You are on page 1of 12

SANAYANG AKLAT SA PAGTUTURO

NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (II)


ANG PANITIKAN NG PILIPINAS

NERISSA N. BEHHAY, Ph.D.


Instructor/Professor
For IFSU Use Only

Paunang Salita

Ang Panitikan ng Pilipinas ay isang mabisang pagmamasid o pagbuod na


paglalahad tungkol sa panitikan ng Pilipinas.

Sa mga panitikan ng Pilipinas makikilala ang katanyagan at kagalingan


ng bawat Pilipinong manunulat. Walang pasubaling pinakilala ang pag-unlad ng
mga panitikang Filipino dahil sa pagbababagong natamasa mula sa kanilang
paniniwala, kaugalian, kultura at tradisyong kinamulatan.

Isinaalang-alang ng sanayang aklat na ito ang mahigpit na


pangangailangan ng kasalukuyan lalo na sa paghubog sa buhay ng mga
kabataang pinag-iiwanan ng panahon. Napakalaking hamon ito sa atin kung
paano maibahagi sa kanila ang kayamanang taglay ng ating Panitikan, bagama’t
may pananaw na pandaigdigan para ipagpatuloy ang matagal at mabalakid na
gawaing paghahanap sa kanilang sariling pagkakakilanlan o identidad na
nasikil ng mga mapanakop at maimpluwensyang dayuhan upang sa hinaharap
ay matuklasan ang tunay na sarili at maging wagas na Pilipino sa isip, sa salita,
at sa gawa.

Panuto
Upang mas lalo mong matutunan ang mga araling nakalahad dito; dapat
mong sundin ang mga ilang panuto:

1. Napakahalagang sundin ang mga panutong nakahad sa aralin.


2. Basahin at bigyang interpretasyon ang bawat araling mababasa.
3. Maging aktibo at malikhain sa mga gawaing hinihingi ng bawat aralin.
4. Isagawa ang lahat ng hinihingi ng bawat aralin. Huwag kalimutang isulat
ang buong pangalan.
5. MAGING TAPAT KA SA SARILI.
6. Iwasang kopyahin ang mga sagot ng iba.
7. Huwag na huwag mangopya ng mga ideya o sagot sa internet.
8. Iwasan ang plagyarismo.
PASASALAMAT

Malugod na ipinaabot ng may-akda ang kanilang taos-pusong


pasasalamat sa lahat ng kanilang pinagkakautangan ng loob sapagkat nang
dahil sa kanila ay maayos at kapaki-pakinabang ang sanayang aklat na ito. Sa
mga edukador at mga mag-aaral na nagbigay inspirasyon sa mga may-akda
upang tapusin ang sanayang aklat na ito, maging sa mga manunulat na ang
akda ay isinama rin sa sanayang aklat na ito kahit mga bahagi lamang ay
napakalaking ambag para sa ikatatagumpay sa pagkakabuo nito. Sa iba’t ibang
aklat o website ng internet na pinaghanguan ng may-akda ay pasasalamat din
ang ipinaaabot.
Higit sa lahat, papuri at pasasalamt sa ating Poong Maykapal sa paggabay
at pagbibigay ng kalakasang pisikal, espiritwal at sapat na kaalaman upang
maisakatuparan ang kagustuhang maisagawa at tapusin ang sanayang aklat na
ito.
Maraming-maraming salamat po!

May-akda
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
Pamagat …………………………………………………………………………… i
Pasasalamat ……….……………………………………………….…………… ii
Talaan ng Nilalaman …………………………………………………………… iii

KABANATA I. Samu’t Saring Kaalaman sa Panitikan ng Pilipinas


Kahulugan ng Panitikan
Ang Panitikan at Kasaysayan
Ang Impluwensya ng Panitikan
Pangkalahatang Uri ng Panitikan
Mga Akdang Tuluyan
Mga Alamat
Mga Epiko
Awiting Bayan
Mga Kuwentong Bayan
Mga Tradisyunal na Dula
Bugtonge
Salawikan at Kasabihan
Akdang Patula
Tulang Pasalaysay
Tulang Liriko o Tula ng Damdamin
Tulang Pandulaan o Pantanghalan
Tulang Patnigan
Mga Panahon ng Panitikang Filipino

