You are on page 1of 39

1

ASPEKTO NG PANDIWA SA BINISAYANG BILIRANON

___________________________________

Isang Papel Pananaliksik


Iniharap sa mga Kagawad ng Kaguruan ng School of Teacher Education ng (BiPSU)

_______________________________________

Isang Bahagi ng mga Gawaing Kailangan


Sa Pagtatamo ng Titulong
Bachelor of Secondary Education
Filipino

___________________________________

Nina

JOHNNY SUMBISE

RHANZYLL GIFT O. PARAL

MARLYN ABIHAY

Marso 2022
2

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang isang bahagi ng gawaing kailangan sa pagtatamo ng titulong BACHELOR OF

SECONDARY EDUCATION medyor sa Filipino, ang papel-pananaliksik ay may pamagat

na ASPEKTO NG PANDIWA SA BINISAYANG BILIRANON ay inihanda at iniharap

nina Johnny Sumbise; Rhanzyll Gift O. Paral; Marlyn Abihay at ngayon ay itinatagubilin

sa lupon para sa kaukulang PASALITANG EKSAMINASYON.

MIGUEL E. SUPREMO, JR. EdD


Job Placement Officer & PESO Manager
Tagapayo

JESON VIÑAS, LPT


Tagapangulo

CAREN VERGARA, MAEd MARK CHRISTIAN ALMAZAN,


LPT Miyembro Miyembro

RALPH ARVIC ARCENAL, MMS


Miyembro

Tinanggap at Pinagtibay sa Pagsusulit na Pasalita

MARIBEL N. ZIPAGAN, PhD


Dean, School of Teacher Education
3

Ipinasa ng LUPON SA PAGSUSULIT sa pasalitang eksaminasyon na may gradong

__________ noong ika-16 ng Marso, 2022.

JESON VIÑAS, LPT


Tagapangulo

CAREN C. VERGARA, MAEd MARK CHRISTIAN ALMAZAN,


LPT
Miyembro Miyembro

RALPH ARVIC ARCENAL, MMS


Miyembro

Tinanggap bilang isang bahagi ng gawaing kailangan sa pagtatamo ng titulong

BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION medyor sa Filipino.

MARIBEL N. ZIPAGAN, PhD


Dean, School of Teacher Education

Oral Defense: Marso 16, 2022


Date of Submission: ___________
4

PASASALAMAT

Walang hanggang ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong sa amin upang

mapagtagumpayan at maging epektibo an gaming ginawang pananaliksik.

Ipinaaabot namin ang aming mga pasasalamat sa mga sumusunod:

Una, nagpapasalamat kami sa poong may kapal sa kaniyang patnubay, binigyan nya

rin kami ng lakas na loob at sa lahat ng hakbang na aming ginawa ay naroon ang kaniyang

presensya.

Pangalawa, sa aming mga magulang, na walang sawang sumusuporta lalo na sa

kakayahang pinansyal at oras na binigay sa amin upang mapagtagumpayan ang aming

pananaliksik.

Pangatlo, sa aming guro, na si Dr. Miguel E. Supremo, na aming propesor sa

Introduksyon sa pananaliksik sa Wika at Panitikan, sa kanyang pag-gabay at upang mas

mapalawak namin ang aming ideya sa pamanahong papel.

Pang-apat, sa mga mag-aaral, na tumulong magbigay ng impormasyon at datos na

may kaugnayan sa aming paksa.

Pang lima, sa mga mananaliksik, dahil nagkaroon kami ng basehan sa pag-aaral na

ito. Lubos ang aming pasasalamat dahil kung wala ang mga taong ito, ‘di magiging

makabuluhan, organisado, kapani-paniwala at epektibo ang aming papel pananaliksik.

Maraming salamat po!


5

PAGHAHANDOG

Buong puso at pagmamahal na inihahandog ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito

sa mga taong tumulong, gumabay, at naging bahagi’t inspirasyon upang matagumpay na

maisagawa ang pananaliksik na ito.

Sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng katatagan, lakas, patnubay, at walang

hanggang biyaya upang maayos na maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

Sa mga Magulang ng bawat mananaliksik na kabilang sa pangkat na ito, na walang

sawang umuunawa at sumusuporta.

Sa propesor ng mga mananaliksik, Dr. Miguel E. Supremo Jr., na siyang gumabay,

tumulong, at isa sa mga naging daan upang ang pananaliksik na ito ay maging posible; at

Sa lahat ng kabilang sa pangkat o pananaliksik na ito na nagbuhos at namuhunan ng

oras at pagod upang ang pagsusuring ito ay maisagawa ng matagumpay at maayos.


6

Talaan ng Nilalaman

Kabanata Pahina

I. ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO

Rasyonal ng Pag-aaral --------------------------------------------------------- 8-9

Teoretikal Konseptuwal ng Pag-aaral ---------------------------------------- 10

Teoretikal Konseptuwal na Balangkas -------------------------------------- 11

Paglalahad ng Suliranin -------------------------------------------------------- 12

Kahalagahan ng Pag-aaral ------------------------------------------------- 13

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral ----------------------------------------- 14

Katuturan ng mga Talakay ----------------------------------------------------- 14-15

II. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT

PAG-AARAL

Mga Kaugnay na Pag-aaral ------------------------------------------------------- 16-18

Mga Kaugnay na Literatura ------------------------------------------------------- 18-19

III. METODOLOHIYA

Desinyo ng Pag-aaral --------------------------------------------------------------- 20


7

Instrumentong Ginamit ------------------------------------------------------------- 21

