You are on page 1of 16

YUNIT I

ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA


SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

Panimula

Umani ng samo’t saring reaksyon ang pagbabago sa sistemang pangedukasyon ng bansa


lalo’t higit sa usapin ng noong pagtatangka na tanggalin ang mga asignatura sa Filipino at
Panatikan sa kolehiyo. Iba’t ibang institusyon at mga makawikang organisasyong ang
nagpahayag ng kani-kanilang tindig at nagpaabot ng kanilang pagtutol sa mga hakbangin na ito.
Ang mga inisiyatibang ito ang nagbunsod sa pagtatatag ng Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
(Tanggol Wika), isang alyansang binubuo ng mga dalubiwika, guro, mga mag-aaral, at iba pang
nagmamahal sa wika upang isulong ang patuloy na pagyabong ng wika. Ilang promenenteng
paaralan din ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa layunin ng grupo sa pamamagitan ng
posisyong papel. Ang ilan sa mga posisyong papel na nagpapahayag ng pangangailangan ng
pagbabalik ng mga naturang asignatura sa kuriulum ng kolehiyo ay matatalakay sa bahaging ito
ng Yunit 1.

Layunin

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. makilala mga makawikang organisasyon at institusyong nakipaglaban para maibalik ang
mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo;
2. mapapalalim ang pagunawa sa malaking gampanin ng Filipino at Panitikan sa buhay at
pagunlad ng mga mag-aaral; at
3. makapagpahayag ng sariling tindig sa hinggil sa Filipino at Panatikan sa kolehiyo gamit
ang modernong midya.

Lunsaran

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa.


 https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM
 https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ
 https://www.youtube.com/watch?v=Jq82Kvl39vo
 https://www.youtube.com/watch?v=EYiNkGBB8Q8

Nilalaman

Bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas ang pagbabgong bihis ng sistema ng edukasyon ng


