You are on page 1of 6

Kabanata 1 : Panimulang Pag-aaral sa Panitikan

1.1 Kahulugan ng Panitikan

Ang Panitikan ayon sa aklat nina Panganiban, et al., na pinamagatang Panitikan ng


Pilipinas, ito ay salitang Tagalog na galing sa unlaping PANG- (na nagiging PAN- kapag
ang kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula sa d, l, r, s, t); sa salitang-ugat
ng TITIK (letra) na nawawalan ng simulang T sa pagkakasunod sa PAN-; at sa hulaping –
AN, samakatuwid: pang* titik* an. Ang salitang ito ay panumbas sa Filipino sa “Literature”
na kapwa batay sa salitang Lating “literatura” o “literature” na kapwa batay sa salitang-ugat
na “litera” na ang kahuluga’y “letra” o titik.

Maraming pakahulugan ang iba’t ibang manunulat tungkol sa panitikan. May nagsasabing
“ang tunay na kahulugan daw ng panitikan ay yaong nagpapahayag ng damdamin,
panaginip, at karanasan ng sangkatauhan nagsusulat sa maganda, makahulugan, at
masining na mga pahayag”.

Sa aklat nina Atienza, Ramos, et. al., na pinamagatang Panitikang Pilipino, ipinahahayag
na “ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng
damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kaniyang pang-araw-araw na
pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran at gayundin sa
kaniyang pagsusumikap na makita ng Maykapal”.

Ang panitikan ay may dalawang anyo, Tuluyan o Prosa at Tula o Panulaan. Ang Tuluyan o
Prosa ay tumutukoy sa maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

Ang mga halimbawa ng akdang Tuluyan ay Alamat, Anekdota, Nobela, Pabula, Parabola,
Maikling Kwento, Dula, sanaysay, Talambuhay, Talumpati, Balita at Kuwentong Bayan.

Ang mga halimbawa naman ng mga akdang Patula ay ang Tulang Pasalaysay, awit/korido
at kantahin, Epiko, Balad, Sawikain (idyoma, moto, salawikain), Bugtong, at Tanaga.

1.2 Kalagayan ng Panitikan sa Bawat Panahon

[1] Bago dumating ang mga Kastila (simula-1565), ang ating panitikan ay karaniwang
palipatdila at nagtataglay ng impluwensya ng kaisipang Malayo-Indonesio (Panitikan ng
Pilipinas, pahina 5). Ipinalalagay rin na ang ating mga ninuno ay mayaman na sa mga
alamat, kwentong bayan epiko, awiting bayan, mga karunungang bayan ng bugtong,
sawikain, salawikain, palaisipan, at bulong.
Ang panahon ng Kastila (1565-1872) ay panahon ng panunulad, pagkabaguhan sa
kaisipang kanluranin, ngunit pagkagising sa doktrina ng Pag-ibig ng Pagka-Kristiyano. Sa
panahong ito batay sa aklat na Panitikang Filipino nina Santiago, et. al., nagbago ang
buhay ng mga Pilpino. Nagpalit ng mga pangalan at nagpabinyag. Sa panahong ito ang
“Alibata” na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino ay nahalinhan ng
alpabetong Romano, ang wikang Kastila ang naging “wika ng panitikan”, dahil sa dalang
alamat at tradisyong Europeo naidagdag ang awit, korido,moro-moro at iba pa sa
Panitikang Filipino, at nagkaroon ng himig makarelihiyon ang panitikan.

Ang mainapoy na pagkagising naman ng damdaming makabayan at simula ng


pagkakaisang pambansa ay mga katangian ng panahon ng propaganda at
himagsikan (1872-1896) na tinawag ding “Panahon ng Pagbabagong-isip” nina Santiago,
et. al. Sa panahong ito ang dating diwang makarelihiyon ay naging makabayan at humihingi
ng pagbabago sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.

Ang naging katangian ng panahon ng mga Amerikano (1910-1941) ay ang pag-aabentura


sa mga bagong anyo at diwa ng panitikan at sa kaisipang demokratiko. Hindi nakuhang
igupo ng mga Amerikano ang diwa at damdaming makabayan ng mga Pilpino, bagkus
naging maalab pa (Santiago, et. al). Sa panahong ito, pinasok ng mga manunulat ang lahat
ng larangan ng Panitikan tulad ng lathalain, tula, kwento, dula, sanaysay, nobela, at iba pa.

