0% found this document useful (0 votes)
130 views7 pages

A Thesis

Ang dokumento ay tungkol sa pag-aaral ng pagbabago ng paraan ng pagbigkas ng wikang Kinanato ng mga tao sa iba't ibang lugar sa bayan ng Cateel, Davao Oriental. Ito ay naglalaman ng layunin, metodolohiya, lawak at saklaw, kahalagahan at inaasahang bunga ng pag-aaral.

Uploaded by

Rhea Mae Simacio
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
130 views7 pages

A Thesis

Ang dokumento ay tungkol sa pag-aaral ng pagbabago ng paraan ng pagbigkas ng wikang Kinanato ng mga tao sa iba't ibang lugar sa bayan ng Cateel, Davao Oriental. Ito ay naglalaman ng layunin, metodolohiya, lawak at saklaw, kahalagahan at inaasahang bunga ng pag-aaral.

Uploaded by

Rhea Mae Simacio
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

KINANATO INI: ISANG KOMPARATIBONG PAG-AANALISA SANG MGA PYANIYABAN NG

MGA KAUTAWAN NA MANDAYA SANG TAAS HAW UBOS SA BAYAN NG CATEEL

ISANG PANANALIKSIK NG SENIOR HIGH SCHOOL

Kagawaran ng Senior High School

Cateel Vocational High School

MANANALIKSIK

Ler ann L. Anong

lerannanong7@gmail.com

Ken Apostol
INTRODUKSYON

RASYUNAL

Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang


pinagmulan. Ito rin. Ito ay nagsilbing daan para magkaintindihan at magkaunawaan ang
mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang
bansa maging ng mga tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. Ang
wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng
mga simbolo, tunog,at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan. Tinatawag ding salita ang wika katulad ng language, tawag sa wika sa ingles.
Nagmula ang salita sa lengguwahe sa salitang lingua ng latin,na nangangahulugang
“dila” sapagkat nagagamit ang dila sa paglikhang maraming kombinasyon ng mga
tunog, samakatuwid ang “wika” sa malawak nitong kahulugan ay anumang anyo ng
pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas
kadalasan mayroon (Glennznl 2021)

Ang bansang Japan ay mayroong iisang wika na ginagamit kaya naman sila ay
tinaguriang isang monolingwal na bansa. Ang wikang Japanese ay isa sa pinakatanyag
na wika sa buong mundo at kilala rin ang mga hapon sa kanilang paraan ng pagsasalita
bilang magalang at masigla. At dahil nga iisang wika lamang ang ginagamit ng Japan,
ang mga mamamayan dito ay mas nagkakaintindihan o mas nakapagbuklod-buklod. Sa
patakaran o polisiya sa wika ng bansang Japan, sila ay nagpatupad ng isang
karaniwang wika na kung saan ang wikang ito rin ang kanilang gagamitin sa pang araw-
araw at sa pagtuturo. At saka, ang bansang Japan ay may polisiya na pinatutupad ng
mga sentral at municipal na pamahalaan nito. Ito ay ang pangangailangan ng mga
dayuhang residente dito na mag-aral o matuto ng kanilang Wikang Pambansa o ng
Nihongo. Ayon sa aking nabasa na artikulo ni Fujita Round and Maher, ginagamit ng
mga hapon ang kanilang pagiging monolingwal at monocultural para sa pagpapaunlad
ng kanilang literasi at nasyonalismo (Fujita Round & Maher,2017). At dahil sa kanilang
pagiging monolingwal ito ang mas nakapagbubuklod sa kanilang mga mamamayan at
dahil din dito ay mas nagkakaroon pa sila ng pagkakakilanlan sa kanilang
nasyonalismo.

Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng magkakaibang wika (Jonevee Ampprano


2020).

Ayon sa isang pahayag na inilabas ng The Concerned Artist of the Philippines galling sa
kilalang mga tao sa larangan g sining at kultura, “Ang wika ay hindi lang salita,
kamalayan din iyon at sensibilidad. Na sa panitikan at kasaysayan ang dangal ng bawat
bayan. Sambayanang walang alam sa sarili? Iyon ang gusto ng manlulupig” (Jun Cruz
Reyes 2015). Ang literasi ng bansang Pilipinas, ayon sa nabasa kong artikulo, ay
mayroong maunlad na literasi.