Pilipinas. Ito ay naka-angkla sa ideya ng international standards, labor mobility, at ASEAN
integration. Batid ng mga nagpanukala ng nasabing pagbabago ang kahingian na sumabay sa
tinatawag na interantional standards dahil ang Pilipinas ay kabilang sa iilan na lamang na mga
bansa na may sampung taon lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay
mabubukas ng pinto sa mas maraming opurtunidad para sa mga mag-aaral. Ang ideya ng labor
mobility ay alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho ng mga
mag-aaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na na sistema ng edukasyong K to 12.
Dahilan nito ay mas magiging handa ang mga mag-aaral na harapin ang pagiging kabahagi ng
lakas paggawa ng bansa. Ang mga magtatapos ng grade 12 ay maaring pumili sa pagitan ng
pagtrabaho o pagpapatuloy sa kolehiyo mataposang labindalawang taon sa basic education. Ang
ASEAN integration naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran ng mga kasaping
bansa ng organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng
mga miyembro.
Bagaman maraming positibong implikasyon ang K to 12, mayroon din itong mga naging
hamon. Tulad na lamang ng tangkang pagaalis sa mga asignaturang may kaugnayan sa Panitikan
at Filipino. Taong 2011 pa lamang nang magsimula ang usap-usapan ukol dito. Dahil sa ilan nga
sa pokus nito ay mas mapadulas ang pagkakaroon ng trabaho dito at higit sa ibang bansa at ang
pagsunod sa yapak ng mga mauunlad na bansa, nabigyang diin ang pagpapaunlad ng kasanayan
sa pag gamit ng wikang Ingles sa K to 12. Ito ay tumataliwas sa mga nauna nang mga hakbangin
para sa pagpapayabong ng wikang pambansa, ang Filipino. Mula rito ay umusbong na ang mga
damdaming handang ipahayag ang kanilang pagtutol ang pasasawalang bahala sa Filipino.
Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang
nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa
Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na
organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na
grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang
Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul. Nabuo ang Tanggol Wika sa isang
konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos
500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at
pangkultura ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa
forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay
kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. Noong 2015,
pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED
Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema. Agad na naglabas ng
Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa
Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol Wika. Bagamat
tuluyang binawi ng Korte Suprema ang TRO noong 2019, tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol
Wika sa iba pang arena. Marami-rami pang kolehiyo at unibersidad ang mayroon pa ring Filipino
at Panitikan, at nakahain na sa Kongreso ang House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at
Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa kolehiyo. (https://tanggolwika.org/)
Maraming tulad ng Tanggol Wika ang nagpahayag ng ng kani-kanilang saloobin sa
pamamagitan ng posisyong papel. Ang posisyong papel ay isang pasulat na gawaing akademiko
kung saan inilalahad ang paninidigan sa isang napapanahong isyu na tumutukoy sa iba’t ibang
larangan tulad ng edukasyon, politika, batas, at iba. Kadalasang idinadaan sa pagsulat ng
posisyong papel ang paggaganyak, at pagpapaunawa ng punto ng sumulat tungkol isang paksa.
Karaniwang ginagamit ito ng mga organisasyon at institusyon upang ipabatid sa publiko ang
kanilang paniniwala at rekomendasyon bilang isang pangkat.
Agosto 2014 nang nagpayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle University ng
kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na may pamagat na
“Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.” Nakapaloob sa posisyong
papel na ito na “ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag aambag sa pagiging
mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika
ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang
pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamayan ay alinsunod sa
bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga
ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat bigyang diin ang Filipinisasyon ng mga
pananaliksik ng ibat ibang departamento at kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong din ng
malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapaki pakinabang sa
ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng assignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may
sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng pamantasang ito sa
pakikipagtalastasan sa ibat ibang pangangailangan o kontekstong pang komunikasyon png
akademiko man o pang kultura, tulad ng nililinang sa ibang pamantasan.” Ang adbokasiyang itoy
pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskurong
pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng
magiging mga kapaki pakinabang na mamamayaan n gating bansa.”
Mababatid sa posisyong papel na ang responsibilidad ng paaralan na hubugin ang
pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Isa sa mga inaasahan ay ang mapanatili ang ugnayan ng
paaralan at ng komunidad lalo at higit yaong mga nabibilang sa lalylayan. Higit kanino man ay
sila ang mas nangangailangang marinig at mabigyang atensyon. Sa pamamagitan ng wikang
Filipino ay magiging mabisa ang pagpapahayag ng mga saloobin at pangangailangan ng mga
mamamayan. Ito ang nagbibigay boses sa mg ordinaryong tao at kung mawawala ito ay tuluyan
nang hindi malilinang ang ugat na sanay magdudugtong sa malayong agwat ng karaniwan at mga
edukadong tao. Mas magiging malabo na na maging pantay ang mga mamayan mula sa iba’t
ibang estado sa buhay at manantiling pinid ang mga labi kung dayuhang wika ang kailangan
upang makapagpahayag ng saloobin at pangangailangan.
Ang posisyong papel naman na may pamagat na “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng
Filipino ng Panantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuuugat sa CHED
Memorandum Order No. 20Series of 2013” ay mula sa panulat ng mga guro ng Ateneo De
Manila University. Nakapaloob dito na “hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino isa
itong displina. Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa pagka
Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas ng
tersiyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal… Ang
banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong
pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pagaaral
ng Filipino bilang disispilina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan.
Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskurso. At lalong hindi dapat pagsabungin ang
mga wika. Sa halip, dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang
kasalukuyang isyung pangwika upang itanggi ang sarili at kanilang mga interes.”
Bilang mga Pilipino tungkulin nating pagyabungin ang bawat butil ng ating
pagkakakilanlan. Kaakibat ito ng ating pagiging malaya at ng lahat ng sakripisyo ng ating mga
ninuno. Kaya naman ang tahasang pagtatanggal sa asignaturang Filipino at Panitikan sa
kurikulum ay isang paraan ng pagkitil sa ating identidad at pagsasawalang bahala ng lahat ng
buhay na binuwis para makamit ito. Malinaw sa posisyong papel ng Ateneo de Manila ang
pangangailangang mapagtibay ang Filipino bilang isang disiplina nang sa gayon ay mapataas din
ang kalagayan ng mga pangrehiyong wika. Ang pagyakap sa ibang wika habang pinababayaan at
iniisang tabi ang sariling wika ay nagtutulak sa atin palayo sa sariling bayan at nagpipiring sa
atin sa mga totoong intensyon ng nagpapalawig nito.
Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung pagtatanggal ng Filipino
at Panitikan ang Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan sa
ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Anila ang Filipino ay wika na “susi ng kaalamang
bayan”. Buo rin ang kanilang paninindigang “nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal –
mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang
pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang pinanday sa
akademya. Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng mga magaaral na tutuklas ng dunong
bayan at napakikinabangan ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersarya ang
sanayin ang mga mag aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki pakinabang
ang napili nilang disiplina sa oang araw araw na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang
karanasan ng mga magaaral sa UP Manila sa pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa
mamamayan. Kailangan nilang matutong magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino
upang mapakinabangan ng mamamayan ang kanilang kaalaman.”
Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto din sa iba. Ang
pagbibigay serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang natutunan ay higit pa sa salaping maaring
matanggap ng isang propesyunal. Kaya gaano man kahusay ang magiging produkto ng bagong
kurikulum kung hindi naman ito magagamit sa pagtulong sa kapwa ay hindi din makapagbibigay
ng pagunlad. Binibigyang diin sa posisyong papel ng UP Diliman na dapat kaagapay ng
intelektwalisasyon ay ang pag gamit nito sa makataong paraan. Hindi dapat natatapos ang
paglago sa pagkakamit ng degri kundi sa pagbabalik nito sa iba sa pamamagitan ng serbisyo at
ang mainam na serbisyo ay nagsisimula sa pagkakaunawaan. Wala nang hihigit pa sa unawaang
dulot ng parehas na wika.
Taong 2014 naman noong inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya
ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro at Filipino
(SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining ng Plipinas,
PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan”. Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the
Philippines, Manila na ang “umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat.
Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw araw na pakikipag talastasan ng mga Filipino. Mga
Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi tangi ang tatag
nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat
Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag
aaral ng wikang Filipino, tinanggal narin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung
ano ang wika mo yun ang identidad mo.”
Kalakip ng pagka Pilipino ang wikang Filipino at ang paglinang nito ay paglinang din ng
sariling identidad. Ito ay nagbibigay diin sa lalong pangangailangan ng mga mamayan lalo’t higit
ng mga mag-aaral na linangin ang kani-kanilang identidad. Malinanw ang pahayag sa posisyong
papel na ang pagtatanggal ng pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo ay pagtatanggal din ng
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo ay higit na
mainam na panahon para mas mapalalim ang pagmamahal sa sariling identidad at mapataas ang
antas kasabay ang paglinang din ng kani-kaniyang propesyon at larangan. Upang kasabay ng
mga lumalagong Pilipino ay ang pagyabong din ng wikang Filipino.
Ayon naman sa Philippine Normal University ang “isang moog na sandigan ang wikang
Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga
mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay
mahalagan domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng bansa.
Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan
at mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng
silid aralan.”
Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang
pagkatao ng bawat indibidwal. Ito ang siyang nagbibigay katuturan sa mga karaniwang
karanasan at nagpapaliwanag ng mga bagay sa mas malalim na perspektibo. Binigyang pansin sa
posisyong papel ang malaking gampanin ng paaralan sa pagbuo ng tulay na magdudgutong sa
kung ano man ang mga napagaralan sa silid ay syang magamit at madala sa paglabas dito. Ito
ang nagpapaigting ng pagnanais na malinang sa paaralan ang sariling wika at panitikan at nang
sa gayon ay masiguradong bahagi ng paglago ng mga mag-aaral ang midyum na batid ng bawat
Pilipino. Ito ay magbibigay daan din sa kapakinapakinabang na talastasan at talaban ng ideya.
Samakatuwid, ang bawat posisyong papel na nailathala sa paksang ito ay naging
malaking bahaging sa pagkakaroon sa kasalukuyan ng mga asignaturang umiinog sa Filipino at
Panitikan. Ang hakbang at inisyatiba na isinaalang-alang ng mga organisyon at pamantasan ay
nagbigay ng magandang bunga sa kalagayang pang-edukasyon ng susunod na henerasyon.
Patuloy na magiging mapanghamon ang pagyakap sa globalisasyon at nawa kaalisabay nito ay
mas humigpit ang pagyakap sa sariling pagkakakilanlan at identidad. Sa kabila ng pagbabago sa
napakaraming aspekto ay manatili sana ang pagmamahal sa Filipino at Panatikan. Inaasahang
dadami ang mga propesyonal na magmamahal at magpapaunlad sa sariling wika matapos ang
pagtatalakay sa mga posisyong papel na ito upang maibalik ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Mga Gawain

