You are on page 1of 7

PANIMULA karikatan, ito ay ang paggamit ng matatalinhagang pahayag na

ipinakilala niya sa kanyang tulang “ Ako ang Daigdig”.


Kasabay ng paglipas ng panahon ay ang mga pagbabagong
naganap sa larangan ng panitikan. Kaya mapapansin ang ilang 2. Ang Tradisyonal na Tula - Ito ay isang anyo ng tula na may
pagkakaiba ng mga akdang makaluma at makabago. Isa lamang itong sukat, tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.
patunay na lumalago ang paniltikang Filipino. Ngunit mapapansin rin
natin na mayroong estilo at paraan ng paggawa ng mga akda noon 3. Tulang may sukat na walang tugma – ang bawat pantig ng
ang nananatili pa rin hanggang ngayon, at isa na rito ang mga tula. tulang ito ay mayroong sukat ngunit walang tugma ang dulo ng
Sa araling ito ay lubos nating mauunawaan ang pagpapahalaga sa bawat salita.
mga tulang makaluma o makabago hingil sa kaurian, kaanyuan, estilo
at paksa ng mga ito. 4. Tulang walang sukat na may tugma – tinatwag rin itong berso
blangko. Ang tulang ito ay mayroong tugmaan sa bawat dulo
Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong
ng salita ngunit walang sukat na sinusunod.
maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat. Binubuo ito ng
saknong at taludtod. Kabilang naman sa mga elemento nito ang sukat
o bilang ng pantig sa bawat linya; ang taludtod o ang bawat linya ng Ngunit bukod sa mga nabanggit, mayroon pang itinuturing na
isang tula; saknong na binubuo ng mga tauldtod; tugma, na tumutukoy
tatlong kakaibang anyo ng tula. Ito ay ang Diona, Tanaga at Dalit.
sa pagkakapareo ng tunog sa hulihang bahagi ng salita sa bawat
taludtod; ang kariktan o ang mga salitang ginagamit upang masiyahan Ang tatlong ito ay nabibilang sa katutubong uri ng mga tula. Isang
ang mga nakikinig o mambabasa; at ang talinhaga, ito ang natatagong katibayan na di pa sinisilang si Francisco Balagtas o kung sino mang
kahulugan o mnesahe ng isang tula. sikat at bihasa sa larangan ng ganitong panitikan ay mayaman na
tayong mga Pilipino sa pagkamalikhain lalo na sa pagbuo ng mga tula.
NILALAMAN

MGA ANYO NG TULA Mga Katutubong Anyo ng Tula

Ang mga anyo ng tula ay maaaring i-uri sa apat na bahagi. Ito ay 1. Diona - Noong unang panahon ay kilala ito bilang isang uri ng
ang Malayang taludturan, Tradisyonal, May sukat na walang tugma at awiting bayan na nasa anyong patula ngunit may tugtugin at
Walang sukat na may tugma. Upang maintindihan ng mabuti, ay iisa- indayog na ayon sa damamin, kaugalian at himig ng pag-awit.
isahin kong ipaliwanag ang bawat anyo ng tula. Karaniwan sa mga tema ng Diona ay awiting pangkasal,
panliligaw, at awiting inaawit sa bahay o trabaho. Ngunit sa
1. Ang Malayang taludturan - Isang tula na isinulat nang walang
kasalukuyan ay itinuturing na itong isang tula na binubuo ng
sinusunod na patakaran kung hindi ang ano mang naisin ng
pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at
sumusulat. Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro
may isahang tugmaan. Kaya binansagan ito na “Pinoy Haiku”
G. Abadilla. Ayon sa kanya, maaaring makalikha ng tula na
at sari sari na ang tema nito.
walang sukat at walang tugma. Ngunit dapat manatili ang
Halimbawa: 3. Dalit - Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo
Ang paying ko’y si inay ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong
Kapote ko si itay at may isahang tugmaan. Ito ay karaniwang panrelihiyon,
Sa maulan kong buhay
partikular na para sa layunin ng papuri, pagsamba, o
Raymond Pambit
panalangin at karaniwang iniaalay sa Diyos at may kahalong
pilosopiya sa buhay.
Lolo, ‘wag kang malungkot
Ngayong uugod-ugod Halimbawa:
Ako po’y inyong tungkod
Gregorio Rodillo Ang sugat ay kung tinaggap
Di daramdamin ang antak
2. Tanaga - Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na Ang aayaw, at di mayag
binubuo ng pitong pantig kada taludtod. Ito ay may apat na Galos lamang magnanaknak
taludtod na may isahang tugmaan. Ang tulang ito ay palasak
nab ago pa man dumating ang mga Kastila. Ito ay nahahawig Isda akong gagasapsap
sa Haiku at naging palasak rin noong panahon ng mga Hapon. Gagataliptip kalapad
Kaya nakikipagpusag
Ang tanaga ay itinuturing na malayang tula na sagana sa
Ang kalaguyo’y apahap
talinghaga.
Huwag kang maglingong-likod
Halimbawa: Dito sa baying marupok
Parang palaso, at tunod
Kalikasan Sa lupa rin mahuhulog
Ganito nga ang hangin
Simoy na lalanghapin MGA URI NG TULA
Pilit panatilihin
Para sa buhay natin Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may
kaniya kaniyang bahagi. Ang mga uri ng tula ay ang sumusunod:

Uling 1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – Ito ang


Putol-putol na ugat pinakamatandang uri ng tulang naisulat sa kasaysayan ng
Sa dibdib nitong gubat daigdig. Itinatampok sa tulang ito ang sariling damdamin at
Ay nakikipag-usap
maging ang pagbubulay-bulay ng makata. Ang kataga ng
Sa nag-iwi ng tabak
tulang liriko sa kasalukuyan ay karaniwang tinutukoy bilang
mga salita sa isang kanta. Sa tulang ito ay ipinahahayag ng Na sa kanyang puso ay lumiligalig.
isang makata ang kanyang iniisip at persepsyon. Kung sa mga tanging minahal sa buhay
Siya'y magbalik pa pagdating ng araw,
Mga uri ng Tulang Liriko Makikita niya'y mga guho lamang
At puntod ng kanyang mga kaibigan.
a.) Awit (Dalitsuyo) – ito ay uri ng tulang liriko na karaniwang
binubuo ng apat na taludtod sa bawat saknong at ang bawat Abang manlalakbay! Huwag nang magbalik,
taludtod ay may labindalawang pantig. ito ay tumutukoy sa Sa sariling baya'y wala kang katalik;
mga awiting madalas nating marinig. Ang uring ito ay may Bayaang ang puso ng iba'y umawit,
paksa ng pagmamahal, malasakit at pamimighati. Lumaboy kang muli sa buong daigdig.

Halimbawa: Abang manlalakbay! Bakit babalik pa?


