You are on page 1of 27

Mga Dahilan sa kakulangan ng kaaalaman hingil sa wikang Bikol ng

mga Estudyante sa bawat Strand ng Ika-11 na baiting sa


Universidad De Sta. Isabel at epekto nito sa kanilang
pakikipagkomunikasyon.

Isang pananaliksik na iniharap kay


Jayric Banas

Bilang bahagi ng pagtupad sa pangangailangan ng kursong


Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at kulturang Filipino

Ipinasa nina:

Apondar, Fatin

Balonzo, Trixie

Brugada, Mark

Cinco, Alyssa Mae

Olivo, Inna

Regidor, Justine

Roque, Angelica Myra

Rosales, Seraphim Helen

Tuy, Kate Christine

Velasquez, Louise Janie

Zamora, Fabs
KABANATA I
INTRODUKSIYON

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang wika ay nagsisilbing pagkaka-kilanlan sa isang pook at

na isasalamin din dito ang kanilang kultura. Mayroong ibat ibang

uri ng wika at mga dayalekto sa pangkalahatan. Isa na rito ang

wikang Bikolnon na ginagamit ng mga taong naninirahan sa rehiyon

V at nagsisilbing pangunahing wika ng rehiyon. Ang nakabuklod

dito sa rehiyon na ito ay ang mga lalawigan ng Camarines Sur,

Camarines Norte, Albay, Sorsogon, Masbate at Catanduanes. Ngunit

ang varayti nila ng wikang Bikolnon ay natatangi sa diyalekto,

kung paano ito ginamit at sa kahulugan ng ibang salita pero

magkasingkahulugan kapag ito ay binaybay.

Ayon sa sensus nang taong 1990, sinasabing 2.5 Milyong

Pilipino ang nagsasalita ng wikang Bikolano. Kung kaya naman

tinuturing ang Wikang Bikolano na ika-anim sa pinaka-sinasalitang

katutubong wika saating bansa. Mayroon rin itong labing anim na

katinig, 8 hiram na titik at tatlong patinig.

Ayon sa www.larga.bicol.com, Sa Camarines Norte at Camarines

Sur, Bikol na may halong tagalog ang sinasalita nila. Ang Bikol

na hawig sa Cebuano naman ay sinasalita ng mga taga Masbate at

ang mga lalawigan na malapit sa kanlurang Bisaya ay may halong

Hiligaynon. Sapagkat ito’y maaaring naimpluwensiyaha ng o kaya


naman tinatawag ring “asimilisasyon” ng mga taga-Bisaya. Iba rin

ang Bikol ng Sorsogon, Catanduanes, at Albay dahil ang kanilang

ginagamit ay Bikol Naga kung saan ito ay walang halo na ibang

wika.

Sa pananaliksik na ito pagaaralan ang mga dahilan sa

kakulangan ng kaalaman hingil sa wikang Bikol ng mga estudyante

sa bawat strand ng ika 11 baitang sa Universidad de Santa Isabel

at ang epekto nito sa kanilang pakikipagkomunikasyon. Kung saan,

nais malaman ng mga mananaliksik ang mga salik at kadahilanan ng

pagiging salat sa kaalaman ng iilang estudyante sa Wikang

Bikolnon. Binigyang pokus sa aral na ito ang wikang bikolnon

sapagkat ita ay sariling atin at kailangan itong bigyan ng pansin

upang panatilihing pagyamanin ang pangunahing wika at hindi

makalimutan sa paglipas ng panahon.

LAYUNIN

Importanteng magkaroon ng layunin sa pag-aaral upang

magkaroon nv direksiyon ang tatahaking pag-aaral. Ito ang

magiging gabay sa pag-aaral upang makamtan ang layunin at malaman

ang sakop at hangganan nito. Ang mga sumusunod ang magiging gabay

upang makamtan ang layunin ng pag-aaral.


 Matukoy ang iba't-ibang mga dahilan sa kakulangan ng

kaalaman ng mga estudyante sa wikang bikol.

 Malaman ang mga epekto ng pagkasalat sa kaalaman ng mga

estudyante sa wikang bikolnon.

