You are on page 1of 49

Kasaysayan, Depinisyon,

at mga Uri ng Sanaysay


Ni Librada S. Quilas, PhD
Guro
Layunin:
1. Nababakas ang kasaysayan ng sanaysay sa mundo at
sa Pilipinas
2. Natutukoy ang mga uri ng sanaysay
3. Nakapagbibigay ng halimbawa sa bawat uri ng
sanaysay
4. Nasusuri ang bawat uri ng sanaysay
5. Nakasusulat ng iba’t ibang uri ng sanaysay
Paano nagkakaiba ang isang makata at mananaysay?

Ang makata ay nakikipag-usap sa pamamagitan ng


pananalinghaga habang ang mananaysay ay
nakikipagtalastasan sa pinakamataas na anyon ng prosa
– ang pagpapahayag gamit ang paksa at panaguri.
1938 – lumitaw sa bokabularyong Tagalog ang terminong
sanaysay.
Sanaysay
- nilikha ni Alejandro G. Abadilla
- Pagsasalaysay ng nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.
- Pagsasanib ng salitang “sanay” at “salaysay”.
Naging pamantayan ni Abadilla sa pagsasanaysay ang mga
Kanluraning modelo.
- Michel Eyquem de Montaigne noong 1580 sa kanyang
essais, na nangangahulugang mga pagtatangka, pagsubok at
pagsisikap, na naglalaman ng kanyang mga palagay at
damdamin.
Isagani Cruz at Soledad Reyes , ang sanaysay ay akdang
tuluyan na tumatalakay sa ilang isyu (Cruz at Reyes, 1984)
Hindi nalilimitahan ang mga paksang maaring talakayin sa
sanaysay.
Maituturing na ang sanaysay ay bukal ng karanasan,
ideolohiya, obserbasyon, paniniwala at pagpapahayag.
Katangian ng Sanaysay
Haligi ng sanaysay: simula, gitna, wakas
Batayang elemento:
1. Pangunahing tema, Wika, Himig, Estilo, Panauhan,
Balangkas, Detalye, Sariling karanasan,Pagkiling,
Kongklusyon
2. May lohika at organisadong kaisahan
3. Dapat na makatotohanan, kapani-paniwala, may lalim at
may puso. Kailangang nakikipag-usap sa mambabasa.
Estilo / pamamaraan:
1. Maaring paglalarawan, pananalinghaga, pagkukuwento,
pagpapatawa, paghahambing, pag-aanalisa at iba pa.
-nakabatay sa kanyang interes, panlasa at pagpapahalaga
(Lucero et al. 1994)
Ayon kay Bienvenido Lumbera, ang mananaysay ay
“sinumang may gustong sabihin sa kanyang kapwa Pilipino at may
kakayahang hubugin ang wika upang maihatid nito ang gusting
sabihin” (2000)
Sa Pilipinas, ang sanaysay ang pinakalaganap na anyo ng
pagpapahayag.
Ayon kay Lilia Quindoza-Santiago, isang manunulat, ginagamit
ang sanaysay mula sa simpleng eksam tungo sa tesis / pananaliksik
(2006). May sanaysay na naglalaman ng mga pulitikal na
pamamahayag ng isang organisasyon o Partido.
Palasak na rin ang pagsasanaysay sa internet gamit ang
blogging, lathalain o kritisismo sa mga e-journal o opisyal na
website, link ng pahayagan o organisasyon.
Ang blog ay nagmimistulang mga tala sa talaarawan o
dyornal na mababasa sa internet. Hal. sa facebook. Bukod sa
mga tula, komiks at kwento ang laganap na paraan ng
pagpapahayag ng damdamin ng karanasan ng mga bloggers ay
ang malikhaing sanaysay.
Kategorya ng Sanaysay
Ayon kay Abadilla, sanaysay ang mga pormal na sulatin tulad ng
panunuring pampanitikan.
