You are on page 1of 7

MGA SALIK NA PAGKATUTO SA KOGNITIBONG PAGKATUTO NG

BAITANG-11 HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES NG MICRO ASIA


COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY INC.

Isang pananaliksik na ihaharap kay


Ginoong Wilmar M. Arrabe

Bilang bahaging pangangailangan sa Asignaturang

Pagbasa at Pananaliksik sa Iba't ibang tekso tungo sa

pananaliksik

NILA:
Abuel, Marone P.
Agbanglo, Angelmae M.
Asis, Christian Carlos B.
Badua, Brianne Faith M.
Caimoy, Braveian A.
Dechavez, Gian Vence G.
Delicona, Jenevive N.
Gonzales, Dann Armen
Lindberg, Larah Fey A.
Manaligod, John Andrew
KABANATA 1

PANIMULA
Magsisimula kaming talakayin ang aming paksa na patungkol sa “Mga salik
na nakakaapekto sa kognitibong pagkatuto”. Ang kognitibong pagkatuto ay isang
mahalagang aspeto ng pag-unlad ng mga mag-aaral sa larangan ng Humanities and
Social Sciences sa antas ng Baitang-11. Ang maayos na pag-unawa at paggamit ng
kognitibong kasanayan tulad ng pag-aaral,pag-analisa, at pagpapaliwanag ay
mahalaga sa pagsasanay ng mga mag-aaral upang maging kritikal at malikhain sa
pag-iisip.

Ang pagsasagawa ng pagsasaliksik sa mga salik na nakakaapekto sa


kognitibong pagkatuto ng mga mag-aaral sa Baitang-11 ng Kursong Humanities and
Social Sciences ay mahalaga upang masuri at maunawaan ang mga aspetong
naglalaro sa kanilang pag-unlad. Sa pamamagitan ng tamang pagsasaliksik, maaaring
matukoy ang mga salik na maaaring magdulot ng positibong o negatibong
impluwensiya sa kognitibong pagkatuto ng mga mag-aaral sa larangang ito. Sa
ganitong paraan, magkakaroon ng malawakang kaalaman at impormasyon na
maaaring maging batayan sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga epektibong
interbensyon at estratehiya sa pagtuturo. Ang pagsasaliksik na ito ay batay sa mga
pinagkunan na tumatalakay sa mga salik na may kinalaman sa kognitibong pagkatuto
ng mga mag-aaral sa Baitang-11 ng kursong Humanities and Social Sciences.
Ang mga batayang pinagkunan na ito ay magbibigay ng sapat na konteksto at
impormasyon para sa pag-aaral na ito. Sa pamamagitan ng paghahambing at pagsuri
ng mga natuklasan sa mga naunang pag-aaral, magkakaroon tayo ng malalim na
pang-unawa sa mga salik na maaaring makaapekto sa kognitibong pagkatuto ng mga
mag-aaral sa Baitang-11 ng Kursong Humanities and Social Sciences.
Ayon kay Villanueva (2013) ang karatulastasan ay isang paraan upang ito ang
mungkahing gamit/paraan sa pagtuturo at pagkatuto upang alamin at suriin ang
kakayahang umunawa. Pagkatuto sa apat na sulok ng silid-arala. Bagkus, ang
pagkamalikhain ng guro gamit ang sining ng pagtuturo katuwang ang teknolohiya
ang maglalapit sa ugnayan ng paaralan at lipunan na mapakikinabangan ng mag-aaral
sa laboratoryo ng buhay bilang pamana ng kanyang ginawa sa paaralan.
Ayon din kay Gannaban (2013) isang istratehiya para sa prosesong pagkatuto
ng estudyante ay ang penomenolohikal na pamaraan ang gagamitin sa pag-aaral;
batay ito sa obserbasyon, eksperimento at karanasan ng mga guro at mag-aaral na
gumagamit ng SNS.Nagsagawa ng pakikipanayam sa mga guro na gumagamit ng
SNS sa pagtuturo, gayundin sa mga estudyante. Sa kasalukuyang panahon,
mahalagang malaman ang mga salik na maaaring makaapekto sa kognitibong
pagkatuto ng mga mag-aaral sa Baitang-11 ng Kursong Humanities and Social
Sciences.
Ang mga salik na ito ay maaaring maging biyolohikal sikolohikal
pangkapaligiran, o pang-ekonomiya na naglalaro ng malaking papel sa pag-unlad ng
mga kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral.Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito,
inaasahang malalaman ang mga epekto ng mga salik na ito sa kognitibong pagkatuto
ng mga mag-aaral at magiging gabay ito sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga
tamang estratehiya sa pagtuturo at mga interbensyon na magpapabuti sa pag-unlad ng
mga magaaral sa larangan ng Humanities and Social Sciences.
Hindi maikakaila na malaki ang naitutulong ng edukasyon tungo sa pag unlad
ng isang indibidwal. Ang mga kaalaman na kaniyang matututuhan sa kaniyang pag
aaral ay magagamit niya sa pagharap sa hamon at problema sa buhay. Ang
pagkakaroon ng isang kalidad na edukasyon ay nakatutulong hindi lamang sa estado
ng buhay ng tao kundi maging sa ekonomiya.
Sinasabing malaking pananagutan ang nakaatang sa balikat ng mga guro sa
mabisang pagkatuto ng mga mag aaral. Tungkulin nitong maipahayag ng mabuti at
malinaw ang lahat ng kinakailangang aralin. Ang edukasyon ay upang malaman ang
mga bagay bagay mula sa simula hanggang sa katapusan ng ating buhay sa
pagpapalawak ng kapangyarihan at kaalaman na ibinigay sa ating pagsilang dahil
edukasyon lamang ang tanging kayamanan na maari nating ipagmalaki at hindi
mananakaw.
Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao.
Nakakatulong ito sa pagpapaunlad ng sarili at maging ang kinabukasan.
Nagpapalakas din ito sa loob ng isang tao para makipagsapalaran sa buhay

