You are on page 1of 7

PAGSASALIN

PANITIKAN: PANIMULA
PSY 181

Ipinasa nina: Ipinasa kay:

Lider: Cabuen, Athena Mae Ginoong Miguel Acoba

Mga Miyembro: Abao, Sophia

Gudgad, Elaine Mara

Jalimbawa, Ericka Mae

Ygot, Maricar
PANIMULA

Ano ang Tunay na Panitikan?

Ang tunay na panitikan ay nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, panaginip at karanasan


ng sangkatauhang nasususlat sa maganda, makahulugan at masining o malikhaing pahayag at
pamamaraan.

Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan

1. Klima – malaki ang nagagawa ng init o lamig, bagyo o unos, baha at ulan sa isipan at
damdamin ng tao.
2. Hanapbuhay o tungkulin ng mga tao – ang mga salita at pahayag sa panitikan ay kaugnay
ng hanapbuhay ng mga mamamayan.
3. Pook o kinatitirikan – ang hiyograpiya ay malaki ang nagagawang impluwensiya sa
isipan at damdamin ng tao
4. Lipunan at pulitika – ang sistema ng pamahalaan ang idelohiya at ugaling panlipunan
gayon din ang kultura ng mga tao ay nasasalamin sa panitikan ng bansa.
5. Edukasyon at pananampalataya – ang saklaw at laman ng panitikan ay naayos sa
edukasyon at pananamapalataya ng mga mamamayan. Kung busog ang isipan, dala ng
malawak na edukasyong natutuhan, ang mga ito’y mababakas sa panitikan ng lahi. Gayon
din naman ang pananampalataya. Ito’y laging pinapaksa ng mga kilalang makata at
manunulat.

Ang impluwensya ng panitikan

Ang panitikan ay may dalang mahahalagang impluwensiya sa buhay, kaisipan at ugali ng tao
at ito’y may dalawang kalagayan:

1. Ito’y nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing


pinanggalingan ng panitikan.
2. Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga damdamin at
kaisipan, nagkakaunawaan a nakakatulungan.

Mga Akdang Pampanitikan na Nagdala ng Malaking Impluwensiya sa Daigdig:

1. Banal na Kasulatan na siyang naging batayan ng pananampalatayang Kristiyano.


2. Koran ng Arabia na siyang Bibliya ng mga Muslim.
3. Iliad at Odyssey ni Homer ng Gresya na siyang kinatutuhan ng mga mitolohiya at mga
alamat.
4. Maha-Bharatas ng Indiya na siyang kasaysayan ng kanilang pananampalataya.
5. Divina Comedia ni Dante ng Italya na nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at
pag-uugaling Italyano ng panahong yaon.
6. Aklat ng mga Araw ni Confucious ng Tsinan a siyang naging batayan ng kalinangan at
pananampalatayang Intsik.
7. Aklat ng mga Patay ng Ehipto na kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiya ng mga
taga-Ehipto.
8. Counterbury Tales ni Chaucer ng Inglaterra na naglalarawan ng mga ugaling Ingles at
ng kanilang pananampalataya.
9. El Cid Campeador ng Espanya na nagpapahayag ng kanilang mga alamat, pag-uugali at
kasaysayan.
10. Uncle Tom’s Cabin si Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos na nagbukas ng mata
ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng paglaganap ng
demokrasya sa daigdig.

