You are on page 1of 14

KABANATA 1

PANIMULANG PAG-AARAL NG PANITIKAN

Maraming pakahulugan ang panitikan ang iba’t ibang manunulat tungkol sa panitikan. May
nagsasabing ang tunay na kahulugan daw ay yaong pagpapahayag ng damdamin, panaginip, at karanasan
ng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan at masining na mga pahayag. Kasama na sa mga
nagbigay pakahulugan sa panitikan ang mga sumusunod: Atienza, Ramos, Salazar at Nazal sa kanilang
aklat na “Panitikang Pilipino”, Bro. Azarias, Webster, at Maria Ramos.

Ang panitikan ay hindi lamang lumlinang ng nasyonalismo kundi ito’y nag-iingat din ng mga
karanasan, tradisyon at mga mithiin ng bawat bansa. Ito ay isang ilaw sa walang kamatayang
tumatanglaw sa kabihasnan ng tao.

Ang panitkan at kasanayan ay matalik na magkaugnay. Ang kasaysayan ay naisatitik kaya’t ito’y
makatotohanang panitikan. Samakatuwid, bahagi ng panitkan ang kasaysayan.

Subalit, mayroon silang pagkakaiba. Ang panitikan ay maaaring kathang-isip lamang


samantalang ang kasaysayan ay pawing mga pangyayaring tunay na naganap.

Ang panitikan ay may apat na paraan ng pagpapahayag-pagsasalaysay, paglalahad, paglalarawan,


at pangangatwiran.

Marahil, minsan ay napagtanto natin kung bakit kailangan nating pag-aralan ang panitikan. Sa
kabanatang ito, inilalahad na mayroong limang(5) mahahalagang bagay kung bakit kailangan nating pag-
aralan ang panitikan. Isa na dito ay upang makilala natin ang sarili bilang Pilipino at matalos an gating
minanang yaman ng isip at angking talino n gating pinanggalingang lahi.

Mayroon ding mga mahahalagang bagay na nakapangyayari sa panitikan at ito ay ang


sumusunod: (1) ang klima; (2) ang hanapbuhay; (3) pook; (4) lipunan at pulitikan at; (5) edukasyon at
pananampalataya.

Kung ang limang kalagayan ang nabanggit na nakapangyayari sa panitikan ay may impluwensya
sa anyo, hangarin, at laman ng panitikan, ang panitikan naman ay may dalang mahahalagang
impluwensya sa buhay, kaisipan, at ugali ng mga tao. Isa na dito ay ito ang dahilan ng nagkalapit ang
damdamin ng mga tao sa sandaigdigan. Nagkakahiraman sila ng ugali at nagkakatulungan.

Marami ring mga akdang pampanitikan ang nagdala ng impluwensya sa buong daigdig tulad ng
mga sumusunod: Canterbury Tales, Uncle Tom’s Cabin, Ang Divine Comedia, Banal na Kasulatan o
Bibliya, Koran, Ang Iliad at Odyssey, Mahabharata, El Cid Compeador, Ang Awit ni Rolando, Aklat ng
mga Patay, Aklat ng mga Araw, at Isang Libot Isang Gabi.

Ang panitikan ay may dalawang pangkalahatang uri. Ito ay ang patula at tuluyan. Kasama sa
tuluyang uri ang mga akdang maikling kwento, nobela, dula, pabula, alamat, anekdota, sanaysay,
talambuhay, balita, parabula at talumpati. Samantala, ang mga tula naman ang mga akdang napabilang sa
patulang uri ng panitikan. Nahahati naman sa apat na uri ang mga akdang patula: tulang pasalaysay,
tulang paawit o liriko, tulang padula o pantanghalan, at tulang patnigan.

Ang mga epiko at awit at kurido ay napabilang sa tulang pasalaysay. Ang mga awiting bayan,
soneto, elihiya, dalit, pastoral at oda naman ay napabilang sa mga tulang liriko. Samantala, napabilang
naman sa tulang pantanghalan ang mga komedya, melodrama, trahedya, at parsa. At napabilang naman sa
tulang patnigan ang karagatan, duplo at balagtasan.

