You are on page 1of 8

FILIPINO 3

PAGSUSURI AT PAGSUSULAT NG AKDANG PAMPANITIKAN (PRELIMINARY EXAM)

LESSON 1:

Introduksyon:
Kritika-​ ay ​walang pasubaling pagtatanong​ kung makatarungan ang mga umiiral na kasaysayan ng lipunan.

Ayon ay​ Hemmingway ​- Ang kritiko ay isang​ ​parasite​ sa katawan ng isang ​awtor​ dahil hinihimay ng isang kritiko ang
akda ng isang manunulat.
​Parasite o Parasito​- isang insektong sumisira sa ano mang klase ng bagay.

* mayaman ang Pilipinas sa iba't ibang uri ng panitikan mula sa mga sinaunang akda sa tradisyong pasalita hanggang sa
mga kathang nakasulat.

ILANG ORYENTASYONG KRITIKAL


​Makabuluhan​ ang ​ganitong pagbabalik-tanaw​ at pagtatatag ng konstektong historikal nang sa gayon ay ​mapalinaw ang
pagbuo ng mga oryentasyong kritikal ​na siyang gagamitin ng maraming henerasyon ng mga​ kritiko ​na siya namang
titingalain ng 'di mabilang na mga guro sa lahat ng antas ng paaralan.
- Napakayaman ng panitikang pilipino dahil patuloy pa natin itong pinag-aaralan.

Panitikan-​ ay isang ​salamin​, isang larawan,​ isang repleksyon o representasyon ng buhay,​ karanasan, lipunan, kasaysayan.
- Ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikan na nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi. Kabilang sa mga ito ay
ang alamat, kwentong bayan, awiting bayan, epiko at mga karunungang bayan (bugtong, salawikain, sawikain, palaisipan
at bulong.)
- Likas na malikhain at mapamaraan ang ating mga ninuno.

Kagamitan ng mga ninuno bilang sulatan:


1. Biyas ng kawayan
2. Talukap ng bunga
3. Dahon
4. Balat ng punong kahoy
Mga panulat ng mga ninuno:
1. Matutulis na kawayan
2. Kahoy
3. BatoBakal

- Matagumpay na naipamana ng ating mga ninuno ang makalumang panitikan sa pamamagitan ng ​pagsasalin-salin sa
bibig​. Ang ilan ay ​inukit​ sa mga ​kweba​, ​bato​ at mga ​punong kahoy.
Alibata- ​kauna-unahang abakadang pilipino.
- Sinasabing ang ​Alibata​ ay may hawig sa ​Malayo-polinesyo.
- Nang dumating ang mga kastila ay sinunog nila ang makalimang panitikan sa paniniwalang ​likha ito ng dyablo.
Naniniwala rin sila na ​magiging sagabal ito ​sa pagpapalaganap ng ​pananampalatayang katoliko ​sa buong kapuluan.
- Ang ​Alibata​ ay napalitan ng ​Alpabetong Romano ​nang nasakop na ng Kastila ang ating bansa.
- Tinangkilik ang ​pananampalatayang Katoliko
Doctrina Christiana- ​itinuro na nagsilbing sligan ng mga gawaing makarelihiyon.

Pinakaunang Aklat:
1. Doctrina Christiana
2. Nuestra Senora Del Rosario
3. Ang Barlaan at Josaphat
4. Ang Pasyon
5. Urbana at Felisa
Awiting Bayan sa iba’t ibang wikang Filipino:
1. Leron-Leron Sinta (Tagalog)
2. Pamulinawen (Iloko)
3. Dandansoy (Bisaya)
4. Sarong Banggi (Bikol)
5. Atin Cun Pung Singsing (Kapampangan)
Dulang Panlibangan:
1. Tibag
2. Lagaylay
3. Sinakulo
4. Panunuluyan
5. Karilyo
6. Moro-moro
7. Karagatan
8. Duplo
9. Juego de Prenda
10. Kurido
11. Awit
12. Saynete
13. Sarsuela
14. Mariones

- Nagtuturing sa ​panitikan​ bilang isang ​likhang-isip​ na ginagamitan ng ​magandang salita​ o mga talinghaga upang
ipamalas ang aliw-iw at galaw ng buhay​.
- Ang ​mahusay na panitikan​ ay ​mapagkukunan ng estetikong pananaw na​ nagtatanghal sa ​tula o dula ​bilang ​isang
sistema ng damdamin o impresyon ​na makatutulong sa mambabasa sa pagkakaroon ng ​malalim na pang-unawa​ sa pormal
na ​elemento ng sining.

