You are on page 1of 6

Magtala/maglista ng dalawampu’t limang (25) mga salita sa panahon ng pandemiko

(wika ng kulturang popular). Isulat din maging ang kahulugan ng mga naitalang salita.

1. COVID-19
Ang COVID-19 ay isang sakit na nakakahawa ayon sa WHO (2020). Ito ay
ang opisyal na pangalan ng bagong Corona Virus 2019 Strain na nagmula sa
Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Ang mga
sintomas ng COVID-19 ay maaaring mula sa banayad (o walang mga sintomas)
hanggang sa malubhang sakit.

2. ECQ
Ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay isang uri ng quarantine
na kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng mga tao sa kanilang
mga bahay. Suspendido rin ang mga pampublikong transportasyon at
ipinagbabawal ang pagtitipon. Ito ay ipinapatupad sa mga siyudad o provinsya
na napapabilang sa high risk batay sa mga bilang ng mga nadapuan ng COVID-
19 (BCS. GOV, 2020).

3. GCQ
Ang General Community Quarantine (GCQ) ay isang uri ng quarantine na
may mas maluwag na panuntunan kung ikukumpara sa Enhanced Community
(ECQ). Ito ay ipinapatupad sa mga siyudad o provinsya na napapabilang sa
moderate risk hanggang lower risk batay sa mga bilang ng mga nadapuan ng
COVID-19 (BCS. GOV, 2020).

4. Essentials
Ipinaunawa ng kinauukulan na ang salitang “essentials” ay ang mga
gawain at bagay na importante para mabuhay (pagkain, trabaho, ospital, etc.) sa
gitna ng pagpapatupad ng lockdown dahil sa pandemya (Smithson, 2020).

5. Basic Health Protocol


Ito ay ang mga hakbang na ipinapatupad ng pamahalaan upang
maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Ayon sa DOH 2020, ang paghuhugas ng
kamay, pagsusuot ng facemask at pag-social / physical distancing ay ilan lamang
sa mga protocols na ipinatupad upang maiwasan ang COVID-19.

6. Lockdown
Ito ay sitwasyon sa isang lugar o establisyimento na kung saan ang lahat
ng operasyon o paggalaw ay nakahinto o nililimitahan (BCS. GOV, 2020).

7. PCR/Swab test
Hinggil sa WHO 2020, ang polymerase chain reaction (PCR) test o swan
test ay isinasagawa sa isang indibidwal upang malaman kung may presensya ng
virus sa katawan sa pamamagitan ng pagkuha ng respiratory material galing sa
loob ng ilong at paghalo ng chemical dito upang makita kung positive o negative
ang isang tao sa virus.

8. Contact tracing
Ang contact tracing ay ang pagtatala o paghahanap sa mga taong
maaaring mahawa o nahawa ng isang COVID-19 infected person (DOH, 2020).
Sa pamamagitan ng contact tracing nalalaman kung saan kumakalat ang virus at
kung sino ang maaaring na-expose sa COVID-19. Sa tamang proseso ng pag-
contact trace ay maiiwasan ang pagkalat ng virus at masisigurado ang kaligtasan
ng komunidad.

9. Quarantine
Paraan ng pagkontrol sa mga komunidad at nagbibigay ng mga limitasyon
sa pagkilos ng mga tao at establisyimento sa layuning bawasan ang pagkalat ng
virus. Halimbawa nito ay ang ECQ, MECQ, GCQ, at MGCQ na ipipatupad ng
pamahalaan sa mga lugar na may mga risk ng virus (BCS. GOV, 2020).

10. New normal


Patuloy na binabago ng COVID-19 ang ating buhay. Halimbawa, dati ay
maaaring hindi tayo sanay na maghugas ng kamay ng 20 segundo, ngunit
ngayon ay kinakailangan na ito. Ang mga bagong kaugalian na ito na resulta ng
COVID-19 ang tinatawag nating New Normal. Ayon sa UNESCO (2020), ito ay
mga aksyon o kaugalian na nakasentro sa pinaigting na pagpapahalaga sa
kalusugan. Sa New Normal, prayoridad ang pagpapalakas ng resistensya upang
matiyak na kaya nating lumaban sa anumang sakit.