Saklaw ng Panitikang Pilipino ang kasanayang pinagdaanan nito mula sa panahon ng pananakop
ng mga dayuhan hanggang sa kasalukuyan. Saklaw din nito ang mga akdang sinulat ng mga manunulat na
Pilipino at mga paksang nahihinggil sa lahi’t kalinangang Pilipino.

KABANATA 2

PANIMULANG PAG-AARAL NG PANITIKAN

Napakaraming epiko ang nagsilitaw sa panahong ito subalit walang sinumang makapagsasabi
kung alin sa mga ito ang pinakamatanda sapagkat maging Ingles at Kastila at sa iba pang wika, sa
pagkakasalin nito ay hindi naluluma.

Kasama sa mga epikong maaaring mabasa at mapag-aralan ang mga sumusunod:

a. Bidasari – Epiko ng Moro


b. Biag ni Lam-ang – Epiko ng Ilokano
c. Maragtas – Epiko ng Bisaya
d. Haraya – Epiko ng Bisaya
e. Lagda – Epiko ng Bisaya
f. Hari sa Bukid – Epiko ng Bisaya
g. Kumintang – Epiko ng Tagalog
h. Parang Sabir – Epiko ng Moro
i. “Dagoy”at “Sudsud” – Epiko ng Tagbanua
j. Tatuang – Epiko ng Bagobo
k. Indarapatra at Sulayman – Epiko ng Moro na bumubuo sa “Daraganan”
l. Dantugan - Epiko ng Moro na bumubuo sa “Daraganan”
m. Daramoke-A-Babay - Epiko ng Moro na bumubuo sa “Daraganan”

Ang pinakasikat na epiko sa kasalukuyan ay ang Biag ni Lam-ang ng mga Ilokano. Makikita sa
paglalarawan sa kwentong ito ang mga katangian ng isang epiko.

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan ay may sarili nang panitikang
nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi ang ating mga ninuno.

Panitikan ang nagpapahiwatig ng tunay na pagkalahi natin. Ito ang nagsisilbing wika ng Pilipino
na nagbubunyag ng panlipunan at panlahing kaugalian ng ating pang-araw-araw na buhay.

Mayroon na ring sariling baybayin o alpabeto an gating mga ninuno, ang alibata.
KABANATA 3

PANAHON NG MGA KASTILA

Ang isinaalang-alang na unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan ay ang pananatili
rito ni Miguel Lopez de Legaspi noong 1526, bilang kauna-unahang gobernador-heneral.

Sa mga panahong iyon, tinangkilik ng mga Pilipino ang relihiyong Katoliko. Natuto silang
magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga Santo, sa papa at sa gobernador. Bilang libangan,
nagkaroon ng sabong at karera ng kabayo.

Sa panahong ito, nabuo ang pangkat ng “may kaya” na may ari-arian at lupain. May ilan ding
Pilipino ang nakapag-aral at nakakuha ng kursong tulad ng medisina, abogasya, agrikultura at pagiging
maestra.

Marami ang naging impluwensya ng Kastilasa Panitikang Pilipino at kasama pa rito ang mga
sumusunod:

1. Ang alibata na kauna-unahang abakadang Filipino ay napalitan ng Alpabeto Romano


2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana
3. Ang wikang Kastila ang naging wika ng panitikan sa panahong iyon.
4. Ang pagkakadala ng mga Alamat ng Europa at tradisyong Europeo na naging bahagi sa
Panitikang Pilipino
5. Ang pagkakasalin ng makalumang panitikan sa tagalo at sa ibang wikain
6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino
7. Ang pagakaroong ng makarelihiyong himig ng mga lathlain

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga akda sa panahon mga Kastila.

PANGWIKA DULANG PANLIBANGAN

1. Arte y Reglade la Lengua Tagala 1. Sinakulo


2. Compendio de la Lengua Tagala 2. Panunuluyan
3. Vocabulario de la Lengua Tagala 3. Panubong
4. Vocabuario de la Lengua Pampango 4. Karilyo
5. Vocabulario de la Lengua Bisaya 5. Moro-moro
6. Arte de la Lengua Bicolana 6. Karagatan
7. Arte y de la Lengua Iloka 7. Duplo
8. Kurido
KABANATA 4

PANAHON NG PAGBABAGONG-ISIP

Pagkatapos mahimlay ng tatlong daang taon, nagising ang mga natutulog na damdamin ng mga
Pilipino nang isangkot sa digmaan at patayin ng garote nang walang matibay na katibayan sa pagkakasala
ang tatlong paring sina Gomez, Burgos, at Zamora noong Pebrero 7, 1872.