 Ano ang maaaring maging paraan upang mapaunlad ang mga

kaalaman ng mga estudyante sa wikang bikol.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa kabuohan ng pagaaral, Nais makamtan at malaman ang Mga

Dahilan sa Kakulangan ng Kaalaman hingil sa Wikang Bikol ng mga

estudyante sa ika 11 baitang ng Universidad de Santa Isabel at

ang epekto nito sa kanilang pakikipagkomunikasyon. Ang mga

sumusunod ay ang mga espesipikong tanong na susundin at tatahakin

sa pagsagawa ng pagaaral:

 Ano ang mga dahulan sa kakulangan ng kaalaman hinggil sa

wikang Bikolnon ng mga estudyante sa ika 11 na baitang ng

Unibersidad de Sta.Isabel?

 Ano ang magiging epekto ng kakulangan ng kaalaman sa

kanilang pakikipagkomunikasyon?

 Ano ang maaring maging paraan upang mapaunlad ang mga

kaalaman ng mga estudyante sa wikang Bikol?


SAKLAW AT DELIMITASYON

Wika ang pokus ng pag aaral na ito. Sa patuloy na pagdaan ng

panahon ay patuloy rin ang pagbabago sa ibat ibang henerasyon.

Kasabay nito ang pagusbong ng ibat ibang uri ng wika kung saan

nakakaapekto sa ating mga pangunahing wika. Ang pangunahing wika

na pagpopokusan ng pag aaral na ito ay ang Wikang Bikol. Ang

kasali sa pananaliksik na ito ay mga napiling 101 na estudyante

galing sa Science, Technology, Engineering & Mathematics Strand,

43 na estudyante galing sa Accountancy, Business & Management

Strand, 46 na estudyante galing sa Humanities & Social Sciences

Strand, 43 na estudyante galing sa General Academics Strand, 19

na estudyante galing sa Arts & Designs, at 28 na estudyante

galing sa Technical Vocational Livelihood Strand ng Universidad

de Sta. Isabel na ang kabuuang bilang ay 280 na estudyante galing

Senior High School Department. Ang gagamitin ng mga mananaliksik

upang mangolekta ng mga datos ay sa pamamagitan ng research

interview. Sila ang mga napiling estudyante na magsisilbing

sample population sa pag aaral na ito sapagkat ang paaralan na

ito ay isa sa mga paaralan sa Naga City, Bicol kung saan ang

kanilang pangunahing wika ay Wikang Bikol.


Ang pokus ng pagaaral na ito ay malaman ang Mga Dahilan sa

Kakulangan ng Kaalaman hingil sa Wikang Bikol ng mga estudyante

sa bawat strand ng ika 11 baitang sa Universidad de Santa Isabel

at ang epekto nito sa kanilang pakikipagkomunikasyon. Nang

malaman ang ibat ibang dahilan sa kakulangan ng kaalaman ng mga

estudyante at ang epekto nito sa kanilang pakikipagkomunikasyon.

Nang malaman ang ibat ibang paraan upang mapaunlad ang mga

kaalaman ng mga estudyante sa Wikang Bikol. Kung saan susuporta

sa layunin na malaman kung mayroon pang malalim na pagintindi at

pagkadalubhasa sa paggamit ng Wikang Bikol ang mga estudyanteng

kabilang sa pag aaral na ito.

Ang mga estudyante na hindi mapipili sa random sampling ay

hindi magiging parte ng pagaaral na ito bagkus ang mga piling

magaaral lamang ang magiging respondent.

Ang mga impormasyon na maaaring makalap na walang kaakibat

sa pag aaral na ito ay hindi rin babanggitin.

Hindi rin responsibilidad ng mga mananaliksik ang mga bagay

na labas sa pagaaral na ito at mga kadahilanan na magpapabago sa

saloobin ng isang respondent. Pati na rin ang mga kadahilanan na

hindi na kontrolado at sakop ng mga mananaliksik.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa

kanila upang sila ay mahikayat na mas tangkilikin ang wikang atin

kaysa sa wika ng ibang lugar. Makatutulong din ito sa kanilang

pakikipagkomunikasyon sa mga Bikolano.

Sa mga kabataan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa

kabataan upang maging bukas ang kanilang isipan sa ating wika.

Sa mga guro. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong din sa mga

guro upang magkaroon ng kamalayan kung ano ang kalagayan ng

wikang bikol.

