You are on page 1of 9

MONTESSORI PROFESSIONAL COLLEGE OF ASIA-CALAMBA BRANCH

Sta Cecelia Business Center 1 Parian, Calamba City Laguna

LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD KAHALAGAHAN NG PAG AARAL NG


WIKA SA YUNIT,SEKTOR,GRUPONG PORMAL,GRUPONG INPORMAL
Ang Pananaliksik Ay Iprinisinta Kay;
Bb. Nicole Guen Adriano
Bilang Pagtupad Sa Isa Sa Mga Pangangailangan ng Asignaturang
FILIPINO 111
(Komunikasyon At Pananaliksik Sa Wika At Kulturang Filipino)

Iprinisinta Ni;
Joel Borga

Petsa
Oktubre 2019
KABANATA 1:

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG AARAL

PANIMULA

Sa paglipas ng panahon dumami na ang mga salitang nagsilabasan. Mga salita na


nagmula sa iba’t ibang klase ng komunidad. Ang beki language, jejemon words, mga
magic na ewan na sinasabi, nonsense, short cut …etc ay ang paraan ng pagsalita
na ginagamit sa kasalukuyan ng mga kabataan. Alinmang sistema ng linggwistikong
pagpapahayag na ang gamit ay pinamamahalaan ng mga sitwasyunal na varyabol, gaya
ng rehiyunal, okupasyunal, o salik na panlipunan.

Ang paglabas ng mga bagong wika ay mahirap mapigilan, sapagkat ang mga taong
sakop sa komunidad na ito ay ‘di mahulugang karayom. At dahil din sa pag-usbong ng
makabagong teknolohiya ay nagdulot din ng pagsulpot ng mga kakaibang salita. May
mga salitang naibaon na sa limot, may ‘di na mauunawaan ng karamihan, may
umuusbong, at may bumabalik ngunit may iba nang pakahulugan. Gaya ng mga gamit
sa katawan, sumasabay din daw sa uso ang wikang Filipino.

Dahil sa ang wikang Filipino ay itinuturing na buhay na wika patuloy din itong
nagbabago. Kadalasan sa mga salitang ginagamit ngayon ay yung mga salitang
ginagamit sa social media tulad ng Facebook, Twitter, atbp. Talagang likas sa pinoy ang
gumawa ng mga salitang nakakapantawag pansin at pinapa-uso sa social media na
ginagamit ng milyon-milyong pilipino sa Pilipinas.

At kahit nagkakaroon ng mga pagbabago sa ating wika, patuloy nitong pinag-uugnay


ang mga Pinoy kahit saan man at kahit ano man ang kanilang katayuan. Kaya’t kung
iisiping mabuti ang linggwistikong komunidad ay natural na umsubong sa modernong
panahon ngayon. Terimino sa sosyolingwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga
taong gumagamit sa iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga
ispesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika. Nagkakasundo ang
mga miyembro sa kahulugan ng wika at interpretasyon nito, maging ang kontekstong
kultural na kaakibat nito

Lingguistiko or Linguistics Ang linggwistiko ay pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag


na isang linggwista ang mga dalubhasa dito. Komunidad ang mga pamayanan o
komunidad ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang yunit na panlipunan o
pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa isang tahanan, mag-anak, o pamamahay na
may pinasasaluhang kawaniwang mga pagpapahalaga at may matibay na
pagsasamahang panlipunan. Sa paglipas ng iba’t-ibang salik lahi at sa pagsibol naman
ng mga makabagong henerasyon, tayo ay nagkaroon ng maraming barayti at baryasyon
ng wikang Pilipino.

Ayon kay Yule (2014) Ang wika at pamaraan ng paggamit nito ay isang porma ng
panlipunang identidad at ginagamit, malay man or hindi upang ipahiwatig o maging
palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang tiyak na grupong panlipunan.

Linggwistikong komunidad ang tawag sa sa mga wikang ito. Sa isang komunidad ay


may sari-saring uri ng indibidwal na nakatira. Bawat tao o grupo ng tao ay may kanya-
kanyang dayalekto na ginagamit. May mga gumagamit ng mga katutubong salita,
depende sa lugar na kanilang pinanggalingan. Halimbawa nito ay ang gamit ng
salitang Waray ng mga taga Bisaya, Ibaloy ng mga taga Mountain province, Ilocano ng
mga taga rehiyon ng Ilocos, at Zambal ng mga taga Zambales.