Ang dating diwang makarelihiyon ay naging makabayan at humingi ng pagbabago sa


pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.

Ag kilusang propaganda ay humingi ng mga reporma na gaya ng mga sumusunod:

1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.


2. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
3. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinakatawang PIlipinosa Kortes ng Espanya.
4. Gawing mga Pilipino ang mga Kura Paroko.
5. Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpuplong, at
pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.

Kasama sa mga taluktok ng propaganda ang mga sumusunod:

1. Dr. Jose Rizal


 Noli me Tangere, El Filibusterismo at Mi Ultimo Adios
 Nagtatag ng pahayagang “Diariong Tagalog”
2. Marcelo H. Del Pilar
 “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”
3. Graciano Lopez Jaena
 “Ang Fray Botod”
4. Antonio Luna
 “Noche Buena”
5. Mariano Ponce
 “Sobre Filipinas”
6. Pedro Paterno
 “NInay”
7. Jose Ma. Panganiban
 “Ang Lupang Tinubuan”, El Pensamiento

Sa panahon ng tahasang paghihimagsik, hindi ipinagkaloob ang hinihinging pagbabago ng mga


Propagandista.

Nang dahil sa mga pangyayaring iyon, ilan sa mga mamamayang Pilipinong kabilang sa pangkat
na “La Liga Filipina” ay nagsipagsabi na “wala nang natitirang lunas kundi ang maghimagsik.”

Sa panahong ito, nanaluktok sina Andre Bonifacio, Emilio Jacinto, at Apolinario Mabini.
 Anres Bonifacio
 Ama ng Demokrasyang Pilipino
 Ama ng Katipunan
 Emilio Jacinto
 Utak ng Katipunan
 Sumulat ng Kartilya ng Katipunan
 Sumulat ng sanaysay na “Ningning” at “Liwanag”
 Apolinario Mabini
 Sumulat ng “Tunay na Sampung Utos”

Kasama rin sa mga maghihimagsik si Jose Palma y Velasquez. Siya ay may ambag sa Panitikang
Filipino ng mga titik ng “Pambansang Awit ng Pilipinas” sa wikang Kastila na nilapatan naman ng
musika ni Julian Felipe.

Ang mga pahayagan sa panahon ng himagsikan ay ang Heraldo de la Revolucion, La


Independencia, La Republica Filipina, at La Libertad.

KABANATA 5

PANAHON NG AMERIKANO

Nagwagi ang mga Pilipinong mapanghimagsik laban sa mga Kastila na sumakop sa atin sa loob
ng 333 taon. Naiwagayway ang ating bandila noong Hunyo 12, 1898, tanda ng pagkakaroon ng kalayaan.
Hinirang na unang pangulo ng Republika ng Pilipinas si Hen. Emilio Aguinaldo, subalit naging
panandalian lamang ito sapagkat lumusob ang mga Amerikano.

Maraming Pilipino noon ang nagsalong ng sandata at muling nanulat sa lahat ng larangan ng
panitikan tulad ng lathalain, tula, kwento, dula, sanaysay, nobela at iba pa. Kalimitang mababasa sa
kanilang mga akda ang pag-ibig sa bayan at pag-asam ng kalayaan.

Ang masiglang kilusan sa larangan ng panitikan ay nagsimulang mabasa sa mga sumusunod na


pahayagan.

1. El Nueva Dia (Ang Bagong Araw)


2. El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan)
3. El Renacimiento (Muling Pagsilang)

Kabilang rin ang dula na umusbong sa panahong ito subalit ipinatigil dahil sa temang makabayan.
Kasama dito ay ang “Kahapon, Ngayon at Bukas”, “Tanikalang Ginto”, “Malaya” at “Walang Sugat”.

