You are on page 1of 3

DLP Blg.

:23 Asignatura:
DETAILED Baitang: 5
LESSON PLAN Markahan: 1 Oras: 40
Araling Minuto
Panlipunan
1. Mga Kasanayan Natatalakay ang papel ng batas sa kaayusang Code:
panlipunan. AP5PLP-If-6
Susi ng Pag-unawa na Lilinangin: Ang mga batas ay mahalaga sa pagkakaroon ng katahimikan at
kaayusan sa bansa. Ito ang nagsisilbing gabay o pamantayan
sa ating pakikisalamuha upang mapangalagaan ang karapatan
at kaligtasan ng mga mamamayan.

Mga Layunin:
Kaalaman Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga batas sa isang bansa.
Kasanayan: Nalilinang ang batas na pinaiiral ng mga sinaunang Pilipino.
Kaasalan: Napapahalagahan ang mga batas sa kaayusang panlipunan.
Kahalagahan: Naipapakita ang pagsunod sa mga batas para sa kapayapaan
at kaayusang panlipunan.
2. Nilalaman
Sinaunang Panlipunang Pilipino
3. Mga Kagamitang Pampagtuturo
Projector, Laptop, TV, Mapa ng Pilipinas, mga larawan
4. Pamamaraan
4.1. Panimulang Gawain (2 minuto)
Pagbabalik-aral:
Anu-ano ang mga antas ng katayuan ng tao sa lipunan noong unang panahon?
Anong pangkat ang binubuo ng malalayang tao at mga napapalayang alipin?
Mahalaga ba ang batas sa isang bansa? Ano kaya ang mangyayari sa isang bansa kung walang
batas na ipinatutupad? Nais ninyo bang tumira sa lugal na walang batas na kinikilala ang mga tao?
Bakit?
4.2. Mga Gawain/Estratehiya (8 minuto)
Hatiin sa 4 na pangkat ang mga bata. Gumawa ng isang Venn Diagram. Bigyan ng meta strips ang
mga bata na may nakasulat na mga kalagayan ng isang bansang walang batas para sa kaayusang
panlipunan at ng bansang may batas na dapat sundin ng mga mamamayan.

May Batas na sinusunod BANSA Walang batas na pinaiiral

Bawat pangkat ay bibigyan ng 3 meta strips. Unang pangkat- pula, Ikalawang pangkat- berde,
Ikatlong pangkat- dilaw, Ikaapat na pangkat- asul.
Idikit ng mga bata sa Venn Diagram ang mga meta strip kung saan sa palagay nila ito nabibilang.

4.3 Pagsusuri (2 minuto)


Pag-uulat ng mga bata sa kanilang mga kasagutan.
Ano ang masasabi ninyo sa katatapos lang na pangkatang gawain ninyo? Tingnan ang Venn
Diagram, ano ang nakikita ninyo?
4.4. Pagtatalakay (12 minuto)
Dapat bang pahalagahan ang mga batas ng isang bansa? Bakit? Ano kaya ang mangyayari sa
isang pamayanan kapag walang batas na sinusunod ang mga tao?
Mga Batas ng Barangay
Ang mga sinaunang batas ay mauuri sa dalawa ___ nakasulat at hindi nakasulat. Batay sa mga
kaugalian at tradisyon ang mga hindi nakasulat na batas sa barangay. Nagpasalin-salin ang mga ito sa
mga henerasyon sa pamamagitan ng pagkukwento, pangangaral at patuloy na paggamit.
Sa ilang mga barangay, ang gumagawa ng mga nakasulat na batas ay tinatawag na Lubluban.
Ngunit ang datu ang karaniwang tagagawa ng mga batas, katulong ang kanyang mga tagapayo.
Ipinapahayag naman ang mga batas sa pamamagitan ng umalohokan o tagapagbalita sa barangay.
Bahagi ng mga batas sa barangay ang ukol sa paggalang sa mga magulang at matatanda, parusa
sa pagnanakaw, pagtataksil, pandaraya, pagsasamantala at hindi pagsimba at pagmamay-ari ng lupa.
May kaukulang parusa sa bawat paglabag sa batas. Naaayon ito sa uri at bigat ng krimen o
paglabag sa batas.
Mga Batas ng Sultanato
Tinatawag na adat ang mga batas sa sultanato. Batay ito sa mga katutubong kaugalian at
tradisyon at sa mga aral na mula sa Koran. May mga batas ukol sa pag-aasawa, pagmamay-ari ng
mga lupain, pagbabayad ng buwis, pagpapamana, kalakalan at mga krimen laban sa tao at ari-arian.
Mahigpit ang pagpapatupad ng mga ito na nangangahulugang hindi dapat suwayin ang adat upang
hindi maparusahan nang kamatayan o pagpapahihirap.
Ang salita ng sultan ay itinuturing na batas sa sultanato. Walang makasusuway rito. Dahil sa ang
sultan ay kinikilalang mula sa angkan ni Muhammad, ang pagsuway sa mg autos niya ay itinuturing na
pagsuway na rin sa mga aral ng Islam.
Ano ang dapat nating gawin sa mga batas? Mahalaga ba ang mga batas sa isang pamayanan?
Bakit?