Ang Kasaysayan ng Panitikang Filipino

 Bago dumating ang mga Kastila at Emperyo Madjapahit


- Ang lahat ng mga nasulat o naipahayag sa iba’t ibang wikaing Filipino tungkol sa
kanilang karanasan, isipan, damdamin at tradisyong pasalita ay siyang masasabing
panitikang Filipino.
- Ang mga kalapit na bansa ng Pilipinas katulad ng Indonesya, Indiya, Malaysia,
Arabia at Cambodiya ay nag-ambag ng panitikan sa Pilipinas gaya ng epiko, alamat,
kwentong-bayan at iba pang uri ng dula.
 Panahon ng Kastila
- Pinalaganap ang tradisyong Europeo na napapaloob sa comedia, corridor,
awit,cenakulo, passion at zarzuela.
 Panahon ng Propaganda
- Ang mga Pilipino ay nagsisulat ng mga nobela, sanaysay, tula at mga artikulo sa
pahayagang Kastila, Tagalog at ibang wikain sa Pilipinas.
- Ang paksa ng kanilang panitikan ay tungkol sa pagbabago, paglantad ng katiwalian at
paghingi ng katarungan ng mga Pilipino, na kung saan, ito ang nagbukas ng kaisipan
at nagbunsod ng pagkakaisa ng mga Pilipino na nagwakas ng himagsikan.
 Panahon ng Himagsikan
- Naging maapoy, mapagtuligsa at mapaghamon ang panitikan. Ang paksa ng panitikan
ay tungkol sa pag-ibig sa bayan, panhahangad ng kalayaan at pagtuligsa sa mga
Amerikano.
 Panahon ng Amerikano
- Tinuruan at sinanay ang mga Pilipino sa ideya at edukasyong demokratiko
- Nagsimula ang pag-unlad ng panitikang Filipino sa Ingles.
 Panahon ng Hapones
- Ipinasara ang mga palimbagan at nagkaroon ng mahigpit na pagmamatayag sa mga
pahayagan at magasin.
- May sensura ang mga panitikan.
 Pagbagsak ng mga Hapones
- Nagbalik ang sigla ng malayang pagsulat.
- Nagkaroon ng iba’t- ibang samahan at patimpalak sa pagsulat ang mga manunulat.
 Ang mga pamantasan ay nagkaroon ng mga kurso sa pagsulat. Marami ang nakapag-arl
sa kursong ito at ginamit ang kaalaman noong panahon ng aktibismo.
 Unti- unting nakabubuo ng tunay pambansang panitikang.

Mga Layunin sa Pag-aaral ng Panitikang Filipino

1. Upang matanto natin ang kalinangang Pilipino, ang henyo ng ating lahi at ang mga
minanang yaman ng kaisipan.
2. Upang alaming tayo’y may marangal na tradisyong katulad ng sa ibang lahi.
3. Upang matalos ang mga kapintasan at kakulangan n gating panitikan at mapag-aralang
ito’y maituwid.
4. Upang makilala ang ating mga kahusayang sa panitikan at ang mga ito’y lalong
mapaningning at mapayaman.
5. Sapagkat tayo’y mga Pilipino, kailangang tayo’y magmalasakit at tumangkilik sa sariling
atin.

Pangkalahatang Uri ng Panitikan

Dalawang Anyo ng Panitikan

A. Tuluyan – mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusa.


B. Patula – ang mga pahayag ay may sukat o bilang ng mga pantig, tugma at aliw-iw. Ang
buong tula ay nahahati sa taludturan. Ang bawat taludturan ay binubuo ng mga taludtod o
linia ng tula.

Ang mga Akdang Tuluyan

A. Nobela o Kathambuhay – ang nobela’y isang mahabang salaysay na nahahati sa mga


kabanata. Ang mga pangyayari rito’y hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao,
sumasakop ng mahabang panahon at ginagawan ng maraming tauhan.

Ang mga Uri ng Nobela

1. Nobela ng Pangyayari – ang diin ng pagkasulat ay nasa mga pangyayari sa nobela.


2. Nobela ng Tauhan – binibigyan ng diin ang katauhan ng pangunang tauhan, ang mga
hanarin at mga pangangailangan ng mga tauhan ang binibigyang pansin.
3. Nobela ng Romansa – ito ay tungkol sa pag-iibigan o romansa.
4. Nobela ng Pagbabago – binibigyang diin ay ang mga layunin ng mga akla o kanyang mga
hinahangad na pagbabago sa lipunan at sa pamahalaan.
5. Nobela ng Kasaysayan – nagsasalaysay ng mga pangyayaring kaugnay ng kasaysayan ng
bayan. Inilalarawan dito ang mga bayaning nag-ambag ng kanilang pagtatanggol at pag-
ibig sa bayan.