Ayon kay Lumbera, sanaysay ang alinmang akdang prosa na
nagbabahagi ng impormasyon, nagpapaliwanag, umaakit na paniwalaan
natin ang sinasabi, tumutuligsa sa mga institusyon o indibidwal o
umaaliw sa mambabasa.
Kaya maituturing na sanaysay ang liham, kolum o artikulo sa
pahayagan, tala sa dyornal, talambuhay, pananaliksik, pormal na sulatin,
tesis, malikhaing sanaysay (creative nonfiction), blog entri etc.
MASIGABU ang sanaysay ayon kay Lilia Quindoza-
Santiago (2006). MAy mahusay at sariling ideya; maSInop
ang organisasyon at paglalahad; Gamit ang sariling estilo at
tinig; Bukas sa mga posibilidad at pagbabago.
Tulad ng kasaysayan, ang sanaysay ay salaysay ng maraming
saysay.
• Gawain:
• Sagutin ang sumusunod at isulat ang sagot sa inyong notebook
• 1. Batay sa iyong pagkaunawa, ano ang sanaysay?
• 2. Ipaliwanag kung paano nabuo ang salitang sanaysay.
• 3. Batay sa mga makata at manunulat sa itaas, para saan ang
sanaysay?
• 4. Ano-ano ang mga sulating kabilang sa sanaysay?
Kailan Pumasok ang Sanaysay sa Pilipinas?
Panahon ng Kastila
-nagdala ng Katolisismo at kulturang Europeo
- Nakita nila ang pangangailangang gawing sibilisado ang
mga katutubo.
- Pinalaganap nila ang Katolisismo sa pamamagitan ng
pagbibinyag at pagsesensura sa pagpapalimbag ng mga
katutubo.
-Sinaunang panitikan ay naging relihiyoso. Hal. Ang epiko ay
naging pasyon.
-ipinakilala ang nobela, sanaysay, dula at panunuring
pampanitikan (Cruz at Reyes, 1984).
-Nailuwal ang sanaysay noong ikalabimpitong siglo gamit ang
wikang Espanyol. Mga nailathalang akda ay tungkol sa
pagsasa-Kristiyano ng mga katutubo.
Ayon kay Nenita Pagdanganan-Obrique, ito ang
nagsilbing makinarya sa pangangalat ng mga akdang
babasahin tulad ng meditasyon, sermon, dayalogo, himno,
anekdotang moral, pag-aaral ng mga wika at paliwanag ng mga
prinsipyong Katolisismo.
-Palasak ang memorias (memoirs), resenas (resumes), informes
(accounts) at memoriales. Karaniwang paksa ay ang pulitika,
relihiyon, teknolohiya, etc.
-Ilan sa mga halimbawa nito ang Doctrina Christiana sa wikang
Espanyol at Tagalog, 1593, Librong Pagaaralan nang manga
Tagalog nang Uicang Castila ni Tomas Pinpin; Pagsusulatan
nang Dalauang Binibini na si Urbana at Feliza na Nagtuturo ng
ng Mabuting Kaugalian ni Padre Modesto de Castro, 1864.
-Sa kanilang pananakop, maraming katutubo ang pinaslang,
nagbayad ng mataas na buwis, naging biktima ng polo y
servicio o forced labor, at inagawan ng lupa.
- Dahil dito, naging daluyan ng mga obserbasyon, kuro-
kuro, pagpapalagay, at pahayag ng mga katutubo ang
pahayagan gamit ang artikulo at tudling (kolum).
- Nagkaroon ng puwang ang mga katutubong magpahayag at
sumuri sa namamayaning Sistema ng pamamalakad ng mga
Kastila.
-Nanguna ang El Pasig (1862), sa pagtuligsa sa
namamayaning gahum sa lipunan. Tema nito ay paksang
secular / praktikal (Pagdanganan-Obrique 2001).