Kaligiran ng Pag-aaral --------------------------------------------------------------- 21

Populasyon ng Pag-aaral ------------------------------------------------------------- 21

Paraan ng Paglikom ng Datos -------------------------------------------------------- 21

IV. PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT

PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Talahanayan 1.1 ------------------------------------------------------------------------------- 22

Talahanayan 1.2 ------------------------------------------------------------------------------- 23

Talahanayan 1.3 ------------------------------------------------------------------------------- 24

Talahanayan 2 --------------------------------------------------------------------------------- 25-26

Talahanayan 3 -------------------------------------------------------------------------------- 27-28

Talahanayan 4 --------------------------------------------------------------------------------- 28-29

Talahanayan 5 --------------------------------------------------------------------------------- 30-31

Talahanayan 6 --------------------------------------------------------------------------------- 31-32

Talahanayan 7 --------------------------------------------------------------------------------- 32-33

Talahanayan 8 ---------------------------------------------------------------------------------- 34-35

Talahanayan 9 ---------------------------------------------------------------------------------- 36-37

V. PAGLALAGOM SA MGA NATUKLASAN

Konklusyon -------------------------------------------------------------------------------------- 39

Rekomendasyon -------------------------------------------------------------------------------- 39-40

MGA SANGGUNIAN ----------------------------------------------------------------------- 41

APENDIKS ------------------------------------------------------------------------------------- 42

KURIKULUM VITAE NG MGA MANANALIKSIK --------------------------------- 43-45


8

ABSTRAK

Pamagat ng Papel Pananaliksik “ASPEKTO NG PANDIWA SA BINISAYANG

BILIRANON"

Mga Mananaliksik: Johnny Sumbise, Rhanzyll Gift O. Paral, Marlyn Abihay

Paaralang Pinagtapusan: Biliran Province State University :

Taon ng Pagkasulat: 2022

Lubhang nakakaligtaan na ang wastong paggamit sa wikang pambansa maging sa aspekto ng

pandiwa sa binisayang biliranon. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga

aspekto ng pandiwa sa Binisayang Biliranon. Ano-ano ang mga panlaping ginagamit sa

dayalektong bisaya. Ang wastong paggamit sa isang wika at pagkakaroon ng sapat na

kaalaman sa mga ortograpiyang pang wika ay dapat na taglay ng isang tao. Batay sa

kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi ng mga mananaliksik na magsikhay at maging

masigasig sa pagdalumat sa dayalektong bisaya, pag ibayuhin pa ang mga kakayahan sa

gramatika at retorika, at sanayin ang sarili sa pagbabasa ng iba’t ibang teksto tungo sa

epektibong pagkatuto.

Lagom ng mga Natuklasan:

Ang resulta ng pag-aaral na ito sa aspekto ng pandiwa sa binisayang biliranon. Kapansin-

pansin na ang bawat wika ay mga aspekto. Ito ay ang mga apektong perpektibo, aspektong

imperpektibo at aspektong kontemplatibo. Sa perpektibo makikita na ang mga panlaping

ginamit ay “nag, na, mi at gi”. Sa imperpektibo naman ay ang mga panlaping “naga, gina at
9

ga”. Sa aspektong kontemplatibo ay mga panlaping “mag, ma at on/hon”. Nagiging magkaiba

ang mga salitang nabuo sa aspektong perpektibo at kontemplatibo batay sa mga panlaping

ginamit.

Konklusyon:Rekomendasyon

Ang wastong paggamit sa isang wika at pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga

ortograpiyang pang wika ay dapat na taglay ng isang tao. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral ,

iminumungkahi ng mga mananaliksik na magsikhay at maging masigasig sa pagdalumat sa

dayalektong bisaya, pag-ibayuhin pa ang mga kakayahan sa gramatika at retorika, at sanayin

ang sarili sa pagbabasa ng iba’t ibang teksto tungo sa epektibong pagkatuto.


10

Kabanata I

Rasyunal ng Pag-aaral

Malawak at malalim na paksa kung pag-uusapan ang tungkol sa wika. Ang bawat

anggulo at bahagi nito ay may kanya-kanyang mahahalagang paksa na dapat alamin. Sa

simpleng pakahulugan, ang wika ay kalipunan ng mga simbolo, tunog at mga kaugnay na

bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ayon kay Henry Gleason, ang wika

ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang

arbitraryong upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Wika ang kadalasang nagbibigay identidad sa lahi na kinabibilangan ng isang tao.

Hindi magkakaroon ng kaisahan ang mga tao kung walang tanging isang wikang ginagamit

sapagkat wika ang siyang nagsisilbing sangkap ng huwarang bansa na kasama ang kaisahan

ng lahi, wika ang isa sa mga pamana sa atin ng ating mga ninuno sa pamamagitan nito ay

napapahayag natin ang tinitibok ng ating damdamin at maging inilalarawan ng ating kaisipan.

Sa lawak ng saklaw ng wika, mayroon itong kahalagahan, kapangyarihan, gampanin,

tungkulin, katangian, konsepto, antas, at mga uri ng barayti nito. Ang pananaliksik na ito ay

tatalakay sa isa sa mga uri ng barayti ng wika, ang dayalekto.

