You are on page 1of 4

WHY FILIPINOS ARE SO POOR?

ni: F. Sionil Jose

Ang artikulong pinamagatang ‘Why Filipinos are so poor?’ ay isinulat ng isang batikang
manunulat na si Francisco Sionil Jose. Si F. Sionil Jose ay ipinanganak noong Disyembre 03, 1924
sa Rosales, Pangasinan. Siya ay hindi nakatapos ng kolehiyo dahil isa siyang drop-out sa
Unibersidad ng Sto. Tomas ngunit kaniyang ipinagpatuloy ang kaniyang karera bilang isang
journalist sa kaniyang sariling paraan. Sumikat ang kaniyang mga gawa dahil kapansin-pansin na
hango at naimpluwenasyahan ng pambansang bayani ng Pilipinas—si Dr. Jose Rizal. Ilan sa
kanyang mga pasmosong gawa ay pinamagatang: The God Stealer (1959), Waywaya (1979) at
Arbol de Fuego (1980). Isinulat niya ang artikulong ‘Why Filipinos are so poor?’ upang himayin
at imulat ang mga mambabasa ang epekto ng pagkakaiba-iba ng wika, kultura at relihiyon sa
pagkakaisa at pag-unlad ng ating bansa.

Binigyang punto ni F. Sionil sa artikulong ito ang mga bagay na nakakaapekto sa pag-
unlad ng bansa—karamihan dito ay ukol sa sanhi at epekto ng mabagal na pag-unlad ng
Pilipinas kung ikukumpara sa mga karatig bansa. Binanggit sa artikulong ito na malaki ang
epekto ng hindi pag kukusa ng isang indibidwal na tulungang iangat ang sarili sa kahirapan,
hindi lang dapat sa gobyerno isisi, taliwas sa paniniwala ng marami na dahil ito sa pamamahala
ng mga nanunungkulan. Ang mga epekto ng kahirapan na nabanggit sa artikulong ito ay ang
kawalan ng trabaho, ang pag-tigil ng maraming kabataan sa pag-aaral dahil sa kakapusan sa
pera na hanggang ngayon ay makikita pa rin bilang estado ng bansang Pilipinas at ang
kakulangan ng mga propesyonal sa bansa dahil sa paga-abroad ng mga ito .

Sa kabuuan, ang artikulong ito ay nagbigay diin sa kahirapan at mabagal na pag-unlad ng


Pilipinas, at ang mga ito ay may katuwiran dahil kung pagtutuunan ng pansin ang pagkakaisa at
pagkakasundo ng mga Pilipino, ang pag-unlad ng bansa. Hindi na dapat isisi pa sa gobyerno
lahat ang mga nangyayari—lalo na ang kahirapan dahil mismong mga mamamayan ay hindi din
naman nagkakasundo-sundo na nagdudulot ng di pagkakaunawaan na sanhi naman ng away o
giyera; kahit ang mga taong kasangkot sa mga ito ay nasa iisang lahi lamang. Sa maliit na bagay
tulad ng pagsunod sa batas-trapiko hanggang sa pagsuporta sa mga panukala ng mga
namamahala ay kapansin-pansing hindi nagagawa. Dito pa lamang, makikita na ang mali sa
lipunan at mamamayan ng bansang Pilipinas na humahadlang sa kaunlaran. Marahil ang
artikulong ito ay nilikha talaga upang mabigyang pansin naman ng marami ang matagal nang
problema ng bansa; ang kakulangan sa pag-kakaisa— isang mensahe na nais ipaabot ni F. Sionil
Jose sa kapwa niyang Pilipino.

Cruz, Daniella Kate R.


Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran
DECET 1-1
PANTAYONG PANANAW
ni: Zeus H. Salazar

Ang “Pantayong Pananaw” ay isang artikulong tumatalakay sa pagkakaiba-iba ng


pananaw ng mga Pilipino dahil sa pagkakaiba-iba ng wika at kultura; ang epekto ng
kolonyalisasyon. Si Zeus H. Salazar ang may akda ng artikulong ito. Siya ay ipinanganak noong
Abril 19, 1934 sa Tiwi, Albay. Siya ay tinaguriang “Father of New Philippine Histography”. Isa
siyang historian, antropologo at pilosopo ng kasaysayan ng Pilipinas na nakapagtapos sa
Unibersidad ng Pilipinas ng Bachelor of Arts in History noong 1955 bilang isang Summa Cum
Laude. Nakagawa na sya ng mahigit kumulang 125 na artikulo at 32 na libro na may mga
paksang ukol sa Archeology, Psychology, Asian history, Philippine History, etc. Ginawaran siya ng
Gawad ng Pagkilala mula sa Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.

Sa artikulong ito, tinalakay ni Zeus H. Salazar ang pagkakaroon ng pantayong pananaw


ng mga Pilipino na nagsimula sa kolonyalisayon ng mga Espanyol sa bansa noong taong 1520.
Binigyang-diin ni Salazar gamit ang pag-bibigay ng mga detalye mula sa kasaysayan na ang
pagkakaroon ng iba’t ibang paniniwala, pagkakaroon ng mga antas sa lipunan at pagkakaiba-iba
ng lenggwahe ay ang mga pangunahing dahilan ng pagkakawatak-watak ng mga Pilipino. Ang
pagkakaiba-iba ng pananaw mula pa noong una ang naging ganap na dahilan ng pagkakaiba-iba
rin ng pananaw ng mga Pilipino sa kasalukuyan na nauuwi sa bagal ng pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa at mabilis pag-laganap ng kahirapan dito. Isinama ni Salazar sa artikulong ito ang
kanyang mga pananaw na sinuportahan niya, muli, gamit ang kasaysayan ng mga nanakop sa
Pilipinas, pangunahing nakatuon sa mga Espanyol, na dahil din sa pagkakaiba-iba ng pananaw
ay nahirapan at kasalukuyang nahihirapan ang mga Pilipino na magkaisa sa iisang layunin na
nagiging dahilan rin ng mga negatibong epekto tulad ng pagtatalo, hindi pagkakasundo at ang
pinakamalala ay ang giyera. Bilang kongklusyon ng kanyang artikulo, binanggit ni Salazar na ang
mga bagay tulad pagkakaiba-iba ng wika, kultura at paniniwala ay dapat hindi nagiging dahilan
upang mawala ang pangunahing pananaw ng isang bansa—ang umunlad.

Sa kasulukuyan, hindi naman maitatanggi na hanggang sa ngayon ay hirap pa rin ang


marami na intindihin ang ideyang hindi dapat hadlang ang pagkakaiba-iba sa iilang aspet upang
magkaiba-iba ng pananaw sa pagpapaunlad at pagpoprotekta sa Pilipinas bilang mamamayan
ng bansa. Maari pa ngan gamitin ang pagkakaroon ng pagkaiba-iba upang tuluyang
magkawatak-watak at magkagulo ang mga Pilipino. Ang pagkakaroon ng pantayong pananaw ay
maaring ang sagot sa matagal nang problema ng bansa—hindi lang ang kahirapan kundi ang
pagkakaiba-iba rin ng pananaw.

Cruz, Daniella Kate R.


Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran
DECET 1-1
PILIPINOHIYA
ni: Prospero R. Covar

Ang artikulong pinamagatang “Pilipinohiya” ay isinulat mismo ng ‘Ama ng Pilipinohiya’


na si Prospero R. Covar na ipinanganak noong Septiyembre 07, 1934 sa Lungsod ng Majayjay,
probinsya ng Laguna. Siya ay nagtapos ng tatlong kurso; A.B. Sociology (1957, Unibersidad ng
Pilipinas), M.A Sociology (1961, Unibersidad ng Pilipinas at Ph.D in Anthropology (1975,
Unibersidad ng Arizona). Isa siyang manunulat na pamoso dahil isa siya sa mga iskolar na
nagpanukalang gawing Pilipino at hindi Filipino ang wika ng bansang Pilipinas at nagawaran rin
siya ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas noong 2000 ng Unyon ng mga Manunulat sa
Pilipinas (UMPIL). Ang Pilipinohiya ni Prospero R. Covar ay nakatuon sa pagbibigay kahulugan sa
terminong ‘Pilipinohiya’ at mga paksang nakapaloob dito.

