You are on page 1of 28

PANAHON NG MGA

AMERICANO SA PILIPINAS
LARAWAN NG PANAHON
• Ang panahon ng Americano ay nagsimula sa taong 1899, nang
maganap ang Treaty of Paris sa pagitan ng America at Espanya
noong Disyembre 10 1898.

• Naging higit na malaya ang mga manunulat sa pagsulat hinggil


sa iba’t ibang paksa.

• Pagluluwag ng batas ng sensura ay nagkaroon pa ang mga


Pilipino ng pagkakataong makabasa ng iba’t ibang uri ng aklat
• Dahil sa impluwensya ng mga Americano, natutunan natin
ang ibig sabihin ng demokrasya, Ingles, at ang kulturang
Americano. Ipinakilala nila ang sistemang pampublikang
paaralan.

• Ang mga Thomasites ay naging unang guro na ipinadala


sa Pilipinas. Ang mga 600 na Thomasites ay dumating sa
Pilipinas noong Agosto 23, 1901 a pamamagitan ng
pagsakay sa S.S Thomas. 
PANAHON NG AKLATANG
BAYAN
• Ang Aklatang Bayan ay isang malaki’t
pangunahing kapisanan ng mga
manunulat na naitatag sa panahon ng
pananakop ng mga Amerikano noong
1910 sa Tondo, Maynila.
• Sa Aklátang Báyan natipon ang mga unang haligi ng
panitikang Tagalog na gaya nina Lope K. Santos,
Carlos Ronquillo, Faustino Aguilar, Severino Reyes,
Iñigo Ed. Regalado, Hermenegildo Cruz, Patricio
Mariano, at marami pa.
• Naging makabuluhan ang Aklátang Báyan sa pagsusúlong ng
kapakanan ng wika’t panitikan sa Tagalog. Nagdaos ito ng
mga tertulya at programa para sumigla ang mga manunulat.

• Nanguna din ang mga kasapi ng Aklátang Báyan sa


pagsusúlong ng panitikang makabayan at laban sa
Amerikanisasyon.
PANITIKAN SA
PANAHON NG MGA
AMERIKANO
• Ang Panahon ng amerikano sa panitikang
pilipino ay sumasaklaw mula sa taong 1903-
1941.
• Sa ikalabinsyam na dantaon ay dumating sa
pilipinas ang mga amerikano, na inakala ng
mga pilipino ay magbibigay sa kanila ng
bagong pag asa, bagamat nakadama ng
bahagyang kalayaan ang mga pilipino sa
panahong ito.
IMPLUWENSYA NG MGA AMERIKANO

• Pagpapatayo ng paaralan
• Binago ang Sistema ng Edukasyon
• Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan
• Ipinagamit ang salitang Ingles
• Pagpapalahok sa Sistema ng kanilang pamahalaan
• Kalayaan sa pagpapahayag ngunit may hangganan
• BATAS SEDISYON
• Ang batas ito ay tumukoy sa pagbabawal sa kanilang sumulat o
pumaksa ng may kinalaman sa pamamahala ng mga amerikano
na maaring magpaalab ng damdaming makabayan ng mga
Pilipino.
KATANGIAN NG PANITIKAN

• Hangring makamit ang Kalayaan

• Marubdob na pagmamahal sa bayan

• Pagtutol sa kolonyalismo at imperyalismo


MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG AMERICANO

• El Grito Del Pueblo (Ang tinig ng Bayan) tinatag ni Pascual Poblete

• El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) itinatag ni Sergio Osmena