Sa mga mamamayang Bikolano. Ang pag-aaral na ito ay

makatutulong sa kanila upang mapahalagahan at ingatan ang wika ng

Bikolnon na maaaring maipasa sa sususnod na Henerasyonat

pagyamanin ito. Ito ay dapat ingatan at huwag ipakain sa sistema

ng modernisasyon.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay

maari nilang kunan ng ideya na makakatulong sa kanila kung ito ay

may kaugnayan din sa kanilang pananaliksik.


DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang mas maintindihan ang pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na

salita ay binibigyan ng kahulugan:

• Bikolnon - Wikang nanggagaling sa Bicol o tawag sa wika ng

bicol.

• Datos - Totoong impormasyon na ginagamit bilang basehan sa

pagrarason, pagtatalakay at pagkakalkulasyon.

• Research Interview - isang paguusap na kung saan may mga

katanungan na tungkol sa paksang pinagaaralan.

• Sample population - prosesong pagkuha ng grupong naaangkop sa

paksa na magrerepresenta sa buong populasyon.

• Strand - mga akademikong kurso ng mga Senior Highschool

• Random sampling - prosesong pagpipili ng mga magreresponde sa

pamamaraan ng pagbunot o pagpili ng hindi magkakasunod sunod.

• Respondente - ang mga taong sasagot o magreresponde.

• Termino - salita o expresyon na mayroong eksaktong kahulugan sa

ibang paggamit ng salita.

• Henerasyon - grupo ng mga indibiduwal na ipinaganak at

nabubuhay sa iisang oras o panahon.

• Modernasisasyon - bagong paraan ng pamumuhay.


• Sensus - talaan ng mga taong nasa bansa.

• Varayti - iba't ibang uri ng isang bagay.

• Diyalekto - mga varayti ng mga lengguahe na nanggagaling sa

isang rehiyon.

• Asimilisasyon - proseso ng isang grupo na tumatagal sa isang

kultura at iba pang katangian ng isang malaking grupo.


KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito makikita ang mga publikasyong may

kinalaman sa pananaliksik na ito, kasama na ang mga pahayagan,

aklat, web page, gayundin ang ibang mga kaugnay na pag-aaral

tulad ng tesis at disertasyon at iba pang sanggunian na magagamt

na batayan sa pagsusuri.

KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay Cruz (2018), Ang Bikol ay isang pangunahing wikang

Pilipino, na sinasalita ng hindi bababa sa limang milyong tao sa

mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur,

Catanduanes, Masbate at Sorsogon. Mayroon din itong pamanaang

pampanitikan na nag-date pabalik sa kolonyal na panahon ng

kolonyal. Maraming mga bituin sa panitikan ang mula sa rehiyon,

na pinamumunuan ngayon ng dalawang matagumpay na manunulat na

sumulat sa ibang bansa ngunit ang pagguhit sa kanilang mga ugat

ng Bikol at karanasan: Filipino-Australian Merlinda Bobis at

makatang si Luis Cabalquinto.

Sa aklat ni Nierva (2012) na Antisipasyon asin iba pang mga

Rawitdawit sa bikol asin Ingles matutunghayan ang walang

kamatayang pagpupunyagi ng mga Bikolanong manunulat na makabuo ng


panitikan na magtatampok ng sarili at yunik na tradisyon at

kultura ng pamumuhay ng mga Bikolano sa Rehiyon V.

Sa pag-aaral ni Balla (2014) tungkol sa Isang salin sa aklat

sa Filipino ng Aklat na "Balalong: Mga Kasabihang Bikolnon, A

compilation and Interpretation of Bicol Proverbs by Philip

Francis Reazon Bersabe na ihaharap sa Internasyunal na

kumperensya at worksyap sa UP diliman dito inilatag ang

kahalagahang maiaambag ng kanyang pag aaral sa pagbuo ng resors

materyal sa pag tuturo Ng literaturang Filipino at Edukasyong

Pagpapahalaga.

Ayon kay Barbaza (2014) Ang simula ng ikadalawampu siglo ay

nasaksihan ang paglaganap ng mga publikasyon at ang pagtaas ng

rate ng pagbasa at pagbasa sa Bicol. Ang mga pangunahing

manunulat ng rehiyon ay nagsimulang mag-ayos at makipag-usap sa

paligid ng tanong ng sarili bilang simbolo ng panitikan at wika.