11. Social distancing


Ang social distancing ay isa sa mga basic health protocols. Ito ay isang
pagkilos na hinihikayat ng mga opisyal ng pampublikong kalusugan para
pahintuin o pabagalin ang pagkalat ng isang ganap na nakakahawang sakit. Ito
ay tinatawag ding physical distancing o paglayo sa ibang tao mula 1 hanggang 2
metro (DOH, 2020). Simula noong kumalat ang coronavirus, ginamit na ang mga
hakbang sa social distancing para pabagalin ang pagkalat ng sakit at magbigay
sa ating komunidad ng mahalagang panahon para mas maging handa.

12. Face mask


Ito ay pantakip sa bibig at ilong para maiwasan ang pagkalat ng virus sa
hangin (DOH, 2020). Ito ay kasama sa basic health protocols ng pamahalaan.
Ang pagsuot ng mga face mask ay makatutulong na mapigilan ang pagkalat ng
COVID-19 at mapanatili iyong ang kaligtasan at ng ibang tao.
13. Face shield
Ito ay pantakip sa buong mukha bilang dagdag proteksyon sa pagkalat ng
virus sa hangin (DOH, 2020). Ang face shield o panakip sa mukha ay tutulong
mapigilan ang pagkalat ng maliliit na patak kapag ang isang tao ay nagsasalita,
tumatawa, umuubo o bumabahing.

14. Alcohol
Isang chemical na ginagamit upang mamatay ang mga mikrobyo, bacteria
at/o virus (DOH, 2020). Sapagkat hindi namamatay lahat ng mikrobyo, bacteria
at/o virus sa paghuhugas ng ating kamay, ang paggamit kaagad ng alcohol at
sanitizer ang ating solusyon. Ito ay dahil ang alcohol o sanitizer ay nakatutulong
para hindi kumalat ang bacteria o virus sa ibang bahagi ng katawan at magdulot
ng sakit.

15. Ayuda
Tulong pinansiyal na dapat sanang matanggap ng mga taong
nangangailangan pero hindi rin natatanggap ng iba at pinagmumulan pa ng mga
kaguluhan at paglaganap lalo ng virus dahil sa pagku-kumpol-kumpol ng mga
tao. Halimbawa ay ang programa ng DSWD (2020) na Social Amelioration
Program (SAP) na kung saan ay namimigay ito ng mga tulong pinansiyal sa mga
taong naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya.

16. Surge
Ito ang biglaang pagtaas ng COVID-19 cases dahil sa pagtitipon ng mga
tao o mass gathering (WHO, 2020). Kadalasang nagyayari ito dahil binaba na ng
gobyerno ang lockdown sa isang lugar.

17. “Bahala na kayo”


Kung noon ay ibig sabihin ng konseptong ito ay ipaubaya na lang sa may
kapangyarihan ang mga bagay na di kaya nating gawin. Ngayon, ito ay mga
katagang laging sinasabi ng pamahalaan sa mga mamamayan na matitigas ang
ulo na hindi sumusunod sa mga basic health protocols na ipinapatupad (Rivera,
2021).

18. Online class


Ang online class ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay
idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na
kinakailangang lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at
makaharap ang guro at mga kamag-aral (Joaquin, 2020).

19. Community pantry


“Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan” ito
ang motto/slogan ng mga community pantry. Sa artikulo ni Rivera (2021), ito ay
isang inisyatibo ng mga lokal na mamamayan sa kani-kaniyang pamayanan
upang magbigay tulong sa mga nangangailangan.

20. Frontliner
Tinatawag ding sila na First Line of Defense ng pamahalaan. Sila ang
mga mangagawang kailangang patuloy na magtrabaho sa kabila ng pandemya
upang alagaan ang mga may-sakit, magpatupad ng kaayusan sa lipunan at/o
maipagpatuloy ang takbo ng ekonomiya ng bansa (Smithson, 2020).