Gawain 1
Ang bawat mag-aaral ay aatasang ipahayag ang kani-kanilang mga tindig hingil sa
pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo tulad ng kasalukuyang kurso, ang Fili 101
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino, sa pamamagitan ng isang Facebook (FB) post.
Ang naturang FB post ay tatalakay sa saloobin ng mag-aaral sa kung paanong ang asignatura ay
nakatutulong sa kanyang paglago bilang isang mag-aaral at isang indibiwal. Inaasahang ang
mag-aaral ay gagamit ng akademikong tinig sa kanyang pagpapahayag na hindi lalampas sa 300
salita, at sumusunod sa tamang baybay, at balarila. Kasama ng FB post ay isang larawan na may
kaugnayan sa kanilang tindig. Maaring ito ay isang bagay o pangyayaring sumisimbolo sa
knilang nais ipabatid. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private
Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit
ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat
gamit ang messenger. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.

Gawain 2
Ang bawat magaaral ay aatsang alamin ang pulso ng kanilang pamilya at kasama sa
tahanan kung sila ay pabor o hindi sa pagkakaroon ng mga sabjek na Filipino at Panitikan sa
kolehiyo. Ito ay pamamagitan ng pagintebyu na mga kasama sa tahanan. Ang interbyu ay
irerekord gamit ang mga cellphone at isusumite gamit pa rin ang Facebook Private Group ng
klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring
i-type ang naging resulta ng interbyu ay isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit
ang messenger. Mainam din kung matatawagan ng guro ang mga mag-aaral para sa aktibidad na
ito. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
Rubrik sa FB Post

Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan


Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Komprehensibo ang Malinaw ang pagkakalahad Naging mahaba ang
ginawang pagtalakay sa ng paksa, nagtataglay ng pagtalakay sa paksa at
paksa, malinaw at akma mga importanteng detalye hindi kakikitaan ng mga
Kaakmaan sa ang larawang ginamit, subalit hindi nito napatibay mahahalagang
paksa ng gawain kompleto ang mga detalye ang ang mga impormasyon na
at kakikitaan na dumaan sa impormasyong tinalakay sa magpapatibay sa paksang
masusing pagiisip. paksa. tinatalakay.

Lubhang mahusay at Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng


lohikal ang pagkakahanay pagkakahanay ng kompletong impormasyon
ng mga impormasyon, impormasyon, naiorganisa subalit hindi naihanay ng
naiorganisa ang mga ang mga detalye, nagamit lohikal ang mga detalye na
detalye, maayos ang ang mga pang-ugnay para magpapatibay sa ideyang
pagkakagamit ng mga mailahad tindig. Ang tinatalakay. May bahagi ng
pang-ugnay para mailahad paliwanag ay malinaw at FB post na nakapagdulot
Mekaniks
ng buong husay ang tindig, makabuluhan subalit ng kalituhan sa mambabasa
may kaisahan ang mga kinakulangan ng mga dahil sa ilang pahayag na
ideya, at naging malinaw, salitang magpapaigting ng hindi kaugnay ng paksa.
mahusay at makabuluhan pagkaunawa ng
ang pagtalakay sa mambabasa sa paliwanag.
paliwanag.

Maayos ang pagkakahabi Maayos ang pagkakahabi Hindi magkaugnay ang


ng tindig at may direktang ng tindig subalit hindi tinit at ang larawang
Kaugnayan ng kaugnayan sa larawan na direktang naipakita ang ginamit.
larawan sa tindig ginamit. kaugnayan nito sa
larawang ginamit.

Kabuuang Iskor
Rubrik sa Interbyu

Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan


Kategorya Iskor
(5) (3) (1)

Komprehensibo ang Malinaw ang resulta ng Naging mahaba ngunit


ginawang pagiinterbyu sa interbyu at ang walang direksyon ang
at nabigyang tuon ang pagkakalahad ng paksa, interbyu at pagtalakay sa
paksa, malinaw at akma nagtataglay ng mga paksa at hindi kakikitaan
Nilalaman
ang mga tanong na ginamit, importanteng detalye ng mga mahahalagang
kompleto ang mga detalye subalit hindi nito napatibay impormasyon na
at kakikitaan na dumaan sa ang ang mga magpapatibay sa interbyu
masusing pagiisip. impormasyong tinalakay sa na ginawa.
interbyu

Lubhang mahusay at Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng


lohikal ang pagkakahanay pagkakahanay ng tanong, kompletong impormasyon
ng mga tanong, naiorganisa naiorganisa ang mga ang interbyu subalit hindi
ang mga detalye, maayos detalye, nagamit ang mga naihanay ng lohikal ang
ang pagkakagamit ng mga pang-ugnay para mailahad mga detalye na
pang-ugnay para makuha tindig ng sabjek. Ang magpapatibay sa ideyang
Mekaniks
ng buong husay ang tindig tanong ay malinaw at tinatalakay sa interbyu.
ng mga sabjek, may makabuluhan subalit May bahagi ng interbyu na
kaisahan ang mga ideya, at kinakulangan ng mga nakapagdulot ng kalituhan
naging malinaw, mahusay salitang magpapaigting ng sa awdiyens dahil sa ilang
at makabuluhan ang pagkaunawa ng awdiyens. pahayag na hindi kaugnay
ginawang interbyu. ng paksa.

