You are on page 1of 8

KONSEPTONG PAPEL

I. Pamagat

PILIPINONG PAGKAKAKILANLAN: ISANG DESKRIPTIBO AT

ETNOGRAPIKAL NA PAGSUSURI SA WIKANG BAGOBO

Mananaliksik:

Edmund L. Remedios
STEM 11A – Angel Alcala

alping1332@gmail.com

Guro:

Cecilia V. Repalda
GURO-SHS

cecelia.repalda001@deped.gov.ph
II. Rasyonal

Ang wika ay isang mahalagang bahagi ng ating kultura. Ang wika, gaya

ng kultura, ay ang kolektibong mga karanasan ng tao sa isang partikular na lugar at

panahon sa kanilang kasaysayan. Matututo ang mga tao tungkol sa kanilang kultura

at kung paano ito angkinin at ipagmalaki, sa pamamagitan lamang ng paggamit sa

wikang nababagay dito. Tunay talaga, ang wika’y napaka-epektibo; ito ay isang

malakas na instrumento para sa komunikasyon ng tao sa iba. Ang wika ay isang

regalo mula sa Diyos para sa tao nang maipahayag niya ang kaniyang iniisip,

nararamdaman, naoobserbahan, at nararanasan sa kaniyang paligid. Samakatuwid,

ito ay isang daan patungo sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t

ibang aspeto ng buhay (Lim, 2016).

Sa lokal na konteksto, ang Pilipinas ay isang multilingguwal at

multikultural na bansa, na may 165 na iba’t ibang mga wika at diyalekto

(Constantino, 1998). Ayon sa pinakahuling survey ng Summer Institute of

Linguistics, ang Pilipinas ay mayroong 92 na mga wika o diyalekto (SIL, 2003). Ang

mga katutubong wika ng Pilipinas ay kabilang sa pamilya ng mga lingguwaheng

Austronesian. Sa lahat ng wikang matatagpuan sa Pilipinas, nasa pitong

pangunahing mga wika ang sinasalita o ginagamit ng malaking bilang ng tao.

Kabilang dito ang Hiligaynon, Bikolano, Pangasinense, Waray, Tagalog, Cebuano, at

Ilokano (Dumanig, 2015)

Sa mga wikang ito, tanging ang Tagalog, Cebuano, at Ilokano lamang

ang karaniwang pinag-aaralan ng mga eksperto. Karamihan sa iba pang mga wika

ay kulang sa pagsasaliksik, at marami sa kanila ay hindi pa rin gaanong pinapansin

ng mga akademiko hanggang ngayon. Isa sa mga wikang ito ay ang wikang Bagobo,

na nakatanggap lamang ng kaunting atensyon at pag-aaral mula sa iskolar. Dahil


dito, ang pangunahing dahilan ng paggawa ng pagsusuri at pag-aaral na ito sa

wikang Bagobo ay ang limitadong dami ng akda sa wikang tinatalakay at pati na rin

ang kadahilanang ito ang wikang kinalakihan ng mga ninuno ng mananaliksik.

Ang “Bagobo” ang bumubuo sa isa sa pinakamalaking grupo ng mga

katutubo sa timog Mindanao; ito ay ang mga grupong Tagabawa, the Klata o

Guiangan, at Ubo (Mangune, 2015). Sa kasalukuyan, karamihan sa populasyon ng

Bagobo ay nakakalat sa mga panloob na hanay sa Davao City. Ayon sa kaugalian

nila, ang mga Bagobo ay pinangungunahan ng isang uri ng mandarigma na

tinatawag na magani, na kinabibilangan ng pinuno ng komunidad na kadalasa’y

isang datu.

Ang Bagobo sa lingguwistikong kahulugan, ay kabilang sa pamilya ng

mga lingguwaheng Manobo. Ang Bagobo ay karaning nauuri bilang isa sa mga wika

sa Timog Mindanao. Iminungkahi ni Zorc (2019) na hindi ito kasama, sapagakat mas

nauugnay ito sa loob ng mas malawak na subroup ng mga wika sa Pilipinas na

tinatawag niyang “Southern Philippine”. Ang Wikang Bagobo rin ay kabilang sa

pamilya ng mga lingguwaheng Austronesian. Ayon sa inisyal na pagsusuri ni Estrera

(2022), ang Wikang Bagobo ay may limang patinig na sistema ngunit hindi pa rin

natutukoy kung ano ang kabuuang mga katinig, patinig at ponema nito.

Sa kasalukuyan at makabagong panahon, mahalaga na

magkaintindihan tayo, dahil hindi natin mapapaunlad at mahahanap ang kabuuan ng

ating pagkakakilanlan bilang isang multilingguwal at multikultural na bansa kung

maging ang ating mga kababayan ay hindi nagkakaintidihan. Dahil dito layunin ng

mananaliksik na lubos na maunawaan ang Wikang Bagobo na siyang kinalikhan ng

mga ninuno nito, at makabuo ng paglalarawan kung paano ito gamitin upang

matulungan ang mga nagnanais magsalita nito.


III. Layunin ng Pag-aaral

Ang mga sumusunod ay ang mga layunin ng pananaliksik na ito:

A. Maitala, maisalin, at masuri ang iba’t ibang mga paggamit at aplikasyon ng

Wikang Bagobo.

B. Maipakita, maibahagi, at maisulong ang Wikang Bagobo para sa

pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa.

IV. Mga Tiyak na Layunin

Upang mas makapagbigay-linaw ukol sa paksa, layunin din ng pananaliksik na ito na

masagot ang mga sumusunod na tiyak na mga katanungan:

A. Anu-ano ang mga ponema, katinig, at patinig ng Wikang Bagobo?

B. Paano nito mapapabilis ang proseso ng pag-aaral sa Wikang Bagobo?

C. Bakit mahalagang maisulong at mapaunlad ang lokal na Wikang Bagobo

tungo sa pambansang pagkakaisa?

