You are on page 1of 18

Pagtuturo ng Filipino

sa Elementarya 2
Panitikan sa Pilipinas
Ano nga ba ang panitikan ?
Panitikan
• Ang salitang panitikan ay binubuo ng PANG – na
unlapi , ng salitang – ugat at ng AN na hulapi.
• “PANGTITIKAN”
• Nagiging PAN ANG PANG kung inuunlapi sa
salitang nagsisimula sa mga titik D,L,R,S,T.
• Kaya’t sa halip na pangtitikan ay nagiging
panitikan na ang katumbas sa Ingles ay Literature
at literature sa kastila na nangangahulugang titik.
• Ang panitikan ay panulat nagsasabi o nagpapahayag ng
mga kaisipan, mga damdamin mga karanasan, hangarin at
diwa ng mga tao.
• Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

• “Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao


tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay,
sa pamamahala sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang
kaluluwa sa Dakilang Lumikha” ( G. Azarias)
• “ Ang panitikan ay bungang-isip na isinatitik”. – ( G.
Abadilla)
Dalawang uri ng panitikan
PIKSYON – sumasaklaw sa mga uri ng
panulat na walang katotohanan, kathang isip
o gawa-gawa lang.

DI PIKSYON- uri ng panitikan na nagsasaad


ng totoong kwento.
Dalawang anyo ng Panitikan

•PROSA/ TULUYAN
•PATULA
Dalawang anyo ng Panitikan
• Prosa / tuluyan – anyo ng panitikan na patalata o
ang karaniwang takbo ng pangungusap at
gumagamit ng payak at direktang paglalahad ng
kaisipan.
• Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga
pangungusap ng may akda.
• Maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula,
talambuhay, sanaysay at iba pa.
Dalawang anyo ng Panitikan

• PATULA – anyo ng panitikan na pataludtod,


may sukat at tugma o malayang taludturan at
gumagamit ng masining at matalinghagang
salita.
- Tulang liriko , tulang pasalaysay , tulang
pagtatanghal at patnigan.
Uri ng akdang tuluyan
• Pabula – ito ay mga maikling kwento na ang tauhan ay mga hayop at
nagtuturo ng leksyon sa mga mambabasa.

• Parabula – maikling kwento na kadalasan ay may pagkakapareha


sa mga kwento sa Bibliya.

• Alamat- ito ay panulat na nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay.


Ito ay kadalasang piksyon.

• Maikling kwento- ito’y salaysaying may isang tauhan, may isang


pangyayari at kakintalan.
• Talumpati – ito’y isang pagpapahayag na binibigkas sa
harap ng mga tagapakinig . ( isang opinion ang binibigkas)
• Sanaysay – ito’y pagpapahayag ng opinion o kuro-kuro ng
may akda tungkol sa suliranin o nangyayari. ( opinyon na
sinusulat )
• Dula – itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan.
• Balita – paglalahad ng pang-araw-araw na pangyayari sa
lipunan.
• Kasaysayan – ito ay isang tala o mga nakasulat tungkol sa
mga pangyayari sa kasaysayan.
• Talambuhay – ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang
tao .
• Nobela – ito’y mahabang salaysaying nahahati sa mga
kabanata. Ginagalaw
• an ito ng maraming tauhan.
• Ang mahalaga sa panitikan ay ang PAGBASA.

1. Nagbabasa siya upang makapagtamo ng


mahalagang impormasyon.
2. Nagbabasa maiingganyo at iba pa.
• May iba pang nagagawa ang pagbabasa. Lalo’t
higit ang pagbabasa ng panitikan.

• Napapatawa ka nito.. Napapakislot.. Kakaligkigin


ka rito at kung minsa’y papawisan ka ng malapot.

• Nabibigyan ka ng bagong tainga at mata.. Bagong


kaisipan.. Bagong damdamin.
• Tandaan …
“ ang panitikan ay hindi hanguan ng
impormasyon. IKAW ANG PANITIKAN..
Nananatiling nakalimbag lamang ang mga
salita sa isang babasahing panitikan hanggat
hindi ito binubuhay.
IKAW ANG MAGBUBUHAY …. MAGBIBIHIS
MAGBIBIGAY NG BAGONG ANYO SA AKDA”.
ANG PAGBASA NG PANITIKAN
• Ang pagbasa ng panitikan ay hindi lamang naka pokus so
PROSESO ng pagkuha ng kahulugan ngunit kasangkot din
dito ang pagbuo ng kahulugan.

• Sabi ni Rushdie ( 1990) bawat isa sa atin ay may taglay na


“laybrari” na imbakan ng mga kwentong walang
kaayusan ang pagkakabuo.
• Ang mga kwentong ito’y maaaring magbago at maging
bagong bersyon o di kaya nama’y maaari itong idugtong
sa iba pang kwento at maaaring kaiba sa naunang kwento.
• Samakatuwid, ang pagbabasa ng panitikan ay
hindi lamang nakatuon sa pag-unawa ng isang
teksto.
• Sa pagbabasa ng isang akda, lumilikha ang isang
mambabasa ng isang daigdig na bunga ng
dalawang imahinasyon – ang imahinasyon ng
mambabasa at may akda.
https://philnews.ph/2019/07/15/ano-ang-panitikan-kahulugan-ng-pani
tikan-mga-halimbawa/

You might also like