You are on page 1of 5

VARYASYONG LEKSIKAL SA MGA DAYALEKTONG SUBANEN SA

ZAMBOANGA DEL SUR


John Mark C. Lloren
Secondary School Teacher, Dumalinao National High School, Dumalinao, Zamboanga del
Sur, Philippines
johnmark.lloren001@deped.gov.ph

Abstract – layuning panlahat sa pag-aaral na ito na tuklasin ang varyasyong leksikal


sa wikang Subanen na matatagpuan sa Zamboanga del Sur. Bilang lunsaran sa paglilikom
ng mga datos, ginamit ang mga terminong kultural na pangkabuhayan na nakabatay sa
Indigenous Knowledge System and Practices (ISKP). Sinikap sagutin sa pag-aaral ang
suliraning (1) Ano-anong varyasyong leksikal ang makikita sa mga terminong kultural sa
lunsod ng Pagadian at munisipalidad ng Dinas, V.Sagun at Dumalinao? Disenyong
kwalitatibo at metodong indehinus at deskriptibo ang ginamit mula sa paglilikom hanggang
sa pag-aanalisa ng mga datos. Ang mga impormante ay pinili sa pamamagitan ng
kombinasyong purposive at snow-ball sampling. Natuklasan na ang wikang Subanen ay
kakikitaan ng varyasyong leksikal ayon sa magkakaiba, at magkakatulad ang anyo.
Pinaniniwalaan ding dahil sa paktor na heograpikal at sosyolohikal na nagaganap sa
kanilang kultura ay hindi maipagkakailang nangyari ang varyasyong leksikal na aspekto
nito.
Mga susing-salita: Dayalekto, Leksikal, Subanen, Varyasyon