B. Maikling Kuwento – isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang-


araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at isang kakintalan.
1. Kuwento ng Katutubong Kulay – binibigyan ng diin ang kapaligiran at mga pananamit ng
mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
2. Kuwento ng Madulang Pangyayari – binibigyan ng pansin at diin ay mga mahahalaga,
kasindak-sindak at mga pambihirang pangyayaring nakapagbabago sa mga tauhan.
3. Kuwento ng Pakikipagsapalaran – nasa balangkas ng pangyayari at wala sa tauhan ang
kawilihan o interes sa kuwentong ito.
4. Kuwento ng Kababalaghan – mga di kanpanipaniwalang mga pangyayari bukod pa sa
mga katatakutan ang siyang diin ng kuwentong ito.
5. Kuwento ng Tauhan – ang interes at diin ay nasa pangunahing tauhan.
6. Kuwento ng Sikolohiko – bihira ang sumusulat ng ganitong uri ng kuwento sapagkat may
kahirapang ilarawan ang pag-iisip ng isang tao. Ang kailangan ng kuwetong ito’y
maipadama sa mga bumabasa ang damidamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.
7. Kuwento ng Katatakutan – ang diin ng kuwentong ito ay nasa mga nakasisindak na mga
pangyayari na nakapagpapatinag ng damdamin at kilos ng mga bumabasa.
8. Kuwento ng Katatawanan – ang layunin ng kuwentong ito ay mapatawa at bigyan ng aliw
ang mga bumabasa.

C. Dula – isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Ito’y nahahati
sa ilang yugto at ang bawat yugto ay maraming tagpo. Karaniwan ang mga dula’y
tatluhing yugto. Ang tagpo naman ay ang paglalabas-masok sa tanghalan ng bawat
tauhan.

Mga Uri ng Dula


1. Komedya – nagtatapos sa tagumpay ng pangunang tauhan. Masaya at kawiliwili sa
mga nanunuod.
2. Trahedya – nagtatapos sa kamatayan o kalungkutan ng pangunang tauhan. Ito’y
kinapapalooban ng mga mahihigpit na tunggalian. Ang mga tauhan ay mapupusok at
may maaapoy na damdamin.
3. Melodrama – may malulungkot na pangyayari na halos ang mga pangunang tauhan ay
mabingit sa kamatayan ngunit sa bandang huli’y magtatagumpay din sila at
magwawakas sa kaligayahan.
4. Parsa – may layunin na magpatawa at libangin ang mga nanonood. Ang mga
sitwasyon at katawatawa, maging ang mga kilos at pananalita ng mga tauhan.
5. Saynete – ang pinakalayunin ay magpatawa ngunit ang mga pangyayari ay karaniwan
lamang. Ang mga gumaganap ay tau-tauhan at nasa likod ng telon ang mga taong
nagsasalita. Ito’y mayroon ding awitan.

D. Alamat – isang uri ng tuluyang ang mga pangyayari ay likhang isip lamang at hindi totoo
sa tunay na buhay. Karaniwan na ang mga paksa’y nagsasalaysay ng pinagmulan ng
isang bagay. Kalagayan, pook at katawagan.

E. Pabula – kuwentong mga hayop at ng mga bata. Ito’y laging may aral na napupulot. Ang
mga pabula’y likhang isip lamang ng mga manunulat at walang katotohanan sa tunay na
buhay. Ang layunin nito’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring
makahuhubog ng kanilang ugali, kilos at isipan.

