You are on page 1of 27

Depinisyon ng Termino

Argumentatib
Kaangkupan sa Paksa
Kaisahan
Kasanayan
Mekanismo sa PagsulatH
Nilalaman
Pagsulat
Peer Editing
Textong Argumentatib

Nilalaman
Kaisahan
Kaangkupan sa Paksa
Mekanismo sa Pagsulat

1. KAANGKUPAN SA PAKSA

Bibliography
Alonzo, G. (2018, October). Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay. Retrieved from Scrib.com:
https://www.scribd.com/document/390781298/Rubrik-Sa-Pagsulat-Ng-Sanaysay
Badayos, P. (2017 ). Komunikasyon sa Akademikong Pagsulat sa Filipio. Valenzuela City : Mutya
Publishing House Inc.
Padilla, K. (2014, Setyembre). Blogspot.com. Retrieved from Rubriks sa Pagsulat ng Sanaysay:
http://khimpadilla.blogspot.com/2014/09/rubrik-sa-pagsulat-ng-sanaysay.html
Basto, J. (2013, Enero). Slideshare.Net. Retrieved from Pagsusulat:
https://www.slideshare.net/jombasto7/pagsulat-15995547
Diba, N. (2013). Epekto ng Peer-Editing at Self-Editing sa Pagrerebisa ng mga Burador ng mga
Mag-aaral. Elsevier, 85-95.
Lude, P. (2014). Inaasahang Tulong ng mga Gawaing Peer-editing: Pangakalahatang Perpormans
ng mga Mag-aaral. Sage Journals, 97-99.
Fajad, S., Lintan , P., & Wagan, G. (2019). Paggamit ng Kritikal na Pag-iisip sa Pamamagitan ng
Teknik na Peer Editing sa Pagtuturo ng Pagsulat. Project Journal, 121-123.

https://www.scribd.com/document/390781298/Rubrik-Sa-Pagsulat-Ng-Sanaysay
Scribd
Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay
Gabrielle Alonzo, 2018
Ang kaangkupan sa Paksa ay isang katangian sa pagsulat kung saan ay
kinapapalooban ng makabuluhang mga talata na may mahusay at kaugnay na
pagpapaliwanag tungkol sa paksa.

MEKANISMO SA PAGSULAT
[ CITATION Bad17 \l 1033 ]

Mekanismo sa Pagsulat
Badayos, P.B. etal.2017.Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Valenzuela City:
Mutya Publishing House,Inc.

Ito ay isa sa mga kategoryang kabilang sa rubrik sa pagsulat ng sanaysay kung saan ay
walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbaybay.

NILALAMAN
[ CITATION Kim14 \l 1033 ]

Isa sa mga katangian ng isang mainam na sanaysay na nangangahulugang


makabuluhan, mahusay at lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga kaugnay na ideya
batay sa paksa. Dito ay malinaw na nailalahad ang panimula, katawan at panapos na
talata na may transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng paksa.

KAISAHAN
[ CITATION Jim13 \l 1033 ]
Ito ay isa sa mga kinakailangang taglayin upang magkaroon ng epektibong pagtatalata.
Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng talata. Kinakailangang
maglaman ang mga talata ng pamksang pangungusap at suportang detalye.

TEXTONG ARGUMENTATIB
Isang uri ng texto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang kanyang
posisyon sa isang tiyak na paksa o usaping gamit.

Arcenal, A. (2017). Textong Argumentatibo. Youtube.com: Kinuha mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=yICXsMjtMRk

Bernales, R. et. al., (2013). Retorika: SIning ng Pagpapahayag. Malabon City: Mutya
Publishing House Inc..

REMOVE SA BIBLIOGRAPHY
Litcanu at Mnerie 2015 – BRAINWRITING
Bernales 2013- Dokumentasyon
Chua 2016
Yopyop 2014
Alona 2015
Marollano, 2015
Bernales 2013
Fajardo 2014
Salandanan 2006

De Juan (2017)
Boutanios 2015
Lim 2018
Supan 2018
Tagalog lang
Glosbe 2018
Rivera, 2018
Alabatera 2018
Caylan, 2014
Staff 2020
Bisa 2014
Agustina et al 2019
Santesso at Schunemann 2020

Galgo
Youdictionary

Kaugnay na Literatura

ARGUMENTATIB

KAANGKUPAN SA PAKSA

Carnice, D. (2014). Sanaysay. Scribd: Kinuha mula sa


https://www.scribd.com/doc/199002288/Sanaysay

Isa ang kaangkupan sa paksa sa mga pamantayan sa pagsulat ng sanaysay na

kung saan ay sinabi niyang ito ay tumutukoy sa kalinisan ng pagkakalahad ng mga

ideya at suportang ideya na makabuluhan sa paksang tinatalakay ng manunulat.

(Cornice, 2014)
Ortiz, A. (2017). Pagsulat ng Sanaysay. Slideshare.net: Kinuha mula sa
https://www2.slideshare.net/allanortiz/pagsulat-ng-sanaysay-71354627?
qid=75df96bb-44ad-44cd-a124-f4173107e99d&v=&b=&from_search=2

Ayon kay Ortiz (2017), ang kaangkupan sa paksa ay isang katangian ng isang

sanaysay kung saan ay makikita ang mga pahayag o talata na kinapapalooban ng

pinakapangunahing ideya maging mga susing pangungusap na kaugnay ang paksang

tinatalakay.

Paz, P. (2018). Sanaysay, Debate at Talumpati. Quezon City: National Bookstore, Inc..
p9

Sinabi naman ni Paz (2017), ipinakikita ng isang sulating may kaangkupan sa

paksa ang pangkalahatang pagpapaliwanang na naaangkop at mahusay na

pagkakalahad ng mga pansuportang detalye upang malinaw na maipaliwanag ang

paksa.