Noong ika-19 na siglo, ginamit ng kilusang repormista ang
sanaysay bilang lunan ng kanilang mga obserbasyon ng
paninikil ng mga Kastila sa Kalayaan ng mga Filipino. Nanaig
ang diwang Makabayan sa mga sanaysay sa anyo ng tudling,
liham, lathalain, dyornal, talaarawan at sermon (Lucero et al.
1994). Ilan sa mga nangungunang repormista ay sina Luis
Rodriguez Valera, Padre Pedro Pelaez at Padre Jose Burgos na
sumulat ng “Manifesto of the Loyal Filipinos in Defense of
their Honor and Faithfulness”, 1864.
-Sa paglakas ng kilusang propaganda sa Espanya, naitatag
ang pahayagang may layong tumuligsa sa mga Kastila: La
Solidaridad (1889); Kalayaan ng Katipunan (1896); El
Heraldo de la Revolucion; La Independencia.
La Solidaridad- may mahalagang papel na ginagampanan sa
pagpapakilos ng mga ilustrado at pag-uudyok sa rebolusyong
kilusan laban sa Kastilang mananakop. Sumulat dito si Dr.
Jose Rizal.
Sinulat ni Rizal ang:
• La verdad para todos (Katotohanan para sa Lahat)
• Filipinas dentro de cien anos (Ang Pilipinas sa Loob ng isang
Siglo)
• La Vision de Fray Rodriguez (Ang Pangitain ni Fr. Rodriguez)
- Sa mga sanaysay sa itaas, ipinakita ang pagiging palaban,
satiriko at husay sa kasaysayan.
Sumulat ng sanaysay uko sa kritisismo nila ukol sa frailocracia
sa bansa ang ilang kasapi ng kilusan gaya nina Marcelo H. del
Pilar ( The Monastic Sovereignty in the Philippines) 1888; at
Graciano Lopez-Jaena (Discourses and Various Articles)
1891.
Sa panahon ng Himagsikan, naipakilala ang mga sanaysay
ni Andres Bonifacio tulad ng “Ang Dapat Mabatid ng
Tagalog” at “Sa mga Kababayan at ni Emilio Jacinto para sa
kalipunan ng laniyang mga sanaysay na “Liwanag at Dilim
(Matute, 1984).
Panahon ng Amerikano Hanggang Kasalukuyan
• Nagpatuloy ang paninikil sa diwa ng nasyonalismo sa panahon
ng Amerikano. Naipamalas ang pagsikil na ito sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas na ito:
• Sedition law (1901)
• Brigandage Act (1902)
• Flag law (1907)
• 1900-1916 – gintong panahon ng pahayagang Tagalog.
Bunga ito ng pagkakaroon ng siwang na naglatag ng Kalayaan
sa pamamahayag” (Iniego w.p., 4).
• Lumitaw ang pagsasanib ng “panitikan at peryodismo” sa anyo
ng tulang peryodismo
• Dahil sa antas ng edukasyon at liberalism, umunlad ang
sanaysay bilang anyong pampanitikan.
Wikang Ingles- pangunahing wika sa pagsulat ng sanaysay. Ilan sa mga
manunulat ay sina Maximo Kalaw, Jorge Bocobo, Salvador Lopez at
Fernando Maramag (Mojares 1994, 83).
• Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging
papel ng sanaysay ang maging behikulo sa pagpapalaganap ng
kultural at pulitikal na edukasyon. Naging tanyag sina Nick
Joaquin, Carmen Guerrero Nakpil at Adrian Cristobal.
Lumabas sa pahayagan bilang mga tudling (kolum), editorial o
lathalain ang kanilang mga sanaysay.
• Malikhaing sanaysay (Cristina Pantoja-Hidalgo) ang tudling,
editorial, lathalain, talambuhay. Ito ay gumagamit ng
estratehiyang maikling kwento. Tinatawag din itong bagong
peryodismo o new journalism.
