You are on page 1of 17

MGA SULIRANIN SA PAG-ALIS NG ASIGNATURANG FILIPINO SA MGA

MAG-AARAL NG KOLEHIYO

HUNYO 2023
INTRODUKSYON

Atin nang nakakamit at nakikita ngayon ang kalayaang

ipinaglaban ng ating mga bayani noong unang panahon. Sa

gayunpaman nabibigyang pansin, at ginagamit natin ito sa

araw-araw sa katunayan. Karamihan sa mga mamamayang Pilipino

na hindi alam ang wikang Filipino at isa sa mga sagisag ng

ating kalayaan mula sa mga dayuhan, ito ang pundasyon ng

ating sariling bansa, at ang nagpapatunay na ito ay sariling

atin.

Ano nga ba ang epekto nito sa ating mga Filipino sa

pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo? Ito nga ba

ay may magandang epekto, o ito ang magiging dahilan upang

hindi magkaintindihan ang mga nasa ahensiya na nangangasiwa

sa edukasyon ng bansa laban sa mga taong nais mapanatili ang

asignaturang ito sa kurikulum ng kolehiyo? Marahil ang iba

ay hindi tutol sapagkat sapat na raw ang mga taong ginugol

natin upang pag-aralan ang asignaturang Filipino, habang ang

iba naman ay tutol sapagkat tayo raw ay nasa Pilipinas at

dapat lang na gamitin natin ang ating sariling wika. Hindi

lamang ang mga estudyante ang apektado sa isyung ito, pati

na rin ang mga guro na ang hawak na asignatura ay Filipino.

Ang mga kurso sa wikang Filipino ay nauukol sa pag-

aaral ng wastong paggamit ng ating wika, mga kayamanang

pampanitikan ng bansang ito tulad ng mga gawa ng mga may


karanasang awtor, at iba pang kaalaman na kailangan nating

mga Pilipino. Bagama't marami ang tutol na tanggalin ang

bagay na ito, mayroon ding naniniwala na ito ay kapaki-

pakinabang. Dahil dito, ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa

pagtukoy sa posibleng epekto ng pagpapatupad ng batas na

ito.

Ayon sa Commission on Higher Education o CHED ay isa sa

mga nangangasiwa ng edukasyon sa Pilipinas. Sila ay

nagbibigay ng mga iskolarship at tulong pinansyal upang

masiguradong makakapag tapos ng pag-aaral ang mga

estudyante. Noong Agosto 2018, Buwan ng Wika, sila ay nag

apela sa Korte Suprema na ipatupad ang CHED Memorandum Order

no. 20 series of 2013 o ang pagbago sa General Education

Curriculum (GEC) na magtatanggal ng asignaturang Filipino sa

kolehiyo at palitan ito ng Asignaturang Hangul kung saan ang

asignatura at wikang ito ay ginagamit sa bansang Korea.

Nababahala ang mga grupo ng Tanggol Wika sa ganap na

pagpawi ng mga kurso sa wikang Filipino at panitikan sa mga

unibersidad. Noong 2015, kinatigan ng Korte Suprema ang

demanda ng mga guro na hindi sumunod sa mga kahilingan mula

sa Higher Education Commission na tanggalin ang panitikang

Filipino at akdang pampanitikan sa mga unibersidad. Naglabas

ang Korte Suprema ng TRO upang isama ang wika at literatura

ng Filipino sa pangkalahatang kurikulum ng mga unibersidad,


kasama ang iba pang asignatura gaya ng matematika, agham,

teknolohiya, at kasaysayan ng Pilipinas. Nakatuon ang

Filipino sa wastong paggamit ng wikang Filipino at ang

Panitikan ay nakatuon sa pagbabasa at panitikan.

Ang pag-aaral ng mga asignaturang wikang Filipino sa

mga unibersidad sa Pilipinas ay hindi dapat iwaksi, bagkus

ay ipagpatuloy. Ang problemang ito ay umusbong habang

nakararanas tayo ng patuloy na pagbabago sa lipunan dahil sa

teknolohiya at globalisasyon. Ang layunin ng mga bagong

teknolohiyang ito ay upang mapabuti ang buhay ng lahat ng

mamamayan. Dahil dito, ang mga wikang Kanluranin ay

pinaniniwalaang isang mahalagang kasangkapan sa pagtataguyod

ng pag-unlad ng ating bansa, at mula rito ay umusbong ang

konsepto ng unti-unting paglimot sa kahalagahan ng mga

wikang Kanluranin sa ating pamumuhay sa Pilipinas.