KAISAHAN

Fatalla, K. (2016). Mga Aralin sa Masining na Pagpapahayag. Slideshare.net: Kinuha


mula sa https://www.slideshare.net/michiperez/mga-aralin-sa-masining-na-
pagpapahayag

Ayon kay Fatalla (2016), ang kaisahan ay pangkat ng mga pangungusap kung

saan ay umiikot sa iisang pangkalahatang ideya, may isang paksang pangungusap na

nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mga suportang pangungusap. Itto ay tumuukoy sa

isang tiyak na ka katangian o aspekto ng pagpapahayag. Sa literal na kahulugan, ito ay

“magkakalapit.”

Carandang, Y. (2015). Pagsulat ng Komposisyon. Haikudeck.com: Kinuha mula sa


https://www.haikudeck.com/v-pagsulat-ng-komposisyon-uncategorized-
presentation-CsxZKLtzhI
Ang akda o anumang sulatin na may iisang paksang-diwa ay nagtataglay ng

katangiang kaisahan. Iisa lamang ang paksang pangungusap na nakapaloob sa mga

talata. Ang tampok na ideya ay kaugnay ng paksang pangungusap.

KASANAYAN

MEKANISMO SA PAGSULAT
Munar, L. 2020. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Texto Tungo sa Pananaliksik.
Cainta, Rizal: Cainta Publishing House. P. 108

Sinabi ni Munar (2020) sa kanyang nalathalang modyul na ang mekanismo sa

pagsulat ay nakatuon sa wastong kayarian ng pangungusap, tamang baybay kasabay

ang paggamit ng malaki at maliit na titik at paglalagay ngbantas sa lahat ng mga

pangungusap na makikita sa likhang sulatin. Ang lahat ng pangungusap ay mahusay na

nabuo gamit ang iba’ ibang anyo at uri ng pangungusap. Wasto at angkop ang

pagkakagamit ng mga malalaki at maliliit na titik at tama ang pagkakabaybay ng bawat

salita.

NILALAMAN

Antofina, V. (2014). Pagsulat ng Sanaysay. Sideshare.net: Kinuha mula sa


https://www2.slideshare.net/kaneki07/pagsulat-ngsanaysay?qid=75df96bb-
44ad-44cd-a124-f4173107e99d&v=&b=&from_search=23

Ayon kay Antofina (2014), ang nilalaman ng isang sanaysay ay mga paliwanag

hinggil sa mga katanungan tungkol sa paksa o isyu na tinatalakay. Naglalaman din ito
ng mga positibo at negatibong isyu , katayuan o punto ng nagsasalaysay at mga

katibayan o suporta sa katayuan.

Binso, A. et.al.,(2012). Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon. Makati City:


Diwa Scholastic Press Inc. p, 52.

Binanggit nina Binso, et. al (2012) na ang nilalaman ng isang sulatin ay isa sa

mga pamantayang kinakailangang taglayin ng isang sulatin nang nasabing mayroong

maabuluhang nilalaman tungkol sa paksa. Kinakailangang may makabuluhang mga

salita na ginagamit at nararapat na natutukoy ang mga kahulugan at katangian.

PAGSULAT

Journal
Tabec, S. (2013). Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral na
Kumukuha ng Kursong Edukasyon. Mirage.

Ayon kay Tabec (2013), ang pagsulat ay nakatutulong sa mga mag-aaral sa

lohikal na pag-iisip at paglutas ng mga suliranin. Sa tulong ng pagsusulat,

naipahahayag ng isang indibidwal ang kanyang paniniwala, ninanais, palagay at

nakikilala ng tao ang kanyang mga kahinaan at kalakasan. Sa tulong din ng pagsusulat

ay higit pang napapagbuti ang iba pang makrong kasanayan tulad ng pagbabasa at

pagsasalita.

PEER EDITING

Mabait, M. (2014). Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat. Slideshare.net: Kinuha mula


sa https://www.slideshare.net/GinoongGood/batayang-kaalaman-sa-pagsulat
Isa ang Peer-Editing sa mga teknik sa pagrerebays ng isang sinusulat na akda.

Ito ay ang pagpapabasa sa kaklase o kabigan ng natapos na burador o draft. Ang mga

manunulat ay kinakaialngang maging handa na may bukas na isip para sa mga

mungkahi at pagwawastong makabubuti sa pagpapabuti pa ng nililnang na sulatin. Ang

ilan sa mga kasamhang teknik ng Peer Editing ay ang pag-eedit at pagrerebays ng

sariling draft kung saan ay isinasagawa ito isa o ilang araw matapos ng manunulat ang

kanyang burador. Kasama rin sa mga teknik na ito ang professional editing o pagpapa-

edit ng mga draft sa mga propesyunla tulad ng mga editor at guro.

Arca, J. et. al. (2019). Aralin 3: Hakbangin sa Proseso ng Pagsulat: Dokumentadong


Pag-uulat. Scribd.com: Kinuha mula sa
https://www.scribd.com/document/412002777/mga-hakbang-tungo-sa-proseso-ng-
pagsulat

Isa ang peer-editing sa mga yugto ng pag-eedit kung saan ang pagsulat at

pagbuo ng manuskrito bago mailabas ang pinakahuling kopya ng papel. Dito ay

maitatama ang mga mekanismo sa pagsulat ng isang nalinang na sulatin.

Nangangahulugan ang peer-editing ng paghahanap ng kapareha o katambal na kung

saan ay magkakaroon ng interaktibong ugnayan sa pamamagitan ng pagpapabasa ng

nabuong burador o draft. Maiwawasto sa yugotng ito ang mga pagbaybay, balarila at

maging ang paggamit ng wastong bantas sa bawat pangungusap.

Ancheta, R. at W. E. Macaraan. (2019). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Texto


Tungo sa Pananaliksik: Ikalawang Edisyon. ______________

Isinasagawa sa Peer-Editing hindi lamang ang pagwawasto ng pisikal na

katangian ng isang akda tulad ng balarila, pagbaybay at wastong pagbabantas, sakop

rin nito ang pagtatama ng pagkakasunod-sunod ng mga ideya ng bawat talata maging
ang tamang gamit ng mga salita ayon sa gamit nito sa pangungusap. Ang isang linang

na sulatin ay kinakailngang maging epektibo kaya’t nangangailang dumaan ito sap ag-

eedit at rebisyon. Partikular na isinasagawa sa peer-editing ang paghahanap ng

kapareha o isang kasapi upang siyang magsagawa ng pag-eedit. Magiging higit na

kapani-paniwala ito sa mga mambabasa at magiging isag epektibong batayan ng mga

naisulat na impormasyon.

