You are on page 1of 3

PAGTATAYA #4 (KASAYSAYAN NG NOBELA SA PILIPINAS)

1. Ang nobela ay tinatawag na kathambuhay. Ang salitang katha ay tumutukoy sa,

a. Buhay
b. Likha
c. Salaysay
d. Kasaysayan

2. Ang mga nobela ni Dr. Jose Rizal sa panahon ng propaganda ay uri ng anong
nobela?

a. Nobelang Maromansa
b. Nobelang Panrelihiyon
c. Nobelang Mapaghimagsik
d. Makasaysayang Nobela

3. Ang nobela ay isang akdang pampanitikan at maituturing na piksyon, sa anong


kadahilanan?

a. Dahil ay binubuo ng maraming yugto na tumatalakay sa iba’t ibang aspekto


ng buhay at kaya ng isang upuan lamang
b. Dahil ay pinagsamang guni-guni at tunay na pangyayari sa buhay na
maaaring nasaliksik o naobserbahan.
c. Dahil ay naglalarawan sa totoong buhay batay sa kung anong naranasan ng
awtor.
d. b at c

4. Ano ang katawagan sa samahan ng tagasuri ng mga nailathalang nobela upang


masigurong walang paglabag sa pamahalaan?

a. Commision ng Wikang Filipino


b. Cesura de Espanya
c. Commision de Censura
d. commision Permanente de Censura

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging maunlad ang nobela dahil sa
kakulangan sa materyales.

a. Kastila
b. Hapon
c. Amerikano
d. Propaganda

6. Sino sa mga sumusunod ang tinaguriang Ama ng Balarila sa Tagalog.

a. Jose Rizal
b. Lope K. Santos
c. Amado V. Hernandez
d. Valeriano Hernandez Peña

7. Ang mga sumusunod ay mga nobelang nailathala sa mga pahayagan noong


panahon ng Amerikano. MALIBAN sa,

a. Unang Bulaklak
b. Nena at Neneng
c. Sampaguitang Walang Bango
d. Sa Pula, sa Puti

8. Ito ay isa sa mga akda ni Lualhati na tumatalakay sa mga pangyayaring kaugnay


ng pagkakadeklara at pag-iral ng batas military at isang uri ng mapagbuong
panulat.

a. “Gapo”
b. “Binhi at Bunga”
c. “Dekada ‘70”
d. “Luha ng Buwaya”

9. Ito ay maituturing na panahon ng pagpapakilala sa masa bilang pinakamalakas


na puwersa sa pulitika.

a. Dekada ‘50
b. Dekada ‘60
c. Dekada ‘70
d. Dekada ‘80

10. Siya ay tinaguriang Ama ng Nobelang Tagalog.

a. Deogracias A. Rosario
b. Lope K. Santos
c. Inigo Ed Regalado
d. Valeriano Hernandez Peña

11. Isang akda ni Padre Modesto de Castro na binubuo ng palitan ng liham ng


dalawang magkapatid.

a. Urbana at Feliza
b. Barlaan at Josaphat
c. Dasalan at Tocsohan
d. Indarapatra at Sulayman

12 – 15. Mga pahayagan sa panahon ng aklatang bayan. (3 puntos)


1. Ang Kaliwanagan
2. Ang Kapatid ng Bayan
3. Muling Pagsilang

16. Ang panahong ito ay tinatawag na gintong panahon ng nobelang tagalog.

a. Panahon ng Kastila
b. Panahon ng Amerikano
c. Panahon ng Hapon
d. Panahon ng Republika

17 – 20 Anu-ano ang mga naging paksa sa pagsulat ng nobela noong panahon


ng Kastila.

Panrelihiyon
kabutihang-asal
nasyonalismo
pagbabago.

You might also like