Sa Bayan ng Cateel ay mayroon tayong isang wikang ginagamit ito ay tinatawag na


kinanato Mandaya. Dahil sa pagbabago ng panahon at pagdami ng dayuhan nahaluan
ito ng ibang wika. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang talikuran at kalimutan
ang sariling atin. Ang wikang kianato Mandaya ay may iba’t ibang paraan ng pagbigkas
ito ay nakapende sa katayuan ng isang tao. Maari itong malalim na pagbigkas o kaya
ay mababaw lang. Maraming tao kasi ang hindi masyado nalantad sa bagong
henerasyon o di kaya ay nakatira malayo sa syudad o kabihasnan.

LAYUNIN

1. Paano napapanatili ng Kamayo Mandaya ang wikang Kinanato hanggang sa


kasalukuyan?

2.Paano binibigkas ng mga tao sa taas at baba ang Wikang Mandaya?

3. Pinapahalagahan pa ba ng mga tao lalong lalo na ng mga kabataan ang kanilang


sariling wika sa panahon ngayon?
METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga metodolohiyang ginagamit sa


kwalitatibong pag-aaral. Ito ay naglalaman ng mga Disenyo ng pag-aaral; mga
impormante ng pag-aaral; ginagampanan ng mananaliksik; Instrumentong ginamit sap
ag-aaral; pamamaraan ng datos; pag aanalisa ng datos; kridibilidad at
pagkamaaasahan ng pag-aaral at etikal na konsiderasyon ng pag-aaral.

Sa pag-aaral na ito ,ang pagsusuring wika ng Kamayo Mandaya makikita rito kung
paano binibigkas ng mga tao sa taas at baba ang Wikang Mandaya. Ang kwalitatibong
pag-aaral ang pinakaangkop sa pag-aaral na ito at ang isa sa mga uri nito ay ang
etnographikong pag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay nagsasangkot ng
pagkolekta,pagsusuri at interpretasyon ng hindi numerical na data. Nilalayon nitong
punan ang mga kakulangan sa kaalaman sa isang paksa sa pamamagitan ng
pagsasaalang-alang sa mga paniniwala, pag-uugali, pakikipag-ugnayan, pananw, at
karanasan ng mga tao.

Ang pormang ito ng pananaliksik nagbubunga ng malalim na impormasyon na


ginagamit upang pag-aralan ang mga salik sa lipunan at kultura ng mga indibidwal o
komunidad.

Ang etnograpiya ay kadalasang direktang nauugnay sa isang paraan na kilala bilang


obserbasyon ng kahalok , lubusang isinasawsaw ng mananaliksik ang kanilang sarili sa
totoong mundo sa pamamagitan ng pagmamasid at pag-aaral ng mga tao sa kanilang
natural na kapaligiran (Anna Kirkebaek,2020).

Sa sitwasyong ito, ang mananaliksik ay nakikisawsaw pa rin sa kanilang kultura


ngunit nag-aayos din sila harapang talakayan sa mga indibidwal o isang maliit na grupo
ng mga kahalok. Ang mga panayam ay hindi nakaayos, kusang-loob at kaswal,
nagbibigay ng impormasyon na karaniwang hindi nila nakukuha sa isang pormal na
setting ng pakikipanayam, halimbawa. Ang mananaliksik ay nakikipag-usap sa mga
kahalok habang ginagawa nila ang kanilang araw habang nagsasagawa ng iba pang
mga aktibidad.
Upang matiyak ang tagumpay sa pagsasagawa ng pananaliksik, isang tipikal na
modelo ng pananaliksik o plano ang sinusunod. Ito ay nagbibigay ng isang istraktura sa
proseso, nililimitahan ang pag-aaksaya ng mga mahalagang mapagkukunan tulad ng
oras, pera, at enerhiya. Tinitiyak din ng plano o estrtehiyang ito ang paggawa ng
magkakaugnay ng piraso ng wika na nakabalangkas sa lohikal na paraan. Kung
magagawa ito garantiya pag-asikaso sa suliranin sa pananaliksik.

Pinipili ng mga mananaliksik ang kultura o grupo ng mga taong nais nilang pag-
aralan. Tinutukoy nila kung saan umiiralang mga gaps sa kaalaman. Pagkatapos,
tinutukoy nila ang mga variable nan ais nilang gawin at tuklasin, pagkatapos nito,
sinusuri nila ang mga umiiral na literature na nakapalibot sa kanilang lugar ng pag-
aaral.

