You are on page 1of 71

PANITIKAN


Ano ba ang Panitikan
• Ang panitikan ay buhay dahil ito ay
repleksyon ng pamumuhay at
pakikipamuhay ng mga tao sa
kanyang ginagalawang lipunan.
Pinapakilos ng panitikan ang ating
isip at binibigyang ang ating puso.
Hndi ito isang bagay lamang kudi
ito ay isang buhay na kabahagi ng
ating pamumuhay.
• Ang panitikan ay umusbong kasabay ng
pagbabago ng kasaysayan dahil na rin sa
matinding pangangailangan ng tao. Dahil
sa panitikan, higit nating nakikilala ang
ating lahi, pinagmulan, ang mga
karanasan, saloobin at kaisipang
humubog ng ating pagkatao. Kaya nga
itinuturing ang panitikan na ang
“kahapon” ng isang bansa hindi lamang
ang nakaraan ang sinasalamin ng
panitikan kundi maging “ngayon at ang
“bukas”.
MGA KALAGAYANG
NAKAPANGYAYARI SA PANITIKAN

May mga salik na mahahalaga na siyang
nakapangayayari sa panitikan. Ang mga ito’y ang
mga sumusunod:

1. Ang Klima - Malaki ang nagagawa ng init o lamig,


bagyo o unos, baha at ulan sa isipan at damdamin
ng tao

2. Ang Hanapbuhay o Tungkulin ng mga Tao - Ang


mga salita at pahayag sa panitikan ay kaugnay ng
hanapbuhay ng mga mamamayan.

3.Ang Pook o Kinatitirhan - Ang hiyograpiya
ay malaki ang nagagawang impluwesiya sa
isispan at damdamin ng tao. Kung ang pook na
kinatitirhan ng mga tao ay magagandang
tanawin, mabundok, madagat, sagana sa
kabukiran at mga halaman, ang mga ito ay
siyang magiging laman ng panitikan ng mga
taong doo’y naninirahan.

4. Lipunan at Pulitika – Ang
sistema ng pamahalaan ang
idelohiya at ugaling panlipunan
gayon din ang kultura ng mga tao
ay nasasalamin sa panitikan ng
bansa.

5. Edukasyon at Pananampalataya – Ang saklaw
at laman ng panitikan ay naayos sa edukasyon
at pananampalataya ng mga mamamayan.
Kung busog ang isipan, dala ng malawak na
edukasyong natutuhan, ang mga ito’y
mababakas sa panitikan ng lahi. Gayon din
naman ang pananampalataya. Ito’y laging
pinapaksa ng mga kilalang makata at
manunulat.
ANG IMPLUWENSIYA NG
PANITIKAN

Ang panitikan ay may dalang mahahalagang
impluwensiya sa buhay, kaisipan at ugali ng tao
at ito’y may dalawang kalagayan:

1. Ito’y nagpapaliwanag sa kahulugan ng
kainangan at kabihasnan ng lahing
pinanggalingan.

2.Dahil sa panitikan, ang mga tao sa


sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga
damdamin at kaisipan, nagkakaunawaan at
nagkakatulungan,

Marami ang mga akdang pampanitikan
nagdala ng malaking impluwensiya sa daigdig.
Ang ilan sa mga ito’y ang mga sumusunod:

1. Biblia o Banal na kasulatan - Naglalaman ito ng mga
doktrina at aral ng pananampalatayang Kristiyano.

2. Koran – Ang Biblia ng mga Muslim.

3. Mahabharata – Naglalaman ng kasaysayan ng


pananampalataya ng India, itinuturing itong
pinakamahabang epiko sa buong daigdig.

4. Canterbury Tales – Naglalarawan ng pananampalataya at pag-
uugali ng mga Ingles noong unang panahon. Sinulat ito ni
Chaucer ng Inglatera.

5. Uncle Tom’s Cabin – Naglalarawan ito ng kahirapang dinanas


ng mga Amerikanong itim na naging batayan ng kanilang
kalayaan. Sinulat ito ni Harrier Beecher Stowe.

6. Divine Comedia – Naglalarawan ito ng pananampalataya at


pag-uugali ng mga Italyano noong panahong yoon. Sinulat ni
Dante ng Italya.

7. Iliad at Odessey – Kinapalooban ng mga mitolohiya
at alamat ng Gresya. Sinulat ito ni Homer.

8. El Cid Campeador – Naglalarawan ng Katangian


panlahi at kasaysayang pambansa ng mga Kastila.

9. Awit ni Rolando – Nagsasalaysay ito ng gintong


panahon ng Kristyanismo sa Pransya.