Bigyang halaga ang asignaturang wikang Filipino dahil

dito natin makikita ang kahalagahan sa ating bansa at ito

ang sumisimbolo bilang isang pilipino.

LAYUNIN SA KABUUAN

Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong magbigay ng

kaalaman at impormasyon patungkol sa epekto ng pagtanggal ng

asignaturang Filipino sa kolehiyo.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong ilahad ang

kahalagahan ng pag-aaral sa mga sumusunod:

Mga Mag-aaral. Magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa

asignaturang Filipino. Ito ay malaking tulong na hindi

malimutan ang sariling wikang bayan dahil sa epekto ng

pagpapaalis ng asignatura.

Mga Guro. Madagdagan ang kanilang kaalaman at

magsilbing daan ito sa mga guro na dapat mapanatili ang

asignaturang Filipino sa tersiyaryong antas ng education.

Makakatulong ito sa mga guro na maging daan ito sa pakikipag

komunikasyon sa mga mag-aaral.

Mga namumuno/Administrador. Magbigay kalinawan at ideya

sa epekto ng pagpapaalis ng asignaturang Filipino sa antas

ng kolehiyo. Ang magiging resulta ay naglalayong magsilbing

magbigay ng kontribusyon sa pagpapanatili ng asignaturang

Filipino.

Sa ibang mananaliksik. Magsilbing sanggunian sa

kanilang pag-aaral na pagkukunan ng ideya sa kanilang pag-

aaral. Magiging batayan din ng iba pang mananaliksik ng


naglalayong magsagawa ng may mas malalimang pag-aaral ukol

dito.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa opinyon ng mga

piling mag-aaral sa Hercor College ang pag-aaral na ito ay

tungkol sa mga suliraning sa pag-alis ng asignaturang

Filipino sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Dahil sa bagong

kurikulum na ipinalabas ng Commission of Higher education

(CHED) na ang asignaturang Filipino ay hindi na ituturo sa

kolehiyo maliban na lamang kung ito ay kanilang kurso ang

layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang opinyon ng mga

mag-aaral sa bagong curriculum na ito.

Ang limitasyon ng pag-aaral na ito ay hanggang

tatlumpong (30) mag-aaral lamang ito ay sapat na upang

malaman ang impormasyon na nais malaman ng mga mananaliksik,

ang pag-aaral ay nagmula sa buwan ng Hunyo (2023).


KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon kay Tasic (2016), noong 1940 ang executive Order

No. 263 na isinaulong ni dating Pangulong Manuel L. Quezon,

ito ay nag uutos sa lahat ng pribado at pampublikong

paaralan na isama dapat isama sa kurikulum ang pagtuturo ng

wikang pambansa o ang wikang Filipino. Ito ay ang pag-aaral

sa tamang paggamit ng wikang Filipino at iba pang

literatura.

Ayon kay Jasareno (2012), ang asignaturang Filipino ay

lumilinang sa pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag-iisip sa

Filipino. Ito ay ang nagpapakilala sa ating bansa.

Ayon naman kay Tilones (2013), Ito ay nagsisilbing

tulay sa pagpapatalas ng analitikal na pag-iisip ng mga

kabataang Pilipino. Dahil ang dapat unang hubugin ang mga

ito ay isang edukasyon sa kultura, kaugalian, kasaysayan, at

higit sa lahat, ang wika ng Pilipinas. Ang pagkatutong

magsalita ng Filipino ay nangangailangan ng pagkatutong

maging Filipino. Tayo ay mga Pilipino, kaya natural lamang

na mas pag-aralan natin ang ating sarili, partikular ang


wikang Filipino. Ang pag-aaral ng Filipino ay ang unang

hakbang sa pagpapalawak ng kamalayan at pagmamahal sa bansa.

Ang paksang Filipino ay makabuluhan hindi lamang dahil ito

ay kinakailangan sa paaralan, kundi dahil tayo ay mga

Pilipino at dapat ay pamilyar sa ating sariling wika.

Ayon kay Dabu (2014), bagama't hindi pa rin sanay ang

maraming Pilipino, ang wikang Filipino ay sinasalita araw-

araw sa bahay at sa kalsada. Maraming Pilipino ang patuloy

na gumagamit ng wika sa hindi tamang paraan.

Dahil lahat ay matututo sa wastong paggamit ng wika sa

pamamagitan ng pag-aaral ng Filipino, at ang ating sariling

wikang pambansa ay palalawakin.