I. INTRODUKSYON kumakain ng nganga/buyo para


Ang mga Subanen sa Zamboanga pampakulay at pampatigas ng kanilang
del Sur ang isa sa mga minoryang pangkat ngipin (Cebrero, 2010).
na kabilang sa tinatawag na Indigenous Ang Subanen sa kasalukuyan ay
People. tumutukoy naman sa pangkalahatang
Matatagpuan sila sa iba’t ibang etnikong pangkat na may pinag-aralan,
munisipalidad ng Zamboanga del Sur at nakikihalubilo sa ibang tao at sumusunod
Lunsod ng Pagadian. sa pagbabago o modernisasyon.
Ang Lapuyan (na tinatawag noon na Ayon kay Garcia, et al. (2006) ang
Little America) ang sentro ng mga Subanen. Tagalog ay wika bilang isang wika na
Nasa 75% ang mga Subanen na nagkaroon ng varayti ayon sa lugar na
nakatira sa lugar na ito. ginagamit ito.
Ang katawagang Subanun ang Tulad din nito ang wikang Subanen,
orihinal na pangalan ng tribung Subanen ang Subanen na naging linggwa franka sa
(Cebrero, 2010). lipunang Subanen.
Ngunit dahil sa ang kasalukuyang Naging linggwa franka ang
henerasyon ay halos nakapag-aral na at Subanen dahil ang wikang ito ang nag-
nagkaroon nang posisyon sa gobyerno uugnay sa mga Subanen sa kani-kanilang
pinalitan ang ponemang /u/ ng ponemang lugar.
/e/ batay na rin sa paraan ng pagbigkas. Dahil ang wika ay dinamiko,
Bunga ng dalawang paraan ng naaapektuhan ito ng pagbabago sa
pagbigkas, ang Subanen at Subanun ay palagiang paggamit sa kalakalan mula sa
nagkaroon ng magkaibang ibang lugar patungong ibang lugar.
pagpapakahulugan. Bunga nito, nagkakaroon ng
Tinutukoy nila na mga Subanun ang varyasyon ang mga varayti ng wikang
walang pinag-aralan o hindi Subanen.
edukado/edukada, mahiyain, ayaw Ayon kay Leny Mong (isang
makihalubilo sa mga taong hindi nila impormante mula sa Ditoray, Pagadian),
salita sapagkat ang Subanen ay binubuo ng heograpikal, sosyal, o maging ng sariling
tatlong grupo – ang Southern Subanen, estilo ng ispiker, ang bawat tao ay may
Western Subanen at Northern Subanen. iba’t ibang paraan ng pagsasalita (Thurlow,
Nagkakaroon ng pagkakaiba sa ispeling, 2004).
bigkas, at aksent ang mga salita ng mga Ayon pa nga kay Hymes (Conrad at
grupong ito. Biber, 2001), walang taong may isang
Sinabi ni Lita Dalis (isang paraan lamang ng pagsasalita sa lahat ng
impormante mula sa Subis, Dumalinao) na pagkakataon.
kapag nagkakatagpo-tagpo ang mga Sa pag-aaral na ito ay makikitang
grupong ito ng mga Subanen, ay may isang konsepto ng pagkakaroon ng iba’t
pagkakataon na hindi sila magkaintindihan ibang varayti ng wika sa isang komunidad
sa ilang salita at paraan ng pagsasalita. ng wika ang matatagpuan sa apat na lugar.
Sanhi rin ng pagkakaiba-iba ng Batay sa variation theory, lilitaw
wika ay ang topograpiya ng bansa, ang ang varyasyon ng Subanen sa pamamagitan
pagkalayu-layo ng mga pulo at ang ng linggwistikal nitong katangian.
heyograpikal na kaayusan nito.