Tatlong pangkat ng mga manunulat ang kumatawan sa Panitikang Pilipino nang panahong ito.
PANITIKAN SA KASTILA

Marami ang naging manunulatsa Kastila na naging inspirasyon ang mga bayani ng bayan.
Kabilang sa mga manunulat na dito ang mga sumusunod:

Cecilio Apostol – “A Rizal” (Kay Rizal)


Fernando Ma. Guerrero – “Invocacion A Rizal” (Panawagan kay Rizal)
Jesus Balmori – Kilala bilang “ Batikuling”, tumalo kay Bernabe sa isang balagtasan
Manuel Bernabe – makatang liriko
Claro M. Recto – “Bajo Los Cocoteros”

IBA PANG MANUNULAT SA WIKANG KASTILA

Adelina Gurrea
Isidro Marpori
Epifanio de los Santos
Pedro Aunario

PANITIKAN SA TAGALOG

Ang “Florante at Laura” ni Balagtas at ”Urbana at Felisa ni de Castro ang naging inspirasyon ng
manunulat sa Tagalog.

Julian Cruz Balmaceda – Nag-uri ng makatang Tagalog : Makata sa Puso, Makata ng Buhay,
Makata ng Dulaan
Lope K. Santos – Sumulat ng tulang “Pagtatapat” at nobelang “Banaag at Sikat”
Jose Corazon de Jesus – may sagisag panulat na “Huseng Batute’’, tinaguriang “Makata ng Pag-
ibig”, sumulat ng tulang “Kahti Saan”
Florentino Collantes - Isang duplero, may sagisag na “Kuntil Buntil”, sumulat ng “Ang Lumang
Simbahan”
Amado V. Hernandez – tinaguriang “Makatang mga Manggagawa”, sumulat ng tulang “Ang
Panday”
Valeriano Hernandez Peńa- sumulat ng “Nena at Neneng”

Sa pagpasok ng panahon ng Amerikan, sina Severino Reyes at Hermogenes Ilagan ang nagsimula ng
kilusan laban sa moro-moro at ipinakilala ang sarsuela at tahasang dula.

KABANATA 6
PANAHON NG HAPONES

Ang Panitikang Pilipino sa wikang Ingles ay nabalam sa kanyang tuloy-tuloy na sanang pag-
unlad nang muling sakupin ng isa na namang dayuhang mapaniil, ang mga Hapones. Natigil ang mga
Panitikan sa Ingles maliban sa mga pahayagang Tribune at Philippine Review.

Ang lingguhang liwayway ay inilagay ng mga Hapones sa mahigpit na pamamatyag hanggang sa


ipabahala ito sa isang nagngangalang Ishikawa.

Sa madaling salita, nabigyang puwang ang Panitikang Tagalog sa panahong ito.

Ang mga tula sa panahon ng Hapon ay may karaniwang paksa na tungkol sa bayan o sa
pagkamakabayan, pag-ibig, kalikasan, buhay lalawiganin, pananampalataya, at sining.

Tatlong uri ng tula ang lumaganap sa panahong ito. Kinabibilangan ito ng:

o HAIKU
 Binubuo ng labimpitong pantig: 5-7-5.
 Nagtataglay ng masaklaw at matalinghagang kahulugan
o TANAGA
 May sukat at tugma
 May pitong pantig bawat taludtod
 Nagtataglay din ito ng matalinghagang kahulugan
o KARANIWANG ANYO
 Karaniwang tula na halos may paksang tungkol sa pag-ibig

Ang mga dulang Tagalog sa panahong ito ay nabigyang puwang. Ang mga malalaking sinehan ay
ginawang tanghalan ng mga dula. Ilan sa mg nagsisulat ng dula ay ang sumusunod:

Jose Ma. Hernandez


 Sumulat ng “Panday Pira”
Francisco Soc Rodrigo
 Sumulat ng “Sa Pula Sa Puti”
Clodualdo del Monde
 Sumulat ng “Bulaga”

Julian Cruz Balmaceda


 Sumulat ng “Sino Ba Kayo”, “Dahil sa Anak”, at “Higanti ng Patay

Naging maunlad naman ang larangan ng maikling kwento noong panahon ng Hapon. Maraming
mga nagsisulat ng mga kwento.
Ang pinakamahusay na akda ng taong 1945 ay pinili ng mga lupon ng inampalan. At ang 25
maikling kwento ay pinasuri naman nina Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaceda, at Inigo Ed. Regalado.
Ang kinawakasan ay pagsusuri ay nagsasabing ang mga sumusunod ang nagkamit ng unang tatlong
gantimpala:

o Unang Gantimpala
 Lupang Tinubuan – ni Narciso Reyes
o Pangalawang Gantimpala
 Uhaw ang Tigang na Lupa – ni Liwayway Arceo
o Pangatlong Gantimpala
 Lunsod Nayon at Dagat-dagatan – ni NVM Gonzales