Ang luhang inyukol sa iyo'y tuyo na;
AWIT NG MANLALAKBAY Ni Jose Rizal Abang manlalakbay! Limutin ang dusa,
Sa hapis ng tao, mundo'y nagtatawa
Kagaya ng dahong nalanta, nalagas,
Sinisiklut-siklot ng hanging marahas; b.) Soneto – binubuo ito ng labing-apat na taludtod. Ang tulang
Abang manlalakbay ay wala nang liyag, ito ay nagsasaad ng daloy ng emosyon sa paglalahad dahil sa
Layunin, kalulwa't bayang matatawag. pagkakahati nito sa iilang bahagi. Ito ay karaniwang may
linya hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na
Hinahabul-habol yaong kapalarang kabatiran sa likas na pagkatao.
Mailap at hindi masunggab-sunggaban;
Magandang pag-asa'y kung nanlalabo man, Halimbawa:
Siya'y patuloy ring patungo kung saan! SONETO PARA SA MAKATANG
MAKABAYAN Ni Ron De Vera
Sa udyok ng hindi nakikitang lakas,
Silanga't Kanlura'y kanyang nililipad, kung wika ang sandata at tugmaan ang digma
Mga minamahal ay napapangarap, gawan ng sarswela ang aping magsasaka
Gayon din ang araw ng pamamanatag. ikuwento ang buhay ng nasa selda
at ipagbalagtasan ang tunay na paglaya
Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw,
Siya'y maaaring doon na mamatay, kung lapis ang sandata at nasa papel ang digma
Limot ng daigdig at sariling bayan, sumulat ng tula para sa mga nawawala
Kamtan nawa niya ang kapayapaan! gawan ng dalit ang pinatay na walang aba
at bumuo ng nobela tungkol sa pakikibaka
Dami ng sa kanya ay nangaiinggit,
Ibong naglalakaby sa buong daigdig,
Hindi nila tanto ang laki ng hapis
kaya't pulutin ang sandata at mamuno sa
digmaan d.) Elehiya – ito ay tula ng pagtangis o pag-alala sa isang yumao.
pagka’t tula mo’y di lang pang silid-aklatan
ang sinulat mo’y mumulat ng kaisipan Halimbawa:
makata ng bayan, may lugar ka sa kilusan
ELEHIYA PARA KAY RAM
ang obra mo ngayo’y di na lang pang libangan ni Pat V. Villafuerte
makata ng bayan, ngayon ay lumalaban!
Kung ang kamatayan ay isang mahabang
paglalakbay
c.) Oda – ang tulang ito ay may kaisipan at estilong higit na dakila Di mo na kailangang humakbang pa
at marangal. Ito ay isang ginagamit bilang papuri o dedikasyon Sapagkat simula't simula pa'y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
para sa isang tao o bagay na nagsisilbing inspirasyon ng
Habang nakamasid lamang
makata. Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.
Halimbawa:
Silang nangakalahad ang mga kamay
BAYAN KO ni Jose Corazon De Jesus
Silang may tangang kahon ng kendi't sigarilyo
Ang bayan kong Pilipinas
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na
Lupain ng ginto't bulaklak
pasilyo.
Pag-ibig na sa kanyang palad
Sa pagitan ng maraming paghakbang at
Nag-alay ng ganda't dilag.
pagtakbo
Bunga ng maraming huwag at bawal dito
At sa kanyang yumi at ganda
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Dayuhan ay nahalina
Ang maraming bakit at paano
Bayan ko, binihag ka
Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping
Nasadlak sa dusa.
ikaw'y tao
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan
Ibon mang may layang lumipad
mo.
kulungin mo at umiiyak
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang
Bayan pa kayang sakdal dilag
mapipili.
Ang di magnasang makaalpas!
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga
palad mo
Pilipinas kong minumutya
Ang pagsang-ayon, ang pagtango at
Pugad ng luha ko't dalita
pagtanggap
Aking adhika,
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang
Makita kang sakdal laya.
kapatid
e.) Dalit – isang uri ng tulang panrelihiyon. Ito ay ginagamit bilang Mga uri ng Tulang Dula
papuri para sa Diyos o nagsisilbing panalangin.
a. Komedya – ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang
f.) Tulang Pasalaysay (narrative poetry) - isang tula na may panonood sa pamamagitan ng mga ginagawa ng
balangkas na naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pangunahing tauhan. Ang wakas nito ay masaya. Ang
pamamagitan ng mga taludtod. kaguluhan sa bandang simula ay naaayos. Ang pagkakasundo
sundo ng mga tauhan ang nakapagpapasaya sa mga
nanonood. Isang halimbawa ng komedya na isinulat ni Juan
Mga uri ng Tulang Pasalaysay Crisostomo Soto (o Crissot), na tinaguriang “Ama ng
Panitikang Kapampangan” ay ang komedyang Kiki-Riki, isang
a. Epiko – pinakamarangal at isang mahabang tulang komedyang nakasulat sa Kapampangan at may isang yugto.
salasay na ang mga pangyayari ay napipisan sa
pagbubunyi sa kabayanihan ng isang tao na naging b. Melodrama – ginagamit ang tulang ito sa mga dulang
matagumpa sa isang laban o panganib. Sinasalamin musikal. Isang halimbawa nito ang
rin nito ang kultura at paniniwala ng isang lugar o Sarimanok na isinulat ni Steven Prince “Patrick” C. Fernandez.
bansa. c. Trahedya – nauuwi ang dulang ito sa malagim o
Halimbawa: malungkot na wakas. Isang halimbawa ng trahedya ay Ang
Biag ni Lam-ang (Ilokano), Ibalon (Bikol) at Trahedya sa Balay ni Kadil na isinulat ni Don Pagusara.
Maragtas (Bisayas)
b. Awit/korido – isang tulang pasalaysay na d. Parsa – ang parsa ay nakapagpapasiya sa mga
karaniwang may sukat na walong pantig sa bawat nanonood dahil sa mga dugtong-dugtong na mga
taludtod, at ang bawat saknong ay binubuo ng apat pangyayaring nakatatawa.
na linya. Ito ay nagtataglay ng mga paksang
e. Saynete – ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o
kababalaghan at malaalamat na karamihan ay
pag-uugali ng mga tao.
hiram o halaw sa paksang Europeo dahil na rin sa
impluwensyang mga Espanyol. Ilan sa mga
halimbawa nito ay ang Ibong Adarna, Don Juan h.) Tulang Patnigan – tulang sagutan na itinatanghal ng
Tinoso at Mariang Kalabasa. magkatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula.

