You are on page 1of 8

Suliranin ng Pamahalaan sa Pagpapalaganap

ng Bagong Ortograpiyang Pambansa

1.Panimula
1.1 Ortograpiya - ito ay ang representasyon ng mga tunog ng wika na nakalimbag
na mga simbolo tulad ng alpabeto
1.2 Alibata o baybayin - Ito ay napalitan ng alpabetong Romano noong dumating
ang mga kastila

2.Kasaysayan
2.1 Unang Ortograpiya ng Wikang Pambansa (1940-1971)-tatlong taon matapos
buuin ang Wikang pambansa isinilang ang kauna unahang Ortograpiya. Ito ay
binuo ni Lope K. Santos. 15 katinig at 5 patinig
2.2 Ikalawang Ortograpiya ng Wikang Pambansa (1971-1987)- Ipinagtibay ng
Saggunian ng Surian ng Wikang Pambansa (Ngayon ay Komisyon ng Wikang
Pambansa) ang ortograpiyang Pilipino na tinaguriang "Pinayamang Alpabeto"
Binubuo ng 31 na letra
2.3 Ikatlong Ortograpiya ng Wikang Pambansa (1987-2001)-Ipinakilala ang
ortograpiyang Filipino na tinaguriang "Makabagong Alpabeto" na binubuo ng 28
na letra
2.4 Ikaapat na Ortograpiya ng Wikang Pambansa (2001-2006)-nagkaroon muli ng
rebisyon sa alpabetong Filipino. Agosto 2007, sa pamamagitan ng nga serye ng
konsultasyon sa mga guro,dalubhasa sa wika, superbisor sa Filipino at sa mga
larangang ito sa ibang bansa inilabas ng KWF ang draft ng Ortograpiya ng Wikang
Pambansa

3.Nilalaman
3.1 Ang komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay masusing pinag aralan ang nga
nagdaang ortograpiyang Filipino na kasalukuyang ipinapatupad sa mga paaralan.
Mula sa serye ng konsultasyon nabuo ang Binagong Gabay sa Ortograpiya ng
Wikang Filipino na may pamagat na "Ortograpiyang Pambansa". Ang
Ortograpiyang pambansa ay isang pag lingon sa kasaysayan ng ortograpiyang
Filipino. Pagpapanatili ng mga maiinam na puntong gabay sa ortograpiya at
nagsaalang-alang sa mga katutubong wika sa Pilipinas sa pamamagitan ng
pagdagdag ng tunog ng schwa mula sa Ibaloy,Pangasinan,Mëranaw at iba pa na
katatawanin ang titik ë at ang aspirasyon mula sa Mëranaw. Kalakip nito ay ang
kopya ng ortograpiyang pambansa. Layunin ng naturang Ortograpiya na mailahok
ang mahahalagang kaakuhan ng mga katutubong wika tungo sa estandardisadong
ortograpiyang Filipino na maaring gamitin sa lahat ng wika sa Pilipinas
3.2 Nilalaman ng Ortograpiyang Pambansa 2013
1. Grafema
2. Pantig at palapagtigan
3. Pagbaybay na Pasalita
4. Pagbaybag na Pasulat
5. Kasong kambal patinig
6. Kambal katinig at Digrapong SK, ST, SH, KT,
7. Palitang E/I at O/U
8. Pagpapalit ng D tungo sa R
9. Kailan "ng" at kailan "nang"
10. Pagbabalik ng tuldok
11. Mga wastong gamit ng Gitling
12. Mga bantas
13. Mga bilang
14. Mga pangalan at katawagan
15. Daglat, Inisyals at Akronim
16. Sipi at Panipi
17. Dokumentasyon
Kabanata III

Suliranin: Paano maipapalaganap ng pamahalaan ang naturang


ortograpiya sa mga paaralan

Mga Katanungan:
Mga tao na tinanong- 3 guro
1) Ano nga ba ang Ortograpiyang pambansa?
2) Ano ang kahalagahan nito sa ating wika?
3) Sino ang bumuo ng kauna-unahang ortograpiya?
4) Bakit nga ba maraming hindi nakakaalam sa pagbabago sa ating
ortograpiya?
5) Paano maipapalaganap ito sa mga paaralan?

Ispeling:
Mga tao na tinanong-20 katao
1. Koryente
2. Miyerkoles
3. Halohalo
4. Paruparo
5. Ano-ano
Kabanata IV
1) Ano nga ba ang Ortograpiyang pambansa?
 Ito ang pag aaral sa wastong pagbaybay at pagsulat ng mga salita.
– Bb. Wenie Enteña
 Ortograpiya ay pag aaral ng tamang pagbaybay o spelling. – G.
Roderick Magdalaga
 Ang Ortograpiyang pambansa ay ang pag.aaral ng katutubong wika.
At paraan ng pagsulat. – Bb. Sarah Deguia

2) Ano ang kahalagahan nito sa ating wika?


