You are on page 1of 24

Title Lorem

Ipsum
Sit Dolor Amet
ARALIN 3
PAG-UNLAD NG
PANITIKAN
Pamantayang Pangnilalaman
1. Nabibigyang-halaga ang kasaysayan ng pag-unlad ng Panitikan sa Pilipinas.
2. Nabibigyang-linaw ang iba’t ibang katangian ng panitikan sa bawat
panahong hinati-hati ang kasaysayan pag-unlad.
3. Naiisa-isa ang pagkakaiba-iba sa paksa sa bawat panahon sa kasaysayan ng
pag-unlad ng panitikang Pilipino.
4. Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga pinag-daanang karanasan ng mga
manunulat sa iba’t ibang panahon.
Panimulang pagtataya

 Itinuturing na katutubong alpabetong Filipino:


 ABAKADA
 ALIBATA
 KUNDIMAN
 HEROGLIPHYS
Panimulang pagtataya

 Sila ang mga unang tao na naninirahan sa pulo ng Pilipinas na


tinawag na agta.
 Europian
 Puti
 Kastila
 Negrito
Panimulang pagtataya
 Uri ng panitikang nakasulat sa mga balat ng punongkahoy o
sa mga kawayan.
 Panitikang Palipat-Dila
 Panitikang nakasulat
 Panitikang Pilipino
 Panitikang katutubo
Panimulang pagtataya
 Uri ng panitikang ibinabahagi sa pamamagitan ng pagsasabi
o pagkukuwento.
 Palipat-dila
 Nakasulat
 Pilipino
 Katutubo
Panimulang pagtataya
 Isang matandang panitikan na nagsasalaysay ng
pinagmulan ng isang bagay.
 Alamat
 Tula
 Sayaw
 Maskara
Panimulang pagtataya
 Ito ay isang masining na paglalahad ng paksa sapagkat piling-
pili ang mga salitang bumubuo nito, may sukat at tugma o
kaya’y malayang taludturan.
 Alamat
 Tula
 Sayaw
 maskara
Panimulang pagtataya
 Katutubong abakada na may tatlong patinig at labing-apat
na katinig.
 Alibata
 Baybayin
 Abakada
Sulyap ng Kasaysayan ng Literaturang Filipino
Ang kasaysayan ay mahalagang salik sa pag-unlad ng literature. Sa kasaysayan
nababatay ang iba’t ibang kaalamang panliteratura dahil umaalinsunod ang
literatura sa takbo ng kasaysayan. Sa patuloy na pagbabago ng panahon, kasabay
ring nagbago ang layunin, tema, nilalaman, anyo at maging ang wikang
ginagamit sa pagpapahayag ng kaisipan at damadamin ng tao sa lipunan. Ito ay
sa kadahilanang ang bawat tao’y nakakatagpo ng iba’t ibang buhay at mga
karanasan sa patuloy na pakikibaka sa daigdig na kanyang ginagalawan. Ang
karanasang ito’y bago at naiiba. Nagbago ang lahat ng bagay. Ika nga “tanging
ang pagbabago lamang ang maaaring maging permente at hindi maaaring
magbago”. Dahil nag-iiba ang pamumuhay bunga ng mabilis na pag-unlad,
natural lamang na ang tema at nilalaman literatura ay magbago rin.
Panahong Pre-Kolonyal
 Ang ating mga ninuno ay may sarili nang
panitikan bgo pa dumating ang mga kastila dito sa
Pilipinas. Nagtataglay ang panitikang ito ng
kasaysayan ng ating lahi, mga kuwentong bayan,
alamat, epiko, kantahing bayan, salawikain,
kasabihan bugtong, palaisipan at iba pa. Gayundin
nag-aangkin din ang ating mga ninuno ng sariling
baybayin o alpabeto ng kaiba sa kasalukuyang
alpabeto Romanong dla rito ng mga kastila. Ito ay
ang katutubong alpabetong binubuo ng
labimpitong titik na hawig sa mga ginagamit ng
mga indonesya o ng mga Malayo-Polinesyo. May
tatlong patinig at labing apat na katinig.