Binigyang depinisyon ni Covar ang Pilipinohiya bilang isang sistematikong pag-aaral sa


kaisipan, kaalaman at kultura ng bansa. Ang kaniyang artikulo ay binase sa ideya ng Pantayong
Pananaw ni Zeus H. Salzar at pinalawig pa ang mga halimbawa mula sa kasaysayan na nag-
uugnay sa wika at kultura sa panlipunang usapin. Binigyang pansin ni Covar sa artikulong ito ang
kasaysayan, tulad ng artikulo ni Salazar bilang isang aspeto na gumaganap mahalagang papel
ngayon sa kasalukuyang lagay ng lipunan ng bansa—ang pagkakaroon ng epekto ng
pagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng wika at kultura sa kaunlaran ng bansa. Inihambing din dito ni
Covar ang pagkatao ng mga Pilipino sa isang banga kung saan mayroong Labas, Loob at Lalim na
siyang basehan ng pagiging isang Pilipino.

Sa artikulong ito, malalaman ng mambabasa ang ukol sa Pilipinohiya. Napaka kagana-


ganang basahin dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagpapaliwanag at paghahambing ng
Kultura at pagkatao ng Pilipino na siyang talaga namang tatatak sa isip ng mambabasa.

Cruz, Daniella Kate R.


Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran
DECET 1-1
FILIPINOHIYA
ni: Christo Rey Albason

Ang sumulat ng artikulong pinamagatang Filipinohiya ay isang mag-aaral mula sa


Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na si Christo Rey Albason. Ang nasabing artikulo ay
naglalaman ng mga ideya at kaalaman ukol sa Pilipinas at ang estado, kultura, at iba pang
impormasyon. Isinulat ito ng may akda upang ipakilala sa mga mambabasa ang Filipinology,
isang sanghay o asignatura na tumatalakay sa bawat balangkas at paksa na ukol sa Pilipinas at
mga Pilipino.

Ang mga paksang nabanggit sa artikulong ito ay ukol sa suhay sa paghinang ng talino,
pag-unawa at kaalaman sa pilosopiyang Filipino; binaggit din dito na ang Filipinolohiya ay isang
disiplina sa karunungang Filipino at nagpapahalaga sa kamalayang makabansa at sagisag ng
pagkakakilanlang Filipino. Ayon din sa artikulong ito ni Albason na ang mga Pilipino ay may
sariling kultura na bago pa dumating ang mga Espanyol at ang patunay nito ay ang pagkakaroon
ng relihiyon, sariling pamahalaan at ang pagsulat na tinatawag na baybayin—ang mga
katunayan na ang mga ninuno ng mga Pilipino ay hindi mangmang katulad ng binanggit ng mga
Espanyol noong unang panahon. Isinalaysay sa artikulong ito ang kasaysayan ng kolonisasyon sa
ating bansa.

Ang “Filipinohiya” ni Chirsto Rey Albason ay isang rebolusyonaryong sulat na naglalaman


ng kaalaman na maaring magmulat sa mga mababasa gamit ang kasaysayan na sumuporta sa
ideya ng awtor na bigyang impormasyon ang mga mambabasa ukol sa bansang Pilipinas. Dahil
sa artikulong ito masasabi kong ang pagiging isang Filipino ay talaga nga namang
maipagmamalaki ng bawat Filipinong indibidwal dahil sa angking talino at tapang. Gayon din
kaya dapat pahalagahan natin ang ating bansa at ipagmalaki na ika’y isang Filipino.

You might also like