Ang iba't ibang mga detalye ng wika ng Bicol, partikular na nag-

print ng wikang Bicol, ay nakikibahagi sa mga manunulat na

nagtitipon sa kanila sa isang orosipon ng sarili. Ang mga detalye

ng wika ay nagsilbing mga hangganan ng Bikolnon. Mga tanong tulad

ng "Ano ang wikang Bicol?" Ano ang pinagmulan ng wikang Bicol?

"Ano ang kaugnayan ng wikang Bicol sa mga wika tulad ng Tagalog,

Bisaya o Ilokano?" Aling titik ang dapat kumatawan sa ponema [k]?

' Anu-ano ang iba't ibang mga ponema ng wikang Bicol? "" Tama
bang tanggapin ang ponema [f] bilang isang ponema ng wikang

Bicol? "Lima sa mga pangunahing publikasyon sa unang kalahati ng

ikadalawampu siglo na nagsilbing pangunahing mapagkukunan para

dito paunang pag-aaral: Kalendariong Bikol (1920), Sanghiran nin

Bikol (1927), An Parabareta (1933- 1939), Bikolnon (1940) at

Bikolana (1950-1956).

Ayon kay Realubit ang Bikol ay ang wika ng halos 5 milyong

katao sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur,

Catanduanes, Masbate at Sorsogon na bumubuo sa Rehiyong Bikol.

Ang mga taga-Bikol ay may tradisyon ng pagsulat na may mga ugat

sa mga sinaunang katutubong daan. Ang natitira pa rin ay mga

talatang mahinahon na sinasamantala ang mga posibilidad ng mga

salita sa mga katutubong tula at salaysay na may nilalaman ng

alamat, at nakasalalay sa mga unang bahagi ng kasaysayan na

bumubuo sa bahagi ng buhay ng mga tao.

Nagsimulang magsulat ang mga tao ng mga tula at mga dula na

inangkop mula sa mga kwento sa Bibliya - sa oras na ito sa

sistemang pagsulat ng Espanya. Ang mga dramatikong tropong ito ay

mga pagtatanghal sa kalye sa mga pagdiriwang ng Mayo, Pasko,

Pasko ng Pagkabuhay. Noong 1890, ang unang pahayagan ng Bikol na

Isang Parabareta (ang Newsman) ay nai-publish ni Mariano

Perfecto, na nagtatag din ng unang press press. Imprenta de

Nuestra Señora de Peñafrancia. Sa gitna ng maraming debosyonal at


tula ng relihiyon, may dalawang lumitaw na protesta - "Ang

Pagguiao kan mga pastores ay maaaring pagcamondag ni Jesus duman

sa portal sa belen" (Ang paggising ng mga pastol ng kapanganakan

ni Jesus) ni Mariano Perfecto at "Comedia na bayan sa Dios o

magna cahayagan ay maaaring magcamondag ni Jesus” (Isang dula

tungkol sa Diyos o mga bagay tungkol sa pagsilang ni Jesus).

Sinabi ng unang dula na tinanggap ng mga tao ang pananampalataya

ngunit hindi ang mga Kastila; ang pangalawa ay sumusubok na

maisalokal ang karakter na si Maria, gawing makabago ang Herodes

at gawin ang coronation ni Maria na isang okasyon ng pagsalubong

sa pamamagitan ng dalawang comic character.

Ayon kay Rey (2019), ang wika ay ang pangunahing

instrument ng komunikasyon at napakahalaga nito satin dahil kung

wala nito, wala tayong maigagamit na kasangkapan para sa

pakikipag-usap sa kapwa nating tao. Ang wika ay nagiging gabay at

nagbibigay ng kaalaman sa kung ano ang katanggap-tanggap o hindi.

Ang wika ay importante sa pagbibigay ng impormasyon sa

pamamagitan ng balita. Sa aspeto naman ng edukasyon, mahalaga ito

sapagkat sa pamamagitannito, naging malawak ang ating kaalaman.

Sa pag-aaral ng dalawang wika (Ingles at Filipino) naging lalong

nadalisay ang ating pag-intindi at tamang paggamit nito. Ang wika

rin ang dahilan kung bakit nagkakaisa-isa ang mga miyembro sa

lipunan o ang mga naninirahan sa isang bansa.