IV. METODOLOHIYA
II. LAYUNIN NG PAG-AARAL Disenyong kwalitatibo ang ginamit
Nilayon ng pag-aaral na ito na sa pag-aaral, at metodong indehinus at
alamin ang varyasyong leksikal ng wikang deskriptibo naman ang ginamit sa
Subanen sa iba’t ibang lugar ng Zamboanga paglilikom hanggang sa pag-aanalisa ng
del Sur. mga datos.
Inalam dito ang mga varyasyong Samantalang, ang mga impormante
leksikal ng mga salita sa mga lugar ng ay pinili sa pamamagitan ng kombinasyong
Pagadian, Dinas, V-Sagun at Dumalinao. purposive at snow-ball sampling.
Ang varyasyong leksikal sa pag- Ang varyasyong leksikal ay batay
aaral na ito ay tumutukoy sa pagkakaiba ng sa mga terminong kultural sa apat na
salita o katawagan ng iba’t ibang dayalekto pangkabuhayan: pangangaso, pagsasaka,
sa isang bagay. pangingisda at paghahayupan batay sa
Bagama’t mula sa isang wika, ang Indigenous Knowledge System and
Subanen, nakitaan ng varyasyon ang apat Practices (IKSP).
na lugar na gumagamit ng wikang ito. Inuri ang mga salitang ito ayon sa
Pinagsama ng mga terminong kategorya ng pagkakaroon nito ng
kultural sa apat na pangkabuhayan: varyasyong leksikal.
pangangaso, pagsasaka, pangingisda at
paghahayupan batay sa Indigenous V. RESULTA NG PAG-AARAL
Knowledge System and Practices (IKSP) at
inuri ang mga salita batay sa kategoryang 1. Mga Salitang Magkaiba Ang Anyo
(1) magkakaiba ang anyo; at (2) Isang uri ng pagkakaroon ng
pagkakatulad ang anyo. varyasyong leksikal ng wikang Subanen sa
apat na lugar ay ang pagkakaiba-iba ng
III. BATAYANG KONSEPTWAL anyo ng mga salita.
Sa isang partikular na komunidad ay May iba’t ibang tawag ang iba’t
matatagpuan ang iba’t ibang grupo na may ibang grupo ng Subanen sa maraming
ibang paraan sa paggamit ng kanilang wika bagay.
ayon sa sitwasyong kinalalagyan. Ipinapakita ng Talahanayan 1 ang
Isang katotohanan sa linggwistika paghahanay ng mga salitang magkakaiba
na ang wika ay nagbabago dahil sa ang anyo mula sa apat na lugar.
sitwasyong
Talahanayan 1. Mga Salitang Magkaiba Ang Anyo
Mga salita sa Subanen- Subanen- Subanen- Subanen-Subis,
wikang Tagalog Ditoray, Dungos, Dinas Kabatan, V. Dumalinao
Pagadian Sagun
1. hagis pidilak tinipho habag pidilak
2. tipaka ng bulolongan bhalolongan palot kalulungan
itlog
3. Away migbunu migbulo dlero misuwal
4. ikot bulibot dlibot libot migbulibod
5. sambit misambay tinalo sabi sambay
6. bilog mitibol malipotit meleputot melingin
7. buntis beris brohs beres brehs
8. luma dan-na dhan danol dana
9. piga pinilisan piphis pelisan pisa
10. dalawa duwa duabok dua dwah
11. bantay migbilang gingat gengat meneginget
12. kapal mirikpil madiphil depel rikpil
13. sabong migtari sabong buno migsabong
14. sunog mitutong totong metutong tutong
15. pukot pukit pukot pukut baling
16. karabao kilabaw khaelabao kelabaw khalabao
17. kabuhayan galibilo hatubuan hitubuan katutubuan