g.) Tulang Pantanghalan o Padula – tulang isinasadula sa mga Mga uri ng Tulang Patnigan
entablado o iba pang tanghalan. Karaniwan itong binibigkas
nang may saliw ng tunog o musika pang mas maging kagiliw- a. Balagtasan - ito ay tagisan ng talino at galing sa
pagbigkas ng tula. Ito ay isang pagtatalong patula
giliw sa mga manonood. bilang pangangatwiran sa isanng paksa. May
lakandiwang namamagitan sa pagtatalong ito. Ang Narito naman ang ilang mga estlo sa pagsulat ng tula:
tulang ito ay karangalan ni Francisco Balagtas
Baltazar. 1. Tulang Dyamante – malayang pagkakaayos ng mga taludtod
na nasa anyo ng iba’t ibang hugis tulad ng diamante, na
b. Karagatan – isang paligsahan sa tula na nakadaragdag ng linaw at kahulugan ng paksa.
kalimitang nilalaro sa mga luksang lamayan o
pagtitipong parangal sa isang yumao. Ang Halimbawa:
pinagmulan nito ay batay sa alamat ngn singsing ng Kaibigan
isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat. Ni: Neriza C. Pesigan
c. Duplo – pagtatalong patula na karaniwan ay hango
sa mga salawikain, kawikaan, at kasabiahan. Kaibigan
Sa hirap at ginhawa
d. Batutian – isang patulang pagtatalo na ang Sa lungkot man o ligaya
pangunahing layunin ay makapagbigay-aliw sa mga Wala kang kapara
nakikinig o bumabasa. Nag-iisa

e. Fliptop o Battle Rap – isang modernong uri ng 2. Tulang Paralel – isang uri ng tula na basahin man nang
balagtsan kung saan anng dalawang panig ay pahalang o pababa ay makabubuo ng mensahe. Sa
nagsasagutan patngkol sa isang paksa. Kailangan makabago o kasalukuyang panahon, ito ay mas kilala bilang
itong may tugma na binibigkas nang mabilis. reverse poetry.