F. Sanaysay – pagpapahayag ng kurukuro o opinion ng mga akda tungkol sa isang suliranin


o pangyayari. Ito’y isang paglalahad at may dalawang uri:
1. Pormal na Sanaysay – ang paksa nito’y hindi karaniwan at kailangan ang
matiyagang pag-aaral at pananaliksik ng susulat.
2. Inpormal na Sanaysay – ang mga paksa nito’y karaniwan lamang at hindi na
nangangailangan ng lubusang pag-aaral upang makasulat ng ganitong uri ng
sanaysay. Kadalasan ng mga paksa’y hugot sa karanasan ng sumulat, dili kaya’y
bunga ng kanyang obserbasyon o pananaw.

G. Talambuhay – kasaysayan ng buhay ng isang tao.


1. Talambuhay na Pansarili – ang may akda ang sumulat ng kanyang sariling buhay,
ngunit sa kanyang kamatayan ay iba na ang magtatapos.
2. Talambuhay na Paiba – kasaysayang ng buhay ng isang taong sinulat ng iba.

H. Balita – paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan,


paaralan, sa mga sakuna, sa industriya, sa agham at sa mga iba’t-ibang paksa sa buong
bansa at sa ibayong dagat man.

I. Talumpati – akdang pampanitikang ang layunin ay bigkasin sa harap ng mga


tagapakinig. Ang mga layunin ng talumpati ay humikayat, magpaliwanag, magbigay ng
impormasyon, mangatuwiran at magbigay ng opinion o paniniwala.

J. Parabula – kathang may-aral at matalinghaga. Hango sa Bibliya.


Wika ng Panitikang Filipino

 Bago dumating ang Kastila


- Ang mga laganap na wika ay Tagalog, Bisaya, Muslim, Ilukano, Kapampangan,
Bikol at Pangasinan.
 Panahon ng Komonwelt
- Nagtakda ng isang Pambansang Wika sa Pilipinas.
 Panahon ng Amerikano
- Lumaganap ang wikang Ingles.
 Panahon ng Kastila
- Itinakda ng batas na ang opisyal na wika ng Pilipinas ay Filipino, Ingles at Kastila.
 Sa Kasalukayan
- Nagtakda ang Kagawaran ng Edukasyong Bilinggual na Ingles at Filipino ang
gamiting panturo.
- Yumabong ang panitikan sa wikang Filipino.

3 Uri ng mga Akdang Patula

1. Tulang Pasalaysay – nagsasalaysay ng buhay na nasusulat ng patula, may sukat at tugma.


Ito ay nauuri pa ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Ang mga uri nito ay ang:
 Epiko – tulang pasalaysay na ang pangyayari ay tungkol sa pakikipagsapalaran,
katapangan, kabayanihan at may mga pangyayaring hindi kapanipaniwala ngunit
nagbibigay ng aral.
 Awit at Kurido – tulang pasalaysay na maaaring totoo o hindi sa buhay ng tao na
ang mga pangyayari ay hango sa mga buhay ng mga hari, reyna at iba pang
dugong mahal na ang karaniwang paksa ay tungkol sa pag-ibig, paghihiganti,
pagtatagisan ng talino o tapang, pananampalataya at pag-ibig at pagtulong sa
kapwa. Ito ay mayroon ding mga panyayaring hindi kapanipaniwala at mga
kababalaghan.

2. Tulang Liriko o Paawit


a. Kantahin – may sukat at tugma at ang layunin nito’y para awitin.
b. Soneto – may labing-apat na taludtod at ang bawat taludturan ay tigalawang taludtod.
c. Elehiya – nagpapahayag ng panimdim o pagkalumbay dahil sa isang minamahal o
namatay.
d. Oda – paghanga o pagpuri sa isang bagay. Ito’y nasusulat sa masining na pahayag.
3. Tulang Padula – itinatanghal sa dulaan. Ang usapan ng mga gumaganap ay patula.

You might also like