KABANATA II. Ang Panitikan sa Panahon Bago


Dumating ang mga Kastila
Sanligang Kasaysayan
Mga Karunungang Bayan
Alamat
Epiko
Awiting Bayan
Kuwentong Bayan
Bugtong
Salawikan
Kasabihan

KABANATA III. Ang Panitikan sa Panahon ng Kastila


Sanligang Kasaysayan
Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Filipino
Mga Akda o Aklat sa Relihiyon
Ang Doctrina Cristiana
Nuestra Señora del Rosario
Barlaan at Josaphat
Urbana at Feliza
Pasyon
Mga Dulang Panrelihiyon
KABANATA IV. Ang Panitikan sa Panahon ng Propaganda at Himagsikan
Saligang Kasaysayan
Ang mga Propagandista at ang kanilang mga akda:
Dr. Jose Rizal at ilang akda
Marcelo H. Del Pilar
Graciano Lopez-Jaena
Antonio Luna at ilang akda
Pedro Paterno at ilang akda
Jose Maria Panganiban
Mariano Ponce at ilang akda
Pascual Poblete at ilang akda
Ang Panitikang Makabayan at Mapanghimagsik
Andres Bonifacio at ilang akda
Emilio Jacinto at ilang akda
Apolinario Mabini at ilang akda
Julian Felipe at ilang akda
Jose Palma at ilang akda

KABANATA V. Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano


Sulyap sa Nakaraan
Mga manunulat sa Kastila, Tagalog at Ingles
Mga piling akda sa panahong ito
Bayan Ko
Isang Punongkahoy
Ang Aklasan
Isang Dipang Langit

KABANATA VI. Ang Panitikan Panahon ng Hapon


Sulyap sa Nakaraan
Mga piling akda sa panahong ito
Uhaw ang Tigang na Lupa
Utos ng Hari
Ang Dula
Kabayanihang Ipagbili
Ang Nobela
Balangkas ng Nobela
Kahalagahan ng Nobela
Ang Tula
Ang Gabi’y Puno ng Buhay
Tagpuan sa Dagat

KABANATA VII. Ang Panitikan sa Panahon ng Bagong Kalayaan


Sulyap sa Nakaraan
Talaan ng mga Nagwaging Gantimpalang Palanca sa Tula
Mga Kilala at Natanyag sa Larangan ng Panulaan
Valeriano Hernandez Peña
Amado V. Hernandez
Alejandro Abadilla
Virgilio S. Almario (Rio Alma)
Ildefonso Santos
Iñigo Ed. Regalado
Teodoro A. Agoncillio
Mga Nagwagi ng Gantimpalang Palanca sa maikling Kwento
Kwento ni Mabuti
Kinagisnang Balon
Impeng Negro
Bilanggo

KABANATA VIII. Ang Panitikan sa Panahon ng Aktibismo


Sulyap sa Nakaraan
Mga piling akda sa panahong ito
Ngayon
Ang Tao at ang Hayop
Ang Matapat na kawani

KABANATA IX. Ang Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan


at Kasalukuyang Panahon
Sulyap sa Nakaraan
Mga Nagwagi ng Gawad Palanca sa Tula
Mga Nagwagi ng Gawad sa Maikling Kwento
Mga piling akda sa panahong ito
Kabalintunaan
Unawain Ako!
Magandang Balita
Bakasyunista
Kandong

KABANATA I

SAMU’T SARING KAALAMAN


SA PANITIKAN NG PILIPINAS

Mga Layunin:
Pagkatapos ng aralin ito, ang mga mag-aaral ay inaasaahang:
1. Natutukoy ang iba’t ibang kahulugan ng Panitikan.
2. Nakapagbabahagi ng sariling opinyon hinggil sa mga paksang nakalahad.
3. Napauunlad ang kaalaman sa mga panitikang taglay ng bansang
Pilipinas.
4. Naihahambing ang dalawang anyo ng panitikan.