Bosque, A. et. al. (2019). Kolab: Tuon sa Kolaboratibong Pagsulat sa Filipino sa


Piling Larang. Mandaluyong City: Books atbp.Publishing, Corp. p. 10-14.

Kinakailangang magbunga ng isang mabisang awtput ang pagsasagawa ng

teknik na Peer-Editing. Nagbibigay daaan ito sa pagkakaroon ng pagtitiwala sa sariling

linang na sulatin at kapwang mag-eedit ng burador na nabuo. Magpapalitan ng mga

sulating nabuo ang dalawang indibidwal hindi lamang maiwasto ang gawa ng isa’t isa

kundi maging upang makapagkomento at makapagbigay ng suhestyong

makapagpapabuti pa ng nililinang na sulatin. Maaaring magdadgdag ng mga kaalaman

o paliwanag kung kinakailangan kung mayroong mga bahaging hindi gaanong malinaw.

Maaari ring magkaltas ng mga hindi kaugnay na nilalaman o mga bagay na mahirap

maunawaan ng mga mambabasa. Ang ganitong gawain ay nakatutulong rin sa isang

indibidwal upang higit pa niyang mapabuti ang kanyang sulatin na gagawin sa

hinaharap.

Cris R. Lanzaderas, Laurence Marvin S. Castillo

Lanzaderas, C. at Castillo, L. M. (2018). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Manila.


Pheonix Publishing House.
Binigyang kahulugan nina Lanzadares at Castillo (2019) ang Peer-Editing bilang

isang gawaing kinakialangan ng isang kapares na kalimitang mula sa kinabibilangang

klase na tutulong upang mas mapabuti, marebays at maedit ang kanyang sulating

natapos. Binanggit rin niya ang tatlong makabuluhang mga hakbang na kinakailangang

tandaan sa pagsasagawa ng peer-editing. Una ay ang tinatawag na “compliment”,

laging tatandaan na ang pinakaunang panuntunan sa pagsasagawa ng ganitong

gawain ay ang pagiging positibo. Tinutulungan mo ang iyong kapwa na mas mapabuti

pa ang kanyang gawain kaya’ kinakailangang isipin ang mararamdaman kung ikaw ang

bibigyan ng mga puntos na kinakailangan pang papaghusayin. Simulan sa pagbibigay

ng mga magagandang puntos ng gawang sulatin. Ikalawa ay ang “suggestions”, ang

pagbibigay ng mga suhestyon ay nangangahulugang pagbibigay ng nagwawasto ng

mga tiyak na ideya tungkol sa higit pang pagpapabuti ng sulatin. Palaging maging

positibo at tiyak sa mga punang ibibgay. Ang pinakahuli ay ang tinatawag na

“corrections”, ang pagtatama ng gawang sulatin ng kapareha ay nangangahulugang

pagwawasto ng mga pagbaybay, balarila, mga batas at kulang na mga pangungusap.

TEXTONG ARGUMENTATIB

Lubiano, L. 2020. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Texto Tungo sa Pananaliksik.


Cainta, Rizal: Cainta Publishing House. P. 11.

Nabanggit sa modyul na sulat ni Lubiano (2020) na ang textong argumentatibo

ay naglalayong makapaghikayat, naglalahad ito ng mga oposisyong umiiral na

kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang pagtalunan o

papagpaliwanagan. Ang ganitong uri g texto ay kadalasang tumutugon sa tanong na

bakit.
Santos, J. (2017). Textong Argumentatibo. Youtube.com: Kinuha mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=ZwFLzdmTb2g

Ayon kay Santos (2017), ang textong argumentatibo ay isa sa mga uri ng tekxto

kung saan ay kinakailangan ng manunulat na ipagtanggol ang kanyang panig o

posisyon sa tampok na paksa gamit ang mga konkretong ebidensya mula sa personal

na karanasan, kauganay na mga pag-aaral o batay sa resulta ng empirikal na

pananaliksik. Binigyang kahulugan din niya ang salitang argumento na nangangalugang

paglalatag ng mga dahilan o ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig.

Educate.web. 2021.https://tl.educatelweb.com/2219762-argumentative-text-in-6-steps-

maturity-2019

Binanggit sa isang website na Educate,web (2021) na inilalahad ng textong

argumentibo ang paksa at kaugnay na ideya batay sa mga nakalap na datos ,

kinakailangan na mayroong lohikal na pangangatwiran. Pangunahing layunin ng textong

ito na papaniwalain ang mga mambabasa gamit ang mga tesis na pahayag at

suportang detalye. Binanggit din dito ang anim na hakbang upang maisakatuparan ang

mabisang pagsusulat ng textong argumentatibo. 1) Paglalahad ng Pangkalahatang

Paksa. Nararapat na mailatag muna pinakatampok na paksa ng textong argumentatibo

bago mailahad ang tesis na pahayag. 2) Tesis na Pahayag. Mabuting ilahad ang tesis

na pahayag nang tiyak, maikli at malinaw. 3) Sariling Argumento. Tiyaking ang mga

argumentong ilalahad sa texto ay kaugany ng tesis na pahayag na nauna nang

nailahad. 4) Kontra- argumento o antitesis. Dito makikita ang mga kontrang pahayag na

kinakailangang tama at detalyado ang pagkakalahad. 5) Ang mga Katwiran na Pabor sa

Antitesis. Sikaping isa-isahing maiwaksi ang mga pahayag na kabaligtaran ng iyong


tindig upang higit na maging matibay ang pagsulat. 6)Kongklusyon. Muling malinaw na

ipahayag at kumpirmahin ang tesis na pahayag sa pangwakas na pangungusap.