ESTILO NG TULA Halimbawa:


Rosas
Ang estilo ay tumutukoy sa paraan kung paano isinusulat o Ni: Nikki Lalaine M. Avilla
binubuo at binibigkas ang isang tula. Kabilang sa mga estilo o
paraan na dapat tandaan sa pagbigkas at pagbuo ng tula ay ang Magandang bulaklak
mga sumusunod: May pula at dilaw
Mayroon pang puti
• Ang bilis ng pagbigkas ng tula ay naaayon sa nilalaman at Sagisag ng kalinisan
paksa nito.
• Nagiging masining ang tula kung ito ay ginagamitan ng Iba’t ibang kulay
tayutay. Nakatutulong ito upang maging mabisa at kaakit-akit Kay inam pagmasdan
ang tula. Busilak na tunay
• Dapat isaalang-alang ang mga tuntunin sa pagbuo ng tula Kakaibang katangian
gaya ng pagbuo ng tunog o paguulit-ulit ng mga inisyal na
tunog-katinig o tunog-patinig.
3. Akrostik - ito ay isang uri ng tula kung saan ang unang titik 3. Tulang Pangkalikasan – nagbibigay-diin sa kahalagahan ng
ng bawat linya ay mayroong mensahe. Maaari ding wala sa kalikasan sa buhay ng tao gayundin ang kadakilaan, at
unahang linya ng titik ng mensahe. karilagan ng kalikasan na nakaaakiit sa mga makata upang
sumulat ng tulang may ganitong paksa.
Halimbawa: Halimbawa: Na-Ondoy, Na-Pepeng
Tulang Akrostik ni Hercules L. Regis
4. Tulang Pastoral – ito ay nagbibigay-diin sa mga katangian ng
P ahayag ng puso’t isip na damdamin buhay sa kabukiran, gayundin sa kagitingan at kadakilaan ng
A ntigin ang diwa’t tapat na layunin mga magsasakang matiyagang nagbubungkal ng mga lupa, at
N alagom tradisyon ito’y pagyamanin maging ang kahalagahan ng pagsasaka sa ekonomiya ng
I lapat ang titik upang salaysayin bansa.
T ula man o prosa ay kayang sambitin Halimbawa: Bayani ng Bukid ni Al Perez
I isulat sa aklat, ito’y mamanahin
K aakibat dito’y katutubong bilin Iba pang paksa ng tula sa Timog-Silangang Asya:
A kiting may sabik, kabataan natin • Iba’t ibang uri ng pamumuhay at pag-uugali
N ingas ng pag-ibig ay lagging isipin • Dignidad sa paggawa
• Paksang may kinalaman sa pang-araw-araw na
pamumuhay
MGA PAKSA NG ISANG TULA • Paksang pangkaluluwa at pangkagandahang-asal
• Paksa tungkol sa pagkabigo o paghihirap
Ang paksa ay ang anomang nabubuong kaalaman o kaisipan,
mensahe, pananaw, saloobin na nais iparating ng makata o may akda.

1. Tulang Makabayan – it o ay nagsasaad ng maalab na KONKLUSYON


pagmamahal sa bayan. Ang iba ay nagbibigay-diin sa
natatanging kasaysayan, magagandang tanawin at buhay ng Gaano man karaming pagbaago ang nagaganap sa ating
mga dakilang tao o pinuno ng isang bansa. lipunan, marapat lamang na itimo natin sa ating isipan ang
Halimbawa: Pilipinas, Ikaw ang ang Aking Bansa! ni Avon kahalagahan ng mga tula at iba pang akdang pampanitikan sa bawat
Adarna kapanahunan. Makaluma man ito o makabago, kailangan natin itong
mahalin at ipagmalaki sapagkat ang mga ito ang sumasalamin sa
2. Tula ng Pag-ibig – ang paksa ng tulang ito ay may kinalaman ating lahi. Lagi ring pakatandaan na sinoman ay maaaring makalikha
sa pagmamamhalan ng dalawang magsing-irog, maaalab na ng makabuluhang akda gaya ng tula. Ano mang estilo, uri anyo at
pagsinta ng isang lalaki sa babaeng kanyang minamahal. paraan ang nais gamitin, basta’t ito ay nakapagbibigay- aral at
Maging ang kasawian sa pag-ibig ay bahagi ng tulang ito. inspirasyon sa bawat mambabasa, ito ay maituturing na mahalaga.
Halimbawa: Kalupi ng Puso ni Jose Corazon De Jesus

You might also like