Ayon kay Dr. Constantino, isang dalubwikang Pilipino, may higit na isang daan (100)

mga wika at apat naraang (400) wikain ang matatagpuan sa Pilipinas. Ito ang mga

sumusunod: Tagalog, Waray, Ilokano, Kapampangan, Cebuano, Hiligaynon, Bicolano at

Pangasenense.
11

Sa sarbey na isinagawa, lumabas na nanguna ang Tagalog at pumapangalawa naman

ang Cebuano/ Bisaya kung wikang ginagamit sa tahanan ang pag-uusapan. Ngunit

nakakalamang ito nang kaunti sa tagalog kung ang pag-uusapan naman ay unang wikang

natutuhan. Ang wikang Cebuano ay tinatawag ding bisaya sa silangang bahagi ng kabisayaan.

Ang wikang ito ay kabilang sa angkang malayo Polinesyo. Ayon kay Buynte at Yap,

humigit kumulang sa 32 milyon o 24 porsyento ang kabuuang populasyon ng mga

katutubong bisaya sa pilipinas (1971:8). Ito ang ikalawa sa pinakamalaking wika na sinasalita

sa pilipinas na may humigit kumulang 20 milyong mga nagsasalita nito bilang pandagdag na

wika. Isa ang Naval, Biliran sa mga lugar na gumagamit nito bilang instrumento ng

komunikasyon. Mahalagang matuklasan at mapag aralan ang pakakatulad at pagkakaiba ng

wikang Filipino sa wika o dayalektong bisaya upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa

bigkas at kahulugan. Ang pagkakaroon ng maling paggamit ng dalawang wika ay syang

dahilan ng pagkakaroon ng maling pagpapakahulugan sa pahayag.


12

Teoretikal konseptuwal ng Pag-aaral

Ayon kay Gleason (Baluca et al, 2006) "ang baryasyon ng wika ay isang katotohanan sa

lipunan na nakabukod sa mga tradisyon ng mga tao at sa mga salik panlipunan na nakikilala

sa iba't ibang grupong sosyal, kultural at etniko" Gayunpaman, kinakailangan na

mapaghandaan ang anumang pagbabagong naganap sa wika.

Ayon kina Santiago at Tiangco (1991), sa istrukturang pananaw, ang pandiwa nakilala sa

pamamagitan ng mga paraan nito sa iba't ibang aspekto batay sa uri ng kilos na isinasaad.

Nagbabago ang anyo ng pandiwa sa iba't ibang aspekto ayon sa isinasaad nitong kilos.

Speech Community

Ayon kay Dell Hymes, ito ay ang pangkat ng mga taong hindi lamang gumagamit ng

wika sa magkatulad na paraan, kundi nababatid din nila ang mga patakaran at pamantayan

kung paano ginagamit at nauunawaan ang mga gawaing pangwika.

Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga

lingwist ng pagiging heterogenous o pagkakaiba-ibang wika (saussure, 1916) at "hindi

kailanman pagkakatulad o uniformidad ng anumang wika", ayon kay Bloonfield (1918). Dala

ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may Iba't ibang lugar na tinitirhan, interes, gawain,

pinag-aralan at iba pa sa pagdaan ng panahon naging ispesyalisado ang mga gawain at

tungkulin ng tao at ito ay nagresulta sa pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang naging

panukat sa progreso ng tao (Roussean, 1950) -ang mga pagkakaibang ito ng wika ay
13

nagbunga ng iba't ibang pagtingin, pananaw at atityud dito kaugnay na hindi pagkakapantay-

pantay ng mga wika pati ng mga tagapagsalita, kultura at sibilisasyon (Constantino 2000)

Teoretikal Konseptuwal na balangkas

Ang daloy ng pag-aaral na ito ay nakatuon sa aspekto ng pandiwa sa binisayang biliranon.

Pag-aaral sa
dayalektong Bisaya

Aspekto ng pandiwa Aspekto ng pandiwa


sa wikang Filipino sa dayalektong Bisaya

Pagkakatulad at pagkakaiba ng
aspekto ng pandiwa
14

Paglalahad ng suliranin

Lubhang nakakaligtaan na ang wastong paggamit sa wikang pambansa maging sa

dayalektong bisaya. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga aspekto ng pandiwa

sa binisayang biliranon.

1. Matukoy ang sosyo-demographic profile ng mga respondents.

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Tirahan

2. Ano-ano ang mga panlaping ginamit sa dayalektong binisayang biliranon?

3. Ano-ano ang mga aspekto ng pandiwa sa binisayang biliranon?


15

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makakapagbigay ng kaalaman upang maiwasto ang kamalian

at impluwensiya sa kalagayan ng aspekto ng pandiwa sa binisayang biliranon at sa

pamamagitan nito ay mapapalawak ang kaalaman at maging epektibo sa komunikasyon.

Naniniwala rin ang mga mananaliksik na ang resulta ng pag-aaral na ito ay may maidudulot

sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral, mapapadali ang pagkaunawa at pagkatuto bilang dayalek at upang

mas maging epektibong manunulat ng mga akda gamit ang dayalektong Bisaya.

Para sa mga guro, ang resulta ng pag-aaral na ito ay magsisilbing batayan sa

pagbabalangkas ng mga halimbawang banghay aralin sa aspekto ng pandiwa, sa

pamamagitan nito, malalaman ng guro kung saan dapat paghuhusayin ang kahinaan ng

kanyang mag-aaral. Nakakatulong ito sa mga guro dahil ginagamit nila ang wikang bisaya

bilang midyum na panturo sa makabagong kurikulum.

Sa mga mananaliksik, Ang nagiging resulta sa pag aaral na ito ay makapagbigay ng

karagdagang kaalaman ng mananaliksik tungkol sa kalagayan at wastong paggamit ng

dayalektong bisaya.
16

Sa mga mag-aaral ng Lingwistika, makapagbigay ng karagdagang impormasyon sa

kanilang pag-aaral at mapalawak ang kanilang kaalaman sa wikang pinagmulan. Anumang

resulta nito ay maaaring makatulong sa pag-unlad ng kanilang gawain.