Panahong Pre-Kolonyal
 Sinasabing may literature na tayo bago pa ma dumating ang mga kastila. Ayon kay Cruz (2003),
nagsimula ang ating literature noong nagsimula ang lipunan sa ating mga pulo, humigit kumulang
sa 57,000 taon na ang nakakaraan nang dumating ang mga kastila. Ang payak na pamumuhay
noon ay naglalarawan ng isa ring payak na literatura. Sanhi ng mabagal na pagsulong ng buhay
noon, masasabing ang tema ng literatura bago dumating ang mga kastila ay nakatuon lamang sa
uri ng pamumuhay mayroon ang ating mga katutubo. Ang kasalatan sa teknolohiya at sensya ang
nagtulak sa kanila upang maipaliwanag batay sa kanilang mga sariling palagay at pag-iisip ang
mga bagay-bagay na nangyayari kanilang kapatid. Mababaw at lubhang di-mapaniniwalaan ang
nilalaman ng literatura noon na matatagpuan sa mga epiko at alamat kung pakasusuriin.
 Sa alamat itinatampok ang mga paksang tulad ng pinagmulan ng isang bagay o pook. Nabuhay
ang lamat sa kasalukuyan dahil sa paslindila ng ating mga ninuno. Maituturing man na di-
kapanipaniwala at bunga lamang ng malikhaing pag-iisip ng ating mga katutubo ang alamat at
epiko, hitik naman ito sa mga kaisipan at aralsa buhay at malinaw ring makikita ang kultura ng
lahing Pilipino anumang rehiyon ang pinagmulan ng isang lamat o epiko.
Alamat ng Bulkan Mayon
 Ipinakita rito ang kabayanihan at katapatan n prinsipe at kaalamang
walang maidudulot na Mabuti ang kalupitan at pagtatanim ng poot sa
kapwa. Mailalarawan ang kababalaghan sa matandang anyo ng ng
literatura gaya ng epiko. Sa epiko karaniwang matutunghayan ang
pagkamatay at muling pagkabuhay ng mga bayaning siyang
pangunahing tauhan sa kuwento. May angking natural na lakas, kisig,
talion, at mahika syempre ang bida. Magkagayunman tulad ng alamat,
hindi mawawala ang butil ng kaisipan at aral na hatid nito sa mga
mambabasa; at hindi rin maihihiwalay ang tradisyon at kulturang
nagiging batayan ng pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino.
Panahon ng Kastila
 Ang pagdating ng mga kastila at ang mahabang panahon ng pananakop sa ating kapuluan ay mabilis na
nagpabago sa kultura at pamumuhay ng ating mga katutubo. Batay sa kasaysayan, dalawa ang nagging
paraan ng kastila sa pananakop, ang paggamit ng krus at ng espada. Bunga nito, hindi nakapagtataka na ang
maging laman ng mga akdang panliteratura sa panhon ng Kastila ay pawang mga akdang panrelihiyon.
Nariyan ang mga akdang Doctrina Christiana, Nuestra Señora del Rosario, Barlaan at Josaphat at iba pa.
 Hindi maiaalis na Malaki ang naitulong ng romantisasyon sa paglilimbag ng mga akdang panrelihiyong ito
upang maitaguyod at matagumpay na maipalaganap ang Kristiyanismo sa kapuluan. Ang mga Kastila ang
nagpakilala ng titik Romano na nagging hudyat ng ganap na pagbabago ng matandangsistema ng pagsulat,
ang alibata.
 Bagamat inaangkin ng mga kastilana sa kanilang pagdating naganap ang pagkahubog sa kalinangan ng
pamumuhay ng katutubo, ito’y pinabulaanan sa pamamagitan ng mga kantahing mga Pilipino na patuloy na
naingatan at nabuhay sa pasalindilang paraan. Payak o simple man ang nilalaman at kahulugan,
madamdamin at tigib ng kaisipan at kaugaliang Pilipino ang mga awiting bayan. Mababanaag sa mga
awiting bayan. Mababanaag sa mga awiting bayan ang diwa ng kasiglahan, pangungulila, kabiguan at
tagumpay sa buhay. Ang mga awiting bayan ang isa sa daluyan ng inspirasyon at lakas ng ating mga
katutubo upang patuloy na magkaroon ng kulay ang kanilang mga pang-araw-araw na Gawain.
