You are on page 1of 55

PAGBABALIK TANAW SA

PANITIKAN, BILANG BAHAGI


NG GAWAING PANUNURI AT
KRITISISMO
G.
G. John
John Cloyd
Cloyd H.
H. Pajo,
Pajo, LPT
LPT
Magbigay ng sariling
pananaw hinggil sa
Panitikang Filipino.
1
Kahulugan ng
Panitikan
Ang pinakamalapit na
salitang masasabing
kakambal ng
panitikan ay?
A kultura

B Likhang sining
C kasaysayan
D Pilipino 5
Isa- isahin natin
 Ang panitikan ay kasa- kasama na natin
simula noon hanggang ngayon. Ito ay
kakambal ng kasaysayan.
 Nagmula sa salitang Espanol na litera na
nangangahulugang literature o literature sa
Ingles. Kaya kung daraan ito sa pagsusuring
lingguwistiko sa Filipino, ang salitang ugat
ng panitikan ay TITIK.

6
Isa- isahin natin
 Malinaw na ito ay may unlaping “pang” at
hulaping “an”. May naganap din itong
pagbabagong morpoponemikong
asimilasyong parsyal at pagkakaltas gaya ng
sa banyuhay nitong “pangtitikan, pantitikan at
panitikan.”
 Maaaring pasalita, pasulat o di-berbal ang
anyo ng panitikan o kombinasyon ng mga ito.

7
Isa- isahin natin
 Ito ay nagsasalaysay hinggil sa kabihasnan ng
isang lipunan. Ito ay may malaking
kaugnayan sa pagpapahayag ng kaisipan at
damdamin ng tao, pasulat, pasalita o
panonood man ang anyo nito.

8
Anong Buwan ang
itinuturing na Buwan
ng Panitikang Pilipino?
A Abril

B Agosto
CMarso
D Oktubre 10
Ayon nga sa Pambansang Komisyon sa
Kultura at Sining. . . .
 Ang Abril ay Buwan ng Panitikang Filipino
sa bias ng Proklamasyon 968, serye 2015.
 Sa buwang ito, ipinagdiriwang natin ang mga
akdang pampanitikan na gawa ng mga anak
ng masalimuot at kawing kawing na
kasaysayan ng Pilipinas.

11
Ayon nga sa Pambansang Komisyon sa
Kultura at Sining. . . .
 Sa pakikipagtulungan ng NCCA, KWF at iba
pang katuwang na ahensya, kinikilala ng
Pambansang Buwan ng Panitikang Filipino
ang mahalagang papel ng panitikan sa
pagkikintal sa darating na henerasyon ng mga
pagpapahalagang minana natin mula sa ating
mga ninuno na mahalaga at makabuluhan sa
buhay at pakikipag- ugnayan sa iba.

12
Ang Panitikan
2 Batay sa
Pananaw ng
mga Kilalang
Manunulat
Ang paraan ng
pagkakasunod-
sunod ng mga
pangyayari sa
kuwento ay
tinatawag na?
A paksa

B istorya
C banghay
D kuwento 15
Batay sa Pananaw ng mga
Manunulat (E. Abueg 1999)
 Kung uugatin ang panitikan sa
wikang Tagalog, makikita ang corpus
nito sa oral na tradisyon. Hindi
lamang saklaw nito ang pagdating ng
mga Espanol sa Pilipinas at
pagtitipon nila ng iba’t ibang anyo ng
panitikan.

16
Batay sa Pananaw ng mga
Manunulat (E. Abueg 1999)
 Daang taon marahil, bago pa
lumaganap ang ideya ng
eksplorasyon, ang Filipinas na
tinatawag sa ibat ibang pangalan
(Ma- i) ay mayroon nang panulaan
(mga hal.). Sa mga anyong ito ng
panitikan, naihayag ng ating mga
ninuno ang kanilang kaisipan,
17
Batay sa Pananaw ng mga
Manunulat (E. Abueg 1999)
 Damdamin, saloobin, bisyon at sa
mga iyon masasalamin din ang
kanilang mga positibo/negatibong
katangiang panloob at panlabas, pati
na ang kanilang mga abentura’t
karanasan at mga pang- araw- araw
na kilos at gawi sa lipunan.

18
Batay sa Pananaw ng mga Manunulat (Hebry
Lean A. Mangahis 2019)
 Malaki ang papel ng paggamit ng panitikan
sa pagtuturo ng Filipino. Instrumento ito sa
paglinang at pagpapayaman ng karanasan sa
pagbasa ng mga mag- aaral.
 Sa tulong ng masusing pagpili ng mga
tekstong gagamitin sa klase ay mahuhubog
sa mga mag- aaral ang isang mapagpalayang
kaisipan.

19
Batay sa Pananaw ng mga Manunulat (Hebry
Lean A. Mangahis 2019)

 Ang kaisipang ito sa takdang


panahon ay magpapakilos sa
kanya upang makapagbigay ng
mahalagang papel sa kaniyang
lipunan.