10. Aklat ng mga Patay – Naglalaman ito ng mga
alamat, mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.

11. Aklat ng mga Araw – Akda ito ni Confucio


ng Tsina na naging batayan ng
pananampalatayang Intsik.

12. Isang Libo’t Isang Gabi – Naglalarawan ng


natatanging ugaling pampamahalaan.
MGA ANYO NG
PANITIKAN

May dalawang anyo ang Panitikan, ang
Tuluyan at ang Patula. Ang anyong
tuluyan ay pagsasalaysay nang tuloy-tuloy
at nasusulat sa karaniwang takbo ng mga
pangungusap. Samantala, ang patula ay
yaong nasususlat nang may sukat, tugma,
talutod, at saknong.
MGA AKDANG
TULUYAN

1.Mito – Kwento o salaysay hinngil sa
pinagmulan ng sansinukuhan, kalipunan ng
iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa,
kwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha.

2.Alamat – Kwento o salaysay na nagpasalin-


salin sa bibig ng mga tao at karaniwang
tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

3.Anekdota – Kwento o salaysay na ang
pangyayari ay hango sa tunay na karanasan,
nakawiwili at kapupulutan ng aral.

4.Sanaysay – Salaysay na tumatalakay sa
isang tanging paksa. Ang sariling opinyon
o pananaw ay kitang kita sa sumulat.
Maaaring pormal o di-pormal ang
paglalahad.
DALAWANG URI NG
SANAYSAY

1.Pormal na Sanaysay – Ang paksa
nito;y hindi karaniwan at kailangan
ang matiyagang pag-aaral at
pananaliksik ng susulat. Halimbawa
“Ano ang Katarungang Panlipunan?

2.Impormal na Sanaysay – Ang mga paksa ng
impormal na sanaysay ay yaong mga
karaniwan lamang at hindi na
nangangailangan ng lubusang pag-aaral upang
makasulat ng ganitong uri ng sanaysay.
Kadalasan ng mga paksa’y hugot sa karanasan
ng sumulat, dili kaya’y bunga ng kanyang
obserbasyon o pananaw. Halimbawa “ Ang
Pinakamaligayang Sandali ng aking Buhay.

4. Talambuhay – Kwento o salaysay ng
buhay ng isang tao.
DALAWANG URI NG
TALAMBUHAY

1.Talambuhay na Pansarili – Ang may
akda ang sumusulat ng kanyang sariling
buhay, ngunit sa kanyang kamatayan ay
iba na ang magtatapos. Halimbawa
“Mabuting Pakikipaglaban” (The Good
Fight) ni Pang. Manuel L. Quezon.

2.Talambuhay na Paiba – Ito’y
kasaysayan ng buhay isang taong
sinulat ng iba. Halimbawa “
Itinadhana sa Kadakilaan” ni
Anacleto J. Dizon

5.Pabula – Kwento o salaysay na ang
karaniwang nagsisiganap ay mga hayop.
Nag-iiwan ito ng magandang aral sa
mambabasa.

6.Dula – Kwento o salaysay na sinulat
para itanghal sa entablado, may mga
tauhang gumaganap na naglalarawan
ng buhay o ugali ng tao.
MGA URI NG DULA

1.Komedya – Dulang nagtatapos sa
tagumpay ng pangunang tauhan.
Masaya at kawiliwili sa mga
nanonood. Halimbawa nito’y “Ang
Piso ni Anita” ni Julian Cruz
Balmaceda.

2.Trahedya – Dulang nagtatapos sa
kamatayan o kalungkutan ng pangunang
tauhan. Ito’y kinapapalooban ng mga
mahihigpit na tunggalian. Ang mga
tauhan ay mapupusok at may maaapoy
na damdamin. Halimbawa “Lakambini”
ni Patricio Mariano.

3.Melodrama – Ang dulang ito’y may mga
malulungkot pangyayari na halos ang
mga pangunang tahan ay mabingit sa
kamatayan ngunit sa bandang huli’y
magtatagumpay din sila at magwawakas
sa kaligayahan. Halimbawa “Minda
Mora” ni Severino Reyes.

4.Parsa – May layunin ang dulang itong
magpatawa at libangin ang mga
nanonood. Ang mga sitwasyon ay
katawatawa, maging ang mga kilos at
pananalita ng mga tauhan. Halimbawa “
Pakakak” ni Patricio Mariano.

5.Saynete – Ito’y isa ring dulang ang
pinakalayunin ay magpatawa ngunit
ang mga pangyayari ay karaniwan
lamang. Ang mga gumaganap ay tau-
tauhan at nasa likod ng telon ang
mga taong nagsasalita. Ito’y mayroon
ding awitan.