• Sa Panahon ng Batas Militar, Litaw ang paggamit ng
malikhaing sanaysay sa mga pahayagang tulad ng
Asia_Philippines Leader, Philippines Free Press, at Philippine
Graphic (Pantoja-Hidalgo 2003, 4). Wikang Ingles ang ginamit
sa pagsulat nina Nick Joaquin, Gregorio Brillantes, Kerima
Polotan-Tuvera, Wilfredo Nolledo, Gilda Cordero-Fernando,
Ninotchka Rosca, Luis Teodoro, Jose Lacaba, Sylvia Mayuga,
Petronilo Daroy at Alfredo N. Salanga.
• Noong dekada 1980, yumabong ang sanaysay o malikhaing
sanaysay na sinulat sa wikang Filipino o Ingles at wikang
bernakular. Makatang pumasok sa larangan ng peryodismo
bilang mga makata-peryodista gaya nina Jun Cruz Reyes,
Virgilio S. Almario, Domingo Landicho, Jose Lacaba,
Bienvenido Lumbera, Cirilo Bautista at iba pa.
Naging lunan din ng mga pahayagan ang tinig ng kababaihan
sa panulat nina Genoveva Edroza-Matute, Liwayway Arceo,
Fanny Garcia, at Lilia Quindoza-Santiago.
• Bagong lunan ng pagpapahayag ang makikita halimbawa sa
mga bulletin boards o billboards. Itinanghal din ang mga
patimpalak sa bansa gaya ng Carlos Palanca Memorial Awards
for Literature para sa kategoryang Kabataan Essay at
Propesyunal.
Sa kasalukuyan, ang malikhaing sanaysay ay kinikilala bilang isang
anyo ng panitikan sa Pilipinas. Marami nang ginagawang pag-aaral
tungkol dito at dumarami ang mga nabuong kurso tungkol sa pagsulat
nito tulad ng sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) at De La Salle
University (DLSU). Itinuturo ito sa mga kurso ng malikhaing pagsulat,
komunikasyon at pananaliksik.
Gawain:
Sagutin ang sumusunod na tanong sa inyong notebook.
1. Magtala ng limang natutunan sa:
• Panahon ng Kastila
• Panahon ng Amerikano
• 2. Talakayin ang papel na ginagampanan ng sanaysay sa :
• Panahon ng Kastila
• Panahon ng Amerikano
• Mga Uri ng Sanaysay
• 1. Pormal
• ○ Ayon kay Genoveva Edroza-Matute, ang sanaysay ay bunga
ng pananaliksik at mayroong pagpapahalaga sa mga nakalap na
datos.
- masinsing pag-oorganisa ng datos, malinaw, lohikal at kapani-
paniwalang pagpapaliwanag, at Kritika o analisis.
• - madalas mabasa at mapakinggan sa isang intelektuwal na
kaligiran tulad sa mga klase sa pagsusulat, simposya, lektyur,
sermon at mga talumpati. Halimbawa nito ay ang mga pormal
na sulatin tulad ng tesis o pananaliksik, at mga sanaysay
(panunuring pampanitikan).
-pinagtutuunan nito ang kalikasan o ang proseso na
nagaganap sa isang bagay, pangyayari o tao. Halimbawa:
Kasaysayan at Gamit ng Wikang Filipino
• 2. Ethno-essay
○ Ayon kay Lilia Quindoza-Santiago, isang mananaysay, ito
ay mga sanaysay na nagpapaliwanag sa mga gawi, kostumbre, at
estilo ng pamumuhay ng mga katutubo.
Isa rin itong paraan ng pananalamin sa pag-aaral o obserbasyon
sa kultura ng iba. Pangunahing layunin nitong maitanghal ang
kultura ng mga grupong etnolinggwistiko. Pormal na wika ang
ginagamit sa pagpapahayag nito.
• 3. Personal o impormal
• ○ Tinawag ni Edroza Matute, na palagayan.