Sa lipunan, makakatulong sa pagbukas ng kanilang kamalayan tungkol sa wikang

ginagamit sa pakikipagtalastasan partikular sa wikang Bisaya. Sa pamamagitan nito,

malalaman nila ang kalagayan at wastong paggamit ng mga salita tungo sa epektibong

komunikasyon at pangangalaga.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Sasaklaw ang pag-aaral na ito, sa mga piling residente ng probinsya sa Biliran. Aalamin ng

mga mananaliksik ang mga eskperensya at kamalayan ukol sa aspekto ng pandiwa sa

binisayang biliranon. Limampu’t apat na respondents ang napili ng mga mananaliksik na

tugunan ang mga sarbey-kwestyuner na dinisenyo ng mga mananaliksik.

Katuturan ng mga Talakay

Upang lubos na maunawaan ang paghahambing ng pagsusuring ito ang mga sumusunod ay

mga katawagang binigyang kahulugan ayon sa paggamit nito sa pag-aaral:

Kahulugan. Kung ano ang ibig sabihin o ipahiwatig ng isang salita.

Dayalekto o wikain. Wikaing sinasalita sa isang rehiyon. Ang iba’t-ibang pangkat ng mga

tao ay nagkakaunawaan dahil sa wikang pambansa ngunit ang bawat maliliit na pangkat ay

may kanya-kanyang wikain o dayalekto.

Sebwano. Ang wikang sinasalita ng mga naninirahan sa lalawigan ng cebu, at mga karatig

lalawigan gaya ng Bacolod, Leyte, Surigao Del Norte at Sur at Cagayan de Oro City.
17

Wika. Isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng tao upang magkaunawaan

at mag kapalitan ng kurokuro o opinyon ang bawat isa.

Ang wika ay may sariling agham at maunlad na balarilan at panitikan na higit na ginagamit

ng higit na nakararami sa mamamayang Filipino. Ito ay dayalekto, sapagkat ang huli ay isang

anyo ng wikang natatangi na lamang sa isang lalawigan o pook hinggil sa paraan ang ugali ng

pagbigkas , talasalitaanat kayariang gramatikal at naiiba ngkaunti sa anyong kinabibilangan (

Dy, 1964 at binanggit ni Casten 1999 ).

Ang pandiwa ay ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng simuno ng

pangungusap. Ito ay maaring kilos o galaw ng tao, hayop, o bagay. Sa Ingles, ang katumbas

ng pandiwa ay verb.

Ang dayalek ay tumutukoy sa paraan ng pagkakabigkas ng mga tao na nakatira sa isang

lugar.

Ang panlapi ay isang kataga o mga kataga na kinakabit sa unahan, gitna, at hulihan ng isang

salitang ugat upang makabuo ng panibagong salita na iba na ang kahulugan.


18

Kabanata Il

Suring-basa sa mga Kaugnay na literatura at pag-aaral

Bago itaguyod ang kabanatang ito, ang mga mananaliksik ay sumangguni sa iba't-ibang

aklatan upang makakuha ng mga kaugnayan na literatura at pag-aaral. May mga aklat, di

nalathalang tesis at internet na binasa ng mga mananaliksik para makatulong sa pag-aaral.

Mga kaugnay na Pag-aaral

Ang wika sa kanyang sariling kasalimuutan ay paksa ng maraming pag-aaral ng iba’t

ibang dalubwika. Napakahalaga ang papel na ginagampanan ng wika bilang elementong

pangkalinangan. Ayon sa batikang historyador nanagsusulong ng “pantayong pananaw” na si

Dr. Zeus Salazar, “ang kultura ay kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman, at karanasan

na nagtatakda ng maangking kakanyahan ng isang kalipunan ng tao” kung kaya’t “ang wika

ay hindi lamang daluyan kundi tagapagpahayag at impukan-kuhanan din ng alinmang

kultura.” Katunayan, “walang kulturang hindi dala ng isang wika na bilang saligan at
19

kaluluwa ay siyang bumubuo, humuhubog, at nagbibigay diwa sa kulturang ito” (Salazar

1972-1973, 53).

Ayon kay Arocha (2016), ang wika ang maituturing pinakamabisang kasangkapan sa

pakikipag- komunikasyon sa ating kapwa. Ang wika ay magiging sandata natin sa ating

pakikihamok sa mga hamon ngbuhay binubuo ng mga titik at simbulo na kapag pinagsama-

sama ay maipapahayag natin ang mga nararamdaman natin sa ating pamilya, kaibigan o kahit

na sinopa na ating kilala.