Ayon sa Larga Bicol (2017), Ang wikang Bikolano ang

ginagamit ng mga taong naninirahan sa mga probinsya na

matatagpuan sa tangway ng Bikol na nagsisilbing pangunahing wika

ng rehiyon. Ang Bikol ay binubuo ng iba’t-ibang lalawigan. Ang

mga mamamayan dito ay nagsasalita ng Bikol ngunit iba’t iba ang

uri ng wikang bikolano ang ginagamit nila. Iba’t iba uri ng

wikang Bicolano na ginagamit nila, ito ay nagsilbi parin bilang

kanilang identidad upang sila ay magkaintindihan, magkaisa, at

mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng kanilang lugar.

Ayon kay Ellah (2016) gamit ang wika, pinapadali nito ang

paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng midya. Lalo pang

pinabilis ang pagpapadala ng mesahe sa pag-usbong ng mass midya

sa pagpapalagananp ng impormasyon sa pamamagitan ng makabagong

teknolohiya. Sa kasalukuyan, araw-araw gamit ng mga tao ang

teknolohiya. Parte na ito ng buhay ng mga tao.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon kay Tacbad (2011), na mula pampanga, bagaman ang Ingels

ang wika ng komersyon, ngunit hindi pa ito ang susi sa ating

kaunlaran ng bansa. Binibigyan niya ito mga halimbawa, tulad ng

Japan, Thailand, South Korea at China. Hindi tulad ng pilipinas,


ang mga bansang ito ay mahihina sa wikang Ingles. "Ang japan ay

ang isa sa pinakamayamang bansan sapagkat ginagamit nila ang

sariling wika. Hindi ginagamit ng japan para umunlad ang wikang

ingles," ani ni Tucbad. Ang lenggwaheng ingles ay ang itinuturing

na pangalawang lengguwahe, mayroon malaking bagay ang paggamit

nito sa usaping pang ekonomiya. Sa kabilanh banda, mabilis ang

pag-usbong ng ating bansa sa makabagong mundo, sa mga modernong

teknolohiya at ang mga paraan ng pag komunikasyon tulas ng social

media at text messages, ngunit minsan ay hindi natin maiiwasan na

may mga sinaunang salita na nakabaon sa limot o naka lipas na

panahon.

Ayon kay Lumbres (2017), ang paglaganap ng teknolohiya sa

ating bansa ay kapinsin pansin lalo na sa pagpatuloy na umuulad

maka bagong teknolohiya tulad ng tablet at telepono. Ito'y sanhi

ng patuloy sa pag- unlad ng makabagonh panahon ay ang pag -uso ng

paggamit na pinakaikling salita upang mas mapadali ang kanilang

pakikipag komunikasyon or pakikipag usap sa tao. Makikita dito na

nawawala na ng silbi ang ating sarili dating wika.

Ayon kay Bertillo (2011) sa kasyasayan ng edukasyon, ang

teknolohiya ay may malaking naiiambag sa mga mag-aaral at sa

katunayan ang teknolohiya ay maspinapadali ang pag aaral ng mga


mag-aaral. Marami sa mag-aaral ngayon ay gumagamit ng teknolohiya

para sa pag-aaral nila.

Ayon kay Bangahonbalug (2017), ang ating sariling wika ay

nakakalimutan na anhlg ating kinagisnan na kultura. Nakikilala

ang ating kultura sa isang bansa sa pamamagitan ng ating sariling

wika. Ang ating wika ay nakakatulong ito sa ating pakikipag-

ugnay sa mga tao at upamg mapadali ang pag-uusap. Sa pag-unlad ng

makabagonh henerasyon naging madali na ang pagkuha ng impormasyon

sa pamamagitan ng text message, newspaper ay marami pang iba.

