You are on page 1of 10

IMPORMASYONG PAMPAHINA

“URI NG MAIKLING KWENTO AT PAMPANITIKANG TEKNIK”

https://www.google.com/search?q=pagsulat+ng+maikling+kwento+picture&rlz=1C1CHBF_enPH962PH963&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj
x7t_guITyAhWBNKYKHdW1DGcQ_AUoAXoECAEQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=wvePqCPRAzlstM

Sa pagtatapos ng linggong ito ay inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

1.Nakasusulat ng dyornal at maiikling ehersisyo na gumagamit ng mga pangunahing elemento ng


maikling kuwento
2.Nakasusulat ng isang maikling eksena/tagpo na gumagamit ng iba’t ibang elemento, teknik at
kagamitang pampanitikan

UNANG MARKAHAN
Ikapitong Linggo
IMPORMASYONG PAMPAHINA
“URI NG MAIKLING KWENTO AT PAMPANITIKANG TEKNIK”

Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa
buhay.

A. Kuwento ng Tauhan
- Inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa.

Ito naman ay isang uri nito na kung saan ang interes at diin
ay nasa pangunahing tauhan o protagonista.

B. Kuwento ng Katutubong Kulay


- Binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang
uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

Ito naman ay tumutukoy sa mga kapaligiran, tradisyunal,


kultura at hanapbuhay ng mga lokal o mga nakatira sa mga
tinutukoy o nasabing pook.

UNANG MARKAHAN
Ikapitong Linggo
IMPORMASYONG PAMPAHINA
“URI NG MAIKLING KWENTO AT PAMPANITIKANG TEKNIK”
C. Kuwentong Bayan
-Nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong
bayan.

Ito ay mga kathang isip na kuwento o salaysay na ang


mga kumakatawan ay ang mga pag-uugali at mga uri ng
mga mamamayan sa isang lipunan. Ito ay nabuo ng mga
manunulat upang kanilang maipahayag ang mga sinaunang
pamumuhay at upang maging gabay ng mga tao sa
kasalukuyang pamumuhay.

D. Kuwentong Kababalaghan
- Pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala. Mga
pangyayaring kasindak-sindak.

Isa sa mga uri na ang kontento ng kwento ay may elemento


ng puro katatakutan at hindi kapanipaniwala na kung nasa
Ingles ay tinatawag na horror.

E. Kuwento ng Madulang Pangyayari


- Binibigyan diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

Ito ay kwento ng mga pangyayaring kapansin-pansin,


kapanapanabik, makabuluhan na pangyayari na
nagbubunga ng kakaibang pagbabago sa kapalaran ng
mga tauhan.

UNANG MARKAHAN
Ikapitong Linggo
IMPORMASYONG PAMPAHINA
“URI NG MAIKLING KWENTO AT PAMPANITIKANG TEKNIK”
F. Kuwento ng Katatawanan
- Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.

Dito ay dumaraan ang mga tauhan sa


kakatawa, o kawili-wiling sitwasyon,
komplikasyon, o problema. Madalas ay
nagtatapos ito sa masayang pangyayari.

G. Kuwento ng Pakikipagsapalaran
- Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.

Kwento ng pakikibaka sa buhay batay sa


mga hirap at problemang dinadanas. Minsa’y
ito naman ay ang pagbubuwis ng buhay para
lang sa mga taong ating minamahal

H. Kuwento ng Pag-ibig
- Tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.

Ito naman ang kwento na kung saan ang diin ay ang


pag-iibigan ng mga pangunahing tauhan at ang
katambal nito, maaring Makita sa akda ang problema at
naging suliranin at kung papaano ito nalutas ng
magkasama.

UNANG MARKAHAN
Ikapitong Linggo
IMPORMASYONG PAMPAHINA
“URI NG MAIKLING KWENTO AT PAMPANITIKANG TEKNIK”

MGA TEKNIK AT KAGAMITANG PAMPANITIKAN

A. ANG PARIKALA / IRONYA (Irony)


 Maraming tipo ng parikala/ironya sa panitikan. Ang tatlong karaniwan ay ang ironyang Verbal
(Verbal Irony), ang Ironyang Dramatiko (Dramatic Irony), at Ironiyang Sitwasyonal (Situational
Irony).

Ang ironya ay kabaligtaran nmg nais mong ipahayag.

Sa loob ng isang akda ay maaaring isa lamang tipo ng Ironya ang gamitin ng
manunulat; maaaring magkakasanib din.

1. Ironyang Verbal / Berbal


 Tumbalik mismo ng sinasabi ang tunay na ibig sabihin ng nagsasalita at hindi malay sa gayon
ang kaniyang kausap. Hindi alam ng kausap na biktima siya ng
pagkutya/pagsisinungaling/panlalansi ng nagsasalita. Pero alam ito ng mambabasa.