KABANATA 7

PANAHON NG ISINAULING KALAYAAN

Naging makasaysayan sa ating mga Plipino ang ika-4 ng Hulyo, 1946, sapagkat dito isinauli ang
kalayaan. Sa unang pagkakataon ay naging Malaya sa turing ng mga Pilipino. Subalit, walang naging
balangkas na ekonomiya ng bansa bago ito pinalaya.Ang Hukbalahap na binubuo ng pangkat ng mga
gerilyang may pagkiling sa komunismo, ay isa pang pamana ng digmaan na naging malaking sagabal sa
pambansang kaunlarang pang-ekonomiya.

Ang mga manunulat sa panahong ito ay tila naging mapaghangad sa makukuhang gantimpala. Sa
panahong ito sumulpot ang mga ulirang manunulat na Amerikano dahil sa kanilang mahusay na
teknesismo ng panulat na sina Ernest Hemingway, William Saroyan, at John Steinbeck.

Ang panitikan ng mga Pilipino sa panahong ito ay muling sumigla. Nabuksang muli ang mga
palimbagan ng mga pahayagan at magasin. Nagkaroon din ng laman ang mga salitang Tagalo. May mga
nobela ring namalasak subalit binabasa bilang libangan lamang. At maraming mga aklat ang nalimbag sa
panahong iyo tulad ng sumusunod: Mga Piling Tula at mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Ang
maikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza Matute, at
Parnasong Tagalog ni A.G. Abadilla.

Muling sumigla ang panitikang Filipino sa wikang Ingles nang panahong ito. Maraming
pahayagang Ingles ang lumabas tulad ng Philippine Free Press at Morning Sun.

Isa ring nakapagpasigla sa ating mga manunulat na Pilipino ang pagkakalunsad ng Timpalak-
Palanca o “Palanca Memorial Awards for Literature” na pinamumunuan ni G. Carlos Palanca Sr. noong
1950 hanggang ngayon.

Ang kauna-unahang mga nagwagi sa unang taon (1950-1951) ng timpalak sa larangan ng


pagsulat ng maikling kwento ay ang mga sumusunod:

o Unang Gantimpala:
 “Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza Matute
o Ikalawang Gantimpala:
 “Mabangis na Kamay…Maamong Kamay” ni Pedro Dandan
o Ikatlong Gantimpala:
 “Planeta, Buwan, at mga Bituin” ni Elpidio P. Kapulong

KABANATA 8

PANAHONG AKTIBISMO

Ang pagiging Malaya sa turing ng mga Pilipino ay hindi maatim tanggapin ng ilang mga
mamamayang Pilipino, lalo na ng mga kabataan.

Naging mainit ang pananaliksik ng aktibismong kabataan noong 1970-72. Samutsaring


paniniwala ang dahilan ng kanilang pagiging aktibista at isa na doon ang paniniwalang hindi na
demokratiko kundi isang gobyernong kapitalista na ang umiiral sa ating bayan sapagkat damang-dama
raw nila ang lalong paghihirap ng mga mahihirap at lalong pagyaman ng mga mayayaman.

Sa kalahatan, maraming kabataan ang naging aktibista sa panahong ito. Subalit, humantong sa
pagkakadeklara ng Batas Militar (Martisl Law) noong 1972 ang binhi ng aktibismo.

Wika ni G. Ponciano Pineda sa kanyang aklat na “Panitikang Pilipino sa Kaunlaran ng Bansa”,


ito ang panahong minsan pang pinatunayan ng kabataang Pilipino na hindi laging sa pagyuyuko ng ulo at
pag-ilag sa hangin ang bumuo ng kanyang pagkalahi at pagkabansa.

Naging ganap na mapanghimagsik ang mga kabataan sa panahong ito. Ang mga pahayagan ng
mga damdaming mapanghimagsik. Maliban sa makinilya, gumamit din ila ng pinsel at isinulat sa plakard,
sa pulang pintura angmga kaugnay na salitang nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka.