Ayon kay Mejares (2016), ang wika ay nilikha upang magkaroon

ng kamalayan at pagkakakilanlan ang tao. Ginagamit ng tao ang

ating sariling wika, ngunit ito ay hinaluan,kinunan at dinagdagan

ng iba pang wika. Ang pagmamahal sa wika ay katumbas ng

pagpapaunlad at patuloy na pagtangkilik ganoon din ang paggamit

nito na wasto, hindi ang pagpapakita ng kawalan ng respeto rito

tulad ng mga kagagawan ng tao na, pag halo haluin ang isang wika

sa iba pang wika. Hindi man lang binigyan ng halaga ang nailimbag

na wika ng mga bayaning pilipino.Sadyang ang wika ay sumasabay sa

pagbabago at pagiging moderno ng mundo na nagdudulot ng katamaran

at kawalan ng mahabang pasensya ng tao. Dapat daw at bigyan man

lang ng halaga ng tao ang wika sa lipunan, sapagkat ito ang

paraan upang makapagkilanlan ang mga tao, magkaintindihan at


makapag komunikasyon ng maayos. Ito ang nagbibigay kilanlan sa

bansa at maging sa pag papairal ng sariling kultura ng nito.

Ayon kay Gannaban (2013) halos bahagi na ng pamumuhay ng nga

kabataan ngayon ang Social Media. Ito ang mga website na

naglilingkod na daan sa pakikipag-ugmayan. Ito ay naging daan

upang masmapadali o mapabilis ang pakikipagkonekta sa mga tao.


BALANGKAS TEORITIKAL

Mabusisi na binigyang pansin ng mga mananaliksik ang iba’t

ibang teorya ng sumuporta sa gagawing pananaliksik na paksang

"Mga Dahilan sa Kakulangan ng Kaalaman hingil sa Wikang Bikolnon

ng mga estudyante sa ika 11 baitang ng Universidad de Santa

Isabel at ang epekto nito sa kanilang pakikipagkomunikasyon."

Teorya ng kognitib
development
(Jean Piaget, 1980)

Skinner and the Theory Krashen and the Monitor


of Behaviorism Model
(Bandura, 2008) (Krashen, 2014)

Mga Dahilan sa
Kakulangan ng Kaalaman
hingil sa Wikang
Bikolnon ng mga
estudyante sa ika-11
baitang ng Universidad
de Sta. Isabel at ang
epekto nito sa kanilang
pakikipagkomunikasyon.
Ayon sa pananaw sa Teoryang Kognitib ni Jean Piaget ang

pagkatuto ng isang wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang

nag-aaral ng wika ay kadalasang nangangailangang mag-isip at

gawing may saysay ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang

pumailalim na tuntunin at mailapit ang mga ito upang makabuo ng

orihinal na pangungusap. Dahil dito malimit nagaganap ang mga

kamalian sa paggamit ng wika.

Ang teoryang ito ay ang pangunahing maihahalintulad sa

pananaliksik na ito. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa isang wika ay

dapat sa una pa lamang na kanilang pag-aaral, kailangan na itong

maituro sa kanila upang mas lumaganap pa sa mga susunod na

hakbang na kanilang pag-aaralan ukol sa wika. Pasalita man ito o

pasulat. Magsisimulang matutuhan ng isang tao ang isang bagay sa

pamamagitan ng pagpapakita ng larawan. Sinasabi rin sa teorya na

makakaranas ang tao ng "disequilibrium" kapag hindi naunawaan ng

tao ang gustong ihatid na mensahe. Isa ito sa rason kung bakit

minsan ay hindi sakto at tugma ang mensahe sa pagitan ng dalawang

taong nag-uusap. Kagaya na rin sa baitang ng grade 11 na hindi

masyadong kabisado ang mga malalalim na salita sapagkat hindi

naman nila naranasan na turuan ng wikang Bikolnon.


Ang Skinner and the Theory of Behaviorism ay isang

programa ng isang pag-aaral na may kaugnay sa sikolohiya.

Magagamit ito sa pamamagitan ng layunin nito na ipaliwanag ang

pag uugali ng isang tao at hayop base sa kanilang pisikal na

pampasigla,tugon , at sa mga kasaysayan ng pag-aaral.

Hinggil sa teorya ng Skinner and the Behaviorism Theory,

magiging pabor ito sa mga mananaliksik dahil ang pokus ng

teoryang ito ay tungkol sa kaisipan. Ang tao ay nakakapagintindi

lamang ng isang wika kapag ito ay may rasyonal na pag iisip. Isa

ito sa kadahilanan kung bakit may koneksyon ito sa pananaliksik

na ito.