LESSON 2:
PANITIKAN-​ panitikan - ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang unlaping ​pang- ​at hulaping​ -an ​sa ugat na titik. At ang
titik​ ay nangangahulugang ​"literatura"​.
-​ Nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang
pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
G. Abadilla- ​“Ang Panitikan ay Bungang-isip naisinatitik.”
G. Azarias- ​“Ang Panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa pamahalaan sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha”.

Sining- ​pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan.


- pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng isip, paggawa at higit sa lahat ng puso. Noong nilikha ang
sanlibutan, ang sining ay kaakibat na dahil ginawa ito sa masinig na pamamaraan. Sa taglay nitong kagandahan
marami ang humanga, kalimitan rito ang mga may damdaming makasining at nagpapahalaga sa sining.

PANUNURING PAMPANITIKAN
- Ito ay isang ​malalim na paghihimay​ sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng ​paglalapat​ ng iba’t ibang ​dulog​ ng
kritisismo​ para sa ​mabisang pag-unawa​ sa malikhaing manunulat at katha.
- ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay.
Dalawang sangay:
1. Pagdulog- ​Ang mga uri nito ay ​pormalistiko​ o​ pang-anyo. ​Ang pangalawa ay ang ​moralistiko​. Ang
pangatlo ay ang ​sikolohikal​ at ang huling uri ay ​sosyolohikal-panlipunan​.
2. Pananalig- ​Binubuo ito ng maraming uri. Ang mga uri nito ay ​klasisismo, romantisismo, realismo,
naturalismo, impresyunalismo, Ekspresyunalismo, simbolismo, eksistensiyalismo, at peminismo.

Bakit mahalaga ang panunuring pampanitikan?


- Mapahahalagahan lamang natin nang lubos ang isang akda kung tayo’y may kinalaman sa pagsusuri nito.

Critique (Panunuri)
-​ Naghahanap ng estruktura
-​ Naghahanap ng kung ano ang pwede
-​ Nagtatanong upang maliwanagan
-​ Nakalahad sa mabuti, matapat, at obhetibong tinig
-​ Positibo

Criticism (Kritisimo)
- ​Naghahanap ng mali
- ​Naghahanap ng kulang
- ​Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya maunawaan
- ​Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig
- ​Negatibo

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng isang Kritiko


- ​matapat sa sariling​ itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang sining.
- ​handang kilalanin ang sarili​ bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat,
mambabasa o ideolohiya.
- ​laging bukas ang pananaw sa mga pagbabago​ng nagaganap sa panitikan.
- ​iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko​ na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika,
kasaysayan, sikolohiya, atbp.
- ​matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon​ batay sa
sinusunod na alituntunin at batas.
- kailangan ng isang kritiko ang ​tigas ng damdaming naninindigan​ upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan
ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang pamimili ​(Alejandro
G. Abadilla).

ANG PANIMULANG PAGTALAKAY SA PANITIKAN


Panitikan-​ tumatalakay sa lipunan, pananampalataya, paraan ng pamumuhay, buhay maging ang mga gawi at kilos ng
mamayang naninirahan sa isang pamayanan.
- Ang panitikan ay ​binubuo ng mga titik​ na naglalarawan ng ​damdaming tao​ at ​karanasan ng isang manunulat.
- ​unlaping ​PANG,​ salitang-ugat ​TITIK,​ hulaping ​AN
pang+titik+an=pangtitikan ​(Ortograpiya)
- ​panitikan​ ang panumbas ng ​Pilipino,​ sa ​Literatura ​ng kastila at ​Literature​ ng Ingles.

Webster’s New Collegiate Dictionary-​ “Ang panitikan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang isinulat o
inilimbag sa isang tanging wika ng mga tao.”