Tubac, L. (2017). Textong Argumento. Kudpdf.net: Kinuha mula sa

https://kupdf.net/download/tekstong-argumentatibo_5a268916e2b6f53232c6ab01_pdf

Binanggit ni Tubac (2017) ang ilang mga paalala-alala sa Pagsulat ng Textong

Argumentatibo bago at habang nagsusulat. Bago magsimulang sumulat ay

kinakailangang maging mapanuri sa mga usaping maaaring siyang magiging tampok sa

isusulat na texto. Maging isang matalinong mananaliksik na masikap na naghahanap ng

mga patunay na siyang magiging batayan ng katwirang ipahahayag, Sa pagsulat ng

unang talata ay gawin ito sa pinakasimple at hindi maligoy na paraan upang maging

malinaw ang panimula. Unahin ang panimulang pagtalakay sa paksa, talakayin ang

bawat ebidensya at panghuli ay kongklusyon. Sa introduksyon o panimula ng sulatin ay

marapat na malinaw ang kaligiran ng paksang napiling tatalakayin. Kasunod nito ang

mga argumento o panig na kinakailangang bigyan ng mga patunay na pahayag na hindi

bababa sa tatlo. Kasunod nito ang pagtalakay sa mga sumusuportang detalye na

maglalatag sa mga nakalap na patunay o ebidensya. Huwag kakalimiutan ang tampok

na pamaksang detalye. Sa pagbuo ng kongklusyon ay laguming muli ang mga ideya

simula sa tesis na pahayag upang muling maipaalala sa mga mambabasa ang mga
sariling puntos. Maaaring isara ang texto nang mag-iiwan ng impreson sa mga

makakababasa o manghikayat na paniwalain sa panig ng may-akda.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Argumentatib
Kaangkupan sa Paksa
Kaisahan
Kasanayan
Mekanismo sa Pagsulat
Nilalaman
Pagsulat
Peer Editing
Textong Argumentatib

Argumentatib
JOURNAL

Perido, D. et. al., (2014). Pagsusuri ng Kasanayan sa Pagsulat ng Argumentatib na


Sanaysay ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo. Academic Commons. 136-138.

Ang pag-aaral na ito nina Perido, et. al. (2014) ay isinagawa upang higit pang

mapalawak ang mga naunan nang pag-aaral tungkol sa kasanayan sa pagsulat ng mga

mag-aaral sa kolehiyo. Mula sa mga nalikon na mga linang na argumentatibong

sanaysay ng mga mag-aaral ay minarkahan gamit ang balangkas na binuo nina Feretti,

Lewis at Andrews-Weckerly (2009). Layunin ng naisagawang pag-aaral na 1) alamin

ang nilalaman, kaisahan at kalidad ng mga nasulat na argumentatibong sanaysay ng

mga mag-aaral at 2) tukuyin ang mga profayl ng mga manunulat na mag-aaral Ang pag-

aaral na isinagawa ay disenyong deskriptiv at upang mabigyang kahulugan ang mga

nakalap na datos ay gumamit ng regression upang masuri ang 112 na mga

halimbawang argumentatibong sanaysay ng mga mag-aaral. Lumabas sa pag-aaral na

ang mga nabubuong argumentatibong sanaysay ng mga mag-aaral ay bahagyang

napaunlad maging ang kaisahan nito. Ang mga sanaysay na nabuo ay kinapapalooban

ng sapat na mga salik sa pagsulat ng argumentatibong sanaysay. Nakita sap ag-aaral

na ang kahusayan sa pagsulat ng argumentatibong sanaysay at profayl ng mga mag-

aaral ay makabuluhang nakaaapekto sa nabubuong sulatin. Iminungkahi sa


isinagawang pag-aaral ang pagbibigay ng pansin sa kaisahan ng sanaysay kung bubuo

ng isang sulating argumentatibo.

THESIS
Melandrez, K. at Kasilag S. (2015). Suliranin sa Pagtuturo ng Argumentatibong
Pagsulat ng mga Guro sa Filipino. Bulacan State University. Malolos, Bulacan.

Sa pag-aaral nina Melandrez at Kasilag (2015) ay binigyang-pansin ang mga

suliraning kinahaharap sa pagtuturo ng argumentatibong pagsulat ng mga guro ng una

at ikalawang antas sa kolehiya na kumukuha ng kursong Batsilyer ng Sekundaryang

Edukasyon. Ang mga mananaliksik ay kinapanayam ang mga 12 gurong nagtuturo ng

asignaturang Filipino upang makapangalap ng kaukulang datos tungkol sa mga

kinahaharap na suliranin sa pagtuturo ng argumentatibong pagsulat ng mga mag-aaral.

Gumamit ng disenyong deskriptib ang mga mananaliksik upang mabigyang larawan

ang estratehiyang nililinang ng mga guro upang makapagturo sa mga mag-aaral.

Lumabas sa kanilang pag-aaral na ang pinakapangunahing suliranin sa pagtuturo ng

argumentatibong pagsulat ay ang pagbuo ng malilinaw na tesis na pahayag dahil sa

hindi kilala ang mga paksang ibinibigay ng guro. Ang ilan pa sa mga suliraning nakita ay

ang kakulangan ng kaalaman sa tamang balarila paggamit ng salita at kawalan ng mga

tamang bahagi ng pangbibigay ng sariling argumento. Dagdag pa rito ay ang suliranin

sa pagbuo ng mga ideya at konkretong ebidensya na susuporta sa mga naipahayag sa

sulatin. Mula sa mga resultang nakita ng mga mananaliksik ay nabatid na 1) gamit ang

iba’ ibang mga gawaing pangklasrum , kinakailangang higit na mahikayat ang mga

mag-aaral upang higit na makilahok ,2) pagsusuri ng mga halimbawang texto at

pagepresenta ng kanilang naunawaan sa klase ay kinakailangan at 3) iba-iba ang istilo

ng mga mag-aaral sa pagsasakaturaparan ng argumentatibong pagsulat. Sa kanilang


pag-aral ay iminungkahi na kinakailangan ng lubusang pagbibigay pansin sa

estratehiyang gagamitin upang mabisang makapagturo ng argumentatibong pagsulat.