4.5 Paglalapat (6 na minuto)

Kumuha ng isang kalahating papel (crosswise).Sumulat ng 5 pangungusap kung bakit mahalaga ang
papel ng batas sa kaayusang panlipunan.
5. Pagtataya (6 minuto)
a. Pagmamasid
b. Pakikipag-usap sa mga Mag-
aaral/Kumperensiya
c. Pagsusuri sa mga Produkto ng Sa isang kalahating papel (crosswise) ipaliwanag ang
Mag-aaral kahalagahan ng batas sa kaayusang panlipunan.
d. Pasulit
6. Takdang Aralin (2 minuto)
 Pagpapatibay/Pagpapatatag
sa kasalukuyang aralin
 Pagpapayaman/ Sa inyong pamayanan, anu-ano ang mga batas na
Pagpapasigla sa ipinapatupad?
kasalukuyang aralin
 Pagpapalinang/ .
Pagpapaunlad sa
kasalukuyang aralin
 Paghahanda sa Bagong
aralin
7. Paglalagom/Panapos na Ang guro ay tatawag ng 3 mag-aaral upang makapagbibigay ng
Gawain buod sa paksang tinatalakay.

Inihanda ni:

Name: Dabe O. Catadman School: Odlot Elementary School


Position/Designation: Teacher I Division: City of Bogo
Contact Number: 09177864708 Email Address: dabe.catadman@deped.gov.ph

You might also like

  • DLP#13
    DLP#13
    Document2 pages
    DLP#13
    April Catadman Quiton
    No ratings yet
  • DLP #17
    DLP #17
    Document3 pages
    DLP #17
    April Catadman Quiton
    100% (2)
  • DLP #16
    DLP #16
    Document2 pages
    DLP #16
    April Catadman Quiton
    100% (1)
  • DLP#14
    DLP#14
    Document2 pages
    DLP#14
    April Catadman Quiton
    No ratings yet
  • DLP #15
    DLP #15
    Document3 pages
    DLP #15
    April Catadman Quiton
    100% (1)
  • DLP#17
    DLP#17
    Document2 pages
    DLP#17
    April Catadman Quiton
    No ratings yet
  • DLP#12
    DLP#12
    Document2 pages
    DLP#12
    April Catadman Quiton
    No ratings yet
  • DLP 27-35
    DLP 27-35
    Document24 pages
    DLP 27-35
    April Catadman Quiton
    No ratings yet
  • DLP24
    DLP24
    Document2 pages
    DLP24
    April Catadman Quiton
    No ratings yet
  • DLP 1-9
    DLP 1-9
    Document23 pages
    DLP 1-9
    April Catadman Quiton
    No ratings yet
  • DLP#11
    DLP#11
    Document2 pages
    DLP#11
    April Catadman Quiton
    No ratings yet
  • DLP25
    DLP25
    Document4 pages
    DLP25
    April Catadman Quiton
    No ratings yet
  • DLP21
    DLP21
    Document3 pages
    DLP21
    April Catadman Quiton
    No ratings yet
  • Filipino 3
    Filipino 3
    Document1 page
    Filipino 3
    April Catadman Quiton
    No ratings yet
  • DLP18
    DLP18
    Document3 pages
    DLP18
    April Catadman Quiton
    No ratings yet
  • GV Fil Last
    GV Fil Last
    Document3 pages
    GV Fil Last
    April Catadman Quiton
    No ratings yet