Professional Documents
Culture Documents
NILALAMAN NG ARALIN
1. Katuturan ng Panitikan
Ayon kay Joey Arrogante, ito ay talaan ng buhay sapagakat dito naisisiwalat ng tao sa
maikling paraan ang kulay ng buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang
kinabibilangan at pinapangarap.
Samantala, ayon naman kay Zeus Salazar, ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri
ng lipunan.
Sinasabi ring ito ay bunga ng mga diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng mga ulap o
diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan. Ito ay isang kasangkapang lubos na makapangyarihan.
Ito ay naglalantad ng mga katotohanang panlipunan at mga guni-guning likhang-isip lamang. Hinahaplos
nito ang ating mga sensorya tulad ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama.
Ang panitikan ay buhay na pulsong pumipintig at mainit na dugong dumadaloy sa ugat ng bawat nilalang at
ng buong lipunan. Isang karanasan itong natatangi sa sangkatauhan.
Ayon naman kay Terry Eagleton, may iba’t ibang paraan upang bigyang kahulugan ang panitikan. Isa na
rito ang “Fiction” o likhang-isip gamit ang mga malilikhaing salita o talinghaga. Subalit ang mga produkto
gaya ng komiks, pelikula, telebisyon at pocket books na bunga ng malikhaing isip ng mga may-akda ay
hindi maituturing na panitikan ayon sa kanyang argumento na nabanggit (1983)
2. Kahalagahan ng Panitikan
Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Malaki ang naiambag ng
panitikan sa kultura at kabihasnan ng alinmang bansa. Maaaninag sa ating panitikan ang lalim ng ating
kultura at ang malikhaing katalinuhan ng ating lahi. Tulad ng kulturang Pilipino, ang panitikang Pilipino
ay minana sa ating mga ninuno at sa pamamagitan ng interaksyon, ito’y nagpalipat-lipat sa mga
salinlahi.
Ang kalipunan ng mga akdang pampanitikan, nakasulat man o di nakasulat ay katunayang ang mga
Pilipino’y mayroon ding akdang maipagmamalaki at maihahalintulad sa mga sinulat ng ibang lahi kung
may Divina at Komedya si Dante ng Italya, Canterbury Tales si Chaucer ng Inglatera, ang Pilipinas ay
may Jose Rizal sa kanyang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na nananatiling buhay at patuloy pa
ring namamayani sa diwa’t damdamin ng mga Pilipino.
Mahalaga ang panitikan sapagkat dito natin makikilala ang sariling kalinangan, minanang yaman ng
isip, at ang henyo ng ating lahi na kakaiba sa ibang lahi.
Upang matanto natin ang kapintasan ng ating panitikan at makapagsanay upang maiwasan at
maiwasto ang mga ito.
Ang panghuling kahalagahan, ito ang pinakatangi sa lahat ay sapagkat tayo ay Pilipino, dapat maging
katutubo sa atin ang pagmamalasakit sa ating sariling Panitikang Pilipino.
3. Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila( Panahon ng Katutubo)
3.3 Awiting Bayan- ito ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian,
karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook. Dito
natin maaaninag ang mga gawi ng ating mga ninuno. ( Ilan sa mga halimbawa ng awiting bayan ay
Oyayi, Diona, Soliranin, Talindaw, Kumintang, Kundiman)
5. PANAHON NG PAGBABAGONG-ISIP
Ang mahigit na tatlong daang taong paniniil at pagsasamantala ng mga maykapangyarihang
dayuhan, paghamak sa mga Indio, suliranin sa sekularisasyon at maling pamamalakad ng
pamahalan ay mga sanhi sa unti-unting pagkakabuo at paglaganap ng damdaming makabayan.
Naragdagan pa ito ng mga pangyayaring tulad ng pagkakabukas ng Pilipinas sa pandaigdig na
kalakalan, pagkakabuo ng gitnang-uri, pagsapit ng diwang liberalism, pagpapadala sa Kapuluan ng
liberal na gobernador, Carlos Ma. Dela Torre, pag-aalsa sa arsenal ng Cavite at pagkakagarote sa
tatlong paring Gomez, Burgos at Zamora.
Sa biglaang tingin, tahimik at takot ang bayan sa ibayong higpit at pagbabanta ng mga
Kastila, ngunit sa katotohanan, ay dito nagsimula ang pagpapahayag ng kanilang mapanlabang
damdamin. Nagkaroon ng mga kilusan sa pulitika at sa panitikan dito sa Pilipinas at ibayong dagat.
Ang dating diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa
pamamalakad ng pamahalaan at simbahan.