• El Renaciemento (Muling pagsilang) Itinatag ni Rafael Palma


• LOPE K. SANTOS
• Ay isang tanyag na manunulat sa
wikang Tagalog noong kaniyang
kapanahunan, Bukod sa pagiging
manunulat, isa rin siyang
abogado,kritiko, lider, obrero, at
itinuturing na Ama ng Pambansang
Wika at Balarila ng Pilipinas.
ANG PAGIGERA
Oy kung sino ka man
Pagkaumaga nay gulo ang diwa
Di mapakalit mainit ang ulo
Di aanhin na lamang
Ang iyong asawa ay papasok sa trabaho
Ay ikaw sa bahay
Walang pangilagan na kahima’t sino
Oh, ang baraha
Oh, barahang sumpa sa palad ng tao
Aklat na arala ng maraming bisyo
Sa iyong gayuma
Ay mag-a-mag-anak ay sinasawi mo
Ikaw ang may sala
Ng maraming sakit sa Baya’t lahi ko!
• José Corazón de Jesús (22 Nobyembre 1896-26
Mayo 1932), kilala rin bilang Huseng Batute,
ay isang makatang Pilipino na sumulat ng mga
tula sa Tagalog upang ipahayag ang pagnanasa
ng mga Pilipino na maging malaya noong
panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa
Pilipinas (1898-1946). Tinawag ring "Pepito"
noong kanyang kapanahunan.

• Isang Punong kahoy, Ang Bato, Honorable


Absent at Tuturuan ng Tagalog ang mga Tagalog
Isang Punongkahoy

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako’y tila isang nakadipang kurus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang ang paa ng Diyos.

At iyong isiping nang nagdaang araw,


Isang kahoy akong malago’t malabay.
Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan,
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay!
• Si Florentino Colantes ay kinilalang
duplero ng kanyang panahon at
nahirang na Ikalawang Hari ng
Balagtasan. Gumamit siya ng sagisag
na Kuntil Butil sa kanyang pagsusulat
ng mga mapanudyong tula na may
pamagat na Buhay Lansangan.
• Taong 1896 nang isilang si Collantes.
Lumang Simbahan

Isang maliit at ulilang bayan


Pinagtampuhan na ng kaligayahan 
Ay may isang munti at lumang simbahan
Balot na ng lumot ng kapanahunan
Sa gawing kaliwa may lupang tiwangwang
Ginubat ng damo’t makahiyan
Parang Sa dami ng kurus doong nagbabantay
Makikilala mo yaong libingan
• Si Amado Vera Hernández (13
Setyembre 1903 – 24 Marso 1970)
ay isang makata at manunulat sa
Wikang Tagalog. Kilala rin siya
bilang "Manunulat ng mga
Manggagawa", sapagkat isa siyang
pinuno ng mga Pilipinong
manggagawa at sa kaniyang mga
pagpuna at pagsusuri sa mga
kawalan ng katarungang naganap sa
Pilipinas noong kaniyang
kapanahunan.
Aklasan

Nangatigil
ang gawain
sa bukirin.

Nagpapahinga
ang makina
sa pabrika.

Natiwangwang
ang daunga’t
pamilihan.

At sa madla
ay nagbanta
ang dalita.
MGA DULANG TAGALOG

• Severino Reyes- Kilala sa tawag na


Lola Basyang at sa kanyang Kauna-
unahang dulang sinulat na Walang
Sugat na hangarin ang repormang
sosyal at patriotism.

• Ang kalupi, RIP, Cablegrama Fatal,


Puso ng isang Pilipina
• JUAN ABAD at AURELIO TOLENTINO
• Sila ay sumulat at nagtanghal ng mga dulang nagpapakita ng
damdaming Makabayan.
• Tanikalang Ginto (Juan Abad)-
• Kahapon, Ngayun, at Bukas (Aurelio Tolentino)-
PANAHON NG GINTONG NOBELA
• Ang panahong amerikano ay tinawag na panahong
ginto ng nobelang tagalog sapagkat dito pinasok ng
mga pilipino ang ibat-ibang larangan ng panitikan
tulad ng dula, tula, talumpati, sanaysay, kwento, at
nobela
• 1992 -1934
• Ang panahong ito ay, panahon ng ilaw at panitik sa
kasaysayan ng panitikang Pilipino
• Magasing Lingguhan Liwayway - ang unang nakilala sa
tawag na PHOTO NEWS (1922).
1935-1945

• Saksi ang mga pamahalaan ng kommowelt sa isang mahahalagang yugtong nagpasigla sa


kilusang pampanitikan.
• Ang manunulat sa diwa ng pag-uunawa at kooperasyon sa pamamgitan ng Philippine
Writer’s League ay nagbubuklod sa tatlong pangunahing bansa Ingles, Kastila, tagalog.
• Ang Philippine Writer’s League ay laging kauganay ang timpalak pampanitikan ng
masaraling pamahalaan o Commonwelt Literary Award.

You might also like