Ang mga teorya na ito ay may posibilidad na isalamin sa

pananaliksik na isasagawa ng mga mananaliksik na pinamagatang:

Mga Dahilan sa Kakulangan ng Kaalaman hingil sa Wikang Bikolnon

ng mga estudyante sa ika 11 baitang ng Universidad de Santa

Isabel at ang epekto nito sa kanilang pakikipagkomunikasyon.

Sapagkat ito ay may koneksyon sa pag uunawa sa isang wika kagaya

nalang ng mental power na isinaad sa itaas na bahagi. Hindi

masasabing na ang isang tao na may kulang siya sa kanyang

kaalaman bagkus ito ay nababago dahil sa impluwensiya ng kanyang

natitiyak.

Ang pananaliksik na ito ay base sa pag-aaral ni Danilo A.

Arao (2008) sa pag-aaral sa Wikang Bikolnon kung saan isinaad


niya na,’’para matukoy ang mga problema ng mga mabagal na nag-

aaral at ng lipunan,para sila ay mas maging mahusay na tao sa

lipunan.Sa kabilang kamay, Danilo A. Arao(2008) ay naniniwala na

mayroong mga kadahilanan sa pagiging mabagal na nag-aaral sa

wikang ito at kailangang maunawaan para mas matulungan ang mga

estudyante.

Willingham (2011) ay naniniwala din na ang mga mabagal na

nag-aaral ay may kaparehas na kakayahan sa mga matatalino, pero

nagkakaiba sila sa kung bakit nila alam,sa kanilang pagganyak,sa

kanilang pagtitiyaga, sa mga estudyante. Hindi kasalanan ng mga

mabagal na nag-aaral sa pagkakaroon ng mga kakulangan na

kaalaman katulad ng sinabi ni Schonell (1942) na ‘’ipinanganak

ang talino’’,lahat ay merong MENTAL POWER na paunti unting

nababago katulad ng pakikipag komunikasyon sa pamamagitan ng

impluwensiya ng kaligiran, bagaman ang pag intindi at direksyon

ay natutukoy batay sa mga karanasan.’’Ang ganitong mga estudyante

ay kailangan ng makabuluhang karanasan na mag-aambag sa

kapanahunan ng kanilang katalinuhan sa pag-iisip at

pakikipagkomunikasyon.
BALANGKAS KONSEPTWAL

INPUT PROSESO AWPUT

•Profile ng Mga •Pagkilala sa mga Mga Dahilan sa


Estudyanteng napili estudyanteng napili Kakulangan ng
sa bawat strand ng sa random sampling Kaalaman hingil sa
ika 11 baitang ng Wikang Bikol ng mga
•Pag aanalisa ng
Universidad de estudyante sa ika
mga kadahilanan.
Santa Isabel 11 baitang ng
•Pagkilala ng Universidad de
•Mga dahilan sa Santa Isabel at ang
positibo at
kakulangan ng
negatibong epekto. epekto nito sa
kaalaman ng mga kanilang
estudyante sa •Pag aanalisa ng pakikipagkomunikasy
Wikang Bikol mga paraan na on.
maaring ipalaganap.
•Mga epekto sa
pakikipagkomunikasy •Kabuuang
on ng mga pagaanalisa. Pinapakita sa itaas
estudyante na salat
•Paglalahad ng ang proseso kung
ang kaalaman sa
resulta.
Wikang Bikol
paano gagawin ng
•Mga paraan na
maibibigay na mga mananaliksik ang pag-aaral. Ang proseso
suhestyon ng mga
sa paggawa ng pananaliksik ay nahahati sa
estudyante upang
mapaunlad ang
tatlo; Input, Proseso at Awtput. Upang
kanilang kaalaman
sa Wikang Bikol
makamit ng mga mananaliksik ang mga layunin ng pag-aaral, ang mga

mananaliksik ay magsasagawa ng panayam sa mga estudyante na

napili galing sa iba’t ibang strand sa ika-11 na baitang ng

Universidad de Sta. Isabel. Ang mga dahilan sa kakulangan ng

kaalaman ng mga estudyante sa wikang Bikol, mga epekto sa

pakikipagkomunikasyon ng mga estudyante na salat ang kaalaman sa

wikang Bikol, at ang mga paraan na maibibigay na suhestyon ng mga

estudyante upang mapaunlad ang kanilang kaalaman sa wikang Bikol.

