You are on page 1of 3

DLP Blg.

:21 Asignatura:
DETAILEDAraling Baitang: 5
LESSON PLAN Markahan: 1 Oras: 40
Panlipunan Minuto
Mga Kasanayan Code:
Natatalakay ang mga uri ng lipunan sa iba’t-ibang AP5PLP-If-6
bahagi ng Pilipinas.
Susi ng Pag-unawa na Dalawa ang uri ng pamahalaan ang naitatag noon – ang Barangay at
Lilinangin: Sultanato. Ang una ay pinamumunuan ng Datu at ang Sultanato
naman ay ang uri ng pamahalaang itinatag ng mga Muslim na
pinamumunuan ng isang Sultan
1. Mga Layunin:
Kaalaman Natatalakay ang iba’t-ibang kabuhayan at mga produktong
pangkalakalan sa Sinaunang Panahon.
Kasanayan: Nakagagawa ng poster na nagpapakita ng iba’t-ibang kabuhayan at
mga produktong pangkalakalan sa Sinaunang Panahon
Kaasalan: Nailalarawan ang pagpapahalaga sa iba’t-ibang kabuhayan at mga
produktong pangkalakalan sa Sinaunang Panahon.
Kahalagahan: Nakatutulong sa kaayusan ng kapaligiran.
2. Nilalaman Organisasyong Panlipunan: Barangay at Sultanato
3. Mga Kagamitang
Pampagtuturo Projector, Laptop, TV, mga larawan, tsart, flashcards
4. Pamamaraan
4.1. Panimulang Gawain (2 minuto)

Pagbabalik-aral
Ano ang masasabi ninyo sa lipunan ng mga Sinaunang Pilipino? Dapat banating ipagmalaki ang
Sinaunang Lipunan? Bakit?
Mga bata ano ang tawag natin sa lugar/pook kung saan tayo nakatira ngayon? Ano ang tawag sa
namumuno sa ating pamayanan?

4.2. Mga Gawain/Estratehiya (8 minuto)


Hatiin sa apat na pangkat ang buong klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng meta strips
kung saan may nakasulat na mga salita. Ang gagawin nila ay isaayos ang mga salita sa
meta strip upang mabuo nila ang kahulugan pamahalaang barangay, sultanato, at ang
pinuno ng mga ito.
 Barangay- ang pamayanang binubuo ng 30 hanggang 100 na pamilya.
 Sultanato- uri ng pamahalaang itinatag ng mga Muslim sa Mindanao.
 Datu- ang tawag sa pinuno sa barangay.
 Sultan- ang pinuno sa isang pamahalaang sultanato.

4.3. Pagsusuri (2 minuto)


Ano ang masasabi ninyo sa pangkatang gawain ninyo? Madali lang ba ninyong nagawa ito?
Bakit?
Lahat ng gawain kapag may pagtutulung-tulungan ay madaling matapos at magaan gampanan.
4.4. Pagtatalakay (12 minuto)
Pamahalaang Barangay
Ang bawat pamayanang binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya na pinamumunuan ng isang datu o
raja ay tinatawag na barangay. Ito ang batayang yunit ng pamahalaan ng ating mga ninuno. Ang
salitang barangay ay hango sa salitang Malayo-Polynesian na “balanghay” (balanghai) na
nangangahulugang “bangka”. Isang sasakyang-pandagat na ginagamit ng mga sinaunang Pilipinong
nanirahan sa kapatagan. May paniniwalang sa mga bangkang ito sumakay ang mga unang taong
nakarating sa ating bansa.
Ang bawat barangay ay may sarili at malayang pamamahala kaya’t walang matatawag na hari o
pinakapinuno ng lipunan. Ang bawat barangay ay may kani-kaniyang pinuno at batas na umiiral.
Datu ang tawag sa pinuno ng barangay. Ang namumuno naman sa higit na malaking barangay ay
tinatawag na raja o lakan. Siya ang nagsisilbing tagapagbatas, tagapagpaganap, at tagahukom. Siya
rin ang itinuturing na punong military sa pamayanan. Sa pagpili ng datu, tinitingnan ang lakas, tapang,
at tatag ng loob ng isang tao upang matiyak ang kakayahan nitong ipagtanggol ang kanyang barangay
sa mga kaaway. Ang pagiging datu ay maaaring mamana. Kapag namatay ang datu na walang na
babae o lalaki, ang mga tao sa barangay ang pipili ng bagong datu ngunit siya ay dapat
pinakamayaman, pinakamakisig, pinakamatapang at pinakamatalino.Malaki ang bahaging
ginagampanan ng matatanda sa barangay kaya’t may konsehong binubuo ng matatandang
mamamayan ng barangay. Sila ay katu-katulong ng datu sa paghuhukom, paggawa ng batas, at
pagpapasya sa mga bagay na nangyayari sa barangay.
Maayos ang ugnayan ng mga tao sa barangay. Sila tulong-tulong na gumagawa, nagdadamayan
sa panahon ng kagipitan, at sama-samang nagsasaya sa panahon ng mahahalagang pagdiriwang sa
tribo.
Nagkakaroon ng relasyon ang isang barangay sa isa pang barangay dahil sa komersiyo o
kalakalan, kasunduan sa pakikipaglaban, at pagkakaisa. Ang kasunduan ito ay pinagtibay ng sandugo.
Ang sanduguan ay isang ritwal na ginagawa ng dalawang datu sa isang lugar kasama ang kanilang
nasasakupan. Hihiwain ng dalawang datu ang kanilang bisig at ang dugong aagos sa kanilang sugat ay
ilalagay sa isang kabibe o kaya naman ay ihahalo sa alak saka inumin bilang simbolo ng kanilang
pagkakaisa. Nangangahulugan itong kapwa sila nagpasailalim sa mga batas o kautusang itinakda ng
barangay na kanilang nasasakupan.