20
Batay sa Pananaw ng mga Manunulat (Jun
Cruz Reyes 1935)

 Malimit gamitin ang


konseptong literatura daw ay
tulad ng salamin na nagbibigay
ng repleksyn sa larawan ng
lipunan sa panahong ito’y
naisulat.

21
Batay sa Pananaw ng mga Manunulat (Jun
Cruz Reyes 1935)

 Samakatwid, ang imaheng dooy lumalabas


ang katotohanang dapat na nasisilip. Kung
gagamitin ang konsepto, sa pagtatanong
kung ano ang Filipino sang- ayon sa
salamin, agad na masasabing ang Filipino
ay ipinanganak na likas na mangingibig,
bukod pa sa ibang bagay tulad ng pagiging
iyakin.

22
Batay sa Pananaw ng mga Manunulat
(Simplicio R. Bisa 1999)
 Sa pagsasalin sa Filipino ng mga akdang
kinatha ng ating mga awtor, sa anumang
wika sinulat ang mga iyon- Tagalog, Iloko,
Pangasinense, Bicol, Kapampangan,
Subuhanon, Hiligaynon, Samarnon at
Magindanaw, at mga sinulat din sa Ingles at
Espanol- ang ating kabang yaman ng
literaturang Filipino ay nag- uumapaw.

23
Batay sa Pananaw ng mga Manunulat (Vasil
A. Victoria 2020)

 Ito ay akdang maaaring pasalita,


pasulat, kombinasyn ng dalawa o
maaaring may pagtatanghal o naka-
video sa paraang patula o tuluyan o
kombinasyon at maihahanay sa kathang
piksyon o di- piksyon.

24
Batay sa Pananaw ng mga Manunulat (Vasil
A. Victoria 2020)

 Nasa anyo ito ng tula, maikling


kuwento, sanaysay, dula, nobela at iba
pang uri na naglalaman ng kaisipan at/o
mensaheng piling- pili ang pananalita
at madalas ay ginagawaan ng pagsusuri
at nabibigyan ng pagkilala o parangal.

25
Kahalagah
3 an ng
Panitikan
1. Salamin
 Salamin ang panitikan ng makulay na
kultura, tradisyon, pamumuhay at
paniniwala bilang mga Filipino na may
sarili ng kabihasnan bago pa man tayo
sakupin ng mga dayuhan. Nakikita
natin ito sa panitikan ang ating sariling
kasaysayan, pagkatao at lipunan.

27
2. Tulay
 Tulay ang panitikan sa kasaysayan
sapagakta ang dalawang ito ay
magkapatid. May layuning mapreserba
ng panitikan ang ating kasaysayan
upang ating mabalik- balikan lalo na
kung nais nating ipamana sa mga
susunod na henerasyon,

28
2. Tulay
 Ang mga pangyayaring
pinagdaanan at
pinagtagumpayan ng ating
bansa. Ito rin ang tulay sa
karanasan ng mga manunulat
at ng mga mambabasa.

29
3. Puno
 Ang pagkakaroon natin ng sariling
pagkakakilanlan ay tila puno na
nagkakaroon ng ugat at sa huli ay
namumunga. May malaking papel
ang panitikan sa kung paano tayo
naging mga Filipino simula noon
hanggang ngayon.

30
3. Puno
 Ito ay puno sapagkat
nagbibigay ito ng lilim bilang
libangan, ng papel upang
masulatan, at ng bunga upang
busugin ang ating isipan.

31
4. Pasaporte
 Dahil sa mga naisusulat na
panitikan, hindi na natin
kinakailangan pang gumastos
nang Malaki kung nais nating
mapuntahan ang lahat ng lugar sa
buong mundo sa pamamagitan ng
pagbabasa.

32
4. Pasaporte
 Dadalhin ka ng pagbabasa sa mundong
gawa ng ating imahinasyon at lahat ng
iyan ay dahil sa panitikang atin ng
nababasa.
 Ang makabuluhang panitikan ay isang
mabisang pasaporte upang gisingin ang
ating pandama, kilitiin ang ating haraya,
at paglakbayin ang ating diwa at
kaluluwa.

33
5. Buhay
 Buhay para sa mga manunulat at
mambabasa ang panitikan.
Kinapapalooban ng gawaing pagsulat at
pagbasa ang panitikan. Nagkakaroon ng
imahen, hugis, at larawan ang isang
salita kapag ang larang na ng panitikan
ang pinapaksa.

34
5. Buhay
 Ito rin ay buhay sapagkat maaaring
pagkakkitaan kung minsan, o kaya
naman ay magdurugtong ng bagong
hininga sa mga nawawalan ng pag- asa.