7.Maikling Kwento – Kwento o
salaysay na nag-iiwan ng isang
impresyon o kakintalan ng
mambabasa.
MGA URI NG MAIKLING
KUWENTO

1.Kuwento ng Katutubong Kulay –Sa kwentong
ito, ang binibigyan ng diin ay ang kapaligiran
at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng
pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing pook. Ang halimbawa ng kwentong
ito ay “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda
at “Nagbibihis na ang nayon” ni Brigido
Batungbakal.

2.Kuwento ng Madulang Pangyayari –
Dito sa kwentong ito, ang binigyan ng
pansin at diin ay mga mahahalaga,
kasindak-sindak at mga pambihirang
nakapagbabago sa mga tauhan.
Halimbawa nito’y ang “Bahay na Bato” ni
B.L Rosales.

3.Kuwento ng Pakikipagsapalaran – Nasa
balangkas ng pangyayari at wala sa
tauhan ang kawilihan o interes sa
kuwentong ito. Ang halimbawa nito’y ang
“Bakya” ni Hernano Ocampo at “
Mabangis na Lunsod “ ni Efren R. Abueg.

4.Kuwento ng Kababalaghan - Mga
di-kapani-paniwalang mga
pangyayari bukod pa sa mga
katatakutan ang siyang diin ng
kuwentong ito. Ang halimbawa nito
ay ang “Paniningil ng Alila” ni
Salvador Roxas.

5.Kuwento ng Tauhan – Sa
kuwentong ito, ang interes at diin
ay nasa pangunahing tauhan.
Halaimbawa nito’y “Walong
Taong Gulang” ni Genoveva
Edroza Matute.

6.Kuwento ng Sikolohiko – Bihira ang
sumusulat ng ganitong uri ng kuwento
sapagkat may kahirapang ilarawan ang pag-
iisip ng isang tao. Ang kailangan ng
kuwentong ito’y maipadama sa mga bumabasa
ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang
pangyayari. Ang “Pusa sa Aking Hapag” ni
Jesus A. Arcco at ang “Dugo at Uatk” ni
Cornelio Reyes ay mga halimbawa ng
kuwentong ito.

7.Kuwento ng Katatakutan – Ang
diin ng kuwentong ito ay nasa ,ga
nakasisindak na mga pangayayari
na nakapagpapatinag ng
damdamin at kilos ng mga
bumabasa. Ang halimbawa nito’y
“Gabi sa Lagim”.

8.Kuwento ng Katatawanan – Ang
layunin ng Kuwentong ito’y
magpatawa at bigyan ng aliw ang
mga mambabasa. Halimbawa ng
kuwentong ito’y “Tubig sa Buslo” ni
Marco Cruz Cornelio.

8.Parabula – Kwento o salaysay
hango sa banal na kasulatan na
naglalayong mailarawan ang isang
katotohanang moral o ispiritwal sa
isang matalinghagang paraan.

7.Nobela – Kwento o salaysay na
mahaba, maraming tauhan at
atagpuan na nahahati sa mga
kabanata.
ANG MGA URI NG
NOBELA

1. Nobela ng Pangyayari – Ang diin ng pagkakasulat ay
nasa mga pangyayari sa nobela. Ang halimbawa nito
ay ang “Luksang Tagumpay” ni Teofilo E. Sauco at
ang “Pinaglahuan” ni Roman Reyes Guzman.

2.Nobela ng Tauhan – Ang binibigyan ng
diin sa nobelang ito’y ang katauhan ng
pangunang tauhan, ang mga hangarin at
mga pangangailangan ng mga tauhan ang
binibigyan ng pansin. Halimbawa nito ay
ang “Nalanlang Bulaklak” at “Nena at
Neneng” ni Valeriano H. Peña.

3.Nobela ng Romansa – Ang nobelang
ito’y tungkol sa pag-iibigan o
romansa. Ito ang binibigyan ng diin.
Halimbawa nito’y ang « Natuloy na
Pagsinta » ni Valeriano Peñe at ang
« Salawahang Pag-ibig » ni Lope K.
Santos.

4.Nobela ng Pagbabago – Sa nobelang ito,
ang binibigyan ng diin ay ang mga
layunin ng may akda o ang kanyang mga
hinahangad na pagbabago sa lipunan at
sa pamahalaan. Ang mga halimbawa
nito’y ang “Noli Me Tangere” at “El
Filibusterismo” ni Dr. Jose P. Rizal.

