skilling ng mga propesyunal...” at ang negatibong impact ng migrasyon sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa
mga bata."
Ipinanukala ni Senador Miriam Defensor-Santiago ang Senate Bill 1779 noong 2007.
Ayon sa nasabing panukalang batas, maraming ulat mula sa Philippine Overseas Employment Administration
(POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at mga Non-Government Organizations
(NGO), ang nagpapatunay na ang mga suliraning gaya ng “pumalyang kasal (broken marriages), adiksyon sa
droga, imoralidad sa seks, krimen, pagpapakamatay o mga psychological breakdowns” ay maiuugnay “sa
pangmatagalang paghihiwalay ng mga mag-asawa at ng kanilang mga anak” na malinaw na bunga ng
migrasyon.
Pinigilan at binansot nito ang pag-unlad ng mga industriya sa Pilipinas sapagkat nahirati na ang gobyerno sa
pagdepende sa remittance.
Naitaboy ng mga Pilipino ang mga Japanese at sa huling mga linggo ng labanan noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay muling bumalik ang mga Amerikano sa Pilipinas.
Noong Hunyo 4, 1946 ay ipinahayag ng mga Amerikano ang diumano’y wakas ng kanilang okupasyon ng
Pilipinas ngunit ayon sa ilang mga mamamayan, ang mga tanikala ng kolonyalismo ay makikita pa rin sa
kontemporaryong sistemang politikal ng bansa.
Maging ang mga patakarang ekonomiko tulad ng pagmamay-ari sa mga minahan ay impluwensyado rin ng
mga dayuhan.
Ang pagiging elitista ng kasalukuyang sistemang politikal ay kitang-kita pa rin.
Kapansin-pansin na malaking porsyento ng mga posisyong ehekutibo at lehislatibo sa antas lokal o nasyonal
man ay kontrolado ng mga prominenteng angkan o dinastiyang politikal.
Sa simpleng pagpapahayag, katiwalian ang anumang transaksyon na gumagamit ng salapi ng bayan para sa
personal na kapakinabangan.
Maituturing din na korapsyon ang malversation o paggamit ng pondo ng gobyerno sa alinmang bagay na
hindi awtorisado o hindi pinaglaanan ng pondo.
Korapsyon din ang paggasta para sa pagbili ng mga substandard na materyales na regular ang presyo, o
kaya’y pagbubulsa ng pera ng gobyerno sa pamamagitan ng pekeng proyekto.
Nang masakop ng mga Español ang Pilipinas, ipinaubaya sa mga dating datu, rajah at iba pang maharlika ang
mabababang posisyon sa gobyerno, gaya ng pagiging cabeza de barangay, na ang pangunahing tungkulin ay
maningil ng buwis.
Mahirap maging cabeza dahil may quota ang buwis na kokolektahin. Kapag hindi umabot sa quota ang
cabeza, obligado siyang magpaluwal. Kung walang pera ang cabeza, kukumpiskahin ng mga Español ang
kanyang ari-arian.
Ang ganitong sistema ay nagbunga ng katiwalian dahil karaniwan, sa bawat pabor na hingin ng padrino ay
may kapalit na suhol, salapi man o anumang mahalagang bagay.
Sa paghahari ng mga Español, sumulpot ang local na elite o principalia mula sa mga dating datu, rajah at
maharlika.
Pinaboran din sila ng mga Español sa pagbibigay ng karapatang mamahala sa lupa at maningil ng buwis.
Marami sa mga pamilyang asendero na ito’y nananatiling bahagi ng alta-sociedad sa kasalukuyan, sapagkat
mayaman pa rin sila sa salapi at lupain.
Sa pamamagitan ng monopolyo nila sa kapangyarihang politikal, naging mahirap para sa mga ordinaryong tao
na bantayan at lumahok sa prosesong politikal.
Maituturing na ugat din ng korapsyon ang monopolyo ng iilang dinastiyang politikal sa kapangyarihan at ang
kawalan ng sapat na partisipasyon ng mga mamamayan sa prosesong politikal.
Sa aklat na “The Modern Principalia: The Historical Evolution of the Philippine Ruling Oligarchy”
(2007) ni Prop. Dante Simbulan, detalyadong sinuri ang pangingibabaw ng mga dinastiya sa sistemang
politikal ng bansa.
Batay naman sa pag-aaral ng Asian Institute of Management Policy Center noong 2011, mahigit 100 o 68%
ng mga kinatawan sa ika-15 Kongreso na nahalal noong 2001, 2004, 2007 at 2010.
Ayon pa rin sa mga nasabing pananaliksik, kontrolado rin ng mga dinastiya ang mga Partido politikal batay na
rin sa komposisyon ng kasapian o membership ng mga nangungunang partido: 76% ng Lakas-Kampi; 57% ng
Partido Liberal; 74% ng Nationalist People’s Coalition; at 81% ng Partido Nacionalista.