Panahon ng Propaganda at Himagsikan (1872-1896)
 Ang labis na paniniil at pang-aapi ng mga kastila ay unti-unting nagbukas sa kamalayan ng mga
Pilipino sa kanilang abang kalagayan. Ang mga nasa gitnang uri ng lipunan gaya nina Jose Rizal,
Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena at iba pang repormista at propagandista ang nanguna
sa nagnais na pagbabago. Karamihan sa kanila ay may kakayahang makapag-aral sa ibang bayan na
sadyang nakatulong nang Malaki upang mabuo ag marangal na layunin ng kilusang Propaganda.
 Ito’y ang mga Sumusund:
1. Magkaroon ng pantay na pagtingin sa mga kastila at Pilipino sa harap ng batas.
2. Maging isa sa mga lalawigan n España ang Pilipinas.
3. Magkaroon ang mga Pilipino ng kinatawang Pilipino s korte ng España.
4. Maibigay ang pagkakataon sa mga Pilipinong pari na maging kura paroko.
5. Maamo ang Kalayaan sa pamamahayag, katarungan at mga karapatang-pantao.
Panahon ng Propaganda at Himagsikan (1872-1896)
 Sa bagay na ito naghalinhinan ang mga paksain at temang Makabayan ang mga akdang
makarelihiyon. Matutunghayan sa nilalaman ng akda ang tuwirang paglalantad ng pagmamalupit
ng mga kastila gaya ng tiwaling pamamalakad ng simbahan at pamahalaan, pagsikil sa mga
karapatang pantao at iba pa.
 Sa panahong ito, mapapansing nasimulan nang talakayin sa mga akda ang malalim na sakit ng
lipunan. Laman na ng akda ang karaingan ng mga Pilipinoa ng mga hangaring magkaroon ng
pagbabago. Ilan sa mga akdang anaglalaman ng hangaring pagbabago ay ang mga sumudunod:
1. Noli Me Tangere
2. El Filibusterismo
3. A La Juventud Filipina ni Jose Rizal
4. Ang Caiigat Kayo
5. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas ni Marcelo H. del Pilar
Panahon ng Propaganda at Himagsikan (1872-1896)
 Kung ang samahang Propaganda ay pinangunahan nina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at
Marcelo H. del Pilar, ang katas-taasan, kagalang-galangan ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan o
KKK, ay pinamunuan naman ni Andres Bonifacio.
 Kung tutuusin, hindi nagkakalayo ang tema ng mga akdang panliteratura a panahong ito ng
paghihimagsik sa tema ng mga akda sa panahon ng paggising ng damadaming Makabayan sapagkat
hindi Nawala ang himig ng nasyonalismo. Higit nga lamang na naging matalim ang diwa ng mga
akda sa himagsikan dahil sa Malaki ang naiambag ng wikang tagalog na siyang nagging
pangunahaing instrument ng panitik ng mga katipunero a kanilang obra, bukod pa a ilang mga salik
na nagpaigting ng kanilang paghihimagsik bunga ng kabiguan ng mga propagandista na matamo ang
Kalayaan at pagkabitay sa pambansang bayaning si Dr, Jose Rizal. Ilan sa akdang naisulat ng
magiting na katipunero ay ang mga sumusunod:
 Ang dapat na Mabatid ng mga Tagalog
 Pag-ibig sa Tinubuang Lupa,
 Katapusang Hibik ng Pilipinas
Panahon ng Amerikano (1900-1941)
 Patuloy na pumailanlang ang tema ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan sa lahat ng anyo ng mga akda
panliteratura sa panahon ng pagdating ng mga Amerikano. Maging ang kada ay nasa anyo na nobela, maikling
kuwento, sanaysay, tula o dula man ay walang humpay ang pagsasatinig ng ganap na Kalayaan sa panitik ng mga
dakilang mannulat na Pilipino.