Dahil ayon kay Bienvenido Lumbera, "Ang wikang Filipino

ay di lamang isang simbolo ng ating pagiging bansa.

"Kinikilala ng mga Pilipino na tayo ay bahagi ng iisang

bansa at dapat nating hubugin ang isa't isa sa iisang

sistema ng edukasyon dahil ang paksa ay nakatuon sa ating

wika.

Ayon pang muli sa pananaliksik ni Martin (2016), Ang

wikang Filipino ay mahalaga para sa mga mananaliksik. Sa

katunayan, ang katutubong wika ay gumaganap ng isang

mahalagang papel sa pagpapaunlad ng akademikong tagumpay sa

ilang mga paaralan at kolehiyo sa Pilipinas. Kasama sa mga

programang ito ang kurikulum, na nagbibigay ng listahan ng


mga kurso o paksa, pati na rin ang pundasyon at direksyon

para sa mga guro at estudyante.

Ayon kay Zayrhene Fabian, isang BSEd major sa

Biological Science, “Basic lang ang Filipino, which is pwede

naman i-tackle sa Senior High para pagtungtong sa college

more on the course na yung focus ng curriculum.” Kung

tatanggalin ang mga menor na asignatura tulad ng Filipino,

mas mabibigyang-diin ang mga asignaturang may kaugnayan sa

kurso ng mag-aaral, at sinasabing madaragdagan ang kakayahan

ng mga mag-aaral dahil mas maraming mag-aaral ang

magkakaroon ng pagkakataong makapag-focus sa kanilang mga

pangnahing or major subject.

Nire-reporma ng Commission on Higher Education (CHED)

ang curriculum upang makasabay at matulungan ang ating bansa

sa globalisasyon, ang resulta ay ang "K-12 Curriculum". Kung

ikukumpara sa dating kurikulum ng ating bansa, sa ganitong

paraan, ang mga nagtapos sa unibersidad ay maaaring

magpatuloy at makasabay ang mga nakapagtapos na studyante sa

mga bansang Kanluranin. (Acosta et al., 2017)

Ayon kay Arguelles et al. (2015) ang ideolohiya ng K-12

Curriculum ang pinagsimulan ng pag-unlad at pagbabago. Kaya

naman, ipinatupad ito ng ating bansa. Nagbago ang ating

curriculum dahil sa labis na kagustuhan ng gobyerno na

umunlad at magbago ang sistema ng pag-aral. Gayunpaman,


naglabas ng memorandum (CMO) ang CHED. No. 20 series 2013 na

naging masama ang epekto hindi lamang mula sa mga propesor

sa Filipino, kundi maging sa mga organisasyon tulad ng

Tangol Wika at Pambansang Samahan ng Linggwistika at

Litiraturang Filipino (PSLLF) dahil walang asignaturang

wikang Filipino sa New General Education Curriculum (GEC)

para sa kolehiyo. Ayon kay David Michael San Juan, isa sa

mga pinuno ng Tangor Wika, ang ating wikang pambansa, ang

Filipino, ay bata pa at hindi pa ganap na

intelektwalisasyon. Ang Filipino ay maaaring maging ganap na

intelektwalisasyon sa pamamagitan ng pagtuturo at

pagpapalawak nito sa lahat ng antas.

Halos 10,000 guro ang maaaring mawalan ng trabaho dahil

sa paghinto ng mga asignaturang Filipino, na nagdulot ng

malalaking problema sa kurikulum, (Ong, 2018) Bilang tugon

sa mga pagbabago sa GEC, magkakaroon ng pagsasanay at

mentoring para sa mga guro upang magturo ng mga bagong kurso

at para sa paglipat ng mga guro na maaaring maapektuhan ng

mga pagbabago. Ayon sa CHED, ang tamang salita na dapat

gamitin ay "pag-aayo" at hindi "pag-aalis". (Espinoza et al.

2015)

Ayon kay Jimeno (2014) Kahit itinuturo ang Filipino sa

elementarya at hayskul, kung hindi ito ituturo sa kolehiyo,

maaaring makalimutan ito ng mga studyante. Bukod dito, mas


komportable at kumpiyansa tayo kapag nagsasalita sa ating

sariling wika. Inihambing ng Tanggol Wika ang bagong

kurikulum sa kolehiyo sa luma at nalaman na may mga

asignaturang Filipino sa kolehiyo na hindi itinuturo sa

elementarya at hayskul. Ipinapakita nito na walang basehan

ang sinasabi ng CHED (Commission on Higher Education) na

pare-parehong paksa ang itinuturo sa kolehiyo kaya dapat

nilang tanggalin ang Filipino bilang asignatura sa kolehiyo

(Tomacruz, 2018).