Journal
Nippod, M. at Lonergan J. Pasalitang Pangangatwiran at Argumentatibong Pagsulat ng
mga Mag-aaral. Sage Journal. 89-94.

Layunin ng pag-aaral nina Nipodd at Lonergan (2015) na alamin ang ugayan ng

pasalitang pangangatwiran at argumentatibong pagsulat ng mga mag-aaral na nasa

edad 10 hanggang 13 sa Paaralang Elementarya ng Taytay. Upang makapangalap ng

mga datos ay pinagsulat ang mga mag-aaral ng argumentatibong sanaysay tungkol sa

pagsasanay sa mga hayop na nagpeperporm sa mga perya, binigyan din sila ng mga

mga pasalitang suliraning kinakailangan nilang mabigyan ng solusyon. Higit na naging

mataas ang bilang ng mga mag-aaral na angkop ang mga ideyang nasulat sa

argumentatibong sanaysay na pinasulat ng guro.

Online

Luna, M. et. al (2020). Improving University Argumetative Writing Through Online


Training. University Chapter Journal.
https://repositorio.unican.es/xmlui/handle/10902/19326

Nakatuon ang pag-aaral nina Luna, et. al (2020) sa pagbuo at pagtataya ng

isang birtwal na pagsasanay na may layuniing mapabuti pa ang integratibo at malalim

na pagsusulat ng mga argumenti sa mga unibersidad na gumagamit ng distance

learning. 68 mga mag-aaral ang nakilahok sa pauna at panapos na pagsusulit upang

maisakatuparan ang experimental na disenyo ng pag-aaral. Ang mga birtwal na

pagsasanay ay mayroong mga pagtuturo gamit ang talakayang nakabidyo at mga

gawaing mabibigyan agad ng mga kaukulag pidbak gamit ang isang partikular na
application na tinatawag na Moodle. Lumabas sa pag-aaral na matapos ang

partisipasyon ng mga piling mag-aaral sa birtwal na pagsasanay ay mayroong malaking

pagbabago at pag-unlad sa istruktura, bilang ng argumeto at kontra-argumento at mga

suportang detalye. Mula sa resultang nakita ay ipinapakita nitong mabisa ring paraan

ang birtwal na pagtuturo ng argumentatibong pagsulat sa mga mag-aaral at mayroong

itong mabuting kalalabasan.

Yango, C. (2017). Pagrerebisa ng mga Sulating Argumentatibo at Pagtatayang Peer sa


Klasrum. Sage Journals. 184-193.

Binigyang pansina sa pag-aaral ni Yango (2017) ang pagsusuri ng epekto ng

pagtatayang peer pagrerebisa ng mga argumentatibong sulatin. Ginamit ang quasi-

eksperimental na disenyo sap ag-aaral at mayroong 26 na mga mag-aaral sa kontrol na

pangkat na nakaranas ng tinatawag na Calibrated Peer Review- programa online na

dinisenyo upang masanay ang mga mag-aaral ng pagtatayang pangtambalan o peer

upang mataya ang sulatin ng katambal o kapareha. Sa pagtatapos ng pag-aaral ay

kapwa na nakapagrebisa ng mga sulatin ang kontrol at eksperimental na pangkat. Ang

mga nasa kontrol na pangkat ay higit na naging mahusay ang pagrerebisa at kabuuang

anyo ng argumentatibong sulatin kumpara sa kabilang pangkat. Mula rin sa pagsasanay

ginawa ay higit na naging kritikal ang mga mag-aaral sa pagsulat ng kani-kanilang mga

argumentatibong sulatin.

Kaangkupan sa Paksa
Kaisahan

Agon, S. (2016). Kaisahan ng mga Ideya sa Malikhaing Pagsulat ng mga Mag-aaral sa


Pambansang Pamantasan ng Batangas Kampus ng Malvar. Batangas State
University-JPLPC. Malvar, Batangas.

Sa pag-aaral ni Agon (2016) inalam ang kaisahan ng ideya ng mga linang na

sanaysay ng 46 na mga mag-aaral sa ikalawang antas na kumukuha ng Batsilyer ng

Sekundaryang Edukasyon mula sa Pambansang Pamantasan ng Batangas, kampus ng

Malvar. Ang mga respondente ay nagsulat ng dalawang set ng sanaysay na sumasagot

sa mga tiyak na katanungang ibinigay ng mananaliksik. Binigayang kahulugan ang mga

nakalap na datos gamit ang SPSS. Ang resulta ng pag-aaral ay ipinakita na ang mga

mananaliksik ay hindi mahuhusay sa pagkamit ng kaisahan ng ideya sa kanilang mga

gawaing sulatin.

thesis

Inabayan, P. (2018). Pagpapaunlad ng Koherens ng Talata sa mga Sulating Akademiko


ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa. Lipa City, Batangas.

Sa pag-aaral ni Inabayan (2018), nilayon na tayahin ang koherens sa paglinang

ng akademikong sulatin ng mga mag-aaral. Kalahok sap ag-aaral na isinagawa nag 10

mga mag-aaral sa unang antas ng kolehiyo na kumukuha ng kursong Batsilyer ng

Pangsekundaryang Edukasyon mula sa Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa akademikong

taon 2017-2018. Ginamit ang Topic-Based Analysis ni Ted (2004) upang mataya at

masuri ang koherens sa pagsulat ng mga mag-aaral. Nilikom ang mga markang

nakuha ng mga mag-aaral sa pagsulat ng akademikong sulatin at kinapanayam ang

bawat isa upang magkaroon ng sapat na mga datos. Disenyong deskriptib ang ginamit
upang mailarawan ang antas ng koherens sa talata ng mga mag-aaral. Lumabas sa

pag-aaral na mababa ang marka ng mga mag-aaral sa aspektong koherens kaya’t

iminungkahi ng mananaliksik ang mga estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng

koherens sa pagsulat ng mga mag-aaral.