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Mahalaga ang kognitibo dahil naka pokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa
pamamagitan ng pagiisip, pagbabasa, pagiintindi.Ang kognitibo ay nagbibigay malay
sa atin. Nakaugnay ito sa pag iisip upang intindihin ang ating mga binabasa.
Ang pag aaral na ito ay nagagamit ng bawat isa sa atin. Ang mga tao ay
ipinanganak na may likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika Page at
Pinnel,(1979).
Ang mga makikinabang sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
Sa Mga Mag-aaral. Mas lalawak ang kanilang kaisipan, at mas
maiintindihan nila ang kanilang mga binabasa.
Sa Mga Guro ng Asignaturang Filipino. Mas mapapayabong ang mga
magagamit na pamamaraan sa pag tuturo at pagkatuto sa kognitibo.
Sa Mga Opisyales ng Paaralan. Makakatulong upang mas maintindihan ang
bawat naisin ng mga mag aaral at mga guro,
Sa Ibang Mananaliksik. Magagamit ito upang mabigyan sila ng mga ideya at
maging basehan rin ito.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN.
Layunin ng Pag-aaral

Ang pag aaral na ito ay pagsasagawa ng malalim na pagsasaliksik sa mga salik


sa
kognitibong pag katuto.

1.Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa:

1.1 Edad;

1.2 Kasarian; at

1.3 Baitang

2. Ang mga antas ng kakayahang kognitibo sa pagkatuto ng mag aaral ayon sa:

2.1 Pag iisip

2.2 Pag intindi

2.3 Pag babasa


3.Ano ang hamon na naranasan ng mga estudyante sa mga salik sa kognitibong
pagkatuto?

Lawak at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay upang malaman ang mga salik na nakakaapekto sa


kognitibong pagkatuto ng Baitang-11 Humanities and Social Sciences ng Micro Asia
College of Science and Technology Inc.
WEBLIOGRAPHY
Villanueva (2013) https://ejournals.ph/article.php?id=6231
Gannaban (2013) https://ejournals.ph/article.php?id=6232

You might also like