Masasabing halos nagtataglay ng tatlong katangian ang mga tulang naisulat ng mga batang
makata at mananalumpati sa panahon ng aktibismo. Una ay ang pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng
bayan; pangalawa ay ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdokna pagpapasa ng mga
manunungkulan at ang ikatlo ay ang tahasang masasabing labag sa kagandahang asal na panunungayaw at
karahasan sa pananalita.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga aklat na katipunan ng mga tula sa panahong ito.

 Mga A!ng Panahon


 Kalikasan
 Peregrinasyon at Iba Pang Tula
 Mga Tula ng Bayan Ko at Iba
 Sitsit sa Kuliglig
 Mga Gintong Kaisipan
KABANATA 9

PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

Nagsimula ang panahon ng bagong lipunan noong Setyembre 21, 1972. Nagpatuloy pa rin ang
Gawad Carlos Palanca sa pagbibigay ng patimpalak. Nagtatag ang pamahalaang militarng baging
kagawaran na tinatawag na “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” upang siyang mamahala at sumubaybay
sa mga pahayagan, aklat at mga iba pang babasahing panlipunan.

Ilang buwan ang nakalipas pagkatapos ideklara ang Batas Militar, ang mga sumusunod na Slogan
ng Bagong Lipunan ay ilan sa nabasa at narinig ng mga mamamayan.

1. “Sa ikauunlad ng bayan


Disiplina ang kailangan.”
2. Magplano ng pamilya
nang ang buhay ay lumigaya.
3. Ang pagsunod sa magulang
Tanda ng anak na magalang.

Sa panahong ito, sumigla ang mga awiting bayan, karunungang bayan, mga dula, at mga
pahayagan, komiks, at magasin.

 Mga Awiting Bayan 


“Maynila…Sa mga Kuko ng
 Kundiman Liwanag”
 Kumintang  “Insiang”
 Dalit  Mga Pahayagan
 Oyayi  Bulletin Today
 Suliranin  Times Journal
 Talindaw  Philippine Daily Express
 Mga Karunungang Bayan  Balita
 Salawikain  Magasin
 Sawikain  Kislap
 Bugtong  Bulaklak
 Palaisipan  Extra Hot
 Bulong  Jingle Sensation
 Kasabihan  Komiks
 Kawikaan  Pilipino
 Mga Dula  Love Life
 ‘Aguila’  Hiwaga
KABANATA 10

PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA

Makaraan ang sampung taong pagkakasailalim ng Pilipinas sa Batas Militar at sa tinatamasang


bahagyang pagbabago sa buhay ng mga Pilipino, muling inalis ang bansa sa ilaim ng nasabing batas
noong Enero 2, 1981.

Sa pagkakaalis ng bansa sa nasabing batas, tinawag ng dating Pangulong Marcos na “Ang


Bagong Republika ng Pilipinas”. Subalit isang mananalaysay ang nagsabi na ito ang panahon ng ikatlong
Republika. Ang unang republika ay ang REpublika ng Pilipinas sa panahon ni Emilio Aguinaldo; ang
ikalawa ay ang paglaya natin sa ilalim ng pamahalaang Amerikano; at itong ikatlo, dahil muling naging
Malaya ang bansa sa pagkakaalis ng Batas Militar.

Mas lalo pang nag-alab ang mga nagpupuyos na kalooban ng mga mamamayan nang patayin ang
kanilang minimithing pangulo ng bansa na si Senador Benigno Aquino Jr. noong Agosto 21, 1983.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Panitikang Pilipino sa oanahon ng ikatlong republika.

 Mga Panulaang Tagalog


 Buod – Rodolfu Salandaan
 Pilipinas, Sawi kong Bayan – Francisco ‘Soc’ Rodrigo
 Mga Awiting Filipino
 Laban Na – Coritha at Eric
 Bayan ko – Jose Corazon de Jesus at C. de Guzman
 Pilpino – Freddie Aguilar
 Pelikulang Filipino
 Pelikulang nahihinggil sa sex
 Pahayagang Tinangkilik
 Forum
 Daily Inquirer
 Manila Times
 Malaya
 Patimpalak
 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
KABANATA 11

ANG PANITIKAN SA KASALUKUYAN

Muling nabawi ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na nawala rin ng mga
labing apat na taon sa loob ng apat na araw, mula ika-21 ng Pebrero hanggang ika-25 nito atnamayani ang
people’s power o “likas ng bayan”.

Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman halos ng pagpapahayag ng tunay na damdamin ng


mga makata, ang kanilang mga tuwirang pagpuri sa mga nanunungkulan, nakagawa ng kabutihan sa
bayan at panunuligsa naman sa tiwaliang gawa. Narito ang ilang halimbawa.

 Giting ng Bayan – Francisco ‘Soc’ Rodrigo


 Himala ni Bathala – Francisco ‘Soc’ Rodrigo
 Lumaya ang Media – Taliba, Abrl 16, 1986
 Bawasan ang Amortisasyon – Taliba, Mayo 12, 1986
 Alambreng May Tinik, Bombang Tubig at Usok na Malupit – Remi Alvarez Alva

Sa kabila ng mga suliraning kinakaharap ng bansa, unti-unting bumalik ang demokratikong


institusyon sa bansa na pinamunuan ni Corazon Aquino.

Isinawalang-bisa ang Saligang Batas 1972 at gumawa ng isang “Freedom Constitution” upang
maging pansamantalang batas hanggang sa naratipikahan na ang Saligang Batas 1987.

Dahil sa patuloy ng pagdududa ng mga Pilipino sa kakayahan ng pamahalaan, isinagawa ang snap
election noong Pebrero 7, 1986, ang pinakakontrobersiyal na eleksyon sa kasaysayan. Dineklara ng
COMELEC si Marcos bilang nagwagi.

 Ang Awiting Pilipino sa Kasalukuyan


 Magkaisa – Tito Sotto, Homer Flores, E. dela Pena
 Handog ng Pilipino sa Mundo – Jim Paredes
 Ang sanaysay sa Kasalukuyan
 Pag-ibig Laban sa Tangke
 Juan de la Cruz Senior
 Susi sa Ganap na Kalayaan
 Dikta ng Dayuhan
 Ang mga Pahayagan at iba pang Babasahin
 Midday Malaya
 Daily Inquirer
 Mirror
 Veritas
 Pilipino Ngayon
 Mga Manunulat sa Kasalukuyan
 Ponciano Pineda
 Isagani Cruz
 Edgardo Reyes
 Domingo Landicho
 Ruth Mabanglo
 Lydia Gonzales
 Ang Timpalak Palanca sa Kasalukuyan
 Dula (Unang Gantimpala) – Bayan Mo ni Bienvenido Noriega Jr.
 Tula (Unang Gantimpala) – Pakikidigma ni Teodoro Agoncillo
 Maikling Kwento (Unang Gantimpala) – Ang Damo sa Fort Bonifacio ni Cynes Borja
 Sanaysay (Unang Gantimpala) – Si Edgardo Reyes ni Rogelio Mangahas
KABANATA 12

PANUNURING PAMPANITIKAN

Isa sa napakahalagang bagay na dapat ring matutunan ng mga mag-aaral ngayon ay ang
panunuring pampanitikan upang mapahalagahan ang mga akda ng lubusan.

Narito ang limang batayan sa panunuring inilahad ni Virgilio Sagun sa kanyang mabisang
panunuring pampanitikan.

1. Pormalistiko – kayarian ng akda


2. Sosyolohikal – Interaksyon ng mga tauhan
3. Sikolohikal - Pagtatalo ng kaisipan ang diin
4. Moralistiko – kilos o asal
5. Arketipal – pagpapakahulugan sa mga simbolismo ng akda

Isang pagsusuri ang pinagtulungang binuo nina Elenita Manalastas at Analiza Panganiban, na may
pamagat na “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar.

Halimbawa sa Pagsusuring Arketipal:

Pinamagatang “Sinag sa Karimlan” dahil ang karimlan ay kadiliman sa bilangguan. Sa kalagayan


no Tony, ang liwanag ay ang pagliwanag ng kanyang isip, ang pagkamulat sa katotohanan at
pagkakagawad niya ng kapatawaran sa kanyang ama. Sa kalagayan ni Mang Luis ay lumiwanag ang
kanyang isip nang iwan siya ng kerida at napag-isip-isip ang ginawang pag-iwan sa pamily at ang
paghingi nito ng kapatawaran sa mag-ina.

You might also like