G. Honorio Azarias-​ “Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig,
sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha”.

Arrogante, (1991)​- “Ang panitikan ay talaan ng buhay sapagkat dito nailalahad ng tao ang kaniyang kaisipan at
damdamin, nailalarawan ng tapat, tunay at totoo ng mga pangyayari na nagaganap sa panahon ng kaniyang pag-unlad
mula nang siya ay binhiin,sumilang, magmusmos, mamulat,magkaisip, matuto, gumulang at mamatay,napangatwiranan
ang kanyang mga karanasan at nabigyan ng katuturan ang kaniyang sariling kahalagahan ayon na rin sa sarili niyang
teorya at tradisyon ng lipunang kaniyang ginagalawan.”

KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
- ​sumasalamin sa pagiging marunong ng isang tao, taglay ang kaniyang pagiging makabayan.
- bawat bansa sa daigdig ay maihahalintulad sa isang batis na walang humpay ang pag-agos ng tubig. Matatapos lamang
ang mga ito kung ang mga nakalimbag na titik ay maglalaho sa daigdig at kung ang mga ito ay mawawalan ng kakayahan
sa pagpapahayag ng kaisipan, damdamin at karanasan.

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA NAKAIMPLUWENSYA SA DAIGDIG


malaking ​impluwensiyang pandaigdig ang panitikan​ sapagkat ito ay s​umasalamin sa karanasan, damdamin at uri ng
pamumuhay ng mga lahi​ kaya’t saklaw nito ang ​mahahalagang impluwensiya sa buhay, kaisipan at ugali na nakatutulong
upang maunawaan ang kalagayan at kaugnayan ng panitikan at kultura​ hindi lamang sa Pilipinas maging sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng panitikan, ​nagkakalapit​ ang mga​ damdamin at kaisipan ​ng mga mamamayan.
1. Bibliya o Banal na kasulatan​- Librong pinagbatayan ng mga kristiyanong pananampalataya.
2. Koran na nagmula sa Arabya-​ Ang tekstong pang relihiyon ng mga islam, paniniwala ng mga Muslim
na isang pagpapahayag mula sa Diyos.
3. Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos-​ Akdang nagbukas sa isipan ng mga
Amerikano sa pagkakaroon ng demokrasya sa pagitan ng mga itim at puti.
4. Iliad at Oddysey ni Homer ng Gresya- ​Pinagbatayan ng mga alamat at mitolohiya.
5. Divina Comedia ni Dante Alighieri ng Italya- ​Akdang isinulat niya na naglalarawan ng 7 estado ng
impyerno.
6. Canterbury tales ni Chaucer- ​Akdang naglahad ng kaugalian at pananampalataya ng mga Ingles.
7. Aklat ng mga araw ni Confucius- ​Ito naman ay tungkol sa kaugalian at pananampalataya ng mga Intsik.
8. Isang libo at Isang gabi- ​Naglalarawan sa pamumuhay ng mga tao sa Arabya at Persya noong unang
sibilisasyon.
9. El Cid Compeador-​ Akdang tumatalakay sa kasaysayan ni Espanya at nagpapakita ng katangiang
panlahi ng mga Kastila.
10. Awit ni Rolando-​ Isang epikong tula noong ginintuang panahon ng kristiyanismo sa Pransya, batay ito sa
mga labanan ng Roncevaux sa panahon ng panunungkulan ni Charles the Great.
11. Aklat ng mga Patay- ​Tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng mga mamamayan ng Ehipto.
12. Mahabharata- ​Kinikilala bilang pinakamahabang epiko ng India.’

LESSON 3
- bilang isang pilipino, tungkulin nating pag-aralan ang ating panitikan gayundin ang paggalang sa panitikan ng
karatig-bansa.
- Sinasalamin ng bawat akdang pampanitikan ang kultura, sining, agham at kasaysayan ng ating bansa. Sa pamamagitan
nito, higit pang napauunlad ang minanang yamang isip ng mga Pilipino sa kasalukuyan.