• -nakikipagpalagayan ang mananaysay sa kanyang paligid at sa
kanilang sariling pagpapasya at pagpapahalaga.
• -binibigyan ng Kalayaan ang mananaysay sa kanyang pagkatha
batay sa kanyang karanasan at kung paano niya isinasabuhay
ang karanasang ito.
-Kahit sino ay maaring sumulat nito, basta may nais kang
ibahaging karanasan.
• -Ayon kay Joseph Epstein sa kanyang aklat, ang paksa nito ay
may pag-uugat sa realidad kaya kailangang kapani-paniwala,
makatotohanan at tapat sa detalye.
• Halimbawa ay talaarawan o journal, liham, panayam,
travelogue, photo essay, lathalain at talambuhay.
• 4. Malikhain
• ○ Ayon kay Lee Gutkind sa kanyang “The 5 Rs of Creative
Nonfiction,” ang malikhaing sanaysay ang pagsasanib ng
malikhaing pagkatha at ang pag-uulat. Ayon sa kanya, kabilang
dito ang tudling, artikulo at editorial.
• Idinagdag pa rin niya na dapat taglayin nito ang 1)
pagsasabuhay at pakikipamuhay sa realidad ng sinusulat; 2)
pananaliksik sa napiling paksa; 3) pagninilay-nilay sa nakalap
na datos; 4) pagbabasa ng mga tekstong makatutulong sa
pagsusulat; at 5) ang mismong akto ng pagsusulat.
Ayon naman kay Philip Gerard, may lima itong
sangkap: 1) may malinaw at malalim na sabjek; 2) may
katangian ng paksa sa peryodismo na napapanahon; 3)
nagsasalaysay ng magandang kwento gamit ang
estruktura ng maikling kwento; 4) pagmuni-muni ng
may-akda at 5) nagpapahalaga sa sining ng pagsulat
(Gerard 1996, 7-11).
○ Ayon naman kay Cristina Pantoja-Hidalgo, ang
malikhaing sanaysay ay mga salaysay na totoo na
gumagamit ng mga estratehiya at teknik ng maikling
kwento (Hidalgo 2003, 10).
Ang karaniwang paksa ay ang pagtatala sa mga tunay na
tao at pangyayari. Kabilang dito ang talambuhay o
kathambuhay, dramatikong dokumentaryo, bagong
peryodismo at talaarawan.
• Gawain:
1. Magtala ng dalawang paglalarawan gamit ang sariling
pananalita sa sanaysay na :
• Pormal
• Impormal
• Ethno essay
• Malikhain
• Mga Uri ng Sanaysay batay sa Anyo
• Pormal
• 1. Tesis o sulating pananaliksik – isang paglalaat
deskriptibong paglalarawan at pag-oorganisa ng mga datos.
Layunin nitong bigyang kasagutan o kalutasan ang suliranin.
• ○ Ang Mga Uri ng wikang Ginagamit sa Text Messaging
• ○ Ang Konsepto ng Bayan sa mga Tula ni Amado V.
Hernandez
2. Eksam- karaniwang isinusulat ng mga estudyante
bilang bahagi ng kahingian sa kanilang mga klase. Isang
paraan ng pagtatasa ng guro sa natutunan ng mag-aaral.
Pormal ang wikang ginagamit. Kadalasang hinahanap sa
pagsasanay sa eksam ang organisasyon ng mga ideya, ang
lalim at linaw ng pahayag at ang epektibong paglalatag ng
kapani-paniwalang argumento o kuro-kuro.
3. Talumpati – sanaysay na gumagamit ng estratehiya
at tono ng pangangatwiran at/o panghihikayat. Layunin
nitong maglatag ng isang pangunahing tema o suliranin at
kumbinsihin ang mambabasa o tagapakinig na kumiling
sa asersyon nito. Ginagamit ang pamamaraang
paghahambing/pagtutulad, paglalarawan at
pangangatwiran. Kadalasang binibigkas ito sa mga
pagtitipon○. Ginagamit din ito sa isang kolokyum o
pagtitipon ng mga intelektwal o nasa akdemya o seminar.