Sinisikap din ng mga mananaliksik na alamin kung saan nakuha ng mga indibidwal
ang kaalamang ito. Ang kakayahang masagot ang mga tanong na ito ay
nagpapaliwanag ng mga salik. Gayundin, sa pamamagitan ng pagkamit ng layuning ito,
sinisikap ng mga etnograpo na iugnay ang lingwistika sa kultura.

Kinokolekta at sinusuri ng mga etnograpo ng komunikasyon kung paano ginagamit


ang pagsasalita kasama ng iba pang paraan ng komunikasyon upang maihatid ang
isang mensahe na naiintindihan ng mga komunidad. Para diyan, mahalaga ang
konteksto. Ang wika, kung tutuusin, ay hindi mauunawaan kung wala ang kontekstong
panlipunan at pangkultura nito.

Karaniwan, ang pag-aaral na ito ay patungkol sa istruktura ng iba’t ibang uri ng


karanasan galling sa prensepsyon, diwa, memorya, imahinasyon, emosyon at sariling
pasiwak tungo sa aksyon at pansosyal na aktibidades kabilang na ang “ Kinanato ini:
Isang Komparatibong Pag-aanalisa sang mga Kautawan na Mandaya sang Taas haw
Ubos sa Bayan ng Cateel”, karagdagan nito, ang metodolohiya ay siyang pinakaangkop
nap ag-aaral sa mga guro upang makapagturo ng kanilang mga karanasan sa mga
mag-

aaral.
Lawak at Saklaw

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa wikang kinanato ng ginagamit ng mga tao sa Bayan ng
Cateel upang makipag-usap sa kapwa. Sa pag-aaral na ito, pag-aaralan naming ang iba’t ibang
uri o paraan ng pagbigkas ng mga tao sa iba’t ibang lugar sa Bayan ng Cateel. Upang alamin
ang mga ito ay kukunan ng impormasyon o datos ang mga piling miembro ng Kamayo Mandaya
ng Cateel,Davao Oriental kung paano nagkakaiba-iba ang bawat isa.

Ang mga mananaliksik ay sinubok na matamo ang ang layuning pag-aaral na ito,kaya sa
gagawing pag-aaral ang mga mananaliksik ay bibisita sa iba’t ibang lugar dito na sakop ng
Cateel. Ito ay upang mas maunawaan ng mga mananaliksik sa hinaharap ang pagkakaiba-iba
ng paraan ng pagbigkas sa bawat lugar sa Bayan ng Cateel.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Pagsusuring Wika ng Kinanato ng Tribu Mandaya na


may magandang maidudulot sa mga sumusunod.

Guro. Magsisilbing gabay ito sa pagbigay ng tugon sa mas malawak na kaalaman patungkol
sa wikang ginagamit ng mga tao sa tribu ng Mandaya Kamayo.

Mag-aaral. Mahalagang salik sa komunikasyon. Dahil sa paggamit nang maayos sa


wika,nagkakaroon ng kakayahan ang taong kumuha at makapamahagi ng kaalaman, minimithi
at nararamdaman. Ito rin ay upang higit na maintindihan ng mga mag-aaral at mayakap ng
buong puso ang sariling wika. Maging malinaw at lubos na pahalagahan at huwag tuluyang
magpasakop sa makabagong panahon kung saan maraming kabataan ang mad naeengganyo
na magsalita ng ibang lengguwahe kaysa pag-aralan ang wikang katutubo.

Magulang. Magsisilbing gabay ito sa pagbigay kaalaman patungkol sa katutubong wika na


ating kasalukuyang ginagamit sa Bayan ng Cateel Kamayo.
INAASAHANG BUNGA

Sa pagtatapos ng aming pananaliksik inaasahan naming na makabuo ng anim hanggang


sampung pahina ng saliksik na masusing tutugon sa paksa ng aming pag-aaral. Sa pag-aaral
din na ito ay inaasahan naming na mas makalap pa ng maraming impormasyon na
makatutulong upang mas maunawaan pa ang wikang Kinanato. At upang malaman kung ano-
ano pa ang paraan ng pagbigkas ng Kamayo Mandaya ng Cateel at maunawaan ang mga
malalalim na salita. Kami ay maglalahad ng konkreto at angkop na kasagutan sa mga
katanungan upang ito ay magsilbing gabay sa mga sumusunod na mananaliksik sa paksang ito
kabilang na dito ang rasyunal,metodolohiya,at iba pang anotasyon sa paksang nailahad.

Sanggunian

Fujita Round,S.,&Maher,J,C.(2017). Languafe Policy and Education in Japan.

https:/doi.org/10.1007/978-3-319.02320.5 36.2

You might also like