You are on page 1of 3

Pagtatasa sa Pinaglahuan ni Faustino S.

Aguilar

1. Konteksto ng Awtor
ANG SIMULA
• isinilang sa Malate, Maynila noong 15 Pebrero 1882 sa mag-asawang Claro Aguilar at Juana
Ongjoc de los Santos
• nag-aral sa Ateneo de Municipal de Manila sa tulong ni Tranquilino Manuel at pagkaraan ng
ilang taon ay sa San Juan de Letran; produkto ng sistema ng edukasyon sa panahon ng
Espanyol
• lalabindalawang taong gulang siya nang mamulat sa kampanya ng mga propagandista gaya
nina Rizal at del Pilar
• ang pagkupkop ng pamilyang Aguilar kay Vicente Fernandez, isang Katipunero, ang nagbunga
sa pagiging tagadala ng mahahalagang kalatas ni Aguilar sa mga kapuwa nito katipunero
ANG TULAK
• ang kanyang ama ay naging biktima ng kalupitan ng mga Espanyol partikular na ni Padre
Nicolas Dulanto. Sa pag-aakala ng kura na mason ang ama ni Aguilar ay ipinadakip ito at bago
dinala sa bilangguan ay hinagupit ng buntot-page sa harap ng maybahay at anak
ANG RESULTA
• sumapi sa Katipunan sa edad na labing-apat na tumangay sa kaniya sa Republikang Filipino sa
Malolos (kawani ng Tanggapan ng Kalihim Pandigma à Tanggapan ng Kalihim Panloob)
• naging kawal na lumaban sa mga Amerikano
• naging kawani sa adwana, kahero sa Bazar La Union ng Maynila
• naging manunulat sa pahayagang La Patria at Muling Pagsilang noong 1902
IBA PANG DETALYE
• pinakasalan si Isidora Ortiz Alonso at sa kalaunan ay si Emilia Warren
• naging peryodista at nagtamo ng iba’t ibang tungkulin na may kaugnayan sa paggawa (Hal.
Director of Labor noong 1918-1923, Technical Assistant on Labor Matterin the Office of the
President noong 1039-1941, atbp.)
• namatay noong 25 Hulyo 1955

2. Konteksto ng Teksto
• tatlong beses nailimbag: unang nailimbag noong 1907, ikalawa noong 1986 at ikatlo noong
2003 na parehong sa ilalim ng Ateneo University Press
• sa ikalawang bersyon ng akda ay mayroon itong ilang pagbabagong kinapalooban (hal.
wastong gamit ng gitling, hindi paggamit ng dalawang [g], at paggamit ng baybay Filipino sa
mga salitang Kastila)
• “himig ng panunuya at panunuligsa ang nangingibabaw sa nobela, bagay na nag-uugnay dito
sa mga nobela ni Rizal at sa mga tulang rebolusyonaryo nina Bonifacio at del Pilar” (Reyes,
1982, 45)
• “Ang kapaniwalaan ni Don Nicanor hinggil sa mga santo ay nawawangis sa karikatura ni
Kapitan Tiago sa Noli Me Tangere. Ang kasungitan naman ni Nyora Titay sa mga katulong sa
bahay ay nagpapaalala sa mga popular na kuwento hinggil sa mga hermana na kapag nagalit ay
malabsa pa sa beha ang bunganga” (Almario, 2009, 73)
• “like Banaag at Sikat, the novel makes use of the motif of class divided lovers” (Mojares, 1983,
227)

1
3. Kontekstong Pangkasaysayan at Panlipunan
• “Sa Pinaglahuan, ang tinalakay ay ang kalagayang kolonyal sa panahon ng mga Amerikano, ang
mapagkunwaring espirituwalidad sa gitna ng sumisidhing materyalismo, at ang
magkatunggaling puwersa ng pahunan at paggawa” (Santos, 2003, xx)
• “Nagsisimula ang nobela sa tuwirang pagtukoy sa pagdating ng mga Amerikano sa Filipinas,
ang pagkatalo ng mga Filipino sa pakikidigma sa mga Amerikano, ang pagbili ng Amerika sa
Filipinas mula sa Espanya sa halagang dalawampung milyong piso, at ang pamamalagi sa
Filipinas ng mga Amerikano” (Santos, 2003, xx)
• “Ang nobela ni F.S Aguilar ay isang patunay sa patuloy na pagpasok ng mga bagong kaisipan
na nagpapalusog sa diwa ng mga nobelista’t manunulat nitong ika-20 siglo” (Almario, 2009,
70)