5.Nobela ng Kasaysayan – Ang nobelang ito’y
nagsasalaysay ng mga pangyayaring kaugnay
ng kasaysayan ng bayan. Inilalarawan dito ang
mga bayaning nag-ambag ng kanilang
pagtatanggol at pag-ibig sa bayan. Kabilang
dito sa uring ito ang “Paghihimagsik ng Masa”
ni Teodoro Agoncillo at ang “Fiilipino Rebel”
ni Maximo Kalaw.

11.Talumpati – Salaysay na sinulat upang
bigkasin sa harap ng maraming tao na may
layuning umakit, humikayat, magpaliwanag at
iba pa.

12.Balita – Paglalahad ng mga pang-araw araw


na pangyayari sa kapaligiran at maging sa
ibang bansa.
MGA AKDANG
PATULA

1.Bugtong – Tulang patugma na ang layunin ay
pahulaan ang isang bagay, tao at pook.
Kakikitaan ng talinghaga.

2.Salawikain – Tulang patugma na ang layunin


ay maglahad ng mga butil ng karunungang
kinapapalooban ng mga aral sa buhay.
Magandang gabay sa pang-araw-araw na
buhay.

3.Epiko – Mahabang tulang pasalaysay na
naglalarawan ng pambihirang katangian at
kapangyarihan ng pangunahing tauhan.

4.Liriko – Tulang nagpapahayag ng diwa,


matinding damdamin at kaisipan.

5.Elehiya – Tulang padamdamin o lirikong


patungkol sa patay.

6. Soneto – Tulang liriko na binubuo ng 14 na talutod.
Naglalaman ito ng damdamin at kaisipan.

7. Oda – Tulang lirikong nagpapahayag ng papuri at


masiglang damdamin na patungkolsa isang kaisipan.

8. Tanaga – Tulang binubuo ng 4 na taludtod na may 7


pantig sa bawat taludturan. Kakikitaan ng talinghaga.

9.Haiku – Tulang binubuo ng 17 pantig na, may
3 taludtod 5 pantig ang sukat sa unang
taludtod, 7 sa ikalawang taludtod at 5 sa
pangatlong taludtod. Nagmula ang ganitong
uri ng tula sa hapon. Tula na may kabuuang 17
pantig, binubuo ito ng 3 taludtod may
tiglilimang pantig sa una’t ikatlong taludtod at
pitong pantig naman sa ikalawang taludtod.
ANG KASAYSAYAN NG
PANITIKANG FILIPINO

Ang panitikang Filipino ay sumakop sa
panahong bago pa dumating ang mga Kastila
noong 1521 at bago pa sakupin ang Pilipinas ng
imperyo ng Madjapahit noong ika 14 na siglo.
Ang lahat ng mga nasulat o naipahayag sa iba’t
ibang wikaing Filipino tungkol sa kanilang
karansan, isipan, damdamin at tradisyong
pasalita, ay siyang masasabing panitikang
Filipino.

Ang panitikang Filipino ay may pambihirang
kabuuan. Ito’y nagsimula sa mga pasalitang
tradisyon, bago pa masakop ng imperyo ng
Madjapahit ang Pilipinas. Ang mga kalapit-bansa
ng Pilipinas gaya ng Indonesya, Malaysia, Indiya,
Arabia at Cambodia nangag-ambag ng kani-
kanilang panitikan sa Pilipinas gaya ng mga
epiko, alamat, kwentong-bayan, awiting bayan,
karunungang-bayan at mga iba;’ibang uir ng
dula.

Sa pagdating ng mga Kastila ay
kanilang pinapalaganap ang mga
tradisyong Europeong napapaloob
sa comedia, corrido, awit, cenakulo
pasion at tarzuela.

Nang masakop ng Amerikano ang Pilipinas ay
mayroon pa ring nagsisulat ng laban sa kanila. Tinuruan
at sinanay ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa ideya
at edukasyong demokratiko. Madaling natuto ang mga
Pilipino ng wikang Ingles, sa loob lamang ng kumulang-
humigit sa dalawanpung taon ay nangagsisulat na sila
ng mga tula, sanaysay, maikling-kwento at nobela sa
Ingles. Ang kanilang mga sinulat na ito’y maihahambing
na sa mga mahuhusay na akda sa Ingles ng mga
Amerikano at ng mga Ingles Bretanya. Ito ay simula ng
pag-unlad ng panitikang Pilipino sa Ingles.

Dumating at sinakop tayo ng mga Hapones.