Kabuuang Iskor
YUNIT 1
ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at mas Mataas na Antas

Panimula
Kasabay ng mga pagbabagong dulot ng internasyonalisasyon at globalisasyon ay tila
paglamlam din ng pagunawa at pagluwag ng yakap ng mga Pilipino sa sariling wika. Isa sa mga
karaniwang mukha ng pang araw araw na gawain ang mga pinaiksing salita sa chat at text at ang
mga pinahalong wika sa isang pangungusap. Kadalasang mali rin ang baybay sa mga pasulat na
gawain at gayun din sa bigkas sa mga pasalitang aktibidad. Marami rin ang naglilitawang
makabagong salita mula sa iba’t ibang dako ng mundo na dulot ng kulturang popular na mas
pinipiling gamitin lalo’t higit ng mga kabataan sa pakikipagtalastasan. Nagbago na ang porma at
paraan ng komunikasyon ngayon at tila ito ay palayo sa sariling atin. Matutunghayan sa paksang
ito ang pagtatalakay sa mga isyung kinapaloloban ng paggamit ng Filipino bilang midyum ng
komunikasyon.

Layunin
Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon na
nagpapakita ng mga gamit ng Filipino bilang wika ng komunikasyon; at
2. mabigyang halaga ang Filipino bilang wika ng komunikasyon sa pamamagitan ng pag
gamit nito sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyong.

Lunsaran
Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa.
 https://www.youtube.com/watch?v=Cy19L31XCfk
 https://www.youtube.com/watch?v=4xMUnKIAG5k
 https://www.youtube.com/watch?v=p5IRKbYDCy0