 Ang kaluwagang naipagkaloob sa mga Pilipino na hindi nila naranasan kailanman sa mahabang panahon ng
pagtira sa Pilipinas ng mga kastila ay nagbigay-prebilehiyo sa mga manunulat na Pilipino na maibahagi at
mailarawan ang kanilang mga karanasan, kasiphayuan sa buhay at pangarap sa kamay ng mga mananakop na
kastila.
 Sa mga akda sa panahon ng Amek=rikano, tuwirang ibinadila ng mga manunulat ang kagtingan ng lahing Pilipino
na hindi maipagkakaila sa mga kadang tulad ng “Walang Sugat” ni Severino Reyes, “Heneral Gregorio del Pilar”
ni Julian Cruz Balmaceda at iba pa.
 Hindi rin Nawala ang temang tumatalakay sa sosyolismo sa mga akdang “Budhi ng Manggagawa” ni Julian Cruz
Balmaceda at sa nobelang “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos. Malaki ang naiambag ng mga wikang katutubo
lalo’t higit ng Tagalog sa pagsasatitik ng mga akdang nagbibigay-buhay sa damdami’t saloobin ng Pilipino sa
panahong ito.
Panahon ng mga Hapones
 Nabalam ang pangarap ng Pilipino ang tuluyang makamit ang minimithing Kalayaan sa pagdating
ng mga hapon. Sa panahong ito, pumalaot ang mga paksaing may kaugnayan sa mga kultura’t
kaugalian sa mga nayon at lalawigan. Ito ay bunga ng pangangaiangan magkubli ng mga Pilipino
para sa kanilang kaligtasan bunga ng nagaganap na digmaan. Dito naranasan ng mga Pilipinong
hindi taal na tagalalawigan na maranasan ang kariktan ng buhay sa mga kanayunan. Namayani
ang paksain hinggil sa katutubong kulay hanggang sa muling pagbabalik ng mga Amerikano
upang bawiin ang Pilipinas sa kamay ng mga hapones. Ilan sa mga akdang pampanitikan na
nagpahayag ng mga katutubong kulay ang “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda na
naglalarawan ng bayanihan at paraan ng panliligaw, at ang “Lupaing Tinubuan” ni Narciso Reyes.
 Sa panahong ito naipakilala ang tulang haiku. Sa pagkakadala ng anyo ng tulang ito sa panahon
ng mga hapon, nakalikha ang mga manunulat na Pilipino ng mga tulang muli ay pagsisidlan ng
kanilang mga damdamin at saloobin na bunga ng kanilang mga karanasan sa nakalipas na yugto
ng kanilang mga buhay.
Panahon ng Liberasyon
 Hindi nagluwat at matagumpay na muling Nabawi ng mga Amerikano ang
Pilipinas sa kamay ng mga Hapones. Muling sumigla ang mga manunulat sa
pagbabahagi ng buhay at karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapon.
Bumandila ang mga pakain hinggil sa kalupitan ng mga Hpon, ang kanilang
pangungulili, kasiphayuan sa mga pangarap at kasawian sa buhay dala ng
matinding digmaan. Ipagmalaki ng mga panulat ang kagitingan ng mga gerilya
at kahirapang pinagdigmaan ng mga Pilipino sa kamay ng mga hapones.
 Sa pamamalagi ng Amerikano sa Pilipinas matapos ang liberasyon, unti-unti
naming bumaling ang paksain ng mga akdang Panliteratura sa mga
pangyayaring may kaugnayan s apakikipamuhay sa mga Amerikano gayundin
ang pakikipagkaibigan ng mga Amerikano sa mga Hapones.