Ang mga pamantasan ay nagkaroon ng mga kurso sa


pagsulat. Nagkaroon din ng mga palihan at sanayan
kaya’t marami ang nagkaroon ng malawak na kaalaman
sa pagsulat. Marami sa mga mag-aral na ito ang nagtaas
ng tinig noong panahon ng aktibismo. Kasama ng mga
nakatatandang manunulat, silang lahat ay unti-unti
nang nakabuo ng pambansang panitikang siyang tunay
na nagpahayag ng damdamin, niloloob, hangarin, at
panaginip ng bayan.
MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL
NG PANITIKANG FILIPINO

1.Upang matanto natin ang kalinangang
Pilipno ang henyo ng ating lahi at ang
mga ninananng yaman ng kaisipan.

2.Upang alaming tayo’y may marangal na


tradisyong katulad ng sa ibang lahi.

3.Upang makata ang mga kapintahan at
kakulangan ng ating panitikan at mapag-
lalang ito sa matuwid.

4.Upang makilala ang ating mga kahusayan


sa panitikan at mga ito’y lalong
mapaningning at mapayaman.

5. Sapagkat tayo’y mga Pilipino,
kailangang tayo’y magmalasakit at
tamangkilik ang sariling atin.
MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
NG PANITIKAN

1.Nagsasalaysay – Paghahayag na sumasagot sa
tanong na sino? Saan? Kailan? At Ano?
Nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa isang maayos na paraan.

2. Naglalarawan – Pagpapahayag na
nagpapakilala ng kaanyuan, lagay, hugis,
kulay, at iba pa na maaring panloob at
panlabas na katangian.

3. Naglalahad - Pagpapahayag na ang layunin o
hangarin ay magpaliwanag at magbigay ng
kahulugan.

4. Nangangatwiran – Pagpapahayag na ang


hangarin o layunin ay makaakit,
makapagpaniwala sa sanhi at dahilan ng mga
bagay.
KAHALAGAHAN NG
PANITIKAN

1. Mababatid natin na tayo ay may sariling
kalinangan o kultura na maipagmamalaki
sa ibang lahi sa daigdig.

2. Maipapaalam sa Pilipino ang


kahalagahan ng kanyang pagiging
Pilipino kundi ang mas malalim nating
pagpapadama.

3. Magsisilbing gabay upang tayo ay mahubog
na maging isang taong may damdaminng
makatao at kahali halina.

4. Mamulat ang ating kamalayan at sensibilidad


at matamo ang magandang saloobin
pagpapahalaga sa kagalingang hatid ng
panitikan.

5. Makita at masuri ang magaganda at
mahuhusay na mga sinulat ng akda, ang
mga kamalian, kapintasan, nito para sa
lalo pang ikakadakila ng panitikan.
ANG PANITIKANG
PILIPINO

Ang panitikang Pilipino ay yaong
mga pasalita o nasusulat na kaisipan at
damdaming Pilipino, sinulat ng mga
Pilipino hinggil sa mga bagay-bagay na
may kinalaman sa kanilang
pamumuhay, pakikipamuhay.
MGA PANAHONG SAKLW NG
PANITIKANG PILIPINO

1. Panahon ng Matandang Panitikan

Sasaklawin ng panahong ito ang ating


kasaysayan bago dumating ang mga kastila.

2. Panahon ng Kastila

Sakop nito ang panahon mula nang


dumating ang mga Kastila. Ang tuon ng pag-
aaral, panahong ito ay ang mga pagbabahagi sa
paksa, anyo at estilo ng panitikan dahil sa
impluwensiya ng mga ipinalaganap na
pananampalatayang Kristiyanismo ng mga
Kastila.

3. Panahon ng Propaganda

Saklaw pa rin ang panahong ito ng Kastila,


subalit ang tuon ng pag-aaral, panahong unti-
unting pagkagising ng kamalayang panlipunan
at damdamin makabansa ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng mga akdang sinulat ng mga
kilalang propagandista.
4. Panahon ng Himagsikan

Tatalakayin sa panahong ito ang mga manunulat
na Pilipino at ang kanilang mga akda mapaghimagsik,
at lantarang pagtuligsa sa mga Kastila.

5. Panahon ng Amerikano

Saklw nito ang panahon ng pananakop ng mga


Amerikano. Bibigyang halaga sa pag-aaral, sa panahong
ito ang mga impluwensiya ng mga Amerikano sa
panitikang Filipino.
6.Panahon ng Hapones

Saklw nito ang maikling panahon ng
pananakop ng mga Hapones at ang kanilang
mahalagang impluwensiya sa panitikang
Pilipino.

7.Bagong Panahon

Saklw ng panahong ito ang liberasyon


hanggang kasalukuyan.
Salamat

You might also like