Kahulugan ng Panitikan

1. Ayon sa tuntunin natin sa Ortograpiya


Ang salitang Tagalog na “Panitikan” ay galing sa unlaping PANG (na
nagiging PAN) kapag ang kasunod na ugat ay magsisimula sa d, l, r, s, t;
sa ugat ng titik na nawawalan ng simulang T sa sa pagkakasunod sa PAN
at sa hulaping AN, sumakatuwid; pang + titik+ an. Ang salitang ito ay
panumbas sa Tagalog sa “Literatura” na kapwa batay sa ugat na Lating
“LITERA” na kahuluga’y Letra o Titik.

2. Ayon kay Bro. Azarias


Ang Panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao hinggil sa mag
bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan at
sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha.

3. Ayon sa Webster’s New Collegiate Dictionary


Ang panitikan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang
isinulat o inilimbag sa isang tanging wika ng mga tao. Kung ano mang
bagay na naisatitik, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng
tao, maging ito’y totoo, kathang-isip o bungang-tulog lamang ay maaaring
tawaging panitikan.

4. Ayon sa aklat na “Panitikang Pilipino” nina Atienza, Ramos, Zalasar


Ang tunay na Panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong
nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa
kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya
sa kanyang pagsusumikap na makita ang Maykapal.

5.Ayon kay Maria Ramos


Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.
Dito nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa,
hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat sa maganda,
makulay, makahulugan, matalinghaga, at masining na pagpapahayag.

6. Ayon sa aklat na Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina nina


Recorba, Nacin, Tanwan at Lartec
Ang panitikan ay interpretasyon ng buhay na nilalapatan ng kulay
at arte.

7. Ayon kay Laong (1917)


Ito ay nasususlat sa tala ng pinakamabubuting kaisipan at
damdamin ng tao.

8. Ayon kay Dr. Rufino Alejandro (1949)


Ito ay katuturang bungang-isip na isinatitik.

Ang Panitikan at Kasaysayan


Matalik na magkaugnayan ang Panitikan at Kasaysayan. Sa pagtalakay
ng kasaysayan ng isang lahi, tiyak na kasama rito ang damdamin, saloobin,
kaugalian o tradisyon ng lahing ito. At ang lahat pag naisatitik ito’y
makatutuhanang panitikan. Ang mga ito ay tunay na mga nangyari.

Ang Pagkakaiba ng Kasaysayan at Panitikan

Panitikan ay maaaring mga likhang-isip o bungang-isip lamang. Ang


Kasaysayan naman, ito’y mga pawang mga pangyayaring tunay na naganap-may
pinangyarihan, may sanhi ng pangyayari at may panahon.

Ang Impluwesya ng Panitikan

1. Banal na Kasulatan o Bibliya


Ito ay naging batayan ng kakristiyanuhan. Ito ay mula sa Palestino at
Gresya.

2. Koran
Ang pinaka bibliya ng mga muslim. Galling ito sa Arabia.

3. Ang Iliad at Odyssey


Ito ang kinatutuhanan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Akda
ni Homer.

4. Ang Mahabharata
Ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman ito
ng kasaysayan ng pananampalataya ng indiya.
5. Canterbury Tales
Naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong
unang panahon. Galing ito sa Inglatera at Chaucer.

6. Uncle Tom’s Cabin


Akda ni Harriet Beecher Tow eng Estados Unidos. Kababasahan ito ng
naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng
demokrasya.

7. Ang Divine Comedia


Akda ni Dante ng Italya, nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag-
uugali ng mga Italyano nang panahong yaon.

8. Ang El Cid Compeador


Nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga kastila at ng kanilang
kasaysayang pambansa.
9. Ang Awit ni Rolando
Kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Prasya.
Nagsasalaysay ng gintong panahon ng kakristiyanuhan ng prasya.

10. Ang Aklat ng mga Patay


Naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng
Ehipto.

11. Ang Aklat ng Araw


Akda ni Confucius ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang
pananampalataya.

12. Isang Libo’t Isang Gabi


Mula ito sa Arabia at Persya. Nagsasaad ito ng mga ugaling
pampamahalaan, pangkabuhayan, at panlipunan ng mga Artabo at Persyano.

Pangkalahang Uri ng Panitikan

1. Mga Akdang Tuluyan


Ito’y gumagamit ng payak at direktang paglalahad ng kaisipan at
maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng
pangungusap.