21. Vaccine
Ayon sa mga eksperto, bukod sa basic health protocols, ang
pinakamabisang paraan sa pagsugpo ng COVID-19 ay ang pagbabakuna ng
mga tao (WHO, 2020). Gumagana ang mga bakuna sa mga natural na panlaban
ng iyong katawan upang ang iyong katawan ay handa na upang labanan ang
virus kung malantad ka. Tinatawag din itong kaligtasan sa sakit. Gumagana ang
pagbabakuna ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagtuturo sa iyong immune
system kung paano makilala at labanan ang virus na sanhi ng COVID-19, at
pinoprotektahan ka nito mula sa pagkakaroon ng sakit sa virus.

22. Herd immunity


Ito ay tinatawag ding community immunity. Tumutukoy ito sa sitwasyon na
kung saan ang malaking bahagi ng populasyon ay immune o hindi na tinatalaban
ng sakit at hindi na naikakalat ang sakit sa kani-kaniyang pamayanan o
komunidad (WHO, 2020). Ayon sa mga eksperto, makakamtan lamang ito kapag
80% ng populasyon ay nabakunahan na.

23. Tiktok
Isang app na nilikha ng isang Chinese firm na sinasabing nagagamit para
mangolekta ng personal information, photos at videos ng mga gumagamit nito
(Geyser, 2021). Dahil sa mga lockdown at kawalan ng libangan ay naging
popular ang short video making app na ito at lumikha ng mga internet sensations
at superstars.

24. Online selling


Ito ay ang pagtitinda ng produkto sa internet gamit ang mga websites,
applications o mga social networking sites (ABS-CBN News, 2020). Makikita sa
mga pag-aaral ng mga eksperto na dumami na ang online transactions, kahit
pagdating sa mga maliliit na negosyo sa mga komunidad. Ito ay bahagi na rin ng
pag-iingat at pag-iwas ng mga Filipino na lumabas para bumili ng mga
pangangailangan kaya lumaganap ang online selling.
25. IATF
Ito ang acronym ng Inter-Agency Task Force. Ang Inter-Agency Task
Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-IED) ay binubuo ng iba't ibang
sektor ng gobyerno o mga Kalihim ng Gabinete upang makabuo ng mga
patakaran at regulasyon para tugunan ang mga banta at epekto ng COVID-19 sa
bansa (DOH, 2020).
Sanggunian
ABS-CBN News. 2020. ALAMIN: Benepisyo ng hyperlocal selling sa maliliit na Negosyo
Halaw mula sa https://news.abs-cbn.com/life/10/10/20/alamin-benepisyo-ng
hyperlocal-selling-sa-maliliit-na-negosyo
BCS.GOV. 2020. ECQ, GCQ, at MECQ. Halaw mula sa
https://www.muntinlupacity.gov.ph/?p=18984
DOH. 2020. Inter-Agency Task Force for The Management of Emerging Infectious
Diseases Resolutions. https://doh.gov.ph/COVID-19/IATF-Resolutions
DOH. 2020. Safety prevention protocols still best defense against COVID-19 – DOH
https://doh.gov.ph/press-release/SAFETY-PREVENTION-PROTOCOLS-STILL
BEST-DEFENSE-AGAINST-COVID-19%E2%80%93DOH
DSWD. 2020. Memorandum Circular No. 04. Social Amelioration Program.
https://www.dswd.gov.ph/issuances/MCs/MC_2020-004.pdf
Geyser, W. 2021. Ano ang TikTok? https://tl.texasucanpaint.com/what-is-tiktok-how
does-it-work-275
Joaquin, J. 2020. The Philippine Higher Education Sector in the Time of COVID-19.
https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/feduc.2020.576371/full
Rivera (2021), On community pantries https://opinion.inquirer.net/139447/on-community
pantries
Smithson, B. 2020. What is considered essential travel vs. nonessential travel during
coronavirus restrictions?
https://www.csuchico.edu/coronavirus/_assets/documents/essential-travel
31020.pdf
UNESCO. 2020. The new normal – what needs to be different than before?
https://en.unesco.org/futuresofeducation/debates/the-new-normal
WHO. 2020. COVID-19 disease. Halaw mula sa https://www.who.int/health
topics/coronavirus#tab=tab_1
WHO. 2020. Impormasyong pampubliko sa COVID-19. Halaw mula sa
https://www.who.int/philippines/emergencies/covid-19-response-in-the
philippines/impormasyong-pampubliko/mental-health

You might also like