Mga halimbawa ng Verbal Irony sa Panitikan

Julius Caeser ni Shakespeare - Talumpati ni Mark Anthony "Ngunit sinabi ni Brutus na siya ay
ambisyoso, at si Brutus ay isang marangal na tao."

Romeo & Juliet ni Shakespeare - Sinabi ni Juliet sa kanyang ina "Hindi na ako magpakasal
pa; at, kung gagawin ko, nanunumpa ako na ito ay magiging Romeo, na alam mong
kinamumuhian ko, sa halip na sa Paris. "

Sa mga halimbawang nabanggit na berbal na halimbawa


ay napapansin na ito ay kabaligtaran ng nais nating
ipahayag.

UNANG MARKAHAN
Ikapitong Linggo
IMPORMASYONG PAMPAHINA
“URI NG MAIKLING KWENTO AT PAMPANITIKANG TEKNIK”
2. Ironyang Dramatiko
 Sa tingin ng tauhan ay alam niya ang totoo, pero ang mambabasa ay mas maraming alam
kaysa sa tauhan – at alam ng mambabasa kung ano talaga ang totoo. Interesado ang
mambabasa na malaman kung ano ang magiging reaksiyon ng tauhan kapag nalaman na nito
ang buong katotohanan.

Mga halimbawa ng Dramatic Irony sa Panitikan

Romeo at Juliet ni Shakespeare - Ipinapalagay ni Romeo na patay na si Juliet, ngunit alam ng


tagapakinig na siya ay kumuha ng bahagi ng pagtulog.

Macbeth ni Shakespeare - Naniniwala si Haring Duncan na maging isang matapat na paksa si


Macbeth, ngunit alam ng tagapakinig na siya ay nagpaplano na patayin ang hari.

Othello ni Shakespeare - Alam ng madla na ang Desdemona ay tapat kay Othello, ngunit hindi si
Othello.

Ang mga halimbawa ay may kinalaman sa mga kaganapan kabaligtaran na maaring


mangyari sa kwento. Kung ito ay mababasa sa akda ay nakasisigurado na alam ng
mambabasa na ito ay maaring kabaligtaran ng magaganap sa kwento.

3. Ironyang Sitwasyonal
 Ang pinakamadalas gamitin sa panitikan. Dito, iba ang nangyari kaysa inaasahang
mangyayari sana.

Mga halimbawa ng Situational Irony sa Panitikan

Ang regalo ng mahikero ni O.Henri - Ipinagbili ng asawa ang kanyang relo upang bumili ng
kanyang asawa ng accessory sa buhok. Pinutol niya ang mahabang buhok at ipinagbibili nito
upang bumili siya ng isang chain watch chain.

UNANG MARKAHAN
Ikapitong Linggo
IMPORMASYONG PAMPAHINA
“URI NG MAIKLING KWENTO AT PAMPANITIKANG TEKNIK”
Ang kuwintas ni Guy de Maupassant - Si Mathilda at ang kanyang asawa ay nagtatrabaho ng sampung
taon upang mabayaran ang perang hiniram nila upang mapalitan ang nawala na kwintas. Sa huli,
nalaman nila na ito ay isang pekeng.

Sa mga halimbawa sa itaas, ay mga panyayaring tila kasinungalingan kung iisipin


ngunit ito ay halimbawa ng sitwayonal na ironya.

B. SIMBOLO AT MOTIF

Sa SIMBOLO, ang bagay o aksiyon ay hindi lamang ang literal na nakita sa isang bagay o
aksiyon, may iba rin itong kinakatawan sa Kuwento.

Halimbawa:
Sa “Servando Magdamag” ni Ricky Lee, ang napakatanda nang lolo at ang pabagsak nang
lumang bahay ay simbolo ng luma’t bulok nang Sistema’t kaayusan.

Kung titingnan ang halimbawa, ginamit ang lumang bahay at ang


napakatandang lolo upang magrepresenta ng luma at bulok na sistema.

Sa MOTIF, tinutukoy ang pag-uulit ng isang partikular na temang umiiral sa akda. Lutang,
madaling mapansin ang motif, at malaki ang ginagampanan nito sa paglalarawan sa katangian ng
akda, sa tunguhin ng mga magaganap, at sa mismong kabuuan ng akda.

Halimbawa:
Sa “Kasal” ni Elli R. Guieb III, ang motif na pag-akyat at pagbaba ay nasa pagtaas at pagbagsak
ng saranggola, sa pagtaas at pagbaba ng araw. Pag-akyat at pagbaba ng bundok. Ano pa nga ba
kundi ang panlalamig ng relasyon ng mag-asawa?

UNANG MARKAHAN
Ikapitong Linggo
IMPORMASYONG PAMPAHINA
“URI NG MAIKLING KWENTO AT PAMPANITIKANG TEKNIK”

Habang nagbabasa ng akda ay may kapansing-pansing may mga tema o


salitang paulit-ulit na ginagamit na kung tawagin ay motif.