- Ang ​Islam​ ay ang relihiyon ng mga ​Muslim​ na ​ipinamana ​ng mga ​Arabe​ sa ating bansa. Ito ay ​isang uri​ ng
paniniwalang monoteismo​ na n​angangahulugang pagsuko sa kagustuhan ng Diyos na si Allah.
- ​Ang ​aral ng Islam​ ay nakapaloob sa ​“Limang Haligi ng Katotohanan” ​Isa dito ang ​shahada​ (​paniniwalang walang
ibang Diyos kundi si Allah at si Mohammed ang propeta ng Diyos​)

RETORIKAL NA PANG-UGNAY
- ​Ang ​pag-uugnay​ ng iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ay ​mahalaga​ upang ​makita ang paguugnayang
namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto.​ Sa Filipino, ang pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng
pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig.

1. PANG-ANGKOP- ​katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda


lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop ​‘na’​ at ​‘ng’
- Ang pang-angkop na ​‘na’​ ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa N.
Hindi ito isinusulat nag nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng
panaguri.
Hal. Mapagmahal ​na​ hari
- Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik N tinatanggal o kinakaltas ang N at pinapalitan ng
‘-ng’​.
Hal. Huwara​ng​ pinuno
-Ang pang-angkop na ​‘-ng’​ ay ginagamit kung ang ​unang salita​ ay ​nagtatapos sa pangatnig​.
Hal. mabuti​ng​ kapatid
2. ​PANG-UKOL-​ ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap. Narito ang mga kataga/pariralang malimit gamiting pang-ukol.
● PANGATNIG​ sa mga kataga/salita na naguugnay ng dalawang salita, parirala, o
Sugnay.
1. Pangatnig na pandagdag: ​Nagsasaad ng ​pagpuno​ o ​pagdagdag​ ng impormasyon.
2. Hal. at, pati
3. Pangatnig na pamukod: ​Nagsasaad ng ​pagbubuklod​ o ​paghihiwalay​.
Hal. o, ni, maging
​3. PAGBIBIGAY SANHI/BUNGA- ​Pag-uugnay ng mga lipon ng salitang ​nagbibigay katwiran​ o ​nagsasabi
ng kadahilanan​.
Hal. dahil sa, sapagkat, palibhasa
​4. PAGLALAHAD NG BUNGA O RESULTA- ​Nagsasaad ng ​kinalabasan​ o ​kinahatnan
Hal. Bunga, kaya
5. PAGBIBIGAY NG KONDISYON-​ Nagsasaad ng ​kondisyon​ o ​pasubali​.
Hal. kapag, pag, kung, basta
​ 6. ​ ​ PAGSASAAD NG KONTRAST O PAGSALUNGAT- ​Nagsasaad ng ​pagkontra​ o ​pagtutol
Hal. ngunit, subalit, sapagkat

MGA TEORYA/DULOG PAMPANITIKAN


TEORYA - ​Pormulasyon ng ​palilinawing mga simulain​ ng mga tiyak na ​kaisipan​ upang ​makalikha ng malinaw​ at
sistematikong paraan ng paglalarawan​ o ​pagpapaliwanag ukol dito​.

TEORYANG PAMPANITIKAN
​Isang ​sistema​ ng mga ​kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral ​na ​naglalarawan​ sa tungkulin ng ​panitikan, kabilang
ang layunin​ ng may akda sa pagsulat at layunin ng ​tekstong panitikan​ ng ating binabasa.

​ EALISMO
R
- Nagpapahayag ito ng ​pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.​ Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
karanasan​ at ​nasaksihan​ ng may akda sa lipunan sa ​makatotohanang pamamaraan.