Ang mga nakolektang datos galing sa panayam ay dadaan sa

proseso upang maanalisa at matukoy kung ito nga ay mayroong

positibo at negatibong epekto at nang malaman ang dahilan sa

kakulangan ng kaalaman ng mga estudyante sa wikang Bikol sa ika-

11 na baitang ng Universidad de Sta. Isabel, kung saan makakamit

ng pag-aaral ang mga layunin nito.


KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay Kalitatibong Pananaliksik. Ang pag-

aaral na ito ay gumamit ng interbyu o pakikipanayam sa mga bilang

na estudyante ng Grade 11 sa Universidad de Sta. Isabel na

makatutulong sa nilalaman ng pananaliksik. Sa maraming uri ng

Interbyu, ang mga mananaliksik ay gumamit ng Semi-structured

interview o pakikipanayam na bahagyang balangkas. Ang nasabing

uri ay ginagamitan ng pagkuha ng impormasyon sa isang estudyante

na may awtoridad at ginagamitan ng mga gabay na tanong upang mas

maging maayos at sistematiko ang daloy ng pakikipanayam.

Ang isinagawang interbyu o pakikipanayam ay para lamang sa

mga estudyante ng Grade 11 sa Universidad de Sta. Isabel. Ang

interbyu ang napili ng mga mananaliksik na gamitin upang mas

makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.

RESPONDENTE
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga mag-aaral ng labing-

isang baitang ng Universidad de Sta. Isabel (USI) , Departamento

ng Senior High School (SHS) . Ang pananaliksik na ito ay

kinakailangan ang 280 na respondente na kukunin sa kalahating

bahagdan (50%) ng Academic Track (STEM, ABM HUMSS), Technical-

Vocational-Livelihood, at and Arts Design ng USI-SHS. Ang mga

mag-aaral na ito ay napili ng mga mananaliksik dahil hindi nila

naabutan ang "Mother Tongue" na kurso kung saan itinuturo ang

wikang Bikolnon.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isasaagawa sa pamamagitan ng

interbyu. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan na

itatanong sa kalahiting porsyento bawat strand ng Universidad De

Sta. Isabel. Magiinterbyu ang mga mananaliksik sa kabuuan na 280

na estudyante. Napili ito ng mga mananaliksik dahil ang

impormasyong kailangan makalap ay mabibigay lamang ng sariling

pananaw ng bawat responde.

TRITMENT NG DATOS

Ang pamanahong papel na ito ay isang pag-aaral at pag susuri

tungkol sa Mga Dahilan sa Kakulangan ng Kaalaman hingil sa Wikang


Bikolnon ng mga estudyante sa ika 11 baitang ng Universidad de

Santa Isabel at ang epekto nito sa kanilang

pakikipagkomunikasyon. Walang ginawang pagbabago sa wikang

bikolnon bagkus isang pag sururi lamang ng dahilan at epekto ang

ginawa ng mga mananaliksik. Sa tulong at kooperasyon ng 280

estudyante ng Universidad de Sta. Isabel napag tagumpayan ang

ginawang interbyu.

PAMARAAN NG PAGKUHA NG DATOS

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa kasalukuyang

pangalawang semestre ng taong panuruan 2019-2020 sa pamamagitan

ng mga sumusunod na paraan.

1. Ang mga katanungan sa mga respondente sa pag-aaral ay inihanda

ng mga mananaliksik upang makuha ng mga mananaliksik ang mga

sagot na kailangan sa kanilang mga katanungan.

2. Ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga respondente sa bawat

strand upang masagotan ang inihandang mga katanungan.

3. Humingi ng pahintulot ang mga mananaliksik sa mga napiling

estudyante na kailangang ma i-record ang kanilang pag uusap sa

pamamagitan ng sulat na may lagda ng mga mananaliksik at guro

upang mapayagang sagotin ang kanilang mga tanong.


4. Matapos masagutan ng mga respondente ang mga katanongan ng mga

mananaliksik, nagpasalamat ang mga mananaliksik sa mga

respondente sa pag tulong na masagot ang kanilang mga tanong.

5. Nag transcribe ng mga pag uusap ang mga mananaliksik upang

gawing ebidensya at nang makatulong ito sa konklusyon ng pag-

aaral.

You might also like