May kabuuang animnapu’t walo Anyo


(68) na set ng magkakaibang anyo ng mga
salita ang Subanen mula sa apat na lugar na Isa pang uri ng varyasyong leksikal
tumutumbas sa isang bagay. ng wikang Subanen mula sa apat na lugar ay
Sinasabi ng mga Subanen na madali ang pagkakahawig ng mga salita, may
nilang nakikilala ang pinagmulang grupo pagkakatulad subalit hindi parehong-pareho.
ng kapwa Subanen batay sa salitang
Ang pagkakaiba ay maaaring nasa
ginagamit nito.
katangiang morpolohikal ng bawat grupo ng
Sa paghihiwalay ng apat na
Subanen mula sa apat na lugar.
grupong ito ng Subanen, marami sa
Tunghayan ang talahanayang
leksikon ng Subanen ang nagbago.
makikita sa ibaba.
2. Mga Salitang May Pagkakatulad sa

Talahanayan 2. Mga Salitang May Pagkakatulad sa Anyo


Mga salita sa Subanen- Subanen- Subanen- Subanen-Subis,
wikang Tagalog Ditoray, Dungos, Dinas Kabatan, V. Dumalinao
Pagadian Sagun
1. sira migiba sininsala dlat migiba
2. hindi di gindi gendi di
3. namatay minatay minatay menatay minatay
4. mutya mutya mutya bae muntiya
5. tapak minindigan ginindigan indeg minindigan
6. biyak mibikla mibikla mebekla mibikla
7. ingay misasak malya dleya misasak
8. minana pusaka pusaha pusaha pusaka
9. ninuno karaang gitaw gapo-apo gapo-apo gapo-apoan
10. pangisdaa minginsira panginsaraan siraan minginsira
n
11. sipa sinipa sipha shel sinipa
12. dilaw na miralag gubi gubi maralag merelag gube miralag gubi
kamote
13. gambala minginsalang miha disturbo sasaw minginsalang
14. abang migilat gingatan gelat migilat
15. ibon manokmanok manohanok manok-manok manokmanok
16. lushu suminampak letsoh lushu lushu
17. pugad salag salhag salag salag
18. dami milawn mallon helunen milawn
19. ikli mayka phillok gepelek mayka
20. langgam glimigas manohanok pilah glimigas
21. giling gumaling giling sat gumaling
22. ilalim dyalim dyalom dyalem dyalim
23. tubig tubig thobig tubig tubig
24. habol gitid nganat nginat gitid
25. halo miglamug dlamog sagol miglamug
26. tuhod dlulud dlulod dlulod dlulud
27. takbo gumibik ghibok gebek gumibik
28. araw gindaw gandaw gendaw gindaw
29. itak pyis barong pes pyis
30. hapon dilabung dalabong dlelabong dilabung
31. lupa lupat dlupa dlupa dlupa
May pitumpu (70) na set ng mga salitang naiiba sa Subanen-Lakewood,
salitang Subanen ang natuklasang may anim (6) din ang mga salitang naiiba sa
pagkakatulad sa pagtawag ng iba’t ibang Subanen-Pitogo, walo (8) naman ang mga
bagay. salitang naiiba sa Subanen-Tigbao at siyam
Maaaring ang pagkakaiba ay nasa (9) ang mga salitang naiiba sa Subanen-
ponolohikal na katangian ng mga Dumingag na may kabuuang dalawampu’t
dayalekto. siyam (29) na set ng magkakaibang anyo
Ang pagkakaiba-iba ay hindi naman ng mga salita.
laging nagaganap sa apat na lugar. Natuklasan din niya na labintatlong
May mga pagkakataon kung saan (13) salita ang katulad o halos katulad sa
ang isa o dalawang lugar ay naiiba Subanen-Lakewood, labintatlong (13)
samantalang ang ibang mga lugar ay salita din ang katulad o halos katulad sa
magkatulad. Subanen-Pitogo, labing isang (11) salita
Mapapansin na may tatlong (3) naman ang katulad o halos katulad sa
salitang naiiba sa Subanen-Ditoray habang Subanen-Tigbao at sampung (10) salita ang
dalawampu’t apat (24) naman sa Subanen- katulad o halos katulad sa Subanen-
Dungos at dalawampu’t lima (25) sa Dumingag na may kabuuang apatnapu’t
Subanen-Kabatan. Samantala, may pito (47) na set ng magkakatulad na anyo
dalawang (2) salitang naiiba sa Subanen- ng mga salita.
Subis. Dahil sa mga nabanggit ay
Makikita sa talahanayan na nagkaroon ng varyasyon ang wikang
magkatumbas ng mga katawagan ang Subanen. Ito ay dahil na rin sa heograpikal
Subanen-Ditoray at Subanen-Subis. na lokasyon ng bawat pangkat at ang
Sa pag-aaral ni Cebrero (2010) impluwensya ng iba pang pangkat
natuklasan niya na anim (6) ang mga mayroon ang mga nasabing lugar.
VI. KONKLUSYON
Ang pagkakalayu-layo ng mga
lugar na pinaninirahan ng mga Subanen ay
may malaking impluwensya sa
pagkakaroon ng mga varyasyong leksikal
sa kanilang wika.

MGA REPERENSYA
Cebrero, J. C. (2010). Varayti at
Varyasyon ng Wikang Subanen sa
Zamboanga del Sur. Mga
Babasahin sa Varayti at Varyasyon
ng Wikang Filipino at Iba pang
mga Wika at Wikain
Enriquez, J. V. (2003). A Legend of the
Subanen Buklog. Xavier
University, Cagayan de Oro City
Imbing, V. L. (2003). The Subanen
Becklog: A Lapuyan Description
_________________. An Account of
Subanen and History with Special
Focus on Lapuyan, Zamboanga del
Sur
Pasion, R. M. (2014). Morpolohikal na
Varyasyon sa Wikang Mandaya ng
Davao Oriental. Asia Pacific
Journal of Education, Arts and
Sciences, 1(5), 129-135
_________________. Varyasyong
Leksikal sa mga Dayalektong
Mandaya. Asia Pacific Journal of
Multidisciplinary Research,
Volume 2, No. 6
Perigrino, J. C. et al. (2002). Minanga,
Mga Babasahin sa Varayti at
Varyasyon ng Filipino. Sentro ng
Wikang Filipino Sistemang
Unibersidad ng Pilipinas

You might also like