IBA’T IBANG PANGKAT NG PAGSUSURI NG REALISMO SA PANITIKAN


Pinong Realismo- ​May ​pagtitimping​ ilahad ang ​kadalisayan ng bagay bagay​ ​ay ​iwinawaksi​ ang anumang
pagmamalabis at kahindikhindik.
​Sentimental na Realismo- ​Mas ​optimistiko​ at inilalagay ang​ pag-asa sa damdamin ​kaysa kaisipan sa​ p​aglutas ng pang
araw-araw sa suliranin.
​Sikolohikal Na Realismo-​ Inilalarawan ang​ ​internal na buhay​ o ​motibo ng tao sa pagkilos.
​ Kritikal na Realismo-​ Inilalarawan ang ​gawain ng isang lipunang burgi​s upang maipamalas ang mga aspetong may
kapangitan at panlulupig nito.
​Soyalistang Realismo-​ Ginagabayan ng ​teoryang Marxismo​ sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaring mabago
tungo sa pagtatayo ng mga ​lipunang pinamummunuan ng mga anak pawis​.
​Mahiwagang Realismo​- Pinagsanib na​ pantasya at katotohanan​ nang may kamalayan. Higit na mahalaga ang
katotohanan kaysa kagandahan.
​Mga halimbawa:
1. Ambo- ​Ito ay tumatalakay sa katiwalian na siyang nagpapahirap ng maraming mamamayan.
2. Bangkang Papel​- ang isyung tinatalakay sa kwento ay ang pagwasak ng pamilya dahil sa gera.
3. Mga Ibong Mandaragit- ​Ito ay tungkol sa paghahanap ng makatwirang pagbabago sa sistemang piyudal,
at pagnanais ng mga tao na lumaya mula sa mga makapangyarihang puwersang panlipunang patuloy na
nagpapahirap sa mga dukha.
4. Ang Dekada ‘70​ Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa
kalagitnan ng mga magulong dekada ng 1970.

LESSON 4: TEORYANG PAMPANITIKAN

TEORYANG ROMANTISISMO (Huling bahagi ng siglo 1800-pagpasok ng 1900)


Hal. ​Sugat ng kahapon • Si Pinkaw (Maikling Kuwentong • Titser ni Liwayway Arceo
Hiligaynon) Isabelo S. Sobrevega

• Ang tao at ang kanyang ​saloobin​ at ​damdamin​ ang ​pangunahing paks​a rito.
• May m​agkakaugnay na balangkas​ at may kagandahan ng anyo
• ​Nakawiwili​ at ​nagbibigay-kasiyahan​ sa mambabasa
• Nagpapahalaga sa ​katotohanan ng tula ​(poetic truth)
• May ​pagkamatimpi​ at ​hindi dapat lumabag​ sa batas ng kalikasan ​(pisikal, moral, sikolohikal)
• Ang ​teoryang romantisismo​ na nakabatay sa ​kasaysayan at paghanga​ sa kagandahan na nagpapakita ng
napakaraming pagbabago na naganap sa panitikan​.
• Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay sa mga ​paksang pag-ibig​, mga ​awit at korido ​na ang pinaka paksa ay
buhay ng mga prinsesa at prinsipe​. Tumatalakay rin ito sa mga ​katutubong buhay sa malalayong nayon​.
• karaniwang naglalarawan ng mga​ sitwasyong nagaganap sa pang-araw-araw sa buhay​. Inaasahang ang lahat ng
tauhan ay ​magiging huwaran, maharlika at pawang​ mabubuti ang inilalarawan.

DALAWANG URI ng ROMANTISISMO:


1. Romantisismong Tradisyunal- ​nagpapahalaga sa halagang pantao.
2. Romantisismong Rebolusyonaryo- ​pagkamakasariling karakter ng isang tauhan
PANANAW ROMANTISISMO
1. Nananalig sa Diyos, sa katwiran at kalikasan ang teoryang ito.
2. Inspirasyon ang pangunahing kasangkapan upang mabatid ang katotohanan, ang kabutihan at ang
kagandahan.
MGA HALIMBAWA:
• “Pagtatapat” ni Lope K. Santos
• “Pakikidigma” ni Huseng Sisiw
• “Ang Ulap” ni Idlefonso Santos

TEORYANG KLASISMO
Hal. •“Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ni Dr. Jose Rizal
•“Tatlong panahon ng tulang Tagalog “ ni Julian Cruz Balmaceda
- Ang isang akda ay ​may bias​ sa ​pagpapayabong ng kaisipan ng tao
- ​Matatag​ ang paniniwala sa ​ideyalismo
- Kinikilala anng ​katwiran, kadakilan at kaganapan​ ng mga bagay
- Ang klasisis mo o klasismo ay isa sa teoryang pampanitikan ay ​nagmula sa Gresya​, sinasabi rito na k
​ aisipan muna
kaysa sa damdamin.
- Mas higit na ​pinapahalagahan​ ang ​kaisipian​ ​kaysa​ sa ​damdamin
- Ipinahahayag ng klasismo na ang i​sang akda ay hindi naluluma o nalalaos​, sa kabilang dako ay nangyayari o
nagaganap pa rin sa kasalukuyan.