Sa halimbawa, paulit ulit ang salitang pagtaas at pagbagsak na may


kinalaman sa takbo o kahihinatnan ng kwento ng akda.

May mga manunulat na nakilala dahil sa temang madalas nilang paksain. Ilang halimbawa ang
sumusunod:

 Si Wilfredo Pa. Virtusio ay sa temang kaugnay ng bilanggo/bilangguan (Bilanggo at iba


pang akda) dahil narin naging empleyado sa National Bilibid Prison (NBP) ang kaniyang
ama at ang kanilang pamilya ay nanirahan sa NBP Reservation.

 Si Levy Balgos de la Cruz ay kilala sa temang may kaugnayan sa armadong pakikibaka


ng New People’s Army o NPA (Bukal ng Tubig at Apoy).

 Si Mayette Bayuga ay sa temang Feminista (Virgintarian at iba pang akda)

 Si Honorio Bartolome de Dios ay sa temang may kaugnayan sa kabaklaan at kilusan (Sa


labas ng Parlor)

 Si Jimmuel C. Naval ay sa temang ugnay sa kaluluwa – at kaluluwa na rin ng maikling


kuwento (Pangangaluluwa at iba pang Kuwento)

 Si Rolando B. Tolentino ay sa temang ugnay sa kulturang Popular (Fastfood, Megamall


at iba pang kwento sa pagsasara ng Ikalawang Milenyum)

 Si Abdon Balde Jr. ay sa temang ugnay sa OFWs dahil narin nag-OFW siya bilang civil
engineer saka nagbalik sa Pilipinas at inasikaso na anf pagiging manunulat (Calvary
Road: Mga Kuwento sa Balighong Panahon).

UNANG MARKAHAN
Ikapitong Linggo
IMPORMASYONG PAMPAHINA
“URI NG MAIKLING KWENTO AT PAMPANITIKANG TEKNIK”

C. PAGBABADYA / PAHIWATIG (FORESHADOWING)


Ito ay ang paggamit ng mga salita o parirala at paramdam, na sa isang banda ay ang lihim at
pailalim na paghahanda ng awtor sa mambabasa kaugnay ng mangyayari sa Kuwento. Tila ba mga
detalyeng ‘ walang kamuwang-muwang’ pero nagbabadya na pala ng mga kasunod na magaganap.

Ang katapusan ng isang kwento, upang mag-iwan ng kakintalan sa mga mambabasa ay dapat
pareho nakakabigla at inaasahan.
Dito nagtatanim ng mga detalye ang manunulat na sa una’y hindi kapansin-pansin – mga
pahiwatig lamang- ngunit kapag binalikan ng mambabasa ay makikita niya ang ugnayan.
Saka lamang mapagtatanto ng mambabasa na may kahulugan pala ang detalyeng iyon dahil may
kinalaman ito sa dulo o kinahinatnan ng kwento.

Mahalaga ang foreshadowing sa tuwing susulat ng isang akda lalo na kung ito ay
maikling kwento o nobela.

Ito ay mga palatandaan na maaring may mangyayari sa pagtakbo ng istorya, may


mamamatay, mawawala o di kaya ay mang-iiwan.

Ang ilan sa halimbawa nito ay:

Kapag nakakita ng itim na pusa, may taong mamalasin.

Kapag nabasag ang wedding picture frame ay may taong mamatay o masisisra ang
kanilang relasyon.

UNANG MARKAHAN
Ikapitong Linggo
IMPORMASYONG PAMPAHINA
“URI NG MAIKLING KWENTO AT PAMPANITIKANG TEKNIK”

TANDAAN!
Narito ang anim na pangunahing sangkap o element ng modernong maikling
kuwento:

1. Tauhan- tumutukoy ito sa mga pangunahing tagapagganap sa kuwento


tulad ng bida at kontrabida.
2. Pananaw o Punto de Bista- Ang kamalayan kung saan nagdaraan ang
agos ng kuwento. Maari ito ay direktang kamalayan ng manunulat o
sinumang tao sa kuwento.
3. Banghay- Ang pangunahing nangyayari sa simula, gitna, wakas ng
kuwento
4. Tunggalian- Ang malaking problema kinakaharap ng pangunahing tauhan
na kailangang pagpasiyahan at aksiyunan.
5. Tagpuan at Kaligiran- Ipinakikita kung saan at kalian nagana pang
kuwento at kung ano ang mangingibabaw na katangian ng kuwento.
6. Tema- Ang pangkalahatang punto, pahayag, diin, ideya o pananaw-
daigdig (world view) ng kuwento.

UNANG MARKAHAN
Ikapitong Linggo

You might also like