You are on page 1of 9

PANITIKAN

Kabanata 1: Panimulang Pag-aaral ng Panitikan

Ano ang Panitikan?

“Ang tunay na kahulugan daw ng panitikan ay yaong pagpapahayag ng damdamin, panaginip, at


karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan, at masining na pahayag.”

“Ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao
bilang ganti niya sa reaksyon sa kanyang pang araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at
lumigaya sa kaniyang kapaligiran at gayun din sa kaniyang pagsusumikap na Makita ang Maykapal.” -
Panitikang Filipino, Atienza, Ramos, Salazar.

“Ang panitikan ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran,


sa kapwa, at Dakilang Lumikha.” -Bro. Azarias

“Anumang bagay raw na naisasatitik, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao, maging
ito’y totoo, kathang-isip, o bungang tulog lamang ay maaring tawaging panitikan.” -Webster

“Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin,
damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, at gunigui g mg mamamayan na nasusulat at binabanggit sa
maganda, makulay, makahulugan, matalinhaga, at masining na mga pahayag.” -Maria Ramos

Ang Panitikan at Ang Kasaysayan

Ang kasaysayan ay naisatitik at tunay na nangyari kaya’t ito’y makatotohanang panitikan.


Samakatuwid, bahagi ng panitikan ang kasaysayan.

Ngunit, mayroon ding pagkakaiba ang panitikan at kasaysayan:

PANITIKAN

Maaaring likhang isip o bungang isip lamang o mga pangyayaring hubad sa katotohanan na naisatala.

KASAYSAYAN

Pawang mga pangyayaring tunay na naganap-may pinangyarihan, may sanhi ng pangyayari, at may
panahon.

Mga Paraan ng Pagpapahayag1

Pagsasalaysay – uri ng pagpapahayag na nagsasaad ng karanasan.

Halimbawa: “Isang Karanasang Hindi Ko Makakalimutan”

Paglalahad – isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto. Nagmumungkahi rin ito
ng paraan ng paggawa ng isang bagay. Tumatalakay rin ito sa suliranin, nagbibigay dahilan, at
nagpapayo ng mga kalutasan.

Halimbawa: “Ano Ang Panitikan?”

Paglalarawan – isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o lunan. Ang mga detalye ng
katangian, o kapintasan ng tao o bagay na namamalas ay nababanggit dito.

Halimbawa: “Maynila…Kulay Anyo ng Lahi”

Pangangatwiran – naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig saopinion ng


nagsasalita o sa sumulat ang paraang ito.

Bakit Dapat Mag-aral ng Panitikan?

 Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos ang ating minanang yaman ng
isip at angking talino ng ating pinanggalingang lahi.
 Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo’y may dakila at marangal na
tradisyong siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating
bansa.
 Upang matanto natin na ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay
na ito’y matuwid at mabago.
 Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito’y malinang
at mapaunlad.
 Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas
ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan

 Ang klima – ang init o lamig ng panahon, ang bagyo, unos, baha, at ulan ay malaki ang
nagagawa sa kaisipan at damdamin ng manunulat. Ang hanap-buhay o gawaing pangaraw-
araw ng tao.2
 Ang pook o tinitirhan – malaki ang nagagawa nito sa isipan at damdamin ng tao. Kung ang
pook na tinitirhan ng mga tao ay may magagandang tanawin, mahalaman, maaliwalas, sagana
sa kabukiran, madagat, mabundok, ang mga ito’y mababakas sa panitikan ng ating lahi.
 Lipunan at Pulitika – nasasalamin sa panitikan ng isang lahi ang sistema ng pamahalaan, ang
ideolohiya at ugaling panlipunan, at gayundin ang kultura ng mga tao.
 Edukasyon at Pananampalataya – Kung busog ang isipan, dala ng malawak na edukasyong
natutuhan, ang mga ito’y mababakas sa panitikan ng ating lahi.

Pampilipit ng dila na mga bigkasin

 Kabilugan ng Buwan o Buwan ng Kabilugan


 Ang balay ni Belay ay lebat
 Siomay, Siopao, Suman, Sopaso
 Isinayaw ng isinayaw ng mananayaw ang sayaw na isinasayaw ng mga mananayaw.

Ang Impluwensya ng Panitikan (sa buhay, kaisipan, at ugali ng tao)

 Ang panitikan ay nagpapaliwanag ng kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing


pinanggalingan ng akda.
 Dahil sa panitikan, nagkakalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan. Nagkakahiraman
sila ng ugali at palakad at nagkakatulungan.