Nilalaman
Minsang binalita GMA News ang diumano’y pagpurol ng kakayahan ng mga kabataan sa
wikang Filipino bunsod ng mga umiiral na makabagong paaran ng komunikasyon. Dala ng mga
gadyet at mga pang madlang midya na ang pangunahing midyum ay Ingles, maraming mga
kabataan ang hindi na batid ang gamit sa ilang mga salitang sariling atin. Nakalulungkot mang
isipin na ganito ang nangyayari sa mga kabataan ay kailngang maikital sa kanilang isipan ang
patuloy na paggamit sa sariling wika sa gitna ng modernong panahon.
Maaalaala na ang pagpapayabong ng Filipino ay hindi lamang dala ng mga umpukan
bagkos ito ay nagmula sa mas malalim na pundasyon tulad ng nasasaad sa ikalawang talata ng
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng kasalukuyang saligang-batas na “Subject to the provisions of law
and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and
sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction
in the educational system.” Malinaw sa probisyong ito ang responsibilidad ng gobyerno na
itaguyod ang pagbuo ng mga hakbnagin upang patuloy na magamit ang wika sa mas malalim
pamamaraan sa pamayanan man o paaralan. Ang mga inisiyatibang nagpapalawak ng saklaw ng
gamit sa Filipino bilang wikang panturo at wika ng komunikasyon ay inaasahang magmumula sa
pamahalaan ayon sa Saligang Batas. Kaya naman ang mga nagdaang pagtatangka na alisin ang
Filipino at Panitikan ay tunay na nagsindi sa mga damdaming makabansa ng mga Pilipino.
Hindi lamang dito limitado ang mga opisyal na dokumento na sumusuporta sa paggamit
ng Filipino sa mas interaktibo at malalim na paraan. Ang dating Pangulong Corazon C. Aquino
ay nagbigay diin din sa probisyong ito sa pamamagitan ng Executive Order No. 335 na “Nag-
aatas sa Lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Instrumentaliti ng Pamahalaan na
Magsagawa ng mga Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal
na mga Transaksiyon, Komunikasyon, at Korespondensiya.”
Ayon kay Lumbera et al. (2007) ang Filipino ang wikang gingamit sa paglinang at
pagpapalaganap ng isang edukasyong na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman
ng diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami. Mula
dito ay mababatid na ang ugat ng sinasabing wika na likas sa ating mga Pilipino ay Filipino.
Kaya ito ay nararapat lamang gamitin sa ano mang aspekto ng komunikasyon at pagkatuto.
Agosto 10, 2014 noong inilathala ni G. David Michael M. San Juan ang kanyang
artikulong 12 Reasons to Save the National Language. Tamang tama ang pagkakagawa ng
atikulong ito dahil sa Buwan ng Wika kung kailan binibigayang pugay at tuon ang wikang
pambansa at isa ay sa panahong ito kainitan ang pagpakikipaglaban sa pagbabalik ng
asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo. Sa artikulong ito ay inisa isa niya
ang labindalawang dahilan kung bakit ang Filipino ay kailangan gamiting wikang panturo at
dapat mapabilang sa kurikulum sa kolehiyo.
Ang unang dahilan na kaniyang binigay ay ang nasasaad sa Artikulo XIV Seksyon ng
kontistusyon ng bansa. Aniya ay nakaririmarin ang mga ahensya ng gobyerno na gumgamit ng
Ingles bilang opisyal na wika ng komunikasyon at gayundin ay ang mga institusyong tila
sumasalungat sa pagsusulong ng Filipinisasyon. Sunod niyang binigyang diin ay ideya ng
epektibong gamit ng Filipino bilang wikang panturo kung ito ay ituturo rin bilang isang sabjek o
disiplina. Isa rin ay ang globalisasyon at ASEAN integration, kung saan inaasahan ang
pagpapatibay ng sariling wika, panitikan, at kultura upang may maibahagi tayo sa pandaigdigan
at pangrehiyong na palitan sa panlipunan at pangkalingang unawaan. Ito ay isa ring paraan ng
paglinang ng napag-aralan at napagtalakayan sa hayskul tulad ng kung paano nililinang ang
ibang disiplina sa hayskul at kolehiyo. Bukod pa rito, ang Filipino at Panitikan ay parehas sa
College Readiness Standard sa CHED’s Resolution No. 298-2011. Ang resulta ng National
Achievement Test sa Filipino ng sa hayskul ay mababa pa rin sa itinalagang lebel ng masteri ng
Kagawaran ng Edukasyon at dahil dito ay lalong na ngangailangan ng Filipino sa kolehiyo upang
mapunang ang kulang pang natutuhan ng mga mag-aaral sa hayskul.
Batid din ng lahat na hindi kaya senior hayskul masakop lahat ng content at performance
standards na kasalukuyan ng itinuturo sa kolehiyo. Filipino ang wikang pambansa at sinasalita
ng nasa 99% ng populasyon. Ito ang kaluluwa ng bansa. Ito ay nagbubuklod sa mga mamayan
tulad kung paano tayo binubuklod ng mga awit, tula, at iba pang panitikan na nakalimbag sa
Filipino. Kaya naman ang pagalis nito ay pagalis din sa ating sarili. Kaugnay naman ng mga
bansang nagpapatupad din ng K to 12 tulad ng Estados Unidos, Malaysia, at Indonesia, ang
kanilang wikang pambansa at panitikan ay mandatori na core courses sa kolehiyo. Dinagdag pa
niya na maraming panukalas na isinumete sa CHED upang gamitin sa Filipino sa
multi/interdidiplinari na pamamaraan. Ipinahayag din ni G. San Juan na matagal nang
namamayagpag ang Ingles sa kurikulum ng kolehiyo mula noon 1906 samantalang ang Filipino
ay nito lamang 1996, at panahon na upang maremedyohan ang nagdaang panahon ng
makasaysayang kaapihan. Higit sa lahat ang Filipino ay isang pandaigdigang wika na itinuturo at
pinagaaralan sa mahigit walumpong institusyon at unibersidad sa ibang bansa. Ang pag-aalis nito
sa kurikulum ng sariling bansa kung saan ito ay nag-ugat ay tiyak na makaaapekto sa negatibong
paraan sa katayuan ng Filipino bilang pandaigdigang wika.
Nakalathala sa akda ni G. Virgilio S. Almario (2014) na napakarami pang dapat gawin
upang ganap na magtagumpay ang wikang Filipino. Aniya hindi sapat ang pagdedeklara ng
Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto bilang tugon sa Proklamasyon Blg. 1041 ng
Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 5, 1997. Dagadag pa niyang na ang wikang Filipino ay
totoong mabubuhay at yayaman sa pamamagitan ng patuloy na paggamit araw-araw ng mga
mamayan. Bagaman kung tutuusin, hindi sapat kahit ang panyayaring siyento posiyento na ang
mga mamayang Pilipino ay nakapagsasalita at nakuunaw sa wikang Filipino.
Kasama rin sa akdang ito Pambansang Alagad ng Sining ang pag-aasam na sa darating na
panahon, sinumang nais mag-aral pa ay maaaring magbasa sa isang aklatang tigib sa nga aklat sa
mga aklat at sangunian na nakalimbag sa Filipino. Ang lahat ng balikbayan at bisita ay
sinasalubong sa airport ng mga karatula sa wikang Filipino ang banyagang nais magtagal sa
Pilipinas. May tatak at paliwanag sa Filipino ang mga ibinebentang de-lata at nakapaketeng
produkto. Idinadaos ang mga kumperensiya sa wikang Filipino, at kung kailangan, may mga
tagasalin sa Ingles at ibang wikang global. Nagtutulong-tulong ang mga eksperto at guro sa mga
wikang katutubo sa Wikang Pambansa. Nagsasalita sa Filipino ang mga mambabatas kahit hindi
sila nkaharap sa telebisyon para maintindihan ng bayan. At hinsi nag-iisa ang Pangulong
Benigno C. Aquino III sa pagtatalumpati sa wikang Filipino. Tunay nga na kapag nangyari ang
mga bagay na ito ay maikukunsidera na ang paggamit sa Filipino bilang wika ng komunikasyon
ay nasa mataas na antas na o higit pa.