May mga ibang grupo naman na ang gamit ay ang mga makabago at naimbento
lamang na mga salita. Meron ding gumagamit ng pinaghalong Ingles at Tagalog o mas
kilala sa tawag na “konyo”. May ilang ding mga kabataan na gumagamit ng jejemon at
bekimon naman ang linggwahe ng mga bading. Idagdag pa rito ang progresibo at
makabagong paggamit ng internet na nagdudulot ng paglaganap ng mga salitang
naimbento ng mga gumagamit sa sosyal media. Andiyan ang pagamit ng acronyms
tulad ng HBD para sa happy birthday, LOL para sa laugh out loud, ATM para sa at the
moment at iba pa. Sadyang napakabilis at napakarami ng pgbabago ng ating wika.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag aaral na ito ay nakatuon sa epekto ng monolinggwalismo sa mga pag aaral
ng kabataang na kung saan aalamin ng mananaliksik ang mga suliranin nito na
nasasagutin ang mga sumusunod

1. Ano ang linggwistikong komunidad?


2. Anu ang mga maidudulot nito sa pang araw araw na pamumuhay ng mga tao

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ang pag aaral ay nakatuon sa pagpapaliwanag ng epekto ng monolinggwalismo sa
pag aaral ng kabataang Pilipino. Bukod dito ang mga resulta ng pag aaral ay magiging
kapaki pakinabang sa mga sumusunod;
Mga Mag aaral- ang mga mag aaral ay magkakaroon ng kamalayan sa
LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD KAHALAGAHAN NG PAG AARAL NG WIKA
SA YUNIT,SEKTOR,GRUPONG PORMAL,GRUPONG IMPORMAL at kung anu ang
mga maaring maidudulot nito sa kanila

Mga Guro- ang resulta ng pag aaral ay makakatulong sa mga guro na magbigay ng
ideya at makapag bigay ng wastong gabay sa mga mag aaral

Mga Magulang- ang resulta ng pag aaral ay makakatulong sa mga magulang na


malaman LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD KAHALAGAHAN NG PAG AARAL
NG WIKA SA YUNIT,SEKTOR,GRUPONG PORMAL,GRUPONG IMPORMAL upang
magabayan nila ang kanilang anak sa kanilang pag aaral

Hinaharap na Mananaliksik- ang mga natuklasan ng pag aaral ay magandang


sangguniang material at isang gabay para sa hinaharap na mananaliksik na nais ding
mag sagawa ng parehong pananaliksik

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG AARAL

Ang pag aaral na ito ay bibigyang pansin at limitado lamang sa LINGGWISTIKONG


KOMUNIDAD KAHALAGAHAN NG PAG AARAL NG WIKA SA
YUNIT,SEKTOR,GRUPONG PORMAL,GRUPONG IMPORMAL. Ang resulta ng pag
aaral na ito ay naaangkop lamang sa pag bibigay ideya ng mag aaral

DEPENISYON/KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Impormal- hindi maayos ang kanilang mga sarili pwede din ito sa lenggwahe na kung
saan malalaman kung gaano kaayos mag salit ang isang tao

Komunidad- Ang pang karaniwang tumutukoy sa isang yunit na panlipunan o


pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa isang tahanan ,mag anak ,o pamumuhay
namay pinasasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga at may matibay na
pagsasamahang panlipunan

Pormal- maayos na suot ng isang tao na mas kaaya ayang tignan sa mata
KABANATA 2:

MGA KAUGNAY NA PAG AARAL AT LITERATURA


Sa kabanatang ito dito malalaman ang mga literatura sa paksang ito ang
mananaliksik ay inalam ang mga lokal na literature at dayuhang literatura na maaaring
makatulong sa kaniyang paksang at narito ang ilan sa mga ito;

DAYUHANG LITERATURA

Ang kasalukuyang pag-aaral ay isang pagtatangka upang siyasatin ang mga pang-
unawa ng mga tagagawa ng patakaran sa wikang banyaga ng Iran bilang articulated sa
dokumento ng patakaran ng wikang banyaga ng Iran gamit ang isang sistematikong
pamamaraan na lingguwistika na gumagana. Sa kadahilanang ito, ang uri ng mga
proseso at mga kalahok na ginamit sa dokumento ng patakaran sa wikang banyaga ng
Iran ay nakilala at binibigyang kahulugan sa mga pagpapalagay ng sistematikong
functional linguistic at mga nauugnay na panitikan (Rashidi, Naser; Hosseini, Seyyed
Ali 2019)