4. Konteksto ng Wikang Pampanitikan


• isang nobelang Tagalog
• tagpuan: Maynila simula ng ika-20 dantaon
• tema:
¾ “hindi payak na romantikong pag-ibig lamang ang pinagkakaabalahan nito. May
oryentasyong sosyal ang tema ng pag-ibig sa nobela” (Santos, 2003, xxvii)
¾ “Ang Pinaglahuan ay nagtataglay ng payak na istorya ng pag-ibig” (Alamario, 2009, 72)
“Gayunpaman, ang romantikong pabalat ng nobela ay nagtataglay ng matalisik na
pansin sa lipunan at panahunan” (Alamario, 2009, 72)
¾ “tema ng pakikisangkot” (Reyes, 1982, 44)
• banghay:
¾ “banghay ng pag-ibig ang nag-uugnay ng kawing-kawing na pangyayari sa nobelang
Pinaglahuan. Subalit hindi katulad ng maraming nobela noon, sa pag-ibig man umikot
ang banghay, hinding-hindi pag-ibig lamang ang puno’t dulo ng katuturan nito”
(Santos, 2003, xiv)
¾ “…grafting process in which two plots (the romantic and the socio-political) separately
exist but still affect one another through juxtaposition. The result is the diminished, if
not distorted, force of both plots” (Mojares, 1982, 226-227)
• suliranin:
¾ “pagtatalaban ng mga puwersang panlipunan…” (Santos, 2003,xxvii)
¾ “tunggalian ng puhunan at paggawa…” (Santos, 2003, xxiv)
• wika:
¾ “makapal na nibel ng oryentasyon ng kanyang mga salita” (Almario, 2009, 76)
¾ “higit ang mayamang testura ng pananagalog sa nobela ni F.S. Aguilar at tumutulong
ito nang malaki sa salimuot ng pagtatanghal sa mga tauhan at pagpapatingkad sa
bawat pangyayari” (Almario, 2009, 76)

5. Koneksto ng Mga Pagbasa


AYON KAY ALMARIO
• nobelang propagandista para sa kapakanan ng mga manggagawa
• tumatalakay sa problemang agraryo at pang-obrero
• may kontra-simbahang kaisipan
¾ “pananampalatayang hilaw”; “imaheng dekadente”; “kakulangan ng simbahan bilang
lingkod ng sangkatauhan”
• may katangiang alegoriko ng dalawang uri ng tauhan (naghaharing uri at pinaghahariang uri)

2
¾ unang uri: mayayaman, ikalawang uri: iba’t ibang tauhan ng nobela
• pag-uugpong-ugpong ng salungatang larawan at pangyayari
¾ hal. Kabanata X (gobernador heneral at mga kotsero)

AYON KAY REYES


• konkretong nilarawan ang ideyang biktima ang mahihirap ng makapangyarihang puwersa sa
lipunan na binubuo ng mga pinuno ng pamahalaan, mga dayuhang mangangalakal at
mamamayang Pilipino
• sa nobela, inihambing si Luis kay Kristo na araw-araw ay ipinako ng sangkatauhan sa matinding
kahirapan
• ang realismong sosyal ng akda ay makikita sa masusi, masinop, at masaklaw na pagsusuri ng
mga puwersang mapaniil at mapagsamantala at kung paano nakikipagugnayan ang mga ito sa
biktima
• “Sa Pinaglahuan, higit na mariin ang tinig ng protesta sapagkat napag-angkop at napag-isa ang
materyal at malikhaing paraan”

AYON KAY MOJARES


• “the distance between the lovers is no longer just an issue of social custom but one of
politics and economics for, like Delfin and Felipe, Luis is aware of the economic justice at the
roof of class inequalities”
• “Luis emerges as a credible victim of the economic order”
• “...problematic ending but it goes beyond the regression into voluntarism and hope…”
• “the novel ends on a grim and rather abrupt note but, resisting the lure of an easy resolution,
it points up the need for struggle if man must liberate himself from conditions of social and
moral brutalization.”
• “Luis remains largely individual”; “does not have a clear conception of the need and
requirements of collective action in social change.”

TALASANGGUNIAN
Almario, Virgilio S. Unang Siglo ng Nobela sa Filipinas. Pasig City: Anvil Publishing, 2009.
Mojares, Resil B. The Origins and Rise of the Filipino Novel: A Generic Study of the Filipino Novel until
1940. Quezon City: University of the Philippines Press, 1983.
Reyes, Soledad S. Nobelang Tagalog 1905-1975: Tradisyon at Modernismo. Quezon City:
Ateneo de Manila University Press, 1982.

You might also like