You are on page 1of 10

ANG SOSYO-POLITIKAL NA

KONTEKSTO NG MGA AKDA


Ano nga ba ito?
• Ang mga akdang sosyo-politikal ay may
katangi-tanging kabuluhan, sa pagbasa man o
pagsulat.
• Lahat ng akda ay istorya ng isang indibidwal na
tauhan (protagonista)
• Ang sosyo-politikal ay isang bahagi ng agham na
nakapokus sa lipunan o ugnayang-panlipunan at ng
politikal na sistema. Parehong may koneksyon ang
dalawang ito sa isa't-isa.Ang isang halimbawa nito
nang ay ng isyung pangkapaligiran. Ang ugali ng tao
na umiiral sa isang lipunan sa pangangalaga ng
kapaligiran at ang mga batas na ipinatutupad ng
pamahalaan ang bumubuo sa isang kalagayan ng
pangangalaga o pagwasak.Isang halimbawa pa nito
ay ang umiiral na pagkahumaling ng tao sa droga at
sa opisyal na nakaupo kontra sa droga. Nabubuo
ang mga bagong batas, resulta sa lipunan at mga
pagbabago.
• Ipinapakita ng sining ng pelikula ang mga
sulok, mga hindi nabibigyang pansin, at kulang
sa solusyong mga problema ng bayan. Mas
madaling naipapadala ng mga manggaga$ang
pelikula ang kanilang mga paniniwala sa
pamamagitan ng pelikula.
MGA HALIMBAWA NG ISTORYA
NA ISTORYA NG LIPUNAN
NOLI ME TANGERE
• Si Crisostomo Ibarra ang gumanap na
protagonista ng istorya. Ang istorya ay hindi
naman ang kahihinatnan ng pag-iibigan nila ni
Maria Clara kundi ang kanser ng lipunang
Pilipino sa panahon ng mga Espanyol.
Ang Himala
• Ang Himala ni Ricky Lee at sa direksyon ni
Ishmael Bernal ay hindi lamang sikat sa
Pilipinas kung hindi sa ibang bansa rin. Kahit
ginawa ito noong 1982 sa Metro Manila Film
Festival, nagiging kilala parin ito sa
kasalukuyan. Ang linya “Walang himala” ni
Nora Aunor ay nakilala ng karamihan ng mga
Pilipino kahit hindi pa nila nakikita ang
pelikula.
Manggagamot
• Akda ni Lilia Quindoza Santiago. Ito ay hindi
lamang kwento na nagdaraan sa paningin at
kamalayan ng batang lalaking tauhan. Kwento
rin ito ng pasismo(oposisyon), militarismo sa
panahon ng batas-militar.

You might also like