Pagpapaimbabaw at pagkapuril ng henyong pampanitikan ang nangyari noong panahon ng


Hapon (1941-1945) – dayuhang mapaniil. Sa panahong ito natigil ang panitikan sa ingles
ngunit naging maganda naman ang bunga nito sa Panitikang Tagalog. Marami ang mga
nagsisulat ng dula, tula, maikling kwento at iba pa. Ang mga paksain ay pawang
natutungkol sa buhay lalawigan.

Ang bagong panahon ay panahon ng kasarinlang kaakbay ang maraming suliraning iniwan
ng digmaan at ng pagpupunyaging matagpuan ang sariling pagkakakilanlan (identidad) ng
lahi, ng nawaglit na kaluluwa ng lahi. Ang iba’t ibang panahong tinukoy nina Santioago, et.
al. matapos ang pananakop ng mga dayuhan sa bansa (1945-kasalukuyan) ay ang
sumusunod:

Ang panahon ng Isinauling Kalayaan ay panahon ng pagsulpot ng mga kabataang mag-


aaral sa larangan ng panunulat. Sa panahong ito, tila naging mapanghangad ang sa
makukuhang gantimpala ang mga manunulat sapagkat bago pa sumulat ng anumang akda
ay inaalam muna kung aling pahayagan kaya ang magbabayad dito ng malaking halaga.

Sa Panahon ng Aktibismo ay naging ganap na mapanghimagsik ang mga kabataan. Ito’y


mapatutunayan hindi lamang sa madugo at mapangwasak na demonstrasyon at mga
pagpapahayag. Ang mga dating aristokratang manunulat ay nagkaroon ng kamulatang
panlipunan. Tinalakay nila ang kabulukan ng lipunan at pulitika.

Panahon ng Bagong Lipunan ang panahong muling paglaganap ng sinaunang dula tulad ng
Senakulo, Sarsuela Embayoka at iba pa. Naging palasak din ang pag-awit noon sa wikang
Filipino. Tahasang masasabing naningning din ang Panitikang Filipino nang panahong ito.
Masasabing malaki ang nagbago sa ating panitikan sa panahon ng Ikatlong Republika.
Maraming mga manunulat ang nagsisulat ng mga paksang nadarama sa buhay tulad ng
pakikisama, paggawa, pagdadalamhati, kahirapan, pulitika at Imperyalismo. Masasabi ring
maningning ang panitikang Filipino sa panahong ito.

Madarama sa iba’t ibang akdang pampanitikan maging sa iba’t ibang programang panradyo
at pantelibisyon pag-unlad at pag-igting ng damdaming industriyalisado’t modern
ng Kasalukuyang Panahon ng panitikan. Mapapansing ang mga nilalaman at halo-halong
damdamin at karanasan sa kasalukuyang mga pangyayari. Halimbawa sa mga akdang ito
ay ang “Bakit baliktad magbasa ang mga Pilpino”, “McArthur”, at iba pang akda ni Bob Ong
at iba pang manunulat sa kasalukuyan.

Kabanata 2: Katangian ng Mapanuring Pagbabasa at


Matalinong Pamumuna
2.1 Panunuring Pampanitikan

Tumatalakay sa mga teorya, simulain at pamamaraan ng pagbasa, interpretasyon at


pagsusuri ng panitikan mula sa bagong kritisismo hanggang post modernismo. Ang
kritisimo ay naghahanap ng mali samantala ang panunuri ay naghahanap ng estruktura at
ito ang ginagawa sa pagsusuri ng akda.

Ang panunuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at


pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay: Una ang Pagdulog, ang mga
uri nito ay pormalistiko o pang-anyo, moralistiko, sikolohikal, at sosyolohikal-palipunan) at
ang Pangalawang sangay ay ang Pananalig at binubuo ng maraming uri tulad
ng humanism, klasisismo, imahismo, romantisismo, eksistenyalismo, realism, reader-
reception, marxismo, naturalism, arkitepal/arkitaypal, dekonstruksyon, historical,
bayograpikal, feminism, kultural, modernism, at queer.