Ang mga network ng mga kapantay ng mga kabataan ay may posibilidad na


ihiwalay sa pamamagitan ng kamag-anak na kasanayan sa wika, ngunit ang mga mag-
aaral mula sa lahat ng mga background na lingguwistika ay nakikinabang sa
akademikong mula sa mga relasyon sa silid-aralan sa loob at sa buong English aaral
(EL) at mga di-EL na mga pangkat. Nagsaliksik kami sa pagsusuri sa social network ng
data ng survey ng mag-aaral sa 46 na silid-aralan sa silid-aralan ng middle school at
matematika at pagsusuri sa husay (Kibler, Amanda K.et, al…(2019))

Mula sa umpisa nito noong 1977 hanggang sa huling taon ng paglalathala ng isang
mamamahayag ng Australia noong 2015, ang "Review sa Lokalistikong Aplikasyon ng
Australia" ay nagtampok ng higit sa 700 mga artikulo na may kaugnayan sa inilapat na
lingguwistika. Ang kasaysayan ng publication na ito ay nagbibigay ng isang
natatanging mapagkukunan para sa pagsunod sa saklaw at pagbabago ng inilapat na
linguistic landscape sa Australia sa huling apat na dekada (Curnow, Timothy Jowan at
Kohler, Michelle 2017)
Ang artikulo ay nag-aaral ng teoretikal na isyu ng modernong antropocentric
paradigm ng agham na kaalaman mula sa kasaysayan ng pagbuo ng antropocentric
linguistic bilang isang espesyal na larangan ng agham ng wika. Ang layunin ng pag-
aaral na ito ay upang sagutin ang tanong tungkol sa impluwensya ng tao sa sistema ng
semiotic. Ang resulta ng materyal ay ang pag-iisa ng mga tiyak na diskarte sa
anthropological linguistic subject. Samakatuwid, ang diskarte batay sa linggwistika ay
nalutas ang problema sa pagtatatag ng kalikasan ng lingguwistika ng tao, ang mundo
ng kanyang wika (Lee, Valentine S.; Tumanova, Ainakul B 2016)

Lokal Na Literatura

Bilang panimulang gawain,napakahalaga na malaman o maging maláy sa lahat ng


mga sa naisagawa nang saliksik. Bukod sa magbibigay ito ng mga konseptong
maaaring maging gabay sa pananaliksik/pagdodokumento, malalaman din sa
pamamagitan nito ang mga nagawa/natapos nang pag-aaral tungkol sa wikang nais
saliksikin o anumang maaaring kaugnay sa wika. Magiging batayan ito ng mga
kailangang saliksikin pa at likumin hinggil sa wikang nais pag-aralan at/o idokumento.
Sa ganitong paraan, ang isasagawang pagdodokumento ay pagbabalida na rin ng mga
datos sa mga nauna nang pag-aaral. Hangga’t maaari alamin ang mga kilalang iskolar
na nag-aral sa wikang iyon.

Ang mga tunay na iskolar ay interesadong makipag-ugnayan sa sinumang


nagpapakita ng tapat na interest sa kanilang gawa. Kailangan maging lubusang
pamilyar sa lahat ng pag-aaral sa wika o sa pamilya nito. Ang diyakroniko at
komparatibong mga obserbasyon ay makapagbibigay ng mga gramatikal na
paglalarawan sa bawat panahon at magbibigay din ng magandang idea kung saan
aangkop ang kasalukuyang saliksik sa kabuoang pamamaraan ng
pagdodokumento/pag-aaral (Payne,2002). Ang mga nauna nang pag-aaral ay
magbibigay din ng magandang pangkalahatang introduksiyon sa wika at sa pamilya
nito. Dapat itong tingnan bilang panimula sa mas detalyado at lubusang pananaliksik
(Voegelin and Voegelin,(2004) at B. Grimes (2003), nasa Payne,2003).

Mahalaga ito sapagkat wika ang pangunahing tuon ng proyekto. Sa pamamagitan


nito malalaman ang mga unibersal o magkakaparehong elemento ng ibá’t ibáng wika,
kung pagaaralan ito batay sa aktuwal na gámit ng mga nagsasalita nitó. Maaaring
ilawaran ang ibá’t ibáng anyo ng wika batay sa edad, seks, istatus sa búhay, at trabaho.
Malaki ang pangangailangang gamitin ang paraang ito upang matugunan ang mga
impormasyon hinggil sa deskripsiyon ng wika gayundin sa pagtukoy ng sitwasyon ng
wika batay sa EGIDS (Paz, 2005)
KABANATA 3
PRESENTASYON, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon sa


paksang ito. Dito malalaman sa kabanatang ito ang mga pwedeng rekomendasyon at
presentasyon ng paksang LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD KAHALAGAHAN NG
PAG AARAL NG WIKA SA YUNIT,SEKTOR,GRUPONG PORMAL,GRUPONG
IMPORMAL taong 2019-2020