Kasanayan

Mekanismo sa Pagsulat

Domingo, J. et. al. (2020). Epekto ng Paggamit ng Worksyap sa Pagpapaunlad ng


Pagsulat (Mekanismo sa Pagsulat) ng mga Guro. Mayamot National High School.
Antipolo City.

Ang pag-aaral nina Domingo, J. et. al. (2020), ay naglalayong imbestigahan ang

epekto ng paggamit ng mga worksyap sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng

mga guro. Bumuo ang mga mananaliksik ng isang worksyap, tseklist at pauna at

panapos na pagsusulit. 40 mga guro ang naging kalahok sap ag-aaral mula sa

Mayamot National High School . Hinati sa eksperimental at kontrol na pangkat ang mga

respondente at ang kinalabasan ng pag-aaral ay ipinapakita na ang mga worksyap ay

mayroong makabuluhang epekto sa pagpapabuti pa ng mga kasanayan sa pagsulat ng

mga mag-aaral.

Nilalaman

Pagsulat
PAGSULAT (nailgay na )
journal
Cato, A. (2014). Akademikong Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Saint Loius University.
Mirage.
Binigyang pansin sa pag-aaral ni Cato (2014) ang pag-alam sa antas ng

kakayahan sa akademikong pagsulat ng mga mag-aaral sa Saint Louis University sa

Asignaturang Filipino. Pangunahing layunin ng pag-aaral ang mabatid ang 1) antas ng

kasanayan sa pagsular ng mga mag-aaral sa Filipino 2. 2) Surrin ang kaugnayan ng

paaralang kinabibilangan sa antas ng kanilang pagsulat. 3) bumuo ng isang

pamantayan sa pagtamo ng isang mahusay na akademikong pagsulat. Ang mga

kalahok sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Pagbasa

at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Upang makapangalap ng mga kinakailangang datos

ay nilikom ang 20 mga sulating pananaliksik na sinuri ayon sa pamantayan ng

pagwawasto. Upang mabigyang kahulugan ang mga datos na nakalap ay ginamit ang

F-test at Kuder-Richardson formula 21. Lumabas sa kanilang pag-aaral na mayroong

mahusay na antas ng kasanayan sa akademikong pagsulat sa Filipino ang mga mag-

aaral. Nakita ring walang makabuluhang kaugnayan ang paaralang kinabibilangan sa

antas ng kakayahan sa akademikong pagsulat sa Filipino.

Tesis

Saavedra, A. (2020). Salik na Nakaaapekto sa Mababaw na Kasanayan sa Pagsulat sa


Filipino at Ingles ng mga Mag-aaral sa Elementarya. Western Mindanao State
Universirty. Zamboanga.

Pangunahing layunin ng pag-aaral ni Saavedra (2020) na alamin ang mga salik

na nakaaapekto sa mahinang kasanayan sa pagsulat sa Filipino at Ingles ng mga mag-

aaral sa ika-6 na baitang ng Dibisyon ng Zamboanga Peninsula. Gamit ang purposive

sampling, 43 mga guro ng Filipino at Ingles na nagtuturo ng mga sabjek mula limang

taon pataas ang silang respondente ng pag-aaral. Upang makapangalap ng mga


kaukulang datos ay gumamit ng sarbey kwestyuneyr na sinuri, inaral at sinubok ng mga

eksperto. Gamit ang mean score at standard deviation gamit ang SPSS, binigyang

kahulugan ng mananaliksik gamit ang 5 point Likert Scale na siyang ginamit ng mga

gurong respondente. Nakita mula sa mga datos na nakalap na mayroong limang salik

na nakaaapekto sa mahinang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral. Mula sa mga

karanasan at obserbasyong nakita ng mga respondente, ang mga sumusunod ang mga

salik na nakaapekto sa kanilang pagsulat:1) kakulangan ng mga bokabularyo sa target

na wika; 2) kahirapan sa pagpapahayag at pagsasaayos ng mga ideya; 3) persepsyon

ng mga mag-aaral na mahirap ang pagsulat 4) kawalan ng interes at motibasyon sa

pagsulat; at 5) kahirapan sa pagbaybay, balarila at pagbuo ng mga pangungusap. Ang

mga nabanggit ang mga dahilan ng kahinaan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino

at Ingles. Maaari ring maiugnay ang mga salik na ito sa mga unang wika ng mga mag-

aaral tulad ng Chabacano, Bahasa Sug at Cebuano na kung saan ang wikang Ingles at

Filipino ay nagsisilbi lamang na ikalawang wika nila.

Montemayor, B. (2019). Pagtataya ng Malikhaing Pagsulat sa Philippine Science High


School- Main Campus. Quezon City.

Ang pag-aaral ni Montemayor (2019) ay binibigyang pansin ang pagtataya ng

kabisaan ng instruksyon sa malikhaing pagsulat ng mga mag-aaral sa Philippine

Science High School- Main Campus batay sa mga peryodikong pagsusulit ng mga mag-

aaral. Pinagkumpara ng pag-aaral na ito ang mga peryodikog pasulat na pagsusulit ng

44 mga mag-aaral sa akademikong panuruan 2018-2019. Ginamit ang likert scale

survey upang matukoy ang mga kalakasan at kahinaan sa pagtuturo. Ang small group

analysis ay isinagawa upang malinaw ang mga proseso ng pagsasagot sa kwestyuneyr

at matukoy ang mga suliranin na hindi nakasama sa sarbey. Gumamit din ng mga
interbyu upang matugunan ang mga suliranin. Ilan sa mga mungkahi ng pag-aaral ay

ang pagmomodipika ng Content at Performance Standards maging nga target learning

competencies at pagbibigay sa mga mag-aaral ng mga rubrik.