MGA PROPAGANDISTA
1. Dr. Jose Rizal- pambansang bayani, bininyagan siya bilang Jose Protacio Rizal Mercado
y Alonzo Realonda, labing anim na taong gulang siya nang magtapos ng Batsilyer ng Artes A.B.,
nagkamit ng 24 na medalya sa kanyang buong pag-aaral. Nagparal ng medisina sa Unibersidad ng
Santo Tomas ngunit hindi nakatapos dahil sa kakulangan ng pera. Siya ay naglakbay sa iba’t ibang
bansa at siya’y nag-aral doon. Ang kanyang mga pangunahing akda ay ang mga sumusunod:
Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin)
El Filibusterismo (Ang Pagsusuwail)
Sa mga Kababaihang Taga Malolos
Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino
Mi Piden Versos(Hinilingan Nila Ako ng Tula)
El Consejo de lod Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala)
Kundiman
S Aking mga Kababata
Ala Juventud Filipina ( Sa Kabataang Pilipino)
Mi Ultimo Adios (Ang Huli Kong Paalam)
2. Marcelo H. del Pilar-pangunahing mamamahayag ng kanyang panahon dahil sa
pagkakatatag niya ng Diaryong Tagalog noong 1882 at pagkakapamatnugot niya noong 1889 sa La
Solidaridad, isa siyang abogado, isa siya sa mga tumuligsa sa mga prayle, kilala sa tawag na
Plaridel. Ang mga sumusunod ang kanyang mga akda:
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Kaiingat Kayo
Dasalan at Tocsohan
Ang Cadaquilaan ng Dios
Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
Aba Guinoong Baria
3. Graciano Lopez-Jaena(1856-1896)- Ipinagmamalaking anak ng Jaro, Iloilo, dakilang
orador, walang takot na mamamahayag, magaling magtalumpati, naging patnugot ng La
Solidaridad.
4. Mariano Ponce-tagapamahalang patnugot, mananalambuhay, mananaliksik ng kilusang
propaganda, nagkubli sa mga sagisag na “Tikbalang, Kalipulako at Naning”,nagbigay-diin ang
kanyang mga sanaysay sa kahalagahan ng edukasyon, ipinagtanggol ang kanyang mga kababayan
at naglahad ng mga karaingan ng bayan.
5. Heneral Antonio Luna(1868-1899)- isinilang sa Urbiztondo, Maynila noong Oktubre 29,
1868, tagapagtanggol ng naaaping Pilipino at isang parmasyotiko at nagtapos ng
pagkamanggagamot sa Unibersidad Central de Madrid, naging heneral sa ilalim ni Emelio
Aguinaldo, may sagisag na Taga-Ilog, umanib sa kilusang propaganda at nag-ambag ng kanyang
mga panulat sa La Solidaridad at patnugot ng pahayagang La Independencia.
6. Dr. Pedro Paterno(1865-1895)- isang iskolar, mananaliksik, drama turgo at nobelista,
sumapi sa kapatiran ng Mason at Asociation Hispano- Pilipino upang maitaguyod ang layunin ng
repormista. Karamihan sa sinulat niya ay hinggil sa relihiyon at panlipunan. Siya rin ang unang
Pilipinong nakalaya sa sensura ng panitikan at siya ang sumulat ng kauna-unahang nobelang
orihinal na Pilipino sa wikang Kastila na may pamagat na Ninay. `
7. Pascual Poblete- Isang Nobelista, makata, mananalaysay at “Ama ng Pahayagan”.
Nagtatag at namatnugot sa pahayagang “El Resumen” Tinuligsa niya ang mga pang-aapi at
katiwaliang ginagawa ng mga maykapangyarihang Kastila kaya’t siya’y ipinatapon sa Aprika.
Nagbalik siya sa Pilipinas noong dumating ang mga Amerikano dito sa Pilipinas at itinatag ang
pahayagang “El Grito del Pueblo” Siya ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng Noli Me
Tangere ni Rizal.
8. Andres Bonifacio- nagtatag ng katipunan, isang karaniwan ngunit magiting at dakilang
mamamayan ng bansang Pilipino, may sagisag na Agapito, Bagumbayan at May pag-asa. Malinaw
na nagpahayag na adhikain para sa bayan ang kanyang mga sinulat. Ang sumusunod ay ang
kanyang mga akda:
Katapusang Hibik ng Pilipinas
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Katipunan Mararahas ng mga Anak ng Bayan
Tapunan ng Lingap
9. Emilio Jacinto- siya ang “Utak ng Katipunan”, isa ring patnugot, tumuligsa sa
pamahalaan at simbahan, nanawagan ng pagkakaisa at nagmithi ng kalayaan. Ang kanyang mga
akda ay:
Sa Nasang Makasanib sa Katipunang Ito
Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan
Liwanag at Dilim
Sa Anak ng Bayan
Pahayag
10. Apolinario Mabini- Dating kasapi sa La Liga Filipina, Utak ng Himagsikan, at
pianakanang kamay ni Emilio Aguinaldo, marami sa kanyang isinulat ay tungkol sa pulitika, sa
pamahalaan at sa pagpapalaganap ng damdaming makabayan.
