You are on page 1of 7

Proseso ng

Pagsulat

Sa paguulat nila:

Gallano, Dianalene

Belarmino, Kristel Mae


Ang pagsulat ay hindi nagagawa sa isang upuan lamang. Ito ay resulta ng

mahabang pag-iisip, maraming pagtatangka at maingat na proseso.

Ang isang mabisang sulatin ay idinaan sa iba’t ibang hakbang na bumubuo sa

proseso ng pagsulat:

1) Paghahanda sa Pagsulat (Prewriting)

2) Aktwal na Pagsulat (Drafting)

3) Revising

4) Pagrerebisa at pag-edit (Editing)

Proseso:

1.) Paghahanda ng Pagsulat (Prewriting)

Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga impormasyon at

ideya para sa sulatin. Dito isinasagawa ang pagpaplano na binubo ng paglikha,

pagtuklas, pagdebelop, pagsasayos at pagsubok sa mga ideya. Ito ang hakbang na

maghahanda sa manunulat bago niya buuin ang kanyang burador.

Ayon kay Healy at Walusayi (1997) may mga istratehiyang magagamit ng

manunulat para sa paghahanda ng kanyang sulatin.

1.) Malayang pagsulat ay isang mabisang paraan ng paggalugad sa isang paksa.

2.) Pagsulat sa dyural ay isang paghahanda sa kanyang pagsulat ng sulatin. Ang

dyural ay talaan ng pangaraw-araw na buhay ng tao. Maaring isulat dito ng manunulat


ang kanyang kaisipan, damdamin, gawain, plano o anumang bagay na pumasok sa isip

ng manunulat.

3.) Clustering ay isa ring istratehiyang magagamit ng manunulat bilang paghahanda

sa kanyang pagsulat. Gumagamit ito ng dayagram para bumuo ng konsepto.

4.) Brainstrorming ay isang paghahanda sa pagsulat. Nangangahulugan ng pagtatala

ng lahat ng mga pariralang maiisip ng manunulat kaugnay ng kanyang paksa.

Gumagamit ito ng aytem na puwedeng isalin sa balangkas at gamitin sa pagbuo ng

burador.

2. Aktwal na Pagsulat (Drafting)

Sa hakbang na ito isinasalin na ng manunulat ang kanyang mga ideya sa mga

pangungusap at talata. Dito rin nagaganap ang pagsulat ng burador o draft. Malaya ring

gumamit ang manunulat ng iba’t ibang pamamaraan o istilo sa paglalahad ng kanyang

mga ideya at kailangang tuloy-tuloy ang pagsulat na gagawin ng manunulat. Sa

hakbang na ito, malaya ring hindi muna pinagtutuunan ng pansin ang gramar, ispeling,

pagbabantas at iba pa.

3. Revising

Sa hakbang na ito, dito muli binabasa ng manunulat ang burador nang

makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Maaring

sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura ng mga pangungusap at lohika ng

presentasyon.
4. Editing

Editing, pinakahuling yugto sa poseso ng pagsulat bago maiprodyus ang pinal na

dokumento. Ang hakbang na ito ay nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng borador

o draft. Sa bahaging ito’y ay dapat nang iwasto ang mga posibleng pagkakamali sa

pagpili ng mga salita, ispeling, gramar, gamit at pagbabantas.


Sanggunian:

Ulit, P. (2012). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (Filipino 2). Pateros Metro

Manila: Grandbooks Publishing, INC.

Arnilla, A. (2015). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (Filipino 2). Pateros

Metro Manila: Grandbooks Publishing, INC.

Bernales, R. (2007). Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Valenzuela City: Mutya

Publishing House, INC.

Marquez, S. & Garcia, F. (2010). Komunikasyon sa Akademikong Filipino Filipino 1 para

sa Antas ng Tersaryo. Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.


Mga tanong

Identipikasyon

1. Ito ang hakbang na kung saan sinasalin na ng manunulat ang kanyang mga

ideya sa mnga pangungusap at talata.

2. Ito ang hakbang kung saan pinagtutuunan na ng pansin ang grammar, ispeling at

pagbabantas.

3. Ano ang unang hakbang sa pagsulat?

4. Isa sa mga estratehiya na gumagamit ito ng dayagram upang ilatag ang

konseptong bubuuin.

5. Ito ang hakbang na maaring ang isang manunulat ay magbabawas o

magdadaragdag ng ideya.

6. Ito ay resulta ng mahabang pag-iisip, maraming pagtatangka at maingat na

proseso.

Enumerasyon

7. -10. Sa pagkakasunod sunod, ano-ano ang mga hakbang o proseso sa

pagsulat?

Mga Sagot

1. Aktwal na Pagsulat (Drafting) 6. Pagsulat/Sulatin

2. Editing 7. Paghahanda sa Pagsulat (Prewriting)

3. Paghahanda sa Pagsulat (Prewriting) 8. Aktwal na Pagsulat (Drafting)

4. Clustering 9. Revising

5. Revising 10. Editing

You might also like