□ Bibliya- Palestino at Gresya

□ Koran- Muslim

□ Iliad at Odyssey- Gresya

□ Uncle Tom’s Cabin- Estados Unidos

□ Divina Comedia-Italya

□ Mahabharata-Indiya

□ Canterbury Tales- Inglatera

□ El Cid Compeador- Espanya

□ Awit ni Rolando- Pransya

□ Aklat ng mga Patay- Ehipto

2□ Aklat ng mga Araw- Tsina

□ Isang Libo’t isang Gabi- Arabia at Persiya

Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:

Banal na Kasulatan o Bibliya (Palestino at Gresya ang naging batayan ng Kakristiyanuhan.

Koran – ang pinakabibliya ng mga Muslim na nagmula sa Arabia.

Ang Iliad at Odyssey - ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Ang akda nito ay
si Homer.
Uncle Tom’s Cabin (akda ni Harriet Beecher Stowe, Estado Unidos) - nagbukas ng kaisipan ng mga
Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at pinagsimulan ng pandaigdig na paglaganap ng
demokrasya.

Ang Divina Comedia - akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag-uugali ng
mga Italyano ng panahon na iyon.

Ang Mahabharata - ang ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa daigdig. (Naglalaman ito ng

kasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.)

Canterbury Tales - naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang
panahon. Galing ito sa Inglatera at sinulatni Chaucer.

Ang El Cid Compeador - nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng Kastila at ng kanilang


kasaysayang pambansa.

Ang Awit ni Rolando - kinapapalooban ito ng Doce Pares at Ronces valles ng Pransya. Nagsasalaysay
ng gintong ng Kakristiyanuhan sa Pransya.

Ang Aklat ng mga Patay - naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng
Ehipto.

Ang Aklat ng mga Araw - akda ito ni Confucio ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang
pananampalataya.

Isang Libo’t Isang Gabi - mula ito sa Arabia at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan,
pangkabuhayan, at panlipunan ng mga Arabo at Persyano.

Pangkalahatang Uri ng Panitikan (akdang Tuluyan at Patula)3

AKDANG TULUYAN

-yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap.

Nobela

-isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga
pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon. Ginagalawan ito ng maraming tauhan.

Halimbawa: “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos

Uri ng Nobela

1. Nobela ng Tauhan- pangangailangan, kalagayan at hangarin ng mga tauhan.


2. Nobelang Makabanghay- pagbabalangkas ng pangyayari ay siyang ikinawiwili ng mga
mambabasa sa uring ito.
3. Nobela ng Kasaysayan-binibigyan ng diin ang kasaysayan ng bayan o isang pook.
4. Nobela ng Romansa- ang layunin at mga simulaing lubhang mahalaga sa buhay ng tao at ng
lipunan ang binibigyang diin.

Maikling Kwento

– ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sa kakintalan.

Halimbawa: “Pagbabalik” ni Genoveva E. Matute

Uri ng Maikling kwento

1. Salaysay- timbang na timbang ang bawat bahagi, hindi nagmamalabis bagama’t


masaklaw,maluwag ang pagsasalaysay at hindi apurahan.
2. Kuwento ng Kababalaghan- bagay na katakataka at salungat sa wastong bait at kaisipan.
Kathang-isip lamang ng may-akda.
3. Kuwento ng Katutubong kulay- inilalarawan ang mga tao sa isang pook, ang kanilang
pamumuhay, mga gawi, mga kaugalian at mga paniniwala.
4. Kuwento ng Katatawanan- may kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga
pangyayari.
5. Kuwento ng Katauhan- tauhan o mga tauhan ang binibigyan ng diin.
6. Kuwento ng Katatakutan- ang damdamin ng katauhan ang binibigyan-diin at mahalaga ang bisa
at kaisahan ng kwento.
7. Pakikipagsapalaran- ito ay pagsubaybay sa mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
8. Madulang Pangyayari- ang pangyayari ay lubhang mahalaga at nagbubunga ng isang bigla at
kakaibang pagbabago
9. Kuwento ng Talino- pagkakabuo ng balangkas sa halip na ang mga tauhang gumaganap.
10. Kuwento ng Sikolohiya- inilalarawan ang tauhan sa isipan ng mambabasa.

Dula

-itinatanghal sa ibabaw ng entablado tanghalan. Nahahati ito sa ilang yugto, na ang bawat yugto ay
maraming tagpo.

Halimbawa: “Kahapon, Ngayon, at Bukas” ni Aurelio Tolentino

4Sanaysay

-ito’y pagpapahayag ng kuru-kuro o opinion ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. Ang
pinakamahusay na halimbawa nito’y ang bahagi ng Editoryal ng isang pahayagan.

Uri ng Sanaysay

1. Maanyo o Pormal- maingat na pagpili ng salita, maayos at mabisang paglalahad ng kaisipan.


2. Malaya o di-pormal- higit na madali at magaang sulatin sapagkat simple, kadalasang natural
ang paglalahad ng mga kaisipan.