Peer Editing
[ CITATION Nan13 \l 1033 ] Journal

Nakatuon ang pag-aaral ni Diba (2013) sa epekto ng peer editing at self-editing

sa pagrerebisa ng mga kamalian sa nagawang burador. Upang makapangalap ng mga

kinakailangang datos ay gumamit ang pag-aaral ng pauna at panapos a pagsusulit at

disensyong quasi-experimental na disenyo upang maipaghambing ang epekto ng peer

editing at self-editing sa mga pagwawasto ng mga burador ng mag-aaral. Ang

kalimitang mga pagkakamaling nagagawa sa pagsulat ng burador ay ang tamang gamit

ng pandiwa at panghalip maging ang mga maling gamit ng salita at pagkakaayos ng

mga pangungusap. Nakita sa resulta ng pag-aaral na mabisang gamitin ang peer

editing upang higit na mabawasan ang mga pagkakamali sa nasulat na burador. Ang

pag-aaral ay nakapagbigay ng ambag sa mga teknik sa pagtuturo sa tulong ng

paghihikayat sa mga guro na gamitin ang peer editing sa pagsulat upang higit na

mabigyang pansin ang pagbabawas ng mga kamalian habang nagsusulat.

[ CITATION Pam14 \l 1033 ] Journal

Sa pag-aaral ni Lude (2014) ay binigyang linaw ang inaasahang kinalabasang

perpomans ng mga mag-aaral. Ang kalahok sa pag-aaral na ito ay 35 mga mag-aaral

sa unang antas ng hayskul. Ang mga inaasahang linawin ay ipinaliwanag at ang mga
handouts ay ipinaliwanag, maging ang mga marka at feedback ay naisagawa noong

Setyembre taong 2012. Ang ikalawang pagsulat ay naganap at natapos noong Oktubre

taong 2012 kung saan naganap ang pagkakaroon ng peer editing. Ang inaasahang

tulong ng pagbibigay at pagtanggap ng mga feedback ay nataya at ang mga rating na

lumbas ay malaking tulong at pagbabago sa kanilang pagsulat ang nagagawa ng peer-

editing.

[ CITATION Faj19 \l 1033 ] Journal

Layon ng pag-aaral nina Fajad et.al, (2019) ang pagpapanuti pa ng kasanayan

sa pagsulat ng mga mag-aaral na nasa ika-11 baitang. Inaasahan na ang peer-editing

ay maaaring magamit upang mapabuti pa ang kasanayan sa pagsulat. Ang pag-aaral

na ito ay isang aksyon riserts na mayroong dalawang saykel. Kinalalahukan ng 33 mga

mag-aaaral mula sa ika-11 baitang. Ang mga datos na nakalap ay inanalisa at

binigyang kahulugan. Lumabas sa pag-aaral na na ang peer editing ay

nakapagpapabuti ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral. Nangangahulugan

lamang ito na ang teknik na nabanggit ay nakapagpapahusay ng pagsulat ng mga

kalahok ng pag-aaral. Nakita ring angkop na gamitin ang teknik na peer editing sa mga

mag-aaral na nasa ika-11 antas. Bukod sa pagpapabuti ng kasanayan sa pagsulat ng

mga respondente, nakatutulong rin ito upang higit silang makisangkot sa kanilang

kapareha o katambal. Partikular na napabuti ng mga respondente ang mga istruktura at

wikang ginagamit sa pagsulat ng texto.

Nora, A. (2012). Paggamit ng Peer Editing at Mga Dulog Pangrebisa at Kakayahan sa


Paguslat ng Argumentatibong Sanaysay. Batangas State University-Main
Campus. Alangilan, Batangas.
Isinagawa ang pag-aaral ni Nora (2012) na may layuning paunlarin ang

kasanayan sa pagsulat ng mga sanaysay na argumentatib ng mga mag-aaral. Ang mga

teknik na peer-editing at pagrerebisa ang siyang ginamit sa pagtuturo ng pagsulat

upang mabigyang solusyon ang mga suliraning natagpuan sa mga pauna nang pag-

aaral tungkol sa pagsulat. Ang estratehiyang ito ang nakikitang pinakamabisa dahil

nasasanay nito ang mga mag-aaral na higit na mabatid ang mga pagkakamaling

kanilang nagagawa, Dagdag pa rito, ang ilan sa mga nauna nang pag-aaral ay nakita

na ang peer-editing at pagrerebisa ay nakatutulong sa mga mag-aaral na mapaganda

pa ang nilalaman, oraganisasyon at balarila ng kanilang pagsulat. Ginamit ng pag-aaral

ang disenyong kolaboratibo sa 20 mga mag-aaral na mayroong sabjek na tungkol sa

pagsulat sa taong akademiko 2012-2013. Sinimulan ang implementasyon ng peer

editing at pagrerebisa sa tulong ng pagrerebyu ng mga sanaysay na argumentatib,

paunang pagsulat at pagbuo ng burador. Lumabas sa pag-aaral na ang paggamit ng

peer editing at pagrerebisa ay nakapagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng

sanaysay na argumentatibo ng mga mag-aaral. Mula rito ay iminungkahi ng

mananaliksik sa mga susunod na pag-aaral na malinaw na ilahad ang layunin ng

pagsasagawa ng peer editing at pagrerebisa, pagbibigay ng halimbawa sa kung paano

magbigay ng komento at suhestyon batay sa naibigay na rubrik upang higit na

mahikayat na magsulat ang mga mag-aaral.

Garago, Russel. (2013). Implementasyon ng Peer Editing Checklist at and Proseso ng


Rebisyon. Rizal State University. Montalban, Rizal.