Mga Gawain

Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasan na lumikha ng tatlong meme na sumasalamin sa mga
gampanin ng Filipino bilang wika ng komunikasyon. Ang bawat meme ay kakatawan sa ideya ng
mag-aaral bilang isang estudyante sa kolehiyo, bilang guro sa hinaharap, at bilang isang Filipino.
Maaaring gamitin ang mga larawan na palasak ng ginagamit sa social media ngunit siguraduhing
ang mga salita ay manggaling sa kaisipan ng bawat mag-aaral. Kasama sa criteria sa rubrik ang
orihinalidad. Ang awtput ng mga mag-aaral ay muling isusumite sa Facebook Private Group ng
klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring
i-type ang mga linya o iskrip sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat
gamit ang messenger. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.

Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasan na gumawa ng isang vlog na nagpapakita ng kanyang
karaniwang ginagawa sa tahanan gamit ang wikang Filipino. Inaasahang hindi gagamit ng
wikang banyaga ang mga mag-aaral sa vlog. Ang kanilang vlog ay tatagal lamang ng 1 hanggang
3 minuto. Ang awtput ng mga mag-aaral ay muling isusumite sa Facebook Private Group ng
klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring
i-type ang mga aktibidad sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit
ang messenger. Mainam din kung matatawagan ng guro ang mga mag-aaral para sa aktibidad na
ito. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
Rubrik sa Meme

Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan


Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Nilalaman Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang meme at ang Naging malamlam ang punto at
meme at pagtalakay sa paksa, pagkakalahad ng paksa, pagtalakay sa meme at hindi
malinaw na nailahad ang mga nagtataglay ng mga importanteng kakikitaan ng mga mahahalagang
impormasyon, kompleto ang mga detalye subalit hindi nito napatibay impormasyon na magpapatibay sa
detalye at kakikitaan na dumaan sa ang ang mga impormasyong paksang iniatas.
masusing pag-iisip ang vlog. nakalagay sa meme.

Mekaniks Lubhang mahusay at lohikal ang Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng kompletong
pagkakahanay ng mga pagkakahanay ng impormasyon, impormasyon subalit hindi
impormasyon, naiorganisa ang mga naiorganisa ang mga detalye, naihanay ng lohikal ang mga
detalye, maayos ang pagkakagamit nagamit ang mga pang-ugnay para detalye na magpapatibay sa
ng mga pang-ugnay para mailahad mailahad ang tindig. Ang ideyang tinatalakay. May bahagi
ng buong husay ang tindig, may paliwanag ay malinaw at ng meme na nakapagdulot ng
kaisahan ang mga ideya, at naging makabuluhan subalit kinakulangan kalituhan sa manonood dahil sa
malinaw, mahusay at makabuluhan ng mga salitang magpapaigting ng ilang pahayag na hindi kaugnay ng
ang pagtalakay sa paliwanag. pagkaunawa ng mambabasa ng paksa. Lumabis o kumulang sa
Sumunod sa tinalagang anyo at meme. tinalagang anyo at nilalaman ang
nilalaman ang meme. meme.

Pagkamalikhai Malikhain at mapanghikayat ang Malikhain ngunit hindi Hindi mlikhain at mapanghikayat
n presentasyon ng impormasyon sa mapanghikayat ang presentasyon ang presentasyon ng
ginawang meme. Nagpapakita ng ng impormasyon sa ginawang impormasyon sa ginawang meme.
matalinong gamit ng Filipino meme. Nagamit ang Filipino Hindi nagpapakita ng matalinong
bilang wika ng komunikasyon bilang wika ng komunikasyon sa gamit ng Filipino bilang wika ng
ang meme. meme. komunikasyon ang meme.

Orihinalidad Ang mga meme ay orihinal. Ang mga meme ay hindi orihinal.