PRESENTASYON

Ang paghahalo ng code at code-switch sa paggamit ng wika sa Kanpur ay nakakuha


ng mga bagong sukat. Lahat ng mga code Sujata Chaturvedi / Procedia - Agham
Panlipunan at Pag-uugali 192 (2015) 107 - 115 111 kinakailangan para sa pagganap na
paggamit sa isang komunidad ng pagsasalita ay bumubuo ng isang bahagi ng code
matrix ng komunidad na iyon. Ang tagapagsalita malayang pumili ng mga code at
nagpatibay ng naaangkop na paghahalo ng code ayon sa sitwasyon, tao, pagkakataon,
kaugnayan atbp. Ang pangunahing layunin ng paghahalo ng code ay libreng
pagpapahayag ng mga saloobin, ideya at damdamin upang ang tagapagsalita ay
makakaya makipag-usap sa kanyang sarili sa isang matatas at malinaw na paraan. Ang
nasabing code-mixing at code-switch ay madalas na nakikita Kanpur kung saan ang
mga code ng Hindi at Ingles ay magkasama na nagsilang ng isang bagong umuusbong
na wika ng 'Hinglish'. Hinglish ay ginagamit ng mga mag-aaral, negosyante,
industriyalista at maging mga pahayagan.

Dalawang nangungunang Hindi Pahayagan ng Kanpur - 'Dainik Jagran' at 'Amar


Ujala' ay naglunsad ng kanilang mga bersyon ng Hinglish na sina 'I-next' at 'Amar Ujala
Alinsunod sa Compact '. Ang mga pahayagan na ito ay gumagamit ng pinaghalong
Hindi (Khari Boli) at Ingles sa bawat isa pangungusap at ang wikang ito ay dahan-
dahang naging tanyag sa lungsod habang patuloy na lumalaki ang pagbabasa nito.
'Amar Ang Ujala Compact 'ay inilunsad noong Oktubre 2007 at ang pagbabasa nito sa
oras na iyon ay 14,000 bawat araw. Tumaas ito sa 32,000 bawat araw sa 2008-09 at
ngayon ay umabot na sa 25,90,000. Katulad nito ang kaso sa 'I-next' ni Dainik Jagran
Ang pangkat, na kung saan ay isa pang tabloid na laki ng pahayagan na bilingual, na
ang pagbabasa ngayon ay halos 22,00,000 din. Ang katanyagan ng wikang ito ay
nagpapahiwatig na ang mga nagsasalita ngayon ay nangangailangan ng isang wika na
dapat matupad ang lahat ng kanilang mga pangangailangan, maging sa propesyonal na
larangan o personal na impormal na sitwasyon
KONKLUSYON
Sa bahaging ito ang mananaliksik ay sasagutin ang mga suliranin na patungkol sa
kung ano ang LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD KAHALAGAHAN NG PAG
AARAL NG WIKA SA YUNIT,SEKTOR,GRUPONG PORMAL,GRUPONG
IMPORMAL
1. Ano ang linggwistikong komunidad?
ang tawag sa sa mga wikang ito. Sa isang komunidad ay may sari-saring uri ng
indibidwal na nakatira. Bawat tao o grupo ng tao ay may kanya-kanyang
dayalekto na ginagamit.
2. Anu ang mga maidudulot nito sa pang araw araw na pamumuhay ng mga tao
Ang maidudulot nito ay malalaman natin ang mga grupo ng tao sa osang lugar
na may kanya kanyang dayalektong ginagamit

REKOMEDASYON

Matapos kumuha ng mga datos ang mananaliksik nalaman nya na ang linggwitikong
komunidad ay isang tao na nakatira sa kanilang lugar ng may sariling dayalekto na
kanilang kinabibilangan hindi ipapagkakaila sa isang tribo kasi dito nila napapakita
ang kanilang kultura sa pamamagitan ng sariling dayalekto
Kurikulum Bitey

Pangalan: Joel T. Borga

Edad: 19

Tirahan: Baranggay 2.Tibag ,Calamba City ,Laguna

Birthday: December 31,1999

Contact Number: 09125696029

Email: Joel Borga

You might also like