Pamahalaang Sultanato

Sultanato ang uri ng pamahalaang itinatag ng mga Muslim sa Mindanao. Sa Sulu itinatag ang
unang sultanato.
Ang Sultanato ay higit na malaki kaysa barangay. Ito ay binubuo ng sampu hanggang
labindalawang nayon o higit pa. Sultan ang tawag sa pinuno ditto.
May dalawang paraan ng pagiging sultan. Una, ang posisyon ng sultan ay namamana sa dahilang
naniniwala ang mga Muslim na ang isang sultan ay dapat na magmula sa lahi ng propetang si
Mohammed.
Ang ganitong mga sultan ay madaling sinusunod bilang pagbibigay-galang sa mga lahi ng
kanilang propeta. Ikalawa, maaari ring maging sultan ang pinakamayaman sa lugar o pamayanan.
Bilang pinuno, ang sultan ang siyang punong tagapagpaganap, tagapagbatas, at tagahukom.
Tungkulin din niyang pangalagaan ang kapakanan ng kanyang nasasakupan kaya’t siya ang namuno
sa mga labanan gayundin sa mga tungkuling panrelihiyon gaya ng pananalangin sa moske, pagbasa
ng Koran, at iba pang pagdiriwang sa Islam.
Ang Ruma Bichara ang konseho ng Estadong katulong ng sultan upang magpayo tungkol sa
usaping pananalapi, pagpaplano, at paggawa ng batas. Ito ay karaniwang. Ito ay karaniwang binubuo
ng pinakamayayaman pinakamakapangyarihang mga datu.
Ang qadi o hukom at ang Ulema o iskolar naman ang gumagabay sa sultan upang magampanan
ang mga gawaing panrelihiyon dahil sila ay bihasa sa Koran. Bukod sa mga nabanggit na katulong ng
sultan ay mayroon din silang tinatawag na raja muda – tagapagmana ng trono, wazir, ang punong
ministro; mulik bandarasa, kalihim ng sultan, mukik cajal, kalihim sa pakikidigma.
Pandita- iba pang tagapayong panrelihiyon; at panglima- ang kumakatawan sa sultan sa
malalayong lalawigan.
.
4.5. Paglalapat (6 minuto)
Anu-ano ang mga tungkulin ng isang Datu? ng Sultanato? At mga tungkulin at karapatan ng mga
tao?
Ang mga tungkulin ng Datu ay ang sumusunod:
1. Panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa kanyang pamayanan.
2. Ipagtanggol ang nasasakupan laban sa kaaway.
3. Pangalagaan ang bawat mamayan. Tulungan ang mga maysakit o nangangailangan.
4. Magbigay ng payo.
5. Mamuno nang makatarungan at naaayon sa matandang kaugalian at mga batas.
Mga Tungkulin at Karapatan ng mga Tao
Tulad sa ngayon, may mga tungkulin at karapatan ang bawat miyembro ng barangay. Bagamat
naiiba, ang mga ito ay alinsunod sa kanilang matatandang tradisyon. Ilan sa kanilang mga tungkulin ay:
1. Igalang at maglingkod nang tapat sa kanilang pinuno.
2. Sumunod sa mga batas at mg autos ng datu.
3. Magbayad ng buwis,
4. Tumulong sa pagtatanim sa bukirin, pangangaso at pangingisda para sa datu.
5. Ipagtanggol ang kanilang barangay sa panahon ng digmaan.
Ang mga karapatan nila ay:
1. Makapamili ng kanilang hanapbuhay.
2. Makapamili ng kanilang mapapangasawa.
3. Mag-angkin ng mga ari-arian tulad ng lupa, bahay, mga hayop at iba pang mga kagamitan.
4. Ipagtanggol ang sarili kung sila ay nahaharap sa kaso laban sa kanila.

5. Pagtataya
(6 minuto)
a. Pagmamasid
b. Pakikipag-usap sa mga
Mag-aaral/ Kumperensiya
c. Pagsusuri sa mga
Produkto ng mga Mag-aaral
d. Pasulit I. Pagtapatin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong saguttang papel.
A B
1. Adat A. banal na aklat ng mga Muslim.
2. Barangay B. tanda ng pagkakapatiran ng mga
pinuno ng barangay.
3.Umalahokan C. relihiyon ng mga Muslim
4. Sultanato D. pinuno ng barangay
5. Islam E. ang mga batas sa sultanato
6.Lubluban F. ito ay binubuo ng 30 hanggang 100
na pamilya
7. Sultan G. ang tawag sa namumuno sa
pamahalaang sultanato
8. Datu I. pamahalaan ng mga Muslim
6. Takdang Aralin
(2 minuto)
 Pagpapatibay/
Pagpapatatag sa
asalukuyang aralin
 Pagpapayaman/
pagpapasigla sa
kasalukuyang aralin
 Pagpapalinang/ Ano sa palagay mo ang kaibahan ng barangay noon sa barangay sa
pagpapaunlad sa kasalukuyan?
kasalukuyang aralin
 Paghahanda para sa
bagong aralin
7. Paglalagom/Panapos na Tumawag ng dalawang bata na makapagsabi sa kaibahan ng
Gawain barangay at ng sultanato.

Inihanda ni:

Name: Dabe O. Catadman School: Odlot Elementary School


Position/Designation: Teacher I Division: City of Bogo
Contact Number: 09177864708 Email Address: dabe.catadman@deped.gov.ph

You might also like