Ayon kay Batnag at Kabayan, (2001) sapagkat ang Pilipinas ay mutilinggwal at

multicultural, nabubuklod ang ating watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag

hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum

na wikang Filipino. Sumakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang

baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

Isa ding pag-aaral ay ang “Pagkakaugnayan ng Tunog at Baybay ng mga Cognatos sa

Pilipino at Sebwano – Bisaya” ni G. Mauricio L. Uy ay isang pag-aaral ng mga talasalitaan sa

Sebwano - Bisaya na karaniwang matatagpuan sa Pilipino. Pinaghahambing dito ang mga

ponema sa Pilipino at Sebwano – Bisaya at ng ma bayabay nito. Nakatulong din ito nang

malaki sa may-akda sa kanyang pananaliksik. Mayroon ding pag-aaral si G. Francisco

Morales na “Fundamentals of the Filipino Language and Sugbwanon” na tumatalakay

tungkol sa iba’t ibang panig ng balarila ng kapwa wika. Pinaghahambing nito ang kayaran ng

iba;t ibang uri ng bahagi ng pananalita na gaya ng pantukoy, pangngalan, pandiwa, pang-uro,

pang-abay, pangatnig, at pang-angkop. Ang “A Contrastive Study of the Phonological

System of English and Cebuano – Bisayan” at ang “How the Differences Affect the Teaching

of English as a second Language to Cebuano – Bisayan Learner” ay ang mga pagsusuri at

paghahambing nga ponemang segmental at suprasegmental ng Ingles at Sebwano – Bisaya.


20

Ito ding pag-aaral ni Gng. Rosalinda Z. Plaza na “Isang Pahambing na Pag-aaral ng

Sebwanong Ginagamit sa Misamis Oriental at Surigao del Norte”na tumatalakay disa

paghahambing ng iba’t ibang panig ng balarila ng dalawang wika. Binibigyang diin din dito

ang tungkol sa mga ponema at ang kaugnayan nito sa bawat isa.

Ang pag-aaral ni Mansa, Egin T. (2002) na "Isang Paghahambing sa Aspektong

Pandiwa sa Wikang Filipino at Wikang Cebuano" ay may kaugnayan sa pag-aaral ng mga

mananaliksik sapagkat ang pag-aaral ni Mansa ay nakatuon din sa pormula sa pagbuo ng mga

aspekto ng pandiwa sa Wikang Filipino at Wikang Cebuano na siya ring layunin ng mga

mananaliksik. Natuklasan ni Mansa na may pagkakaiba at pagkakatulad sa dalawang wika sa

bawat aspekto ng pandiwa na banghay.

Ang pag-aaral ni Tangcay, Marites R. (2013) na "Isang Paghahambing sa mga

Aspekto ng Pandiwa ng Wikang Filipino at Wikang Hiligaynon ", sa pag-aaral ni Tangcay ay

isinagawa ang paghahambing sa aspekto ng pandiwa sa Filipino at Hiligaynon. Ano ano ang

mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga aspekto ng pandiwa sa Wikang Filipino at Wikang

Hiligaynon. Ito ay may kaugnayan sa pag-aaral ng mga mananaliksik sapagkat inihahambing

din ang dalawang wika sa kanilang mga aspekto. Natuklasan ng mananaliksik na may

pagkakaiba at pagkakatulad ang wikang Filipino at wikang Hiligaynon sa aspektong pandiwa

na banghay.

Kaugnay na literatura

Ayon kay (Sauco, Consolacion Pet-al.) ang wika'y ginagamit lahat ng uri o antas ng

tao sa lipunan. Nagagamit ito sa Iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng tao, pang-ekonomiya,

panrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at pang-lipunan. Ito ay mahalagang salik na


21

makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa. Ito'y Isang mabisang instrumento sa pambansang

pagkakaunawaan at pagkakaisa.

Batay sa pag-aaral sa mga salita nina (Sebastian Ph, D, Del Valle, at Villanueva, Ph.

M. A) na ang mga salita ay hindi lamang kakayahan na pagbabaybay kabilang nito ang

kakayahan sa pagbigkas, pagpapantig, pagkilala sa mga bahaging pananalita, kaalaman ng

kahulugan ng mga salita at kakayahan sa wasto at makabuluhang paggamit ng mga ito sa

pangungusap.

Ayon naman sa pagpapakahulugan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang

wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilpinas bilang wika ng

komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ay dumaan sa

proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga

katutubong wika at sa ebolusyon ng iba't ibang barayti ng wika. Para sa iba't ibang sitwasyon,

sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang sanligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan

at iskolarling pagpapahayag. Bilang kabuuan, ang wikang Filipino ang pinakagamitin sa lahat

ng transaksyong nagaganap lalo na sa iba't ibang antas ng pagkatuto, pakikipagkalakalan,

relasyong sosyo-pulitikal at sa lahat ng larangan para sa mabisang pagkakaunawaan,

nararapat lamang na ito ay ma-intelektwalisa upang makasabay ang Pilipinas sa kaunlaran

tungo sa global na pagbabago. Kung kaya't sa kasalukuyan nakatalaga ang mga mag-aaral sa

bansa na payabungin ang wikang Filipino bilang behikulo ng pag-unlad ng lipunan (Mabilin,

2012).

Halaw sa aklat ni John V. Wolf "Beginning Cebuano Part I" sinabi ng may akda ang

pagkatuto ng isang bagay na nakagawiang pagbubuo. Sa ganitong dahilan kaunting panahon

sa klase ang naiuukol sa pagpapaliwanag sa balarila ng isang wika. Ang kusang katugunan ay

di lamang malilinang hinggil dito o pagsubok sa nilalaman nito kundi sa palaging pagsasanay
22

nito. Ito ay may malaking maitutulong sa kaslukuyang pag-aaral dahil binibigyang-diin ng

aklat na ito kung paano nagsimula ang wikang Cebuano | Bisaya.

Ayon parin kay Dr. Constantino, batay sa kanyang pag-aaral na ginawa sa mga wika

ng mga Pilipino umpisa noong 1962, may mga karakteristik ang ating mga wika at gamit nila

sa pakikipagkomunikasyon ng Filipino sa isa't isa. Ayon sa kanya, maraming pagkakaiba sa

tunog, salita, pangungusap, at ispeling ang mga wika. May mga wikang gumagamit ng "ay"

sa pagitan ng "subject" at "predicate", may mga c, q, j, at x sa ispeling ng mga salita at may

mga wikang hindi gumagamit ng mga letrang ito.