4. Panunuring Pampanitikan – akademikong sanaysay na
nakatuon sa mga teorya, pag-aanalisa sa anyo, estilo at nilalaman
ng isang akdang pampanitikan. Mga sumusulat nito ay mga nasa
larangan ng panitikan, kritisismo o nasa akademya. Kabilang
dito ang sanaysay na isang pag-aaral, diskusyon, ebalwasyon o
pagbibigay interpretasyon sa panitikan.
Maaring paksa ay kasaysayan at pag-unlad ng salawikain mula sa
panahong pre-kolonyal hanggang sa kasalukuyan. Kinikilatis ang
akda upang mabigyan ito ng pagpapahalaga at kahulugan.
Impormal

1. Talaarawan o dyornal – isang anyo ng


pananalamin ng may-akda sa kanyang naoobserbahan,
nararamdaman at nauunawaan sa mga bagay-bagay batay
sa kanyang perspektiba. Halimbawa: Diary of Anne
Frank. Itinatala rito ang petsa.
• 2. Liham – pagpapalitan ng mga kuro-kuro o ideya ng
nagsusulatan. Maaring simpleng naglalahad o
nagsasalaysay. Isang paraan din ito ng pakikipag-
ugnayan sa paraan ng kumustahan. Maaring kakitaan ng
mga payo at pangaral sa tatanggap. Halimbawa: liham
nina Urbana at Feliza sa isa’t isa.
• Bukas na liham- maaring basahin ng kahit sino, para sa
publiko.
• 3. Panayam – may sabjek, pangunahing paksa at
sinasagutang tanong ang panayam. Isa ito sa mga ‘di mabilang
na paraan o lapit sa pananaliksik. Maaring pormal o oral.
• 4. Pamilyar na sanaysay – ang lapit at paksa ay personal sa
pananaw ng mananaysay. Ang paksa ay karaniwang malapit sa
puso, hilig o interes ng may-akda upang mabigyan niya ito ng
wasto at karapat-dapat na paglalarawan at pagsasabuhay.
• Halimbawa: Kumander ni Jing Panganiban-Mendoza
• 5. Travelogue – sanaysay ng pagsasalaysay ng may-
akda sa mga lugar o paglalakbay na kanyang nagawa.

• 6. Photo essay – ang mga litrato mula sa kamera ang


siyang bumubuo ng anratibo o kuwento sa photo essay.
Madalas itong makita sa eksibit at diyaryo.
Nakatutulong dito ang mga caption ng bawat larawan.
7. Rebyu – paraan ng pagtatasa ng manunulat sa
nakita o nabasa niya. Ginagawa ito sa mga librong
nabasa, mga pelikula, palabas sa telebisyon o anumang
pumukaw sa interes ng mananaysay.
-Nakabatay sa sariling opinion ng may-akda, na maaring
positibo o negatibo.
• 8. Lathalain/Tudling – sanaysay na nailalathala sa
pahayagan. Napapanahon ang paksa at may pagsusuri
na batay sa opinion ng manunulat.
• 9. Talambuhay/Kathambuhay – tungkol sa buhay o
mga piling pangyayari sa buhay ng tao, maaring
personal o buhay ng iba. Ang manunulat ng
talalmbuhay ng ibang tao ay maaring historyador o
malikhaing manunulat tulad nina Leon Ma. Guerrero at
Nick Joaquin.
7. Rebyu – paraan ng pagtatasa ng manunulat sa
nakita o nabasa niya. Ginagawa ito sa mga librong
nabasa, mga pelikula, palabas sa telebisyon o anumang
pumukaw sa interes ng mananaysay.
-Nakabatay sa sariling opinion ng may-akda, na maaring
positibo o negatibo.
MARAMING SALAMAT!
MARAMING SALAMAT!

You might also like