Ayon kay Bugarin et al. (2015) Hindi maitatanggi na

ilan sa kapawa nating Pilipino ay mas gustong gumamit ng mga

wikang hindi sa kanila higit sa kanilang sariling wika. Ito

ang dahilan kung bakit iniisip ng ilang tao na ang wikang

Filipino ay hindi mahalaga at maaaring hindi na ituro sa

kolehiyo. Nakakalungkot na ang ating bansa at mamamayan ay

mawawalan ng sariling pagkakakilanlan dahil sa impluwensya

ng kolonyalismo.

Naghain ng pansamantalang injunction ang korte sa

pagtanggal ng CHED sa asignaturang Filipino ng unibersidad.

Ngunit gumagawa ang CHED ng bagong programa na ipatutupad sa

2018, ang taon na magtatapos ang unang batch ng SHS.

(Tubeza, 2017) Isa itong paghahandang hakbang para

makumpleto ng CHED ang pag-alis ng mga Pilipino sa


unibersidad, at ang unang batch ng SHS ang magpapatunay na

tama o mali ang kanilang desisyon.

Sinabi rin ni Dexter (2020) ng BSED Major in Physical

Science, "Mas magiging globally competitive ang mga graduate

ng kolehiyo." Dahil sa pamamagitan nito, mabibigyang daan

ang iba pang mga asignaturang mas kakailanganin natin para

tayo ay makasabay sa mga mauunlad na bansa.

Ayon kay Ana Lucille Calagos (2020) ng BSED major in

Biological Science, "Kung aalisin sa kolehiyo, unti-unting

mawala Ang pagkamakabayan natin dahil hindi Ito [wikang

Filipino] mabibigyang pansin, lalo na sa mga taong magiging

susunod na tagapagtaguyod nito." Maaaring Ang susunod na

henerasyon at maging hindi na mulat sa tamang paggamit ng

Wikang Filipino dahil hindi na nila ito naabutan sa

curriculum ng kolehiyo.

Ayon Kay Marvic Joana Gabonillas (2020), "Kung ito'y

maipapatupad, maaaring maiwan na lamang sa mga aklat ang

Wikang Filipino". Sinasabi rito na maaaring mabaon na lamang

sa limot ang Wikang Filipino, at gawin na lang na

pangdisenyo ng mga Pilipino-at hindi na muling buklatin

tulad ng mga lumang aklat.

Ayon kay Lonika Ruth Rabas (2020) ng BSED major in

Biological Science. "Para sa akin, ang pag alis ng

asignaturang Filipino ay magbibigay ng masamang epekto


sapagkat Isa itong indikasyon na hindi natin kayang

tangkilikin ang sariling atin." Sa pagpapatupad ng CMO

no.20, s.2013, para na rin nating tinalikuran Ang sarili

nating wika.

At ayon nga Kay Rabas (2020), parang ipinapakita narin

ng mga Pilipino na hindi nating kayang pahalagahan kung ano

ang mayroon tayo.

SANGGUNIAN

Acosta, I., Acosta, A. (2017). A Mixed Methods Study on

Teachers' Perception of Readiness of Higher Education

Institutions to the Implementation of the K-12Curriculum.

https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1147809.pdf

Alfonso, A.J., Dizon, T.A., Ducus K.C., Flores D.M., Ocampo,

A., Rapinan, C.J., Tapec, J., Venn, J. (2019) PANANAW AT

REAKSYON NG MGA PILING GURO AT ESTUDYANTE NG DHVSU at MQC SA

PAGTANGGAL NG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO.

https://www.academia.edu/39261435/

PANANAW_AT_REAKSYON_NG_MGA_PILING_GURO_AT_ESTUDYANTE_NG_DHVS

U_at_MQC_SA_PAGTANGGAL_NG_ASIGNATURANG_FILIPINO_SA_KOLEHIYO

Arguelles, D., Garcia, R., Marcos, R., Mercado, A. (2015).