Kabanata III

Metodolohiya

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng pamaraang ginamit ng mananaliksik kasama ang

pinagkunan ng mga datos, pangangalap ng datos at pagsasaayos ng mga datos.

Disenyo ng pag aaral

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng deskriptib-sarbey na disenyo dahil ito ay

naaangkop na gamitin sa mga problemang kinakaharap sa pag-aaral. Para mas lalong

maintindihan at maunawaan. Ang mga mananaliksik ay kinakailangang ilarawan ang

kasalukuyang sitwasyon ng aspekto ng pandiwa sa binisayang biliranon. Marami pang ibang


23

uri ng deskriptibong pananaliksik ngunit napili ng mga mananaliksik na gumamit ng

Desktiptib-Sarbey na pananaliksik na gagamitan ng mga talatanungan para makalikom ng

mga datos. Ang pag aaral na ito gagamit ng deskriptibong pananaliksik.

Instrumentong ginamit

Ang instrumentong ginamit sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa pag-aaral ay isang

sarbey-kwestyuner o talatanungan. Dahil sa sitwasyong new normal isinagawa ng mga

mananaliksik ang pangangalap ng datos onlayn sa pamamagitan ng google form.

Kaligiran ng Pag-aaral

Isinagawa ang pag-aaral na ito ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptibo at pag-aanalisa na

pananaliksik. Inilalarawan sa pananaliksik na ito ang pag-aaral sa aspekto ng pandiawa sa

binisayang biliranon sa Naval, Biliran.

Populasyon ng pag-aaral
24

Ang pananaliksik na ito ay may pangunahing layunin na alamin ang aspekto ng pandiawa sa

binisayang biliranon sa Naval, Biliran. Ang mga biliranon o residente ng Biliran ang

napiling populasyon ng mga mananaliksik.

Paraan ng paglikom ng datos

Upang maisakatuparan ng mga mananaliksik ang pangangalap ng impormasyon, ginamit sa

pag-aaral ang mga pamamaraan ng paglarawan o diskriptib sa pag-uri at pag- analisa ng mga

datos. Sa pamamaraang ito nailalarawan, naihambing, nasuri at naipaliwanag ng mga

mananaliksik ang epekto ng mga impluwensiya sa dayalektong bisaya.

Kabanata IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pakakahulugan ng mga datos tungkol sa

kalagayn ng dayalektong Bisaya sa Naval, Biliran. Ang pagtatalakay sa mga sagot ay ibinatay

sa pagkakaayos ng mga katanungan sa unang kabanata.

1. Propayl ng mga Respondents

Sa pag-aaral na ito, kasama ang mga ilang profile variables ng mga respondents para

magamit ang mga nakalap na impormasyon sa pag-aaral. Dito kumakatawan ang mga resulta

sa mga sumusunod na table.

Talahanayan 1.1
25

1.1 Kasarian

Kasarian ng respondente Kalimitan Bahagdan

Babae 35 64.81%

Lalaki 19 35.19%

Kabuuan 54 100%

Sa indikasyon ng table 1 pinapakita dito na mas Malaki ang bilang ng mga babae sa lalaki.

Nangunguna ang babae sa kalimitang 35 na katumbas sa 64.81% at pumapangalawa naman

ang lalaki sa kalimitang 19 na katumbas sa 35.19%.

Talahanayan 1.2

1.2Address

Address ng respondente Kalimitan Bahagdan

Naval, Biliran 24 44.44%

Almeria, Biliran 6 11.11%

Kawayan, Biliran 4 7.41%

Culaba, Biliran 4 7.41%

Caibiran, Biliran 3 5.56%

Cabucgayan, Biliran 3 5.56%

Maripipi, Biliran 2 3.70%

Leyte 8 14.81%

Kabuuan 54 100%
26

Sa table 2, ipinapakita na mas marami ang bilang ng respondent sa Naval, Biliran na may

kalimitang 24 na katumbas sa 44.44%. Sinundan naman ito ng mga sumusunod Almeria,

Biliran na may kalimitang 6 na katumbas sa 11.11%, Kawayan, Biliran na may kalimitang 4

na katumbas sa 7.41%, Culaba, Biliran na may kalimitang 4 na katumbas sa 7.41%, Caibiran,

Biliran na may kalimitang 3 na katumbas sa 5.56%, Cabucgayan, Biliran na may kalimitang 3

na katumbas sa 5.65%, Maripipi, Biliran na may kalimitang 2 na katumbas sa 3.70% at Leyte

na may kalimitang 8 na katumbas sa 14.81%.

Talahanayan 1.3

1.3 Edad

Edad ng respondente Kalimitan Bahagdan

15-20 27 50%

21-25 24 44.44%

26-30 2 3.70%

30 pataas 1 1.85%

Kabuuan 54 100%

Sa mga indikasyon dito sa lahat ng 54 na respondents, mga edad 15-20 ang karamihan sa mga

respondent na may kabuuang 27 na katumbas sa 50%. Sinundan naman ito na edad 21-25 na
27

may kabuuang 24 na katumbas sa 44.44%, 26-30 na may kabuuang 2 na katumbas sa 3.70%,

30 pataas na may kabuuang 1 na katumbas sa 1.85%.