6. PANAHON NG AMERIKANO
Kung relihiyon ang pamana sa mga Pilipino ng mga Kastila, Edukasyon naman ang naging
pangunahing kontribusyon ng mga Amerikano. Isinaalang-alang din sa panahong ito na dumami
ang mga mamamayang marunong sumulat at bumasa sapagkat produkto na sila ng Sistema ng
edukasyon na pinalaganap ng mga amerikano. Sa panahong ito’y nanaig ang damdaming
makabayan nnakapaloob sa iba’t ibang akda ng mga manunulat. Bukod sa mga dahilang
nabanggit, dapat ding malaman na kasabay ng pagdating ng mga Amerikano ang kaisipang
banyaga, naimpluwensiyahan tayo ng mga bagay na kanluranin.
Isa pang nangyari sa panahong ito ay ang pagdami ng mga babasahin, pagkakaroon ng
kalayaan sa pagsasalita, pahayagan, paniniwala at mga samahan. Ang pagkakaroon ng ganitong
kalayaan ay malaking bagay sa kalinangan ng panitikan. Higit na maraming nailimbag na babasahin
nang panahong ito kaysa sa panahon ng mga kastila. Halos lahat ng larangan ng panitikan ay
pinasok ng mga manunulat nang panahong ito, napalitan ng makabagong dula at sarsuela ang mga
senakulo at moro-moro. Malayang nakasulat ang mga makata ng tula, sanaysay, talumpati,
lathalain, kuwento, dula atb, naisulat ito sa iba’t ibang wikain.
1910 nang umusbong ang mga Panitikan sa Ingles, kasabay din nito ang pagsibol ng mga
makabagong manunulat na sina:
Cecilio Apostol (sumulat ng oda para kay Rizal)
Claro M. Recto (Naging tanyag sa kanyang mga talumpati)
Lope K. Santos (Sumulat ng Banaag at Sikat at nagpauso ng panitikang sosyalista)
Jose Corazon de Jesus (sumulat ng maraming tula ng pag-ibig)
Jose dela Cruz (kilala sa sagisag na Huseng Sisiw, manunulat ng tula ng pag-ibig)
Severino Reyes (ama ng ng dulang tagalog, sumulat ng dulang “Walang Sugat”)
Zoilo Galang (pinakaunangn nobelista)
MGA NOBELANG NALIMBAG NANG PANAHONG ITO:
Banaag at Sikat- isa sa pinakatanyag na akda nang panahong ito
Sampaguitang Walang Bango-isinulat naman ito ni Iñigo Ed Regalado
Anino ng Kahapon- isinulat naman ito ni Francisco D. Laksamana
Isang Punong Kahoy- obra maestro ni Jose Corazon de Jesus
7. PANAHON NG HAPON
Sinakop Ng mga Hapones ang Pilipinas noong 1941 hanggang 1945. Sa pagkakasakop na
ito’y muling nangulimlim ang panitikang Pilipino. Maraming manunulat ang nawalan ng gana
sa pagsulat. Inilagay ng mga Hapones sa mahigpit na pagmamatyag ang lingguhang liwayway, ang
mga manunulat ay sandaling nahinto sa pagsulat.
Sumunod ang Taliba sa Liwayway na nabigyan ng pagkakataong makapaglathala ng mga
tula at kuwento. Naging masaklap ang buhay ng mga Pilipino sa panahong ito, walang katiyakan at
kawalan ng pag-asa ang namayani sa damdamin ng mga Pilipino. Namayagpag ang Panitikang
Tagalog s autos din ng mga Hapon. Ginamit nila ang sariling wika sa pagsulat ng mga akdang
pampanitikan. Mahirap man ang naging kalagayan nila sa panahong ito ay nanaig pa rin ang pag-
ibig at hindi nawala ang tema ng pagkamakabayan ng ng mga Pilipino.
Natutuhan ng mga Pilipino ang pagsulat ng Haiku, maikling tula ng mga Hapon, may
labimpitong pantig lamang, binubuo ng tatlong taludtod, ang unang taludtod ay may limang pantig,
ang ikalawa ay pito at ang ikatlo ay lima. Malalim ang taglay na talinghaga ng Haiku. Tinumbasan
ng Tanaga ng mga Pilipino ang Haiku ng mga Hapon. Ang Tanaga naman ay may tig pipitong
pantig sa bawat taludtod, apat din ang taludturan nito.
Haiku
Tutubi
Hila moy tabak
Ang Bulaklak: Nanginig!
Sa paglapit mo
Tanaga
Palay
Palay siyang matino
Nang humangi’y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
D. DULANG PATNIGAN
- kadalasang nagpapahayag ng masidhing damdaming makabayan.
Karagatan- isinasagawa bilang pang-aliw sa mga naulila ng namatayan
Duplo- pamalit sa karagatan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang namatayan
Balagtasan- tagisan ng talino sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kuro-kuro o
katwiran sa pamamaraang patula.
2. Tuluyan
- tulad lamang ito ng karaniwang pang-araw-araw na takbo ng pagsasalita o mga kaisipan
ang paglalahad. Sa halip na ito ay pasaknong, ito ay tuloy-tuloy na paglalahad na nakatala.