2.2 Teorya, Pilosopiya at Ideolohiya

Teorya ay isang makabuluhan at katangga-tanggap sa siyensya bilang pangkalahatang


prinsipyo o katawan ng prinsipyo o paniniwala na nagbibigay ng pagpapaliwanag sa isang
phenomena o pangyayari.

May iba’t ibang konsepto at teorya ang pilosopiya at ideolohiya. Ang pilosopiya ay lahat
nang natutunan lalo ang utos o pangkalahatang tuntunin o opisyal na utos; ipinapaliwanag
nito ang ugat ng pagkakalikha, at ang ideolohiya naman ay paraan o nilalaman ng karakter
ng pag-iisip o kaya’y doktrina ng isang indibidwal, pangkat o kultura (diksyunaryong
merriam-webster).

2.3 Mga Batayang Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Ang mga sumusunod ay ilang simulain sa panunuring pampanitikan:

1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at


marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan (Min. dmundo Libd, Dr. Anacleta
M. Encarnacio, at Dr. Venancio L. Mendiola.

2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas


ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.

3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan
ang wika at organisado ang paglalahad.

4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa,


mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng materya, malinaw ang balangkas na
kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay, may
naidagdag sa kasalukuyang kasalukuyan kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at
makinis ang pagkakasulat (Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline M. Antillo, at Prop Tomas O.
Ongoco).

5. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin. Ang
katangian ng makasining na tula ay ang sikad na damdamin at lawak ng pangitain nito
(Ruben Vega).

6. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan ng


makata. Sa halip, ang higit na kailangang pahalagahan at sukatin upang makagawa ng
makatarungang paghatol ay kung papaano ang pagkatula (Pedro L. Ricarte)

7. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan,


makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang
pampanitikan.

8. Ang susuriing akda ay kailangang napapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga


sangkap ng pagsulat.

2.4 Mga paraan sa Pagsusuri ng mga Akdang Pampanitikan


Sa pagsusuri, kinakailangan ang kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong nilalaman
ng akda paraan ng pagkakabuo nito at ang ginagamit ng awtor o estilo. Kinakailangan din
ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa
katha kaya mahalagangsiya’y maging matapat. Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa
isang akda upang ihatid ang kahalagahan nito ay pamumuna. Dalawa ang layunin ng
panitikan magbigay aliw at magbigay aral kaya mahalaga rin sa mga akda ang magkaroon
ng bias sa kaasalan.

2.5 Mapanuring Pagbabasa

Ang pagbabasa ay ang pagkilala sa mga simbolo at salitang nakalimbag. Ito rin ay

pagpapakahulugan ng mga mambabasa sa isang akda na naghahatid ng ideya o mensahe.


Paano nga ba masasabing mapanuri ang ating pagbabasa? Maingat, mabusisi sa
ebidensya, inaanalisa ang antas ng lohikalidad ng teksto at hind ibinatay sa haka-haka
lamang mapanuring pagbasa. Habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong
ginagawa ang mambabasa upang maging malinaw ang ipinapahayag ng akda.
Nagtatanong din siya sa sarili kaugnay ng teksto o mga pinahahayag nito.

Mahalaga ang mapanuring pagbasa sapagkat ito’y nagbibigay ng impormasyon,


nagpapalawak ng imahinasyon, nagbibigay-aliw at nagbibigay inspirasyon sa mga
mambabasa.

2.6 Bisang Pampanitikan

Tumutukoy sa kahalagahang pangkatauhan. May tatlong uri ng bisang pampanitikan ito ay


ang mga sumusunod:

1. Bisang Pangkaisipan – nagbubunsod sa mga mambabasa na mag-isip upang umunlad


ang diwa at kaisipan.

2. Bisang Pangkaasalan – nilikha upang magbigay-dunong magbigay-aral at humubog ng


katauhan.

3. Bisang Pandamdamin – tumutukoy sa naging epekto o pagbabagong naganap sa


damdamin ng mambabasa.
4. Bisang Panlipunan -

Last modified: Wednesday, 9 February 2022, 3:55 PM

You might also like