TALAHANAYAN 8

A. Aspekto ng pandiwa sa dayalektong Bisaya:

Balangkas sa pagbuo ng mga pandiwa

Aspekto ng pandiwa Sistema Halimbawang salita

Perpektibo A. Nag + -salitang ugat Nagpalit

Nagkaon

B. Na + -salitang ugat Naligo

Nangahoy

C. mi + -salitang ugat Milangoy

Misaka

D. Gi + -salitang ugat Gilangoy


28

Gibaktas

Imperpektibo A. Naga + -salitang ugat Nagatuon

Nagalantaw

B. Gina + -salitang ugat Ginaabot

Ginakuha

C. Ga + -salitang ugat Gabaktas

Gabasa

kontemplatibo A. Mag + -salitang ugat Maghugas

Magkaon

B. Ma + -salitang ugat Matulog

Maligo

C. On/hon + -salitang ugat Basahon

Ilogon

Kapansin-pansin na ang bawat wika ay mga aspekto. Ito ay ang mga apektong perpektibo,

aspektong imperpektibo at aspektong kontemplatibo. Sa perpektibo makikita na ang mga

panlaping ginamit ay “nag, na, mi at gi”. Sa imperpektibo naman ay ang mga panlaping

“naga, gina at ga”. Sa aspektong kontemplatibo ay mga panlaping “mag, ma at on/hon”.

Nagiging magkaiba ang mga salitang nabuo sa aspektong perpektibo at kontemplatibo batay

sa mga panlaping ginamit.


29

Kabanata V

PAGLALAGOM SA MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON REKOMENDASYON

BUOD

Ang pag aaral na ito ay pinamagatang pag-aaral sa dayalektong bisaya. Ito ay naglalayong

alamin ang aspekto ng pandiwa sa binisayang biliranon. Ang mga sumusunod ay ang mga

suliranin na dapat sagutin ng mga mananaliksik.

1. Matukoy ang sosyo-demographic profile ng mga respondents.

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Tirahan

2. Ano-ano ang mga panlaping ginamit sa dayalektong binisayang biliranon?


30

3. Ano-ano ang mga aspekto ng pandiwa sa binisayang biliranon?

Sa aspekto ng pandiwa sa wikang Filipino at dayalektong binisayang biliranon ay kapansin-

pansin na ang bawat wika ay mga aspekto. Ito ay ang mga aspektong perpektibo, aspektong

imperpektibo at aspektong kontemplatibo. Sa perpektibo makikita na ang mga panlaping

ginamit ay “nag, na, mi at gi”. Sa imperpektibo naman ay ang mga panlaping “naga, gina at

ga”. Sa aspektong kontemplatibo ay mga panlaping “mag, ma at on/hon”. Nagiging magkaiba

ang mga salitang nabuo sa aspektong perpektibo at kontemplatibo batay sa mga panlaping

ginamit.

KONKLUSYON

Batay sa pananaliksik natuklasan ang mga sumusunod:

1. Magkakapareho ang panlaping “nag” sa wikang Filipino sa pagbabanghay sa

dayalektong bisaya. Ang mga salitang ito ay nagpalit at nagkaon

2. Ang panlaping “nag” ay nagiging “naga” sa aspektong imperpektibo. Ang mga

salitang ito ay tuon sa nagatuon at lantaw sa nagalantaw.

3. Ang panlaping “nag” ay nagiging “mag” sa aspektong kontemplatibo. Ang mga

salitang ito ay hugas sa maghugas at basa sa magbasa.

4. Ang panlaping “na” sa wikang Filipino ay magkakatulad sa pagbabanghay sa

dayalektong bisaya.

5. Ang panlaping “na” ay nagiging “ma” sa aspektong kontemplatibo. Ang mga salitang

ito ay naligo sa maligo.

6. Ang panlaping “mi”ay nagiging “ga” sa aspektong imperpektibo. Ang salitang ito ay

milangoy sa galangoy at misaka sa gasaka.


31

7. Ang panlaping “mi” ay nagiging “ma” sa aspektong kontemplatibo. Ang salitang ito

ay milangoy sa malangoy at misaka sa masaka.

8. Ang unlaping “gi” ay nagiging hulaping “on” sa aspektong kontemplatibo. Ang

salitang ito ay gilangoy sa langoyon at gibaktas sa baktason.

9. Mapapansin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga salita sa wikang Filipino at

dayalektong bisaya batay sa kayarian nito.

REKOMENDASYON

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod:

1. Magsikhay at maging masigasig sa pagdalumat sa wikang Filipino sa dayalektong

bisaya.

2. Sanayin ang sarili sa pagbabasa ng iba’t ibang teksto tungo sa epektibong pagkatuto.

3. Pagibayuhin pa ang mga kakayahan sa gramatika at retorika.


32

SANGGUNIAN:

https://www.wikiwand.com/tl/Wikang_Sebwano

https://www.scribd.com/document/367281751/Wikang-Cebuano

https://scholar.google.com/scholar?hl=en&as_sdt=0%2C5&q=bisaya&btnG=

https://www.researchgate.net/publication/341444058_Direksiyong_Historikal_ng_mga_Pag-

aaral_Panggramar_ng_mga_Wikang_Timog_Bisaya

https://www.academia.edu/22215029/Sebwano_Cagay_anon_at_Sebwano

https://www.academia.edu/34190335/

PANANALIKSIK_SA_WIKA_AT_KULTURA_NG_WIKANG_CEBUANO_AT_ILOKA

NO_kimedit

https://pdfcoffee.com/wikang-cebuano-pdf-free.html
33

https://www.researchgate.net/publication/341444058_Direksiyong_Historikal_ng_mga_Pag-

aaral_Panggramar_ng_mga_Wikang_Timog_Bisaya

https://www.academia.edu/22215029/Sebwano_Cagay_anon_at_Sebwano

http://jmsinoy.blogspot.com/2016/12/pag-aaral-sa-wikang-cebuano.html

APPENDIKS
34

KURIKULUM VITAE NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Johnny Sumbise


Email-address: sumbisejohnny78@gmail.com

PERSONAL NA IMPORMASYON

Petsa ng Kapanganakan : July 05, 2001


Lugar ng Kapanganakan : Naval, Biliran
Katayuang Sibil : Single
Mga Magulang : Leonora Sumbise
Mga kapatid : Clea Nhor Dela Peña, Dominador Dela Peña III
Relihiyon : United Church of Christ in the Philippines

EDUKASYON
Kolehiyo : Biliran Province State University
Kurso/Taon/Seksiyon : BSED III-C
Taon : Third Year
35

Sekondarya : WESTERN BILIRAN HIGH SCHOOL FOR THE ARTS


AND CULTURE
Taon : 2019
Elementarya : SABANG ELEMENTARY SCHOOL
Taon : 2013

MGA KARANASAN SA TRABAHO


PARANGAL AT PAGKILALA
MGA DINALUHANG SEMINARS/WORKSHOPS

PETSA PAKSA PINANGYARIHAN


LUZON INTER VARSITY U.P LOS BAÑOS,
OCT. 11-13, 2019 DEBATE LAGUNA
CHAMPIONSHIP
REGIONAL FESTIVAL OF ORMOC, CITY
SEPTEMBER 13,2017 TALENTS

DECEMBER 2021 PANDAYAN 2021: BILIRAN PROVINCE


LEADERSHIP TRAINING STATE UNIVERISTY

Pangalan: Rhanzyll Gift Olaguer Paral


Email-address: paralrhanzyll@gmail.com

PERSONAL NA IMPORMASYON

Petsa ng Kapanganakan : April 14, 2001


Lugar ng Kapanganakan : Naval, Biliran
Katayuang Sibil : Single
Mga Magulang : Rande S. Paral
Mga kapatid : Rochelle Paral, RhanzJade Paral, Nathan Paral, Rande Paraljr.
Relihiyon : Roman Catholic

EDUKASYON
Kolehiyo : Biliran Province State University
Kurso/Taon/Seksiyon : BSED III-C
Taon : Third Year

Sekondarya : Biliran Province State University-Laboratory HighSchool


Taon : 2019
Elementarya : Agpangi Elementary School
Taon : 2013
36

MGA KARANASAN SA TRABAHO


PARANGAL AT PAGKILALA
MGA DINALUHANG SEMINARS/WORKSHOPS

PETSA PAKSA PINANGYARIHAN


DECEMBER 2021 PANDAYAN 2021: BILIRAN PROVINCE
LEADERSHIP TRAINING STATE UNIVERISTY

Pangalan: Marlyn Lambit Abihay


E-mail address: marlynabihay@gmail.com
 
 
PERSONAL NA IMPORMASYON
 
Petsa ng Kapanganakan : September 28, 1998
Lugar ng Kapanganakan : Sta. Maria Bulacan
Katayuang Sibil : Single
Mga Magulang : Norly C. Abihay
: Marissa L. Abihay
Mga kapatid : Norly Jr., Lean, John Loyd, Mary Ophel, James Anthony
Relihiyon : Born Again Christian

EDUKASYON
Kolehiyo : Biliran Province State University
Kurso/Taon/Seksiyon : BSED III-C
Taon : Third Year

Sekondarya : Almeria National High School


Taon : 2019
37

Elementarya : Pulang Bato Elementary School


Taon : 2013

SARBEY KWESTYUNER NG MGA MANANALIKSIK

Mahal naming respondents,

Maalab na pagbati!
Kami ay mga mag-aaral ng Biliran Province State University kumukuha ng kursong Batsilyer
ng Edukasyong pang Sekondarya medyor sa Filipino ay kasalukuyang gumagawa ng papel
pananaliksik bilang parsyal na rekwarment sa asignaturang Filipino 317 Introduksyon sa
pananaliksik sa Wika at Panitikan.

Kaugnay nito, inihanda namin ang kwestyuner upang makapangalap ng datos na


kakailanganin sa pananaliksik na ito.

Kung gayon, mangyaring sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na
aytem.Tinitiyak po naming magiging kompidensyal na impormasyon ang iyong mga
kasagutan.

Marami pong salamat!


38

-Mga Mananaliksik

TALAHANAYAN 7
Aspekto ng pandiwa sa dayalektong Bisaya: balangkas sa pagbuo ng mga pandiwa

Aspekto ng pandiwa Sistema Halimbawang salita

Perpektibo E. Nag + -salitang ugat Nagpalit


Nagkaon

F. Na + -salitang ugat Naligo


Nangahoy
G. mi + -salitang ugat Milangoy
Misaka
H. Gi + -salitang ugat Gilangoy
Gibaktas

Imperpektibo D. Naga + -salitang ugat Nagatuon


Nagalantaw
E. Gina + -salitang ugat Ginaabot
Ginakuha
39

F. Ga + -salitang ugat Gabaktas


Gabasa
kontemplatibo D. Mag + -salitang ugat Maghugas
Magkaon

E. Ma + -salitang ugat Matulog


Maligo

F. On/hon + -salitang ugat Basahon


Ilogon

You might also like