Ayon naman sa aklat na “The Rulemakers, How the Wealthy and Well-born Dominate Congress” (2004) nina
Sheila Coronel et al., halos isang siglo na kontrolado ng mga dinastiya ang sistemang political ng bansa.
Isa sa mga pangunahing bunga ng korapsyon ang kawalan ng oportunidad ng mga ordinaryong mamamayan
na magkaroon ng espasyo sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
Pangalawang bunga ng korapsyon ang pagliit ng pondo na maaaring magamit ng pamahalaan para sa mga
serbisyong panlipunan gaya ng pabahay, edukasyon, transportasyon at kalusugan.
Bunga rin ng korapsyon ang kawalan ng tunay na mga partido politikal sa bansa.
Ang pagtamlay ng suporta ng mga mamamayan sa gobyerno at ang pagtamlay ng kanilang partisipasyon sa
halalan at iba pang prosesong politikal ay epekto rin ng monopolyo ng mga dinastiya sa kapangyarihang
politikal.
Ginagamit ng gobyerno sa buong mundo ang komunikasyon upang palaganapin ang isang kaisipan hinggil sa
mga programa nito upang mapabilis ang pagtanggap ng mga mamamayan.
Noong 2013, nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Batas Pambansa Bilang 10361 o mas
kilala sa tawag na Kasambahay Law, na naglalayong bigyang-proteksyon ang mga kasambahay.
Gaya ng kilalang pangungusap na “the medium is the message”, maaaring baguhin, pagbutihin o hulawin ng
daluyan ang mensaheng nais iparating.
Intrapersonal na Komunikasyon
Interpersonal na Komunikasyon
Pangkatang Komunikasyon
Ito ay ang ugnayan sa pagitan ng tatlo o mas marami pang taong may iisang layunin.
Pampublikong Komunikasyon
Pangmadlang Komunikasyon
Pangkatang Komunikasyon
- paksa ng pagpupulong
- oras at lugar kung saan ginanap ang pagpupulong
- mga kalahok
- mga mungkahi at komento ng mga kalahok
- mga napagkasunduan
- mga susunod na hakbang ng grupo
Brainstorming
Nilalayon ng estratehiyang ito na mangalap ng iba't ibang tugon at mungkahi sa mga kalahok, na malimit ay may iba't
ibang perspektibo hinggil sa paksang pinag-usapan.
Puti
- nagbabahagi ng mga impormasyon tungkol sa paksang tinatalakay.
Dilaw
- nakapokus sa positibong epekto ng mungkahi
Itim
- nakapokus sa pagpapalutang ng mga panganib na dulot ng mungkahi
Pula
- nagpapahiwatig ng pakiramdam, bagama't walang lohikal na paliwanag tungkol sa mungkahi
Berde
- nakapokus sa pagbibigay ng alternatibo at bagong ideya.
Asul
- tagapagpadaloy ng pagpupulong
Pampublikong Komunikasyon
Lektyur at Seminar- malimit itong inoorganisa upang pagtibayin ang propesyonalismo ang mga nakikibahagi at
nagtatagal mula isang buong maghapon hanggang pitong araw depende sa layunin ng pagsasanay.
Worksyap- kadalasang nagtatagal nang anim hanggang walong oras sa maghapon o hanggang pitong araw,
inoorganisa ang worksyap o palihan nang may tiyak na produkto o output na inaasahan mula sa mga kalahok.
Kombensyon, Kongreso at Komperensiya- mas malaking bilang ng mga kalahok ang inaasahang dadalo sa ganitong
uri ng komunikasyon.
Kongreso - layon naman nitong talakayin at pag-aralan ang isang malaking paksa sa mga plenaryong sesyon na
siyang hinihimay sa mga magkakasabay na pulong.
Komprehensiya - naglalayon itong talakayin ang overview ng isang disiplina o paksa at pag-usapan ang mga
problema at suliranin hinggil dito.
Pangmadlang Komunikasyon
Video Conferencing
interaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao na nasa magkaibang lokasyon, sa pamamagitan ng
pagtatawagan na may kasamang video.
Ilan sa mga ito ay Facebook, Twitter, Instagram, Youtube at iba pa na ginagamit ng mga tao upang makapagpadala ng
mensahe sa isa't isa, nagpapaskil ng larawan, magpahayag ng sentimyento, opinyon, kuro-kuro at magbenta at bumili
ng produkto at iba't iba pa.
Facebook- ay isang propaganda o pagpapalaganap ng kaisipan tungkol sa isang paksa gaya ng pagpapalaganap ng
kaisipan tungkol sa isang paksa gaya ng pagpapabango sa pangalan ng isang kandidato, pagsulong ng interes ng
nakararami sa pamamagitan ng adbokasiya, pakikipagkaibigan, pagbuo ng grupo upang mabilis ang pagpapalitan ng
ideya at impormasyon.
Tinder- ay isang platform na nag-uugnay sa mga taong nais makilala ang ibang taong maaari nilang maka-date o
maging kasintahan.