Talambuhay

-ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito’y pang-iba o pansarili.

Uri ng Talambuhay

1. Pansarili- ang may-akda ang sumulat ng kanyang sariling talambuhay.


2. Paiba- ang talambuhay ay isinulat ng ibang tao.

Alamat

-ito’y mga salaysaying hubad sa katotohanan. Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa
nito.

Halimbawa: “Ang Alamat ng Pinya”

Ang Pabula

-mga salaysayin din itong hubad sa katotohanan ngunit ang layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata sa
mga 4pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali at pagkilos. Natutungkol sa mga hayop ang
kuwentong ito.

Halimbawa: “Ang Pagong at Ang Unggoy”

Anekdota

-mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin
ay makapag-bigay aral sa mga mambabasa. Maaaring ito’y isang kwento ng mga hayop o mga bata.

Halimbawa: “Ang Gamu-gamo at Ang Munting Ilawan”

Balita

-ito’y isang paglalahad ng mga pang araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya
at agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.

Talumpati

-ito’y isang pagpapahayag na sa harap ng mga taga pakinig. Ang layunin nito ay humikayat, magbigay
ng impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag, at magbigay ng opinion o paniniwala.
Parabula

-ito’y mga salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota. Ang layunin nito’y makapagbigay-aral sa
mga mambabasa o nakikinig.

Halimbawa: “Ang Matandang Mayaman at Si Lazaro”

MGA AKDANG PATULA

-yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtod, at saknong.

Tula

-Ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng pantig, at paghahanap ng


magkakatugmang mga salita upang maipadama and isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng
isang manunulat. Ang isang tula ay maaaring may tatlong interpretasyon o pakahulugan: yaong sa
manunulat, sa guro at mag aaral.

1. Tulang Pasalaysay

-naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay; halimbawa’y ang kabiguan sa pag-
ibig, ang mga suliranin at panganib sa pakikidigma, o kagitingan ng mga bayani.

Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:

5Epiko

-nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga


kababalaghan. Ito’y nagbubunyi ng isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban sa mga
panganib at kagipitan.

Halimbawa: “Ang Indarapatra at Sulayman”

Awit at Korido

-ang mga ito’y may paksang hango sa pangyayari tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at
ang mga tauhan ay mga hari at reyna, prinsesa’t prinsipe. Ang dalawang ito’y nagkakaisa sa kaharian.

Ang awit ay may sukat na labindalawang (12) pantig at inaawit ng mabagal sa saliw ng gitara o
bandurya, Ang korido’y may sukat na walong (8) pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa.

Halimbawa ng Awit: “Doce at Pares sa Kaharian ng Francia” at “Florante at Laura” ni Francisco


Balagtas

5Balad

-ito’y may himig na awit dahilang ito ay inaawit, habang may nagsasayaw. Ito ay nilikha noong unang
panahon. Sa kasalukuyan ay napapasama ito sa tulang kasaysayan na may anim hanggang walong
pantig.

2. Tulang Liriko

-Ito ay nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng
maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata na batay sa isang karanasan. Karaniwang maikli,
likas, at madaling maunawaan ang mga ito.

Mga Uri ng Tula ng Damdamin o Tulang Liriko

Awit

-ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba,
kaligayahan, pagasa, at kalungkutan.

Soneto
-ito’y tulang may labing apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng
likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa.

Halimbawa: “Soneto ng Buhay” ni Fernando B. Monleon6

Elehiya

-nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayn o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa


paggunita ng isang yumao.

Halimbawa: “Awit Sa Isang Bangkay”

Dalit

-awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.

Pastoral

-ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.

Halimbawa: “Bayani ng Bukid”

Oda

-nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng
pantigo tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.

Halimbawa: “Tumangis Si Raquel”

3. Tulang Dula o Pantanghalan

Saklaw ng uring ito ang mga sumusunod:

Komedya

-isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang
kawilihan ng manonood. Nagwawakas ito ng masaya.

Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpapasiya


ng damdamin ng manonood.

Melodrama

-karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang opera.

Ngunit ngayon ito ay may ugnayan sa trahedya katulad ng parsa sa komedya.

Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit nagiging kasiya-siya ang katapusan para sa
pangunahing tauhan ng dula.

Trahedya

-angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng
pangunahing tauhan.

Parsa

-isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga
pangyayaring nakakatawa.

Saynete

-ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook.

4. Tulang Patnigan

Karagatan
-ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong
mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya na
sisirin ang singsing sa dagat at ang makakakuha’y pakakasalan niya. Sa larong ito, isang kunwa’y
matanda ang tutula hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo o tabo na may
tandang puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang tatanungin ng dalaga ng
mga talinhaga.