35
Kapangyari
3 han ng
Panitikan
Panimula
 Makapangyarihan ang panulat kung
uugatin natin ang kasaysayan simula
nang tayo ay sakupin ng mga Espanyol.
Naging sandata ni Rizal ang panulat
upang gisingin ang mga natutulog na
damdamin ng mga Pilipino na nagging
sanhi upang tayo ay lumaban sa pang-
aapi ng mga dayuhan.

37
Panimula
 Ang mga obrang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ay ilan lamang sa mga
akdang nagkaroon ng Malaki, malalim,
at malakas na impluwensya sa Filipinas.
Ang mga sumusunod na akda naman ay
umukit at humulma sa kultura, literature
at kasaysayan ng iba’t ibang bansa:

38
Bibliya o Banal na Kasulatan
 Sandigan ng pananampalataya ng mga
Kristiyano
 Ito ay nahahati sa dalawang bahagi:
Luma at Bagong Tipan
 Naglalaman ng gintong aral ng Diyos
na isinulat ng mga apostoles ni Kristo.

39
Quaran o Koran
 Mula sa salitang Arabikong
nangangahulugang “pagbasa.”
 Sandigan ng pananampalataya ng mga
Muslim na ang kinikilalang Diyos ay si
Allah at Mohammed naman ang
tinaguriang propeta.

40
Illiad at Odyssey
 Likha ito ni Homer mula sa Gresya
 Tumatalakay sa kagila- gilalas na
pakikipagsapalaran ng mga Griyego
 Tungkol ang Illiad sa pananakop sa lungsod ng
Troy gamit ang mapanlinlang na kabayo
 Ang Odyssey naman ay ay ang pagbabalik ni
Odysseus mula sa Digmaang Trojan

41
Mahabharata
 Mula naman ito sa India
 Maituturing na pinakamahabang tulang
nagtataglay ng 220, 000 na taludtod
 Tungkol ito sa pakikipaglaban ng mga
lider na Indo- Aryan

42
Divine Comedy
 Mula sa Italya at likha ni Dante
Alegheire
 Kinapapalooban ito ng tungkol sa
paglalakbay ng isang tao sa langit,
impiyerno at purgatory
 Sinasabi ritong may magaganap na
paghuhusga sa lahat ng ginawa ng isang
tao nang nabubuhay pa siya

43
El Cid Campeador
 Akdang hango naman sa Espanya
 Inilalarawan nila ang mga paniniwala
ng mga Espanyol kasama na ang
kanilang mga panitikan gaya ng alamat,
kasaysayan ng lahi, at kanilang
kaakuhan

44
Mga kanta ni Rolando
 Nagmula sa Pransya na kinapapalooban
ng kuwento ng Roncesvalles at ang
Doce Pares
 Naglalantad ito ng gintong panahon ng
pagiging Kristiyano ng mga taga
Pransya

45
Limang Klasiko at Apat na Aklat
 Galing naman sa Tsina tungkol sa mga
turo ni Confucius
 Ito ang batayan ng paniniwala,
pananampalataya, kultura, at
kasaysayan ng mga Tsino

46
Aklat ng Patay
 Mula sa Ehipto tungkol sa mga
kulto ni Orisis, mga mito at
teolohiyang Ehipto

47
Thousand and one Nights
 Kapuwa mula sa Arabia at Persiya
tungkol sa kaugalian ng
pamamahala, pamumuhay, kultura
at relihiyon ng mga taga- Silangan

48
Canterbury Tales
 Hango sa Inglatera at akda ni
Chaucer tungkol sa relihiyon at
kaugalian ng mga Ingles

49
Uncle Tom’s Cabin
 Akda ni Harriet Beecher Stowe ng
Amerika
 Inilantad ditto ang kaawa- awing
kalagayan at diskriminasyon sa
mga Negro
 Isa itong sa paboritong basahin ni
Rizal

50
Anong bisa ng mga akda?
 Sa tulong ng 12 klasikong akdang
ito sa daigdig ay magpapatunay
lamang kung gaano
makapangyarihan ang isang
akdang pampanitikan.

51
Anong bisa ng mga akda?
 Sa tulong ng 12 klasikong akdang
ito sa daigdig ay magpapatunay
lamang kung gaano
makapangyarihan ang isang
akdang pampanitikan.

52
Anong bisa ng mga akda?
 Ang mga akdang ito ang
nagsilbing pamantayan ng
kagandahang asal,
pananampalataya, paraan ng
pamumuhay, diwa ng
pagkakapantay- pantay, simulain
ng demokrasya at

53
Anong bisa ng mga akda?
 Paniniwala sa ikalawang buhay,
matalinong pakikidgma, kayamanan ng
panitikan, pakikipagsalamuha sa
kapuwa, mahalagang katuruan, dogma,
paniniwala at pagpapalaya

54
 Sapat na pruweba at moog na
ebidensyang may kapangyarihan ang
panitikan na hubugin ang nakaraan,
maging gabay sa kasalukuyan at
maging ilaw ng kinabukasan.

55

You might also like