V. Metodolohiya

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng modelong pag-aaral na may

kwalitatibong karakter, gamit ang semi-structured na uri ng panayam at obserbasyon

bilang mga pamamaraan sa pagkolekto ng datos at impormasyon. Ayon kay Caulfield

(2020), ang etnograpikal at deskriptibong mga uri ng pananaliksik ang akma at

nababagay sa pag-aaral na ito na nakapokus sa isang partikular na komunidad

upang makita ang kanilang kultura at paggamit ng wika. Kaugnay nito, ang pag-aaral

ay mangangalap ng mga indibiduwal na kalahok sa pamamagitan ng modelong

purposive sampling. Panghuli, ang mga etikal na konsiderasyon tulad ng pahintulot

at pagiging kumpidensyal ay isasaalang-alang sa pakikitungo sa mga kalahok.


VI. Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang malawak na pananaliksik sa Wikang Bagobo na gagawin ng

proyektong ito ay maaaring iharap, ibahagi, at isulong sa ating bansa para sa

pambansang pagkakakilanlan. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga diyalekto’t wika,

higit na matatanto at pahahalagayan ng malawakang publiko ang kahalagahan ng

pagkakaunawaan tungo sa pambansang pag-unlad at pagkakakilanlan.

Ang mga kinalalabasan ng pananaliksik na ito ay magpapaliwanag at

mag-aalok ng impormasyon kung paano gamitin nang tama ang Wikang Bagobo sa

pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan. Higit pa rito, ang deskriptibong pagsusuri na

gagawin ng pananaliksik na ito ay maaaring magtulak at magsilbing gabay para sa

mga pagsisiyasat sa paksang ito sa hinaharap.

VII. Mga Inaasahang Bunga

Ang pananaliksik na ito ay umaasang maipahayag, mabigyang-pansin,

at maipakilala sa publiko ang iba’t ibang paggamit at aplikasyon ng Wikang Bagobo,

na gagamitin naman upang mas matuklasan at maunawaan nang husto ang kultura

at identidad na bumubuo sa kanilang mga komunidad. Kaugnay dito, hinahangad ng

pag-aaral na ito na makapagpalaganap at maisulong ang Wikang Bagobo sa mga

kapwa mamamayan tungo sa pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan.

Lalago ang kaalaman at kamalayan ng ating mga kababayan sa

kahalagahan ng pagpapahalaga sa mga lokal na wika at kultura, gayundin ang ating

pagkakaunawaan bilang mga Pilipinong residente ng Pilipinas. Ang mga

matutuklasan sa pag-aaral na ito ay inaasahang magsilbi bilang inspirasyon at

motibasyon para sa mga magnanais na matutong magsalita ng Wikang Bagobo; ito

ay magpapabilis sa kanilang proseso ng pag-aaral at magbibigay daan para sa


kanila na makipag-ugnayan sa kultural na pagkakakilanlan ng mga Bagobo sa

kanilang mga komunidad.

Sa wakas, ang mga susunod na mananaliksik o mag-aaral, tulad ng

aking sarili, na magnanais na magsagawa ng pag-aaral sa paksang ito ay

inaaasahang makakagamit sa pangkalahatang-ideya at mga resulta na ibibigay ng

pananaliksik na ito. Magagamit nila ang impormasyong manggagaling dito bilang

panimulang gabay para sa isang mas malalim, komprehensibo at masinsinang

pagsisiyasat sa paksang tinatalakay.

VIII. Sanggunian

Caulfield, J. (2020, March 13). What Is Ethnography? | Definition, Guide &


Examples. Kinuha noong ika-26 ng Mayo, taong 2022, mula sa
Scribbr;www.scribbr.com.https://www.scribbr.com/methodology/ethnography/
#:~:text=Ethnography%20is%20a%20type%20of,that%20the
%20ethnographer%20produces%20afterwards.

Constantino, E. (1998). Current topics in Philippine linguistics. A paper read at the


meeting of the Liguistic Society of Japan in Yamaguchi University. Kinuha
noong ika-26 ng Mayo, taong 2022, mula sa
http://www.languagelinks.org/oldsite/book/papers_current.html

Dumanig, Francisco. (2015). Descriptive Analysis of the Bagobo Language.


Polyglossia. 27. Kinuha noong ika-26 ng Mayo, taong 22, mula sa
https://www.researchgate.net/publications/277565140_Descriptive_Analysis_
of_the_Bagobo_Language

Estrera, Edward (2022). Bagobo-Klata Phonology.  Journal of the Southeast Asian


Linguistics Society. 15 (3): 283323. doi:10.5281/zenodo.5780339. ISSN 1836-
6821. Kinuha noong ika-26 ng Mayo, taong 2022.

Lim, Alyssa (2016). Kahulugan ng Wika. Independent Researcher. Kinuha noong


ika-26 ng Mayo, taong 2022, mula sa https://www.academia.edu/26917662/
Kahulugan_ng_Wika
Mangune, Sonia (2015). Bagobo Culture. Kinuha noong ika-26 ng Mayo, taong
2022, mula sa https://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-
cultural-communities-and-traditional-arts-sccta/central-cultural-communities/
bagobo/

SIL (2003). Surigaonon A language of the Philippines. Kinuha noong ika-26 ng


Mayo, taong 2022, mula sa
http://www.ethnologue.com/show-language/asp.SIL

Zorc, R.David. (2019). Klata/Giangan: A New Southern Philippine Subgroup. Current


Studies in Philippine Linguistics. Special Publication No. 16:33–52. ISSN
2672-295X

You might also like