Duplo

-ito ang humalili sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husaysa pagbigkas at pangangatwiran ng patula. Ang
mga pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga sawikain, at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro
upang aliwin ang mga namatayan.

Balagtasan

– ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siesne ng Panginay na si Francisco “Balagtas”
Baltazar. Ito’y tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang
pinagtatalunan.

Kahulugang Saklaw ng Panitikang Filipino

Ang kasaysayang pinagdaanan ng Panitikang Filipino mula sa panahon bago dumating ang mga Kastila
hanggang sa kasalukuyan.

Ang mga akdang sinulat sa wikang banyaga ng mga Pilipino at dayuhang manunulat subalit ang
nilalaman ay tungkol sa mga saloobin, damdamin, at kalinangang Pilipino.

Mga akdang sinulat ng ating mga dakilang manunulat na Pilipino bagamat ang mga paksain ay sa
dayuhan.

Higit sa lahat, saklaw ng Panitikang Filipino ang mga akdang sinulat ng mga manunulat na Pilipino at
ang mga paksa’y nahihinggil sa lahi’t kalinangang Pilipino.7

Sulyap sa Katutubong Panitikan

Pangkat ng mga taong dumating sa Pilipinas

□ Ita o Negrito

□ Indonesyo

□ Malay

□ Intsik

□ Bumbay

□ Arabe at Persiyano

KARUNUNGANG BAYAN

1. Salawikain- mga butil ng karunungan hango sa karanasan ng matatanda, kagandahang asal sa


paraang patalinhaga.

Halimbawa:

Habang maigsi ang kumot, magtiis kang mamaluktot

Ang hipong nakakatulog ay tinatangay ng agos

Ang pag-ibig sa kaaway ang tunay na katapangan.

Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi

makararating sa paroroonan.

Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.


Bago pansinin ang uling ng iba ang sarilig uling ay pahirin muna.muna.

2. Bugtong- pinahuhulaan, nangangailangan ng mabilisang pag-iisip.

Halimbawa:

Dalawang kaibigan, unahan nang unahan.

Nagbibigay na’y sinasakal pa.

Kulay rosas ang pulseras ng reyna,

pumuputok walang bala

May paa’y hindi makalakad, may pakpak, hindi makalipad

Nang umalis ay lumilipad, nang dumating ay umuusad.

Pinilipit ang walang sala, tumulo ang maraming luha

Hinalo ang nilugaw, tumakbo ang tinapa

Sa araw ay parang poste, sa gabi’y parang pagi

3. Palaisipan- nakahahasa ng isipan ng tao.

Halimbawa:

Sa isang tulay ay may dalawang bantay magkabilang dulo’y mahigpit na tinatanuran dapat magbayad
ang sinumang daraan si Lando’y walang pera sa lukbutan paanong kanyang ginawa at siya’y nakaraan?

4. Kasabihan o Kawikaan- pamumuna sa kilos o gawi ng ibang tao.

Halimbawa:

Ang lahat ng gubat tirahan ng ahas.

Kung ano ang bukambibig, siyang laman ng dibdib.

Utos na sa pusa, utos pa sa daga.

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.

Ubos-ubos biyaya pagkatapos nakatunganga.

5. Kantahing Bayan

a. Soliranin- awit pagsagwan


b. Talindaw- awit pamamangka
c. Diona- awit pagpapakasal
d. Oyayi- awit pagpapatulog ng bata
e. Dalit- awit pangsimbahan
f. Kumintang- awit pakikidigma
g. Sambotani- awit sa tagumpay
h. kundiman- awit ng pag-ibig 8
86. Alamat- pinagmulan ng bagay o pook.

Tagalog- Si Malakas at Si Maganda

Pampanga- Bakit Maliwanag ang

Araw Kaysa Buwan?

Ilocos- Bakit Maalat ang Dagat?

Kalinga- Ang Alamat ng Niyog


Bicol- Alamat ng Bulkang Mayon

Bisaya- Alamat ng Bundok Kanlaon

Bisaya- Pinagmulan ng Araw at GabiMindanao- Pinagmulan ng Sansinukob

7. Kwentong-bayan- kwentong nagpasalin-salin.9

Tagalog- Si Juan at ang mga Alimango

Bisaya- Ang Batik sa Buwan

Maranao- Naging Sultan si Pilandok

Ilocos- Ang Diwata ng Karagatan

EPIKO

Ilocos - Biag ni Lam-ang (Pedro Bukaneg)

Tagalog - Kumintang

Iloilo - Labaw Donggon

Muslim - Darangan, Indarapatra at Sulayman, Bidasari

Manobo - Tulalang9

You might also like