Nobela
Ito’y isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.
Hango ito sa tunay na buhay ng tao. Ginagalawan ng maraming tauhan.
Halimbawa:
Ibong Adarna – Jose Dela Cruz
Noli Me Tangere at El Filibusterismo – Dr. Jose P. Rizal

Maikling Kwento
Ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sa
kakintalan.

Alamat
Tungkol sa pinagmulan ng mga bagay, pook, halaman at pangalan
ng mga tao.
Pabula
Maikling salaysayin na ang mga tauhan ay karaniwang mga hayop
at may layuning magbigay ng aral.
Awiting Bayan
Bahagi ng katutubong pamumuhay sa kulturang Pilipino.
Lumilitaw ang mga awitin sa anyong patula na may sukat at tugma at
naaayon sa damdamin at kaugalian ng mga Pilipino.
Epiko
Mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng
pangunahing tauhan na karaniwang may katangian ng mala- diyos.
Madalas ang paksa ng epiko ay hango sa karaniwang pangyayari.

2. Mga Akdang Patula


Ito ay masining na pagsasama-sama ng mga piling kaisipan sa mga
taludtod, may sukat at tugma o malayang taludturan.

a. Tulang Liriko o Tula ng Damdamin


Ito ay tinatawag na Tula ng Puso. Naglalaman ng karanasan, guniguni o
damdamin ng may-akda.
Dalit-awit na pumupuri sa Diyos o mahal na birhen at nagtataglay ng
kaunting pilosopiya sa buhay.
Soneto - ito’y tulang labing apat na taludtod hinggil sa damdamin at
kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y
naghahatid ng aral sa mambabasa.
Elehiya –nagpapahayag ng damdamin o guni-guni tungkol sa kamatayan
o kaya’y tula ng pagtatangis sa paggunita ng isang yumao.
Oda – nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang
damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa
isang saknong.
Awit – ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o
pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.

b. Tulang Pasalaysay
Ito ay naglalarawan ng mahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay;
halimbawa ay ang kabiguan sa pag-ibig, ang mga suliranin at panganib sa
pakikidigma o kagitingan ng mga bayani.
Epiko – nagsasalaysa ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan
pagkat nauukol sa mga kababalaghan.
Awit at Kurido – ang paksa ay hango sa pangyayaring tungkol sa
pagmaginoo at pakikipagsapalaran at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna,
prinsipe’t prinsesa.
Ang awit ay may sukat na 12 pantig at inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara
o bandurya.
Ang kurido ay may sukat na 8 pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa.
Balad -tulang inaawit habang may sumasayaw.

c. Tulang Patnigan
Karagatan – Itoay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na
nahulog sa dagat hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap.
Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa
dagat ang makakuha’y pakakasalan niya. Sa larong ito, isang kunwa’y matanda
ang tutula hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo
o tabo na may tandang puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito paghinto
ay siyang tatanungin ng dalaga ng mga talinghaga.

Duplo – ito ang paghalili sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husay sa


pagbigkas at pangatwiran nang patula, karaniwang nilalaro upang aliwin ang
mga namatayan.
Ang mga pangangatwiran ay hango sa bibliya, sa mga sawikain at mga
kasabihan.

Balagtasan -ito ang pumalit sa sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siesne


ng Panginay na si Francisco “Balagtsa” Baltazar.
-tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa
pamamaraang patula.

d. Tulang Pangdulaan o Pangtanghalan


Ito ay dulang isinusulat nang patula tulad ng moro-moro o komedya.
Komedya – nagwawakas ito ng masaya.
Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na
siyang nakapagpapasiya ng damdanmin ng manonood.
Melodrama -karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal
kasama na ang opera. Sangkap ito ng malungkot na tagpo ngunit kasiya-siya
ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula.
Trahedya – nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing
tauhan.
Parsa - layunin nitong magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-
kawing ng mga pangyayaring nakakatawa.
Saynete -ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-
uugali ng tao o pook.

Bilang isang Pilipino, ating tangkilikin ang mga Panitikang naiambag ng


ating mga ninuno. Malayo na ang ating narating dahil na rin sa iniwang
karunungang bayan na makatutulong sa hinaharap.

You might also like