Layunin ng Klasisismo
- ​Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga ​pangyayaring payak​, ukol sa ​pagkakaiba ng estado sa buhay​ ng
dalawang nag-iibigan​, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at ​piling-pili sa paggamit ng mga salita at
laging nagtatapos nang may kaayusan.
✓ Nakasentro sa mga dulang ​itinatanghal Komedya​ at ​Trahedya​; bilang dalawang pinakatanyag na uri ng dula.

Gintong Panahon (80 B.C) - ​nakilala ang ​panulaan​ bilang ​pinakamahalagang genre sa pagsulat at pagsusuri ​(epiko,
satiriko, tulang liriko at pastoral)
Panahon ng Pilak - ​Paglaganap ng ​prosa​ at ​bagong komedya​. (Talambuhay, liham-gramatika, pamumuna at panunuring
pampanitikan.)
✓Pinapahalagahan ng mga klasista ang pagsasabuhay ng isang dakilang kaisipan sa isang dakilang katawan
✓Matipid sa paggamit ng wika ang mga klasisista “ Hindi angkop ang mga salitang balbal, hindi rin angkop ang labis
na emosyon

Katangian ng Akdang Klasiko


- Pagkamalinaw - Pagkamatimpi - May hangganan
- Pagkamarangal - Pagkaobhebtibo
- Pagkapayak - Pagkakasunod-sunod
LESSON 4.5
TEORYANG HUMANISMO
• ​Renacimiento​ o ​Muling Pagsilang​ sa ​Italya​.
• ang ​humuhubog​ at ​lumilinang​ sa tao.
• ​Tao​ bilang ​sukatan ng lahat ng bagay​ kung kaya’t mahalagang ​maipagkaloob​ sa kanya ang ​kalayaan sa
pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya.
• ​Nakasulat​ ang ​panitikan​ ng mga ​humanista​ sa ​wikang angkop sa akdang susulatin​.
• ​Magkakaugnay​ at ​nagkakaisang balangkas,​ may buong kaisipan, nakaaliw at pagpapahalaga sa katotohanan.

LAYUNIN
• Ang layunin ng panitikan ay ​ipakita na ang tao ang sentro ng mundo​ ay ​binibigyang-tuon​ ang ​kalakasan​ at
mabubuting katangian​ ng tao gaya ng talino, talento atbp.
• Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na ​sibilisado​ ang mga taong nakatuntong ng pag-aaral na ​kumikilala sa
kultura.
Halimbawa:
• Paalam sa aking Pagkabata ni Nazareno D. Bas
• Titser ni Liwayway Arceo

TEORYANG HISTORIKAL
• Kumikilala sa gampanin ng​ isang institusyon​, may ​malaking papel na ginagampanan​ ang ​institusyon​ sa
pagbubukas ng daan​ sa uri ng panitikang dapat sulatin ng may akda.
• ang ​wika​ at ​panitikan​ ay ​hindi maaaring paghiwalayin.
• Panuntunan sa paggamit ng Teoryang Historikal:
“Ang akdang susuriin ay ​dapat na maging epekto ng kasaysayan ​na ​maipaliliwanag​ sa pamamagitan ng
pagbabalik-alaala sa panahong kinasangkutan ng pag-aaral.​”

LAYUNIN
• Ang layunin ng panitikan ay ​ipakita ang karanasan​ ng isang ​lipi ng tao​ na siyang ​masasalamin​ sa kasaysayan at
bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang ​kasaysayan​ ay ​bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Halimbawa​:
• ‘Noli Me Tangere’ at ‘El Filibusterismo’ ni Dr. Jose P. Rizal
• ‘Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog’ ni Julian Cruz Balmaceda

You might also like