KULTURA AT WIKANGFILIPINO, PATULOY NA PAGYAMANIN SA

KOLEHIYO.

http://komakadt1b-radar.tumblr.com/
Bugarin, N., Cañacao, G., Cap-atan, Z., Cervantes, M.K.,

Clave, B., Marso, R. (2015).KAHALAGAHAN NG PAGPAPANATILI NG

ASIGNATURANG FILIPINOSA KOLEHIYO.

https://www.slideshare.net/GlaizaBugarin/kahalagahan-ng-

asignaturang-filipino-sa-kolehiyo

Calagos, L. (2020). Isyu sa Pagtanggal ng Asignaturang

Filipino sa Kolehiyo

https://www.studocu.com/en-us/document/ateneo-de-manila-

university/bs-accountancy/final-outpuuuut/16146261?

origin=home-recent-1

Dabu, B. R. (2014, Nobyembre 5). WIKApedia, layong ipaalala

ang tamang paggamit ng wikang Filipino

http://www.gmanetwork.com/news/story/386703/news/

ulatfilipino/wikapedia-layong-ipaalala-ang-taman-paggamit-

ng-wikang-filipino#sthash.S4Vmz9sI.dpuf

Espinoza H., Jornales, S., Tulabing, E.D. (2015). Removal of

Filipino Subject in Tertiary Level: Effects and Reactions of

MSU-IIT Filipino Faculties.

http://researchpapergroup8.blogspot.com/?m=1

Fabian, Z. (2020). Isyu sa Pagtanggal ng Asignaturang

Filipino sa Kolehiyo

https://www.studocu.com/en-us/document/ateneo-de-manila-

university/bs-accountancy/final-outpuuuut/16146261?

origin=home-recent-1
Gabonillas, M. J. (2020). Isyu sa Pagtanggal ng

Asignaturang Filipino sa Kolehiyo

https://www.studocu.com/en-us/document/ateneo-de-manila-

university/bs-accountancy/final-outpuuuut/16146261?

origin=home-recent-1

Garcia, D. (2020). Isyu sa Pagtanggal ng Asignaturang

Filipino sa Kolehiyo

https://www.studocu.com/en-us/document/ateneo-de-manila-

university/bs-accountancy/final-outpuuuut/16146261?

origin=home-recent-1

Jasareno, L. J. (2012, Pebrero 5). Filipino bilang

Asignatura.

https://www.scribd.com/doc/80540825/Filipino-bilang-

Asignatura

Jimeno, R.L. (2014). Deleting Filipino as College Subject.

http://www.manilastandard.net/opinion/columns/out-of-the-

box-by-rita-linda-v- jimeno/155774/deleting-filipino-as-

college-subject.htm

Lumbera, B. (2020). Isyu sa Pagtanggal ng Asignaturang

Filipino sa Kolehiyo

https://www.studocu.com/en-us/document/ateneo-de-manila-

university/bs-accountancy/final-outpuuuut/16146261?

origin=home-recent-1
Ong, G. (2018). 10,000 teachers may lose jobs due to removal

of Filipino, Panitikan.

https://www.philstar.com/headlines/2018/11/17/1869300/10000-

teachers-may-lose-jobs-due-removal-filipino-panitikan

Rabas, R. (2020). Isyu sa Pagtanggal ng Asignaturang

Filipino sa Kolehiyo

https://www.studocu.com/en-us/document/ateneo-de-manila-

university/bs-accountancy/final-outpuuuut/16146261?

origin=home-recent-1

San Juan, D.M.M. (2016). Neoliberal Restructuring of

Education in the Philippines: Dependency, Labor,

Privatization, Critical Pedagogy, and the K to 12 System.

https://www.researchgate.net/publication/

320558212_Neoliberal_Restructuring_of_Education_in_the_Phili

ppines_Dependency_Labor_Privatization_Critical_Pedagogy_and_

the_K_to_12_System

Tasic, J. (2016). Ang Kahalagahan ng Asignaturang Filipino

sa K-12.

http://udyong.net/teachers-corner/7208-ang-kahalagahan-ng-

asignaturang-filipino-sa-k-to-12

Tipones, Flora (2013). Asignaturang Filipino (Filipino

subject): Its implications. http://www.bicolmail.com/2012/?

p=9629
https://utaklaya.wordpress.com/2014/06/27/bakit-mahalaga-

ang-filipino/

Tomacruz, S. (2018). Alliance appeals SC ruling removing

Filipino as required college subject,

https://www.rappler.com/nation/217594-alliance-appeals-

supreme-court-ruling-removing-filipino-required-college-

subject

Tubeza, P. (2017). CHED to keep Filipino in curriculum.

https://newsinfo.inquirer.net/907311/ched-to-keep-filipino-

in-curriculum#ixzz5Za2RzeZE

You might also like