Layon ng pag-aaral ni Garago (2013) na alamin ang dulot ng Peer Editing na

teknik sa pagpapaunlad ng pagsulat ng mga talatang ekspositori maging ang

paglalarawan ng proseso ng pagkatuto gamit ang teknik na ito sa pagsulat. Ang pag-
aaral na ito ay isang aksyon riserts na kinapapalooban ng pagpaplano, pagsasagawa,

obserbasyon at repleksyon. Sa pag-aaral na ito ay binigyan ng sariling hakbang ang

peer editing kung saan ito ay kinapapalooban ng 1) pagsulat ng burador,

2)pakikipagpalitan ng mga ideya sa katambal o kapareha, 3) pagsasagawa ng peer

editing, 4) pagrerebisa at 5) ay pagtatalakayan ng mga kahinaan at kalakasan ng mga

bawat isa. Ang mga naisagawang gawain sa peer editing ay naglalayong sanayin ang

mga mag-aaral sa pagrerebyu ng mga gawang sulatin ng kapareha o kaklase bago pa

man tayahin ang nilalaman nito. Matapos ang pangangalap ng mga kinakailangang

datos ay binigyang kahulugan ang mga ito gamit ang deskriptibong istatistiks upang

makompyut ang mga mean iskor ng paunang pagsusulit. Upang malaman ang

makabuluhang pagkakaiba ng resulta ng pauna at panapos na pagsusulit ay ginamit

ang T-test. Lumabas sa pag-aaral na 1) Ang Peer Editing ay nakapagpapaunlad ng

kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng mga talatang ekspositori. 2) Higit na

nagiging buhay ang interaksyon ng mga mag-aaral sa loob ng klasrum.

Textong Argumentatib
Balita, B. (2017). Pagsusuri ng Kaisahan ng Texto sa mga Gradwadong Mag-aaral ng
Argumentatibong Pagsulat: Pag-aaral ng Kaso. Siliman State University.
Dumaguete.

Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang kasanayan sa pagsulat ng pangkat ng

mga graddwadong mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Naging pokus ng

pag-aaral ang kaisahan ng mga linang na textong argumentatibo. Ginamit ang mga

linang na texto ng tatlong mga gradwadong mag-aaral ng Siliman State University.


Ginamit ang Teorya ni Thornburry na micro at macro level coherence. Lumabas sap ag-

aaral na ang mga mag-aaral ay mayroong kaunting kahinaan sa pagkamit ng kaisahan

ng texto dahil sa kakulangan sa optimasyon ng mga cohesive devices higit sa mga

pang-ugnay upang makabuo ng pagkakaugnay ng mga salita sa loob ng pangungusap.

JOURNAL

Garcia, H. (2016). Pagpapahusay ng Kasanayan sa Pagsulat ng Argumentatibong


Sanysay Gamit ang Kontekstwal na Proseso ng Pagkatuto. Educational Research
and Reviews. 157-158.
Ang pag-aaral na isinagawa ni Garcia (2016) ay naglalayong ilarawan ang

impluwensya ng kontekstwal na proseso ng pagkatuto at kritikal na pag-iisp sa pagsulat

ng Argumentatibong Sanaysay sa mga piling mag-aaral. Binubuo ng 147 mga mag-

aaral ang ginamit upang makapangalap ng mga kinakailangang datos. Nakita sa pag-

aaral na ang mga pangkat ng kontekstwal na pagkatuto ay mayroong higit na

makabuluhang impluwensya kaysa sa mga hindi kontekswatlisadong pagkatuto.

Mayroong makabuluhang pagkakaiba ang pagsulat ng argumentatibong sanaysay sa

pagitan ng mga pangkat na may kontekstwal na proseso ng pagkatuto at maging saw

ala. Naging kongklusyon ng pag-aaral na ang kritikal na kakayahan at kontekstwal na

pagkatuto ay mayroong makabuluhang impluwensya sa pagsulat ng argumentatibong

pagsulat.

JOURNAL

Hernandez, P. et. al,. (2014). Sariling Pagtatayang Tskelist para sa Pagsulat ng


Argumetatibong Talata. Internation Journal of Science Education. 148-160.

Sa pag-aaral na isinagawa nina Hernandez, et. al, (2014) ay bumuo ng tseklist

sa pagsulat ng isang argumentatibong sanaysay ng mga mag-aaral. Sa patuloy na


pagbibigay ng pansin sa kakayahan ng mga mag-aaral na mataya ang sariling sulatin,

isa ang paggamit ng tseklist sa mga tool na ginagamit upang higit pang mapagbuti ang

pagsusulat. Ang mga tseklist na ito ay ginagamit upang magabayan ang mga mag-aaral

sa pagtataya sa sarili nilang kakahayan sa pagsulat. Ang mga nabuong tseklist ng mga

mananaliksik ay nakabatay sa mga kaugnay na pag-aaral at teorya. Inilarawan ang

nabuong tseklist at tinalakay ang potensyal na teoretikal at praktikal na implikasyon nito

sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng argumentatibong sanaysay.

Iminungkahi ng mga mananaliksik sa susunod na mga pag-aaral ang pagmomodikpika

ng tseklit na nabuo gamit ang ibang respondente at disenyo.

Journal

Lanzares, W. et. al (2018). Pagpapaunlad ng Pagsulat ng Argumentibong Texto: Mga


Epekto ng Dulog na Blended Learning at Gamification. Scholar Space.

Sinuri sa pag-aaral nina Lanzares et. al (2018) ang kabisaan ng blended learning

na mayroong pananaliksik, pag-analisa at sintesis na estratehiya; online na talakayan;

at modelo ng pagsulat ng tekstong argumentatibo sa mga mataas na paaralan. Sinuri

rin nito ang mga aplikasyon ng mga laro upang makapagpataas sa pakikisangkot ng

mga mag-aaral online. Ang mga kalahok ng pag-aaral ay nasa edad na 16 hanggang

17 taong gulang. Ang unang eksperimental na pangkat na kinabibilangang ng 22 mga

mag-aaral ang ginamitan ng blended learning at gamification na dulog. Ang sunod na

eksperimental na pangkat na may 30 mga mag-aaral ay ginamitan lamang ng blended

learning na dulog. Sa kontrol na pangkat na mayroong 20 mga mag-aaral, ang

patalakay na pagtuturo ang ginamit upang maituro ang mga nilalaman ng isang

argumentasyon. Upang makapangalap ng mga datos ay gumamit ang mga


mananaliksik ng pauna at panapos na pagsusulit, mga online na gawain at interbyu.

Nakita sa pag-aaral na mayroong makabuluhang pag-unlad sa kakayahan sa pagsulat

ng argumentattibong texto ang mga mag-aaral gamit ang blended learning.

Tatanggalin

1. Villanueva

2. Gannaban

3. Bacalla

You might also like