Panahon ng batas Militar at Bagng Lipunan
(1972-1985)
 Sa panahon na panunungkulan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos naitatag ang Batas-Militar na ang
layunin ay malunasan ang mga problemang pangkahirapan at matamo ang mapayapang buhay. Ngunit hindi
nagtagumpay ang magandang layuning ito bunga na rin ng mahigpit na pamamalakad na ipinairal ng
pamahalaan. Mahigpit na Sistema ng pamahalaan ay sumikil sa Kalayaan ng mga Pilipino. Bunga nito,
lumaganap ang maraming kilos protesta hindi lamang sa kampo ng mga mag-aaral kumdi sa mga aktibistang
manggagawa. Nagsulputan din ang iba’t ibang Samahan na laban sa Sistema ng pamahalaan gaya ng mga
Partido komunista at NPA.
 Ang mga bagay na ito ay hindi pinalampas ng mga manunulat. Mabisang nailarawan sa literature ang
katotohanan sa buhay ng mga Pilipino sa panahon ng rehimeng Marcos. Makatotohanang naipadama ng
panulat sa bawat anyo ng panitikan ang tunay na Kalagayan at pangyayari sa panahon ng Martial Law; ang
nadarama ng mga Pilipino, ang kanilang karaingan, ang kanilang pighati at pagdurusa.
 Naging bukambibig ang mga katagang”makibaka!”, “Kalayaan!”, “ibagsaka ang diktadura” na hindi lamang
sa gitna ng lansangan mariinig kundi maging sa mga lathalain at mga akdang panliteratura ay nakalimbag
din. Samakatuwid, matapang at mapanuligsang maituturing ang nilalaman ng literature sa panahong ito.
Panahong kasalukuyan
 Sa Kasalukuyan, iba’t ibang paksain sa iba’t ibang anyo ng panitikan ang patuloy na
pumailanlang. Ito ay dahil sa higit na nagging malawak ang karanasan ng mga Pilipino bunga
ng maraming pangyayari sa ating bansa. Matapos ang rhimen ng dating Pangulong Marcos ay
hindi Nawala ang kahirapan at hinaing ng mga Pilipino sa mga akda sa kasalukuyan. Hindi
lamang Kalayaan sa pamamahayag kundi ang Kalayaan sa kahirapan ang patuloy na
isinasatinig ng mamamayan.
 Datapwat ang tao’y naghahanap din naman ng mapagbabalingan upang kung hindi man
mabigyang-lunas ang kanilang suliranin ay makatagpo ng pananaliang pagkalimot sa mga
krisis at problemang kinaharap ng bansa.
 Ang telepantasya sa telebisyon ay mabisang lunas upang sumandaliang makatakas sa realidad
ng buhay. Sa telebisyo’y namalasak ang mga palabas na may temang kababalaghan at
pantasya ng Darna, Captain Barbel, Majica at iba pa.
Panahong kasalukuyan
 Sa kabilang dako, ang iba’y binibigyang kasahutan ang kahirapan pangingibang-bayan sa
pag-aakalang ang kaaway ng dolyar sa ibayong dagat ang magtataguyod ng kanilang
pangarap. Sa ibang bayan ay yumayaman ang karanasan ng ating mga kababayan. Oo nga’t
may napapabuti, may nagtatagumpay subalit may nagtatamo din naman ng kasiphayuan at
pagdudurusa. Ang mga ito’y makikita sa mga akdang tulad ng “Tagulalay,” at “Stop Over” na
sumasalamin sa mga pagdurusa at pagkasabik ng mga OFW sa sariling bayan.
 Ang kultura ng ibang bayan ay nakakaimpluwensiya sa paniniwala ng kapwa natin Pilipino.
Ang kanilang paglilipat-lipat ng tirahan, pakikipagniig sa iba’t ibang lahi sa ibayong dagat at
muling pagbabalik sa bansa ay nakakapagpabago ng kanilang interes, hilig at gawi na
naipapasa sa kapawa nila Pilipino. Bunga nito, makikita sa mga akda ng tema ng kultura at isa
na rito ang akdang “Mall Rat” ni Rolando Tolentino na tumatalakay sa mga uri at pangkat ng
taong pumapasok sa Mall na may iba’t ibang gawi, kilos at pananamit.

You might also like