 Ang kahalagahan ng ortograpiya ay dapat na tayo na mga Pilipino ay
nalalaman ang tamang pagbigkas at pagsulat ng mga salita sa ating
wika na Filipino. – Bb. Wenie Enteña
 Ang wika ay binubuo ng tunog at simbolo kaya kapag walang
ortograpiya walang wika. – G. Roderick Magdalaga
 Ang kahalagahan nito ay mauunawaan ang tamang paraan ng
pagsulat gamit ang wikang filipino. – Bb. Sarah Deguia

3) Sino ang bumuo ng kauna-unahang ortograpiya?


 Unang Pag-aaral sa Baybayin
 Pedro Andres de Castro Ortograpiya at mga Tuntunin sa Pagsulat
ng Wikang Tagalog
 Trinidad Pardo H. de Tavera Mga Ambag sa Pag-aaral ng
Sinaunang Alpabeto ng mga Filipino – Bb. Wenie Enteña
 Ang bumubuo ng kaunaunahang ortograpiya ay sangunian ng surian
ng wikang pambansa Lope K. Santos – G. Roderick Magdalaga
 Ang bumuo ng ortograpiyang ay ang KWF o Komisyon sa wikang
Filipino.
– Bb. Sarah Deguia
4) Bakit nga ba maraming hindi nakakaalam sa pagbabago sa
ating ortograpiya?
 Maraming hindi ang nakakaalam sa pagbabago sa ating ortograpiya
dahil hindi naman ito isinasapubliko at dahil din sa pagpasok sa bansa
ng iba't ibang banyagang lenggwahe at maraming Pilipino ang
nahihikayat dito.
– Bb. Wenie Enteña
 Sapagkat iilan lang ang nag nanais malaman ang mga bagay na ito.
– G. Roderick Magdalaga
 Dahil hindi pa nila alam ang kasaysayan ng ating wikang na maraming
pagbabago. Hanggang sa kasalukuyan. – Bb. Sarah Deguia

5) Paano maipapalaganap ito sa mga paaralan?


 Maipapalaganap ito sa paaralan sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga
programa ng departamento ng asignaturang Filipino sa ating
paaralan na inaasahan nating nakakaalam patungkol sa pagbabago sa
ating ortograpiya at kung ito ay nalalaman na natin maaaring gamitin
natin ito sa ating pananalita at pakikipag usap sa mga taong
nakakasalamuha natin sa paaralan. – Bb. Wenie Enteña
 Bigyan pansin ito ng kinauukulan o ahensiya tulad Deped o CHED
upang maintindhan at malaman ito ng lahat. – G. Roderick Magdalaga
 Maipapalaganap ito sa pamamagitan bg pagbuo ng isang seminar
upang maipaliwanag sa mga tao ang kahalagan ng pag aaral ng
ortograpiya.
– Bb. Sarah Deguia
Resulta ng Ispeling sa pamamagitan ng Line Graph

20

18

16

14

12

10

0
Koryente Miyerkoles Halohalo Paruparo Ano-ano

Tama Mali
Kabanata V: Paglalagom,
Konklusyon at Rekomendasyon

Sa ginawa naming pagsasaliksik tungkol sa ortograpiyang pambansa


nalaman ko na maraming Pilipino ang hindi nakakaalam kung ano ito at
kung ano ang mga pagbabago sa wikang Filipino.

Kagaya nalang ng sa ginawa naming sarbey sa ispeling. Maraming


Pilipino ang hindi alam sa pagbabago ng mga salita.

Ang natutunan ko rin sa pagsasaliksik na ginawa naming ay ang mga


katangian at ugali ng isang mananaliksik. Natutunan ko na dapat
maging sistematiko, kontrolado, masinop, masigasig, mapamaraan,
analitikal, kritikal, matiyaga, matapat, at mahusay sa larangan ng
pagsisiyasat upang hindi magkamali sa mga impormasyon na nakakalap
at upang matapos sa madaling panahon ang pananaliksik. Mahirap
lamang ito sa umpisa pero kapag natapos na ay magaan na sa
pakiramdam.
Pananaliksik sa
Filipino 8
Ipinasa ni: Jannella Ashley P. De Luna
Iseah Ren B. Millanes
8-Star
Mananaliksik

Ipinasa kay: Gng. Cherrlyn Denoyo Rodriguez


Guro sa Filipino

You might also like