Kabuuang
Iskor
Rubrik sa Vlog

Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan


Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Nilalaman Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang pagkakalahad ng Naging mahaba ang pagtalakay sa
pagtalakay sa paksa, malinaw na paksa, nagtataglay ng mga vlog at hindi kakikitaan ng mga
nailahad ang mga impormasyon, importanteng detalye subalit hindi mahahalagang impormasyon na
kompleto ang mga detalye at nito napatibay ang ang mga magpapatibay sa paksang
kakikitaan na dumaan sa masusing impormasyong tinalakay sa vlog. tinatalakay.
pag-iisip ang vlog.
Mekaniks Lubhang mahusay at lohikal ang Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng kompletong
pagkakahanay ng mga pagkakahanay ng impormasyon, impormasyon subalit hindi
impormasyon, naiorganisa ang mga naiorganisa ang mga detalye, naihanay ng lohikal ang mga
detalye, maayos ang pagkakagamit nagamit ang mga pang-ugnay para detalye na magpapatibay sa ideyang
ng mga pang-ugnay para mailahad mailahad ang tindig. Ang paliwanag tinatalakay. May bahagi ng vlog na
ng buong husay ang tindig, may ay malinaw at makabuluhan subalit nakapagdulot ng kalituhan sa
kaisahan ang mga ideya, at naging kinakulangan ng mga salitang manonood dahil sa ilang pahayag
malinaw, mahusay at makabuluhan magpapaigting ng pagkaunawa ng na hindi kaugnay ng paksa.
ang pagtalakay sa paliwanag. manonood sa paliwanag. Lumabis o kumulang sa tinalaga
Sumunod sa tinalaga ang vlog. ang vlog.
Kaakmaan sa Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang pagkakalahad ng Naging mahaba ang pagtalakay sa
paksa ng pagtalakay sa paksa, malinaw at paksa, nagtataglay ng mga paksa at hindi kakikitaan ng mga
gawain akma ang larawang ginamit, importanteng detalye subalit hindi mahahalagang impormasyon na
kompleto ang mga detalye at nito napatibay ang ang mga magpapatibay sa paksang
kakikitaan na dumaan sa masusing impormasyong tinalakay sa paksa. tinatalakay.
pagiisip.
Kasanayan sa Magaling at angkop ang kilos, Angkop ang kilos, galaw at kumpas Madalas ang mga pagkakataon na
Pagsasalita galaw at kumpas sa nilalaman ng na kinakailangan sa talumpati, hindi angkop ang kilos at galaw sa
vlog; kumikilos ng naaayon sa ngunit may mga pagkakataong nilalaman ng vlog, o may
paraang mabibigyang-diin ang blanko ang emosyon na hindi kakulangan sa kinakailangang
sinasabi. tumutugon sa pinapahayag. emesyon.

Kabuuang
Iskor
SANGGUNIAN
Almario, Virgilio S. 2014. “Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa.” Komisyon sa
Wikang
Filipino. San Miguel, Maynila.

Departamento ng Filipino ng DLSU. 2014. “Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng


Bawat
Lasalyano.” Manila Today. Agosto 2014. http://www.manilatoday.net/pagtatanggol-sa-
Wikang-filipino-tungkulin-ngbawat-lasalyano/

Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng UPD. 2014. “Pahayag para sa


Pagpapatibay
ng Wikang Filipino Bilang Mga Sabjek sa Kolehiyo.” Manila Today. June 18, 2014.
http://www.manilatoday.net/pahayag-para-sa-pagpapatibay-ng-wikang-filipino-bilang-
mga-sabjek-sa-kolehiyo/ or http://upd.edu.ph/-
updinfo/jun14/articles/pahayag%20ng%20dfpp%20laban%20sa%20ched%20ge%20curri
culum.pdf.

Executive Order No. 335. 1988. “Enjoining All Departments/Bureaus/Offices/Agencies/


Instrumentalities of The Government to Take Such Steps as Are Necessary for The
Purpose of Using Filipino Language in Official Transactions, Communications and
Correspondence.” https://www.officialgazette.gov.ph/1988/08/25/executive-order-no-
335-s-1988/

Kagawaran ng Filipinohiya ng PUP. 2014.”Panatilihin Ang Asignaturang Filipino Sa Kolehiyo:


Huwag Patayin Ang Pambasang Karapatan Ng Wikang Filipino, Mga Guro Ng Filipino,
Kabataang Pilipino At Mamayang Pilipino.” June 19, 2014. http://www.facebook.com/
notes/kirt-john-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-ng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-
sa-pagtatanggol-ng/727134210658842/

Kagawaran ng Filipino ng ADMU. 2014. “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng


Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat sa CHED
Memorandum Order No. 20, Series of 2013.” Manila Today. Hunyo 21, 2014.
http://www.manilatoday.net/ang-paninidigan-ng-kagawaran-ng-filipino-ng-pamantasang-
ateneo-de-manila-sa-suliraning-pangwika-sa-kasalukuyan/

Philippine Constitution. 1987. The 1987 Constitution of the Republic of the Philippines – Article
XIV. https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/the-1987-constitution-of-the-republic-
of-the-philippines/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines-article-xiv/

San Juan, David Michael M. 2014. “12 Reasons to Save the National Language”. Rappler.
August
11, 2014. https://rappler.com/voices/ispeak/san-juan-save-national-language

San Juan, David Michael M. et al. 2018. Piglas Diwa